Chapter 3

1409 Words
MIKAELA MICHEL LAHAT NG SAKIT at bigat ng loob na naramdaman ko kahapon, nabura lahat. Kahit ang pagkairita ko sa babaeng kasama niya kahapon, naglahong bigla. Ganoon siya kahalaga sa buhay ko. "Ang taas ng lagnat mo," malambing na sabi niya. Nakatitig lang ako sa mukha niya. Naglalambing siya? Kung hindi lang nakakahiya kanina pa ako nangisay sa sobrang kilig. Suntok sa buwan ang ganitong pagkakataon sa buhay ko na kasama si First ko, hindi salubong ang kilay na parang palagi akong sisigawan. Nakangiti lang ako, hindi ko alam ang sasabihin. Parang magandang panaginip. Malamlam ang mga mata niya, parang tinutunaw ako sa mga tigtig niya. Kinakabisado ang mukha ko. Gan'on rin ako sa kanya. Sa edad na twenty two hubog na ang katawan niya. Walang tulak kabigin dahil na rin siguro sa dugong Castillion, Fil-Am ang lahi nila at napakaganda ng genes ng mga magulang. Marahan niyan hinawakan ang mga daliri ko at dinala sa mga labi niya. Mukhang mas lalong lumalala ang lagnat ko dahil sa mga kinikilos niya. I need oxygen bago pa mapugto ang hininga ko. Mariin kong kinagat ang mga labi ko. "Hindi ko alam kung paano mag-alaga ng may sakit." Tinanguan ko siya, kahit ako hindi ko rin alam kung paano mag-alaga ng may sakit. "But I know how to give you a powerful hug and sweet kisses." Umangat ng konti ang labi niya, ngumiti. Samantalang ako halos himatayin sa simpleng ngiti niya. Powerful hug and sweet kisses? Gustong gusto ko iyon. "Pwede mo na ba akong bigyan ngayon?" Walang hiya hiyang tanong ko kahit namamaos ang boses ko. Bakit ako mahihiya kung gusto ko naman talaga. Pahagya pa akong napatili nang walang sabing mahigit niya akong niyakap at pinaulanan ng maliliit na halik ang leeg ko. "Oy, wag masyadong dumikit baka mahawaan ka ng lagnat ko." "I don't care, just let me show you what I really feel for you, baby," bulong niya na mas paos na ngayon ang boses. Tumigil siya sa pagpapaulan ng maliliit na halik. Nakangiting tinitigan ako. Titig na nakakatunaw, may kung anong emosyon sa mata nito na hindi ko mapangalan. "I love it when you giggle, my innocent princess," lambing niya. "And I love everything about you," sagot ko. "Dapat mas lamang ako lagi, mahal kaya kita." Tumawa ito. Parang dinuyan ako sa magandang tunog ng kanyang tawa. Parang biglang nawala ang hilo at lagnat ko. At kung nananaginip lang ako sana wala nang magtangkang gumising sa'kin. Baka matasakal ako. But I know this is not a dream. Nasa tabi ko talaga ngayon ang First ko, tumatawa, naglalambing at parang mahal na mahal ako sa paraan ng pagtingin niya. "I won't argue, my baby brat." Ngumiti ulit ito, muling humalik sa leeg ko paakyat sa mukha ko. "Siya nga pala, why na wala ka sa Cebu? Nandoon sila diba?" Hindi ko siya nakitang pumunta dito kaninang umaga kaya akala ko nauna siya doon. "Galing ako d'on. Umalis din agad nang malaman ko kay Tita My na may lagnat ka," sagot niya. Hindi pa rin tumigil sa pagpapaulan ng mga halik sa mukha ko habang yakap pa rin ako ng mahigpit. "Para puntahan ako?" Walang pag-aalinlangan siyang tumango, binalot ng nag-uumapaw na kilig ang buo kong katawan. Gumanti ako ng yakap sa leeg niya, natatawa ako dahil sa pagkiliti sa maliit niyang balbas. "Baka patayin ako ni Tito Dy," bulong nito. "Bukas ko nalang haharapin ang consequences." "Anong consequences?" takang tanong ko. "Nothing, just hug me, baby." Natawa ako sa pagiging demanding niya. May ganitong side pala ang First ko kapag naglalambing. But I love it. Lahat naman sa kanya mahal ko. "Full of love." Ngumiti siya, naningkit ang medyo chinito niyang mata at kumislap 'yon sa tuwa. "This is what we called Princess Mimi's power hug." Halos masakal siya sa higpit ng yakap ko pero hindi siya nagreklamo. "Huwag kang magpapahalik sa iba, okay? Dapat ako lang." Napatingin ako sa mapula niyan labi. Malapit na malapit sa'kin kaya ramdam ko ang mainit niyang hininga. "Sa lalaking mahal ko ng totoo lang ako magpapahalik. Dahil ikaw lang ang lalaki sa puso ko at hinding hindi iyon magbabago, meaning ikaw lang ang pahahalikin ko," bulong ko. Tinablan ako ng hiya nang mapansin na titig na titig siya sa bawat paggalaw at pagkibot ng labi ko. Hinawakan niya ang baba ko, marahang pinaharap sa kanya. Nagkatitigan ulit kami. Natigilan ako dahil sa luhang nakita kong pumatak sa mga mata niya. Ngumiti siya pero kitang kita sa mga mata ang labis na lungkot. Bakit siya umiiyak? Bakit napakalungkot ng tingin niya? Bago ko pa maisatinig lahat ng tanong ko tuluyan nang lumapat ang mga labi niya sa labi ko. I don't know how to kiss. Ito ang first kiss ko. Pumikit ang mga mata ko, puno ng pagmamahal na pinayagan ko siyang halikan ko. I'm maybe seventeen, bata pa pero sigurado ako na tunay ang pagmamahal ko sa kanya. Sa una, nakalapat lang ang labi niya tinatantya kung ano ang magiging reaksyon ko pero nang hawakan ko ang buhok niya para haplusin nagsimulang gumalaw iyon. Hindi ko alam ang gagawin basta nakapikit lang ako, hindi gumagalaw ang labi habang siya malambing at banayad ang paggalaw. "H-Hindi ako marunong," nahihiyang sabi ko nang sandaling humiwalay siya. "It's okay, just feel it." Panay ang pasimpleng pagdampi niya ng labi sa bibig ko. Pagkuay kinagat ang ibabang labi ko. Bumaba 'yon muli sa leeg ko. Naramdaman kong may pumatak na tubig doon. Hindi ko na ngawang magtanong dahil muli niya akong hinalikan. May problema ba siya? Bakit parang luha niya ang pumatak sa labi ko? Mababaliw ako kaiisip sa mga tanong ko na walang kasagutan. Iminulat ko ang mga mata, sinalubong ako ng mukha niya. Nakapikit. Kahit may kadiliman sa kwarto dahil lampshade lang ang nakabukas kitang kita ko ang masaganang pagdaloy ng mga luha niya. Nasundan ng pagtaas baba ng mga balikat niya ang pagluha. Nakalapat pa rin ang labi niya sa'kin but this time hindi na gumagalaw. Hanggang sa lumakas ang paghikbi at isinubsob ang mukha sa leeg ko. He's in pain. Iyon ang masasabi ko sa klase ng pag-iyak niya ngayon. Hindi ko alam kung paano ko siya ikocomport, wala akong ideya kung bakit siya umiiyak. Nararamdaman ko rin ang sakit na dinadala niya. Sobrang sakit sa'kin na makita siyang ganito. Ayos lang na ako ang umiyak o sungitan niya ako habang buhay huwag ko lang siyang makitang ganito. "Why are you crying, First ko?" Umiling siya. Naiiyak na rin ako dahil sa kalagayan niya. "Magiging maayos rin ang lahat." Hinaplos ko ang buhok niya, hinalikan siya sa noo. "Kung ano man 'yang iniiyakan mo I'm sure malalagpasan mo. I know you're a strong man." Mas lalong lumakas ang paghikbi niya, napabuntong hininga ako. Ibang iba siya noon na palaging nagsusungit, sumisigaw at ipinagtatabuyan ako, sa First ko na kaharap ko ngayon. Mahigpit na nakayakap sa akin. "Sino sa atin ngayon ang matanda ako ba o ikaw?" biro ko pero hindi pa rin tumigil sa pag-iyak. Hindi ko na alam ang gagawin. Kawawa naman ang mahal ko. "Don't cry na I'm always here naman para tulungan ka sa problem mo just stop crying kasi nasasaktan ako na nakikita kang ganya." Naiiyak na rin ako. "Ayos lang na ako ang umiyak at masaktan makita lang kitang," natawa ako sa sinabi ko. "Pero joke lang, mas masaya ako kung ako ang dahilan ng pagngiti mo. Tapos, ayoko na nawawala ang kasungitan at kunot mong noo with matching salubong kilay kasi kapag wala 'yon parang hindi ikaw ang First ko." Naramdaman ko ang nakakatunaw niyang titig sa mukha ko. Ngumiti ako kahit may luha. Malambing na pinunasan ko ang pisngi niya. Napangiwi ako nang maramdaman ang pagkagat niya sa leeg ko. Bakit ang harot niya? "Vampire ka ba? Bakit nangangagat ka?" Kinabahan ako sa ginawa niya, pakiramdam lalabas ang puso ko. Humagikhik siya, ginagaya ang pagtawa ko. Napatawa ako kasi para siyang tanga. "Ang cute mo." Mas lalong lumawak ang ngiti. Tuwid na tumayo, inayos ang buhok na parang nagpapagwapo at nagpogi sign tapos kumindat. Parang sasabog ang dibdiba ko sa sobrang kasiyahan dahil sa kanya. Ayokong itanong kung bakit biglang naging ganito ang pakikitungo niya sa'kin. Gusto kong pahalagahan nalang ang pagkakataon na 'to. Naniniwala ako na ang taong katulad ko, umaasang mamahalin ng taong malabong mahalin siya walang karapatang magdemand. Ang tanging magagawa lang ay pahalagahan ang pagkakataon dahil suntok sa buwan na maulit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD