MIKAELA MICHEL
KINABUKASAN. Nagising ako sa mga katok. Pupungas pungas akong umupo sa kama ko habang nakabalot pa rin ang buong katawan sa makapal na kumot. Napakaganda ng panaginip ko, kasama doon ang First ko.
"Good morning, Princess." Napangiti ako sa malambing na bati sa'kin ni mommy.
"Good morning, mom." Yumakap ako ng mahigpit sa kanya. Hinalikan siya sa pisngi.
"Fix your self, Princess. Pupunta tayo sa CSU, makikipagkita ako sa ninang mo then we will go shopping."
Nagningning ang mga mata ko sa tuwa. Agad tumalima. Parang magic word ang binanggit niyang mga salita. Camposano Sebastian University, doon nag-aaral si First ko. University Dean ang Ninang Amor ko doon. Patalon talon akong tumakbo papunta sa CR para maligo.
Mabilis akong natapos sa pagbibihis Ngayon malapad ang ngiting nakaharap ako sa full lenght mirror habang sinusuri ang ayos ko. Kailangan maging maganda ako para malamangan ko ang ibang mga babaeng nagkakagusto sa First ko.
Nakasuot ako ng Christian Dior large black jeans denim at pinaresan ko iyon ng Gucci off-white cropped cardigan para makita ang hubog ng katawan ko. Kinuha ko ang paborito kong Miu Miu patent sandals. Hindi kataasan ang takong ng sandals ko dahil sa edad kong seventeen halos maabot ko na ang five'six height.
Nakuha ko 'yon sa daddy kong pure Brazilian. Pero ang kutis kong kayumanggi namana ko sa mommy kong pure Filipina. Maraming nagsasabi na mukha daw akong manika, lalo kapag nakatulala at hindi nagsasalita.
Naglagay ako ng red lipstick at kunting pulbo. Napangiti ako, nagustuhan ko ang outfit ko ngayon. Nagmukha akong college student. Umikot ikot pa ko sa harap ng salamin. Nang makuntento dinampot ko ang kulay itim kong shoulder bag na binili pa ni daddy mula sa Paris.
"Hindi halatang nagmamadaling magdalaga ang princess namin," biro ni daddy nang makababa ako.
Napanguso ako. Sabay silang natawa ni mommy. "Dalagang dalaga ka na." Natuwa ako sa sinabi ni mommy.
"Dapat lang mommy para bagay na kami ni First ko," sagot ko. Itinago ko ang kilig na nararamdaman ko.
"Let's go then." Agad kaming sumakay sa kotse. Mas lalong napuno ng saya at excitement ang puso ko dahil sa paglipas ng ilang minuto nakarating na kami sa CSU.
"I'm coming my future husband," bulong ko. Nauna akong bumaba sa sasakyan, excited na excited ako. Unang dumako ang tingin ko sa pinakamalaking building na nasa gitna, iyon ang pinakabungad ng university. Natigilan ako. Napawi ang masaya kong ngiti dahil sa nakita ko. Ang sakit sa mata at sa puso.
Tanaw ko si First ko na masayang nakikipag-usap sa isang babae habang papasok sa building na 'yon. Nakangiti ito, iyong ngiti na hindi niya maibigay sa akin.
Napakasakit pala ang makita siyang may kausap na iba, na masaya at kalmado. Bagay na hindi niya kayang gawin kapag ako ang kausap. Bakit sa'kin lagi siyang nakabulyaw? Sa'kin lagi siyang nakasimangot, laging iritado at laging galit.
Kahit gusto kong umiyak hindi ako nagpahalata sa mga magulang ko. Tiniis ko ang kirot sa dibdib ko, ayokong mag-alala sila. Imbes na magmukmok taas noo akong naglakad papunta sa building na pinasukan nila. Nakangiti pa rin ako.
"Hindi ka na magpapakita sa ninang mo?" tanong ni mommy n'ong makitang hiwalay na daan ang tinatahak ko.
Umiling ako. "Pasabi nalang po ng hi ko." Nakatitig lang siya sa'kin. "Go ahead mom, maglilibot lang po ako sandali."
"You sure?" tanong ni daddy.
"Opo dad, don't worry I won't go anywhere." Pareho silang humalik sa pisngi ko bago humiwalay. Tanaw ko ang paglalakad nila. Mapait akong napangiti. Kung hindi lang ako maagang nakaramdam ng pag-ibig sana kontento na ako sa ganitong tagpo ng buhay ko. Si mommy, si daddy at ako masayang magkakasama. Kontento ako pero mas kontento kung pati si First ko kasama ko. Malalim akong napabuntong hininga bago nagpatuloy sa paglalakad.
May mangilan ngilan na napapatingin sa'kin kapag napapadaan ako. Nginingitian ko sila.
Abala pa rin ang mga estudyante sa pag-aaral. Hindi tulad naming mga senior high school na bakasyon na. "Nasaan na kaya ang asawa ko?" Patingin tingin ako sa paligid.
Tuluyan akong pumasok sa building na pinasukan kanina ng First ko at ng babae niya. Ako ang legal na asawa kaya ang kausap nito kanina kabit lang.
"Hi, kuya," bati ko sa lalaking nakita kong kakapasok rin lang ng building.
Kakapalan ko na ang mukha ko. Ayokong maligaw ako, mas nakakahiya. Mas lalo kong ginandahan ang pagkakangiti nang lumingon ito.
Mas matangkad sa akin ang lalaki na kung tama ang tantya ko mga kasing tangkad ng First ko. Gwapo ito lalo nang ngumiti, lumabas ang isang dimple. Mas pogi pa rin ang asawa ko para sa'kin. "Yes miss beautiful, how may I help you?"
Napahagikhik ako dahil sa pagtawag niya sa akin ng miss. Ibig sabihin hindi ako bata sa paningin nito.
"Kuya pwedeng magpatulong sa paglilibot?" lakas loob kong tanong.
Mahina itong tumawa. Bahagya pang kinagat ang ibabang labi. "Kuya? Miss hindi pa naman ako ganon katanda para tawagin mong kuya. By the way the name is Jake, Jake Benitez. Twenty two years old."
"Dapat talaga kitang e-kuya kasi mas matanda ka sa akin." Inabot ko ang kamay niyang nakalahad. "I'm Mikaela Michel, seventeen years old."
Nagulat ito nang malaman ang edad ko. "Seriously? Seventeen ka lang ?" Nanlalaki ang matang pinasadahan nito ang kabuuhan ko bago muling tumitig sa mga mata ko.
"Yup, pwede na ba kitang maabala? Hindi pa kasi ako familiar sa school nyo." Muli pa nitong sinipat ang kabuuhan ko. Hindi ko na napigil na pamewangan ito at pagtaasan ng kilay. "Ngayon ka lang ba nakakita ng seventeen?"
Umiling ito. "Hindi naman, akala ko lang magkaedad tayo. Parang ang matured mo."
Hindi ko pinansin ang sinabi niya. "Itutour mo na ako?"
"Hindi ka naman feeling close, 'no?" Tatawa tawang sabi niya. Inirapan ko lang.
"Alam mo Kuya Jake ganito talaga ako sa lahat at nagkataon lang na ikaw ang taong nakita kong pumasok dito kaya ikaw ang nakulit ko."
"Mas okay sana kung tatawagin mo akong Jake." Napahinto ako. Tumingin sa mukha, nakangisi siya.
"Sabi ni Mommy at Daddy dapat daw rumespeto sa mas nakakatanda sa akin kaya kailangan may kuya ang tawag ko sa'yo."
Tumango tango ito. Namulsa. "Binabawi ko na pala ang sinabi kong matured ka, well oo physically dahil sa ayos mo pero kapag nagsalita batang bata talaga."
"Alam mo napakadaldal mo po bilang isang lalaki. Tara na." Hinila ko siya. Lihim akong nagpasalamat nang magpatangay siya.
Habang naglilibot panay ang kwentuhan namin. Parang may kasama akong bakla sa kadaldalan niya. Madali namang naging palagay ang loob ko sa kanya, may sense of humor at friendly siya.
"Ano nga palang ginagawa ng isang batang katulad mo sa university na ito?" usisa niya.
Nagkibit balikat ako. "Binibisita ko lang ang asawa ko." Ngiting ngiti ako habang sinasabi 'yon.
"May asawa ka na?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Tinanguan ko siya sabay hagikhik.
"Oo pero ako lang ang may alam."
Napabuga ito ng hangin. "Akala ko totoo na, ang bata mo pa."
Napaingos ako. "Hindi kaya. Dalian mo na nga para mahanap na natin ang asawa ko." Napakabagal niyang maglakad. Parang model na panay ang pause sa hallway.
"Sino ba yang asawa mo na ikaw lang ang may alam?"
Sasagot pa sana ako sa tanong niya pero natuod ako sa kinatatayuan ko. Kulang nalang literal na lumabas sa mga mata ko ang mga puso dahil sa napakagwapong nilalang na makakasalubong namin.
Ngayon ko lang napagmasdan ang suot niya. Nakasuot ito ng black jeans at fitted semi shirt na kulay blue at rubber shoes pero sa paningin ko para pa rin siyang prinsipe. Mahigpit akong napahawak sa strap ng bag ko para itago ang kilig, gusto kong magtatatalon. Pareho kami ng kulay ng jeans. Meant to be talaga kami.
Mala binatang version ni Chris Evans ang mukha ni First ko, nagwawala ang kaba sa dibdib ko. Dagdagan pa ng matikas nitong tindig at bruskong pangangatawan na, ang sarap yakapin.
"Hoy galaw galaw tulo na laway mo." Naramdaman ko ang pagtapik ni Jake sa braso ko pero wala akong oras na pansinin.
Mabilis akong tumakbo sa gawi ng asawa ko. " First ko," sigaw ko. Nagsalubong ang makakapal nitong mga kilay nang makilala ang maganda kong mukha. Napahagikhik ako.
"Anong ginagawa mo rito?" Iyon agad ang tanong nito. Seryoso, as usual.
"Hinahanap ka," sagot ko sabay taas baba ng mga kilay.
Mas lalo lamang itong nairita pero hindi naman tinanggal ang pagkakalingkis ko sa mamuscle nitong braso.
"Umuwi ka na," mariing utos nito.
"Ayaw." Sabay iling ko.
"Sino siya, First?" mahinhing tanong ng babae, na ngayon ko lang napansin nasa likod ito ni First ko. Kung hindi ako nagkakamali ito ang babaeng kasama niya kanina.
Nakaramdam ng inis dahil sa presensya niya. Tinaasan ko siya ng kilay, pinasadahan ko ng tingin ang kabuuhan niya. Walang panama sa katawan at mukha ko.
"Kapatid ko." sagot ni First ko. Napasimangot ako. Nakakainis.
"May kapatid ka palang babae?"
Napangiw ako sa sobrang kahinhinan ng boses nito. May kapatid ka palang babae? Bubulong bulong kong paggaya sa boses niyang parang inipit na butiki.
"Meron." Pinandilatan niya ako. Ngalingali kong barahin ang babaeng kaharap namin ngayon kung hindi lang sumingit si Jake.
"Sabi mo asawa, kapatid ka lang naman pala." Tumawa ito ng malakas. Binantaan ko siya gamit ang panlalaki ng mata ko pero wala siyang pakialam. Napilitan akong bumitaw sa braso ng First ko, dali daling hinila si Jake di kalayuan sa dalawa na napasunod ang tingin sa amin.
"Di ba sabi ko sa'yo ako lang ang may alam kaya huwag kang maingay mapapahamak ako dahil sa'yo e." Kinurot ko ng bahagya ang tiyan niya.
"Sekreto ba 'yon? Bakit kasi hindi mo agad sinabi." Nang-aasar pa rin.
"Kapag hindi ka tumigil papasakan ko ng papel iyang bibig mo. Sana pala hindi nalang kita kinausap kung alam ko lang na napakadaldal mo, daig mo pa ang bakla," inis na sabi ko.
"Tinawag mo akong bakla?" Kunwaring naningkit ang mga mata nito pero halatang nagpigigil ng tawa.
"Sabi ko para kang bakla dahil sa kadaldalan mo." Tinalikuran ko, muling ako lumapit kay First ko. Naantala pa tuloy ang moment namin dahil sa surot na iyon. Pati ang babaeng ito hindi manlang marunong makiramdam. Uso kasi ang common sense.
"Halikan kita diyan e, makita mo." sabi ni Jake kahit nasa harap na ulit kami ng dalawa.
"Gawin mo sasapakin kita." Ipinakita ko sa kanya ang nakakuyom kung kamao pero ang surot ngumuso pa. Inilapit sa'kin ang mukha, agad akong nagsumiksik sa kili-kili ng asawa ko. Ang bango. Sana dito nalang ako tumira.
"Stop it, Jake," saway niya. Humarap sa'kin, inalis ako sa pagkakasiksik sa kili kili niya. "Ikaw bata ka umuwi ka na, sagabal ka palagi sa buhay ko," tumaas ang boses niya. Bakas ang sobrang inis, masamang masama ang tingin.
"Pare, bakit hindi mo sinabing may ganito ka kagandang kapatid? I thought lahat kayo lalaki." Gusto kong pigilan si Jake pero sadyang pakialamero talaga siya.
"None of your business, Benitez."
Magkakilala sila? Base sa galaw ni Jake at pakikipag-usap sa First ko mukhang close sila, binanggit pa ang apelyedo ng surot.
"Pwede ko bang maligawan?" hirit pa nito. Kulang nalang bumunghalit ako ng tawa sa mga pinagsasasabi nito, samantalang kanina nang malaman kung ilan ang edad ko kulang nalang mamutla at kumaripas ng takbo.
"Don't you dare."
Hindi ko napigilang matawa nang masilip ko ang mukha ni Jake at benelatan ako. Mas isip bata pa sa akin ang surot na ito.
"Cute." Hindi nito napansin ang sinabi ni First ko. Malakas niyang tinapik ang kamay nito nang tangkaing pisilin ang pisngi ko.
Mahigpit na hinawakan ang braso ko, hinila ako palabas ng building. Nagkakanda tapilok na ako dahil sa laki ng mga hakbang niya. Panay ang daing ko pero wala siyang pakialam, kailan ba nagkaroon?
"Dahan dahan baka mamaga ang paa ko," pigil ko pero parang bingi lang siy. Mas lalong binilisan ang paglalakad hila hila pa rin ako.
"Hindi lang yan ang aabutin mo kapag hindi ka pa umuwi. At huwag na huwag ka nang magpapakita sa akin kahit kailan." Inis na inis na siya, kahit ang pagbitaw sa akin ay marahas.
Mabilis akong humawak sa kotse para hindi tuluyang matumba. Nakarating kami sa parking lot. Laking pasalamat ko dahil hindi ako nadapa.
"Ang tigas tigas ng ulo mo. Ilang ulit ko na bang sinabi, paulit ulit tayo, Mikaela." Kulang nalang ay hingalin siya dahil sa pagbulyaw sa akin. "Gusto mo bang ipahiya pa kita sa lahat ng tao para lang tumigil ka? Hindi ka nadadala sa mahinahong usapan. Daig mo pa ang pokpok na desperada sa lalaki."
Hindi ko nagawang sumagot hindi dahil takot ako kundi dahil mariin kong kagat ang labi ko para pigilan ang paghikbi at paglabas ng mga luha ko.
"Sorry," tanging nasabi ko bago yumuko. Ayokong makita niya akong umiiyak at mahina baka hindi na talaga siya magkagusto sa'kin. "Sorry sa nagawa ko, kung may nagawa man akong mali."
"Wala akong pakialm sa sorry mo, umuwi ka na at huwag na huwag ka nang magpapakita sa akin," sigaw na niya.
Hindi ako natinag sa kinatatayuan ko. Ni konting galaw hindi ko ginawa dahil hindi ko kayang gawin ang gusto niya. Hindi ko kayang huwag magpakita sa kanya dahil baka mamatay ako. Sigawan, murahin at pagsalitaan nalang niya ako ng masasakit na salita kaysa ang hilinging layuan siya. Hindi ko kaya.
"Iyon ba talaga ang gusto mo?" Lakas loob na tanong ko kasabay ng pagpatak ng mga luha na kanina ko pa pinipigilan.
"Oo," gad na sagot niya, nakatingun deritso sa mga mata ko. Hindi manlang nakuhang mag-isip o magdalawang isip sa isasagot.
Sinalubong ko ang nag-aalab niyang mga tingin. Medyo gumaan ang loob ko nang makitang hindi galit ang nasa mga mata nito. Wala akong pakialam kung makita man niya ang mga luha ko.
"Pasensya na pero hindi ko magagawa ang gusto mo. Hindi ko kayang lumayo sa'yo."
Nagtagis ang mga bagang niya, kumuyom ng mariin ang mga kamao. Nagsisilabasan ang mga ugat sa kamay. Bumuka ang bibig niya, handa nang sumigaw ulit pero hindi 'yon naituloy dahil sa pagdating nina mommy at daddy.
Mabilis pa sa alas kwatrong pinahid ko ang mga luha ko. Mabuti nalang talaga at bahagaya akong nakatalikod sa gawi ng mga nila.
"Princess," boses ni daddy. Gusto kong humagulhol pagkarinig sa boses niya pero kinaya kong pigilan. Pilit akong ngumiti bago humarap sa kanila.
"Oh, nandito pala si Uno. Hi iho." Nakipagbeso siya sa mga magulang ko. Habang ako piniling talikuran nalang siya, baka maiyak na naman ako.
"Hello tita, tito."
Ang bilis namang magbago ng boses niya. From mad to sweet.