Chapter 2

1696 Words
MIKAELA MICHEL DAIG KO pa ang pinagbagsakan ng mundo. Hindi ko magawang ngumiti dahil sa sama ng loob ko sa sarili. Oo, sa sarili ko ako naiinis hindi sa First ko. Hindi ko magawang makaramdam ni katiting na pagtampo sa kanya. Never in my entire life. Kailangan ko lang palipasin ang mga araw bago ulit magpakita sa kanya para kahit papaano ay mabawasan ang pagkairita niya sa presence ko. "Punta na po ako sa kwarto ko," paalam ko sa mga magulang ko pagkauwing pagkauwi namin galing CSU na agad naman nilang tinanguan. Hindi na rin ako tumuloy sa pagsamang magshopping kay mommy, siguradong hindi ako mag-eenjoy sa lagay ng mood ko ngayon. Napabuntong hininga ako, walang bihis na sumalampak sa kama. Pakiramdam ko pagod na pagod ako ngayong araw dahil sa mga nangyari. Habang nakatulala sa kisame bumalik sa isip ko ang mga sinabi niya kaya hindi ko na naman napigilan ang mga luha ko. Hindi ko pinahid, hinayaan ko lang na lumabas ang mga iyon para kahit papaano mabawasan ang bigat sa kalooban ko. "Ano bang dapat kong gawin?" Ilang minuto akong tulala. Bumangon ako. Niyakap ko ang mga tuhod ko habang nakaupo sa gitna ng kama. Pinagmasdan ang mga poster at sandamakmak na pictures na nakadikit sa wall. Sa dami ng mga yon nagsilbi nang interior design. Mga nakaw na kuha ko kay First ko. Napangiti ako. Ang gwapo niya kahit sa anong anggulo, may nakaside view, nakasimangot, salubong ang mga kilay, may kuha din noong lumaban ito ng swimming at nakakuha ng gold medal. Naalala ko, nakuhanan ko siya noon ng picture dahil kasabwat ko sina ninang at ninong, mga magulang niya. Pati na sina daddy at mommy. May kuha din na nagbabasketball sila nina Kuya Second, Kuya Third, Kuya Fourth at Kuya Fifth sa basketball court sa likod ng bahay nila. May kuha din noong nagpunta kami sa Paris, France at sa likod niya ang Effiel Tower. Marami pang kuha na hindi ko malilimutan ang mga alaala sa bawat picture. "Hindi muna ako magpapakita sa'yo ng ilang araw," pagkausap ko sa picture niya, pero agad din akong umiling. "Ay hindi pala, hindi ko kayang hindi ka makita sa isang araw e." Napakamot pa ako sa pisngi. "Ano kaya ang pwede kong gawin para mawala ang galit mo sa'kin?" Wala akong maisip kaya naiiritang ginulo ko ang buhok ko. Kailan pa ako natanga? Mahal na mahal talaga kita, First ko. Bumalik ako sa paghiga. Mariing niyakap ang unan bago ako pumikit kahit alam kong baka hindi agad ako dalawin ng antok. Halos kalahating oras siguro akong nasa ganoong posisyon nang marinig ko ang mahinang katok. "Princess, dinner is ready." "My, mauna na po kayo busog pa naman ako kaya bukas nalang ako kakain," sagot ko. Kahit ang totoo kumakalam na ang sikmura ko, wala lang talaga akong ganang kumain ngayon. "Are you sure?" Ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya. Hyper ako, malikot at madalas nasa labas kaya siguro nagtataka siya kung bakit ako nagkukulong sa kwarto ko at hindi nangungulit. "Yes my, don't worry about me." "Okay, if that's what you want, sleep well at tawagin mo lang si mommy kapag nagutom ka." Tumango ako na parang nakikita niya. "Opo." "WELCOME to Princess Mimi's Castle," nakarinig ako ng boses ng mga lalaki. Maraming mga yabag na pumasok sa kwarto ko kaya nagmulat ako, kaso agad rin akong napapikit dahil sa pag-ikot ng paningin ko at pagkirot ng ulo. "Kahit talaga kailan ang pangit matulog ng babaeng ito." May kumurot sa pisngi ko. Napaungol ako sa inis. Alam ko na kung sinong mga walang pasabi ang may ari ng mga boses. Nandito ang magkakapatid na Castillion sa bahay namin. Siguradong ang kumurot sa pisngi ko ay si Bansot. "Good morning, Princess Mimi," bati ni Kuya Third. Gustuhin ko mang sumagot hindi ko magawa dahil sa panghihina. Mahapdi ang lalamunan ko. Sa tagal naming magkakasama kahit boses lang kilala ko na sa kanila. Ang iba nahihirapang kilalanin ang bawat isa sa magkakapatid dahil halos magkakamukha at magkakatulad ang hubog ng mga katawan. Ako, kilalang kilala ko sila sa bawat anggulo kaya hindi ako maaaring magkamali. Pinilit ko ulit na magmulat ng mga mata pero mas lalo lang akong nahilo. "Princess, are you okay?" Si Kuya Second. Naramdaman ko ang paglubog ng gilid ng kama ko. Ang paglapat ng kamay nito sa noo at leeg ko. "Hala, ang init mo," alalang sabi niya. "Seventh, call Tita My and Tito Dy may lagnat si Princess." "Ayoko kuya, pabayaan mo siyang manigas," angal ni Bansot. Inaasahan ko na gan'on ang sagot niya, lagi kaming magkaaway kaya hindi nakapagtatakang inis siya akin. "Syete," may sumigaw. Sa pagkakakilala ko, si Kuya Fourth. "Pahamak talaga ang pangit na 'to." Napapiksi ako dahil sa pagpitik niya sa noo ko. "Gago talaga ang batang iyon." Naramdaman kong napakainit ng buo kong katawan. Mas lalong nadagdagan ang iniinda kong katamlayan dahil hindi ko man lang narinig ang boses ng taong inaasahan ko. Hindi naman talaga siya mahilig sumama sa mga kapatid niya kapag bumibisita sa'min pero umasa pa rin ako. Kahit man lang boses niya marinig ko. Muli kong sinubukang magmulat ng mga mata sa ikatlong pagkakataon. Laking tuwa ko dahil medyo hindi na gaanong umikot ang paningin ko, unti unti kong nakita ang nasa paligid. Nakadungaw sa akin ang nag-aalalang mukha ni Kuya Second. "Kumusta ang pakiramdam mo?" Malambing na tanong niya. Pilit akong ngumiti. "O-Opo Ku-Kuya medyo mabigat lang ang ulo ko." Malat ang boses ko, mas lalong nadagdagan ang pag-aalala niya. "Bakit hindi ka nagsabi kina Tita My at Tito Dy na hindi maganda ang pakiramdam mo?" Bahagya pa niyang inayos ang gulo gulo kong buhok. "Hindi ko rin alam na lalagnatin ako, sa pagod siguro kahapon." Pagod sa pag-iyak. Nagsitakbuhan ang magkakapatid papunta sa akin. Nagsihiga sa kama ko para yakapin ako. Napahagikhik ako sa tuwa. Ang lambing nila. Namiss ko 'yong ganito, noong mga maliliit pa kami lagi kaming magkakasama. Ngayong mga college na ang halos lahat sa kanila bihira nalang silang maglambing sa'kin. "Mga kuya baka mahawa kayo sa lagnat ko," mahinang sabi ko, nawawalan na talaga ako ng boses. "Ide mahawaan alam mo namang ikaw ang only princess namin kaya kailangang magpagaling ka na dahil pupunta tayo ngayon sa Cebu. This is our last vacation for summer dahil next week busy na kami sa school," nakangiting paliwanag ni Kuya Third. "Tama si Kuya Third, Princess Mimi, isa pa di ba malakas ka? Kaya pagaling ka agad." Hinalikan ako sa noo ni Kuya Fifth. Napuno ng saya ang puso ko dahil ramdam kong maraming nagmamahal at nag-alala sa akin, pero bakit ganon parang kulang pa rin? Bakit parang hindi ako kontento na kung tutuusin ay dapat sobra sobra na? "Princess?" Nag-aalalang boses ni Mommy ang nagpalingon sa'min sa gawi ng pintuan. Nagmamadali itong lumapit sa akin dala ang isang planggana na may bimpo at siguradong may maligamgam na tubig rin para gamitin sa pagpunas sa akin. Ganoon ang palaging ginagawa ni Mommy kapag ganitong may lagnat ako . Umalis naman ang magkakapatid sa kama ko, tumayo sila sa kabilang side. "Princess, bakit hindi ka nagsabi sa mommy na masama ang pakiramdam mo?" tila naiiyak siya kaya napanguso ako. "Mom, kaya ko po kaya huwag pong umiyak," pilit kong pinasigla ang boses ko kahit ang totoo nanghihina talaga ako. Niyakap niya ako ng mahigpit at malambing na hinaplos ang mukha ko. "Nandito lagi si mommy para alagaan ka." Napangiti ako. Simulan niya ang pagpupunas sa katawan ko habang ang magkakapatid ay nagpaalam na lalabas muna. "Paano iyan Princess we're going to Cebu ngayon sana pero may lagnat ka." Gusto ko sanang sumama kaso hindi talaga kaya ng katawan ko na bumangon. "Kayo nalang po ang tumuloy mom hindi po kasi kaya ng katawan ko." Ito ang unang beses na hindi ako makakasama sa out of town vacation namin. Nakakapanghinayang. "Kung hindi ka makakasama hindi nalang kami tutuloy, aalagaan nalang kita hanggang sa paggaling mo." "Mommy nandito po si Nana Lily at ang ibang mga katulong siguradong aalagaan nila ako at hindi pababayaan," tukoy ko sa mayordoma namin na tumayo ko na ring lola. "But---" agad kong pinutol ang sasabihin niya. "Tumuloy na po kayo mom ayos lang ako promise." Itinaas ko pa ang kaliwang kamay ko. Napabuntong hininga nalang ito. "Sigurado ka ba?" Tumango ako." I'm sure mom, ayokong maging pabigat. Kailangan kong maging matured in and out para magustuhan din ako ni First ko." Mas lalong lumaki ang ngiti ko at hindi naitago ang kilig sa isiping magugustuhan din ako ng asawa ko. "Sya dahil matigas ang ulo mo at ayaw mong hindi kami tumuloy iiwan ka muna namin kay Nana Lily." Matapos niya akong punasan, pinainom ako ng gamot at nang masigurong komportable na ako sa pagkalahiga syaka sila umalis. Nang mag-isa nalang ako pinilit ko ulit ang sarili na magpahinga. Dahil na rin sa init ng pakiramdam ko muli akong nakatulog. Naalimpungatan ako na madilim ang buong kwarto. Napatingin ako sa orasan sa bed side table. It's ten o'clock in the evening. Nanginginig ang buo kong katawan. Maginaw pero inaapoy ako ng lagnat. Panay ang iyak ko habang mahigpit na yakap ang unan. Ito ang pinakaayaw ko kapag nagkakalagnat dahil sensitive ako at madrama. Mas lalo kong ibinaluktot ang katawan sa ilalim ng kumot. Nakarinig ako ng yabag sa labas ng kwarto at nasundan ng malalakas na mga katok pero hindi ko magawang pagbuksan dahil hindi ko kayang bumangon. "My baby, are you okay?" Tinambol ng matinding kaba ang dibdib ko dahil sa pamilyar na boses na galing sa labas. Medyo paos at mahina pero kilalang kilala ko ang nagmamay-ari. Hindi pa man tuluyang nagsisink in sa utak ko kung tama ba ang pakakakilala ko sa boses, bumukas ang pinto. Naaninag ko isang anino, muli nitong isinarado ang pinto. Lumapit sa'kin, si First ko. Punong puno ng pag-aalala ang mga mata nito. "May sakit ka raw," sabi niya. Samantalang ako hindi nakapagsalita lalo nang dambain niya ako ng yakap, iyong napakahigpit. Lutang at tulala ako. Hindi ko inaasahan ang pagdating niya sa dyes oras ng gabi. Nandito siya at nag-aalala sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD