Chapter 5

1938 Words
HINDI ALAM ni Second ang gagawin sa sobrang pagkataranta. Naiiyak na siya dahil sa nakakaawang anyo ni Mimi. Hindi ito makahinga, hapong hapo habang ang mga luha ay masaganang dumadaloy sa mukha. She's weak and fragile. Palaban at matapang ito pero ang totoo mahina, kaya buhay prinsesa kung ituring ng mga magulang at ng kanilang pamilya. "Princess, wag bibitaw ha?" Agad niya itong binuhat upang sa hospital. Kahit ang inhaler na dala niya hindi na nagawang gamitin. Lahat silang magkakapatid may dala n'on para saan mang lugar atakihin ng hika ang dalagita mapapakalma. Pero sobrang lala ng sitwasyon ngayon kaya alam niyang kahit clinic ng school hindi kakayaning ihandle. Mabuti nalang at sinundan niya ito nang makitang tumatakbo. "Kuya Second, anong nangyayari?" Puno rin ng pag-aalala ang mukha ni Third, tulad niya tumakbo rin ito para habulin si Mimi. "Third, kunin mo ang kotse pupunta tayo ng hospital, then call Tita My and Tito Dy, malala ang kondisyon ni Princess," sabi niya habang tumatakbo papunta sa parking lot. Wala nang naging tanong ang kapatid, mas mabilis na tumakbo papuntang parking lot. Alam niyang kahit ito naiiyak na rin. Naranasan na nila ang ganitong sitwasyon noong unang atakihin si Mimi noong seven years old ito, maputla at parang wala ng dugo. Paisa isa nalang ang paghinga nito noon dahil hinabol ng aso kaya napilitang tumakbo ng malayo. Inataki sa mismong harapan nila. Ang pagkakaiba nga lang sa panahong 'yon ang Kuya First niya ang bumuhat kay Mimi. Nag-igting ang kanyang panga nang maalala ang nakakatandang kapatid. Siguradong ikaw ang dahilan kung bakit inataki siya. Ikaw lang naman palagi ang pinagkakaabalahan nito. Nakita niya ang kuya niyang kahalikan ang babaeng instructor nito na ilang taon lang ang tanda sa kanya. Ang pagkakaalam niya magbestfriend ang dalawa. Hindi niya 'yon pinansin, may kanya kanya silang buhay. Nagkaroon lang siya ng pakialam nang makitang tinatahak ni Mimi ang direksyon na pinagmulan ng dalawa. "Magsitabi kayo," sigaw niya sa mga estudyanteng nakikiusyuso. Kung may pagkakataon lang pagsusuntukin niya ang mga ito. "Kuya, dalian mo," salubong ni Third. Nakuha na ang sasakyan, inalalayan siya nito sa pagbuhat kay Mimi at maingat nilang ipinasok sa kotse. "Ako na ang magdadrive para mas mabilis lalo at wala ka pang lisensya." Agad na sinang-ayunan ng nakakababatang kapatid ang desisyon niya. "Ipatake mo sa kanya ang inhaler para kahit papaano kumalma siya." Sinunod ni Third lahat ng sinabi niya. Nakita niya pang niyakap nito ang dalagita habang maingat na inaalalayan sa back seat. Napakaputla na ng buong mukha nito, ang malalambot na mga palad ay nanlalamig at ang mga labi ay nangingitim. Sa bilis ng kanyang pagpapatakbo ilang minuto lang nakarating na sila sa hospital. Wala silang sinayang na oras. Agad na ibinaba si Mimi. "Emergency," sigaw niya nang makapasok sa bukana ng hospital. Nagmamadaling nagsikilos ang mga nurse at doktor. Kilala sila sa hospital dahil investor ang mga Castillion at ang mga De Vera dito. Ang pamily ni Mimi. "Careful," sabi ng nurse. Inilagay nya si Princess sa stretcher. Inasikaso at ipinasok agad ito sa emergency room habang sila ni Third parehong nanghihinang napaupo sa waiting area.. Hingal na hingal sila pareho, mga pula ang mata sa nagbabagyang luha. "Ti-Tinawagan ko na sina Tita My, on the way na raw," nauutal na sabi ni Third. Napahilamos. "Kung sana napigilan ko agad siya sa pagtakbo hindi sana aabot sa ganito. Nalingat kasi ako at hindi ko nasundan kung saan siya tumakbo." Tuluyang pumatak ang mga luha nito. Siya naman mariin na naikuyom ang mga kamao. "Si Kuya ang hinabol niya, kamake out ang instructor niya. Alam natin ang ugali ni Princess, magkamatayan man basta may kinalaman kay Kuya susuungin niya kahit bawal." Galit na galit siya. Mahal nila si Mimi bilang nag-iisang babaeng kinakapatid. Malambing, maalaga at masayahin kaya hindi mahirap pakisamahan at mahalin. Minsan poiled brat at may katarayan pero alama nito kung saan ilulugar ang ugali. Napapaiyak sila palagi kapag napapahamak ito. Inaasar nila palagi para kahit papaano mawala ang atensyon ng bata sa nakakatanda nilang kapatid. Dahil palagi nitong pinagtatabuyan. Walang kasing gago. "Wag mo akong aawatin kapag nasuntok ko siya mamaya," puno rin ng inis ang boses ni Third. Kapag sinuntok nito ang kapatid nila hindi siya aawat dahil balak niya ring suntukin para kahit papaano ay maalog ang utak at tumino. "Ayos 'yan, hindi porke't panganay siya wala na tayong karapatan na pagsabihan siya lalo na at hindi na tama ang ginagawa niya." "Second, Third kumusta ang baby ko?" Bumaling sila sa mga dumating, magulang ni Mimi. Naiiyak na salubong sa kanila ang mommy nito, kasunod ang asawa at mga kapatid nila. Agad silang napatayo at niyakap ang Tita My. "Nasa loob po, Tita My. Sorry po talaga at napabayaan namin si Princess, hindi namin napigilan nang tumakbo siya," hinging paumanhin niya. "Hindi niyo kasalanan. Salamat dahil hindi niyo iniwan ang baby ko." Mas lalong lumakas ang pag-iyak nito. "Kuya magiging okay ba si pangit?" Napatingin sila kay Seventh, umiiyak rin ito. Napangiti siya kahit na may luha rin ang mga mata. "She'll be okay Sev, huwag ka nang umiyak." Bahagya niyang ginulo ang buhok nito. Alam niya kahit nagtatalo at nag-aasaran ang dalawa kita niyang mahal din si Seventh ang dalagita. Crush nga ng kapatid niya. Tumingin siya sa kanyang mga magulang, yakap na ngayon ang kanyang tita. Naiintindihan niya ang reaksyon nila, nag-iisang anak si Princess Mimi kaya sobra sobra ang pagmamahal at pag-aalaga para dito. Magbestfriend ang ina nila at ang kanilang tita. Napakaimportante ng friendship para sa mga ito kaya iniintindi nila ang pagtataboy ni First sa unica ija ng mga ito. "Aalis po muna ako? May gagawin lang akong importante," paalam niya, agad na tumingin kay Third. Tumango naman ito at nagpaalam rin. Pumayag naman ang mga magulang. Hinawakan ng tito niya ang mga balikat nila at bahagyang tinapik, ngumiti. Hindi man ito nagsalita alam nilang nagpasalamat ito sa kanila. Naglakad sila papalabas ng hospital na iisa ang nasa isip. Ang suntukin ang kanilang nakakatandang kapatid. Pagdating nila sa parking lot, napahinto sila sa paglalakad. Saktong kabababa lang ni First sa sasakyan kasama ang bestfriend nito. Mas lalong umalsa ang kanyang inis at kumulo ang kanyang dugo nang makita na walang kasing hinhin na naglakad ang babae. Looks really can deceive, ha? Hindi sila napansin ng mga ito. Malalaki ang naging paghakbang niya at walang sabi sabing sinuntok ang kanyang kuya. Hindi ito handa kaya natumba habang hawak ang panga na tinamaan niya. "Grabe kuya at dinala mo talaga ang babaeng 'yan dito? Kapal ng mukha," puno ng hinanakit niyang sigaw. Salubong ang kilay na tumayo ito pero inundayan naman ni Third kaya muling bumagsak sa semento. Magkakaiba man ang mga edad nila, sa tangkad at laki ng katawan hindi nagkakalayo. Nagmura ito. Mas lalong nagngitngit sa galit si Secind. Simula nang ipanganak sila, ngayon lamang nangayari na umabot sa puntong silang mga nakakabata ang susuntok sa kanilang nakakatanda. Masakit sa loob nila ang katotohanan na ito ang dahilan ng paghihirap ni Princess. "Tama na, ano ba kayo hindi niyo manlang nirespeto ang kuya niyo. Mas matanda siya sa inyo kaya hindi niyo dapat ginagawa 'to," sabat ng bestfriend nito. Mahinhin. inaalalayan si First na makatayo. Mas lalo niyang naikuyom ang mga kamao. "Look who's talking." sarkastikong sagot ni Third. Nanunuya. Tinignan ang babae mula ulo hanggang paa na may pandidiri. Mabait silang sa taong mabait sa kanila pero kapag ganitong usapan, lumalabas ang pagiging mahilig nila sa basag ulo. Wala silang pakialam kung babae ito. Gusto niya rin itong saktan pero may konting awa at respeto pa sila sa babae. Kahit isa ito sa dahilan kung bakit malala ang lagay ng prinsesa nila. "Stop this nonsense. Huwag niyo siyang idamay dahil labas siya sa kung ano mang ikinakagalit niyo." Kalmado pa rin si First pero may diin ang bawat salita. "Labas? Sana naisip niya 'yan bago siya magsalita na parang parte ng pamilya, ni hindi nga masikmura nila mommy ang babaeng 'yan kahit pa napakabait nila. Tanda lang na nasa loob ang baho, umaalingasaw kahit pilit na itago." Tinapatan ni Second ang masamang tingin ni First. Ang babae nanatiling nakatingin sa kanila, hindi yumuko o nag-iwas ng tingin. Gusto niyang ipaalala dito kung saan ang lugar nito sa pamilya nila. Matagal na nilang kilala ang babae, sa sobrang tagal alam na nila ang kasamaan ng ugali nito. "Bakit ba umabot sa ganito First, it's not our fault kung masyadong assuming ang batang 'yon. Kay bata bata naglalandi na," sabat ulit nito. Nagngalit ang mga panga ni Second. Nagpantig ang kanyang tenga dahil sa mga salitang lumabas sa bibig nito. Mas nakakagalit, walang reaksyon ang kuya nila. "Atleast kahit bata totoo ang mga kilos at ipinapakita. Lantaran man ang pagkakandarapa walang itinatagong baho hindi katulad mo na parang hindi makabasag pinggan kung gumalaw pero nagagawang make out sa loob mismo ng university campus. Naturingan ka pa namang instructor." Hindi man niya ito masaktan ng pisikal, ayos na sa kanya na maisampal dito na dapat itong pandirian. "Daig mo pa ang mga stripper sa bar kasi ang mga 'yon kahit naghuhubad at nagpapagamit sa mga lalaki may dahilan hindi tulad mo, may dahilan ba ang pagiging malandi mo?" Sa pagkakataong 'yon siya naman ang bumulagta sa sahig sa malakas na suntok na pinakawalan ni First, tumama iyon sa gilid ng kanyang mga labi. Nalasahan niya ang dugo. Inalalayan siya ni Third upang makatayo. Pinahid niya ang dugo, ngumisi. "Shut your dirty mouth Second, pinagbigyan ko kayong suntukin ako pero hindi ko matatanggap na pagsasalitaan niyo siya ng ganyan. You don't know anything." Galit na ito. Nakatiim bagang, mariin ang pagkakakuyom ng mga kamao. "Mabuti pa siya nagawa mong ipagtanggol samantalang si Mimi ni minsan hindi mo trinato ng tama. At wala akong alam--kami? Kuya, bakit may ipinaalam ka ba?" "Let's stop this conversation. Wala itong patutunguhang maganda." Napailing siya. Hindi na niya kilala ang Kuya First na nakasanayan nila. Oo, palagi itong seryoso pero hindi ito masungit at parang bato na walang pakialam. Malaki na ang ipinagbago nito ngayon. Hindi na nila kilala. "Tungkol ito kay Mikaela Michel, alam mo kung gaano kalala kapag inaatake siya ng asthma at pwede niya 'yong ikamatay. Kung magmemake out kayo siguraduhin niyong walang ibang makakakita," sambit ni Third, puno ng hinanakit. "Wala akong pakialam kahit mamatay ang batang 'yon sa mismong harapan ko. Simula ngayon wag na wag niyo akong idadamay tungkol sa kanya. Hindi ako ang mag-aadjust para sa kanya," sigaw nito. Pulang pula ang mata sa sobrang galit. Hindi nakapagpigil si Second muli niyang sinugod ng suntok ang kanyang kuya. Kung kanina isa lang ngayon sunod sunod at gumaganti rin ito. "Akala namin kapag nasapak ka maaalog ang utak mo at titino pero mas lalo pang lumala." Panay ang kanilang suntukan. "Kuya Second, tama na. Let's go nilipat na raw si Princess sa private room. Nagtext si Fifth," awat ni Third. Doon lamang sila natigil Pareho silang may tama sa mukha. Alam niyang magpapasa iyon mamaya. Magdadahilan nalang siya sa mommy niya. Bago siya tuluyang tumalikod nagawa niya pang itulak si First. Tinignan ito ng masama pati ang bestfriend nito. "Sana lahat ng lumabas sa bibig mo ngayon hindi mo pagsisihan balang araw. Tandaan mo, kapag ang bata nadala hindi na umuulit pa." Hinding hindi nila ipapaalam o babanggitin kay Princess ang nangyari. Aalam nilang masasaktan at iiyak na naman ito. Hindi nila ito magawang sisihin dahil kitang kita nilang si First ang kaligayahan nito. Sana dumating ang araw na magbago ang nararamdaman nito. Sa mga salita ni First, walang aasahan dito ang bata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD