2.SELAH -FIGHT

1734 Words
SELAH THEY say that marriage is for people who love each other. But Magnus and I are different... I am the only one who loves the both of us, because from the beginning, he said that he doesn't like me and he will never love me. Kaya tanggap ko ang galit niya sa akin. Tanggap ko ang malamig na pakikitungo niya sa akin. I promised myself that I will do everything, just for him to love me. Nakahanap ako ng maliit na stall sa BGC para sa business ko, kaya agad kong tinawagan ni Camille. Isang ring lang ay agad naman sumagot ang kaibigan ko. "Samahan mo ako," bungad ko sa kanya. "Saan? Susundan ba natin ang asawa mo kung may iba siyang babae?" Natawa ako. "Baliw, hindi 'yun!" "Ei, saan?" Hindi ko man siya nakikita pero alam kong kunot na ang noo niya. "Sa BGC. May nahanap na akong maliit na stall doon na pupwede kong pag-displeyan ng mga paninda ko," saad ko sa kanya. "Okay. Hintayin mo na lang ako diyan. Ako na ang magda-drive." Napangiti ako. Binaba ko na ang tawag at hinanda ko na ang aking sarili. Marami akong mga mamahaling damit, pero simpleng white shirt at high waist pants lang ang sinuot ko. Naglagay rin ako ng makeup sa mukha para naman hindi ako namumutlang tingnan. "Manang aalis lang po ako. Kapag dumating po si Magnus pakisabi na lang po na babalik rin ako agad," paalam ko kay Manang. Habang sinasabi ko iyon ay nasa isip ko na wala namang pakialam sa akin si Magnus kahit na hindi ako bumalik. Baka nga matuwa pa iyon. Sakto paglabas ko ng gate namin ay naroon na si Camille, kadarating lang. Kaagad akong sumakay sa tabi niya at nagsuot ng seat belt. "Tuloy na talaga ang pag-bi-business mo? Bakit hindi ka na lang humingi ng tulong kay tito? Malay mo mabigyan ka pa niya ng bodega at malaking pwesto," suhestiyon niya. Binalingan ko siya ng tingin. "Mas maganda na iyong magsimula ako sa mababa, Camille. They have helped me a lot. At gusto ko rin tumayo sa sarili kong mga paa," sagot ko. Tumango-tango siya habang ang mga mata niya ay sa daan lang nakatingin. Proud naman sila sa akin at alam ko iyon. They did not fail to make me feel that they love me very much and are proud of me. Medyo tragic rin ang love story nilang dalawa. Ang kwento pa nga ni Mommy ay ayaw sa kanya ni Daddy noong inampon siya nila lolo at lola. Pero kahit gano'n pa man ay natutunan nilang mahalin ang isa't isa. At iyon ang pinanghahawakan ko sa aming dalawa ni Magnus. That someday he will learn to love me as his wife. Mabilis kaming nakarating sa BGC. Medyo maliit ang pwesto pero okay na rin para sa nagsisimula kong negosyo. Hindi na rin masama dahil mall naman ito at siguradong magiging mabenta ang paninda ko dito. Bata pa lang ako ay nakahiligan ko na ang mag-design ng mga damit. Like, crop tops, shirts at iba pa. Nagde-design rin ako ng mga gowns pero kapag may nagpagawa lang sa akin. Ito ang pangarap ko ang maging fashion designer. Pero mas pinili ko ang business management na course dahil gusto kong matuto sa pag-bi-business. Plano ko ring mag-aral ulit at ibang kurso naman. I want to learn more, and I want Magnus to be proud of me. "25,000 po ang monthly dito Ma'am at six months ang minimum of contract." Tumango-tango ako. Mayroon naman akong savings, siguro ay babayaran ko na ang buong six months para wala na akong po-problemahin. "Okay. I'll get it. I'll also pay for the full six months," sambit ko na kinagulat niya. Napasinghap rin si Camille sa aking tabi. "O-Okay po Ma'am. Punta na lang po tayo sa office para makapirma ka na po ng contract," natataranta niyang sabi. Hindi yata makapaniwala na babayaran ko na ng buo ang six months na kontrata para sa rent. Pagkatapos kong basahin at pirmahan ang kontrata, pumilas na ako ng cheke na may amount kung magkano ang ibabayad ko sa kanila. "Thank you, Ma'am!" masaya niyang saad sa akin. Nagpasalamat lang ako at umalis na rin. Habang naglalakad ay iniisip ko na ang mga susunod ko na hakbang kung paano sisimulan ang business ko. At excited na ako! "Grabe, natatawa talaga ako sa mukha ni ate gurl na hindi makapaniwala," natatawang saad ni Camille sa aking tabi. "Paano ba naman kasi, anak ng bilyonarya pero ang porma parang anak lang ng manager sa jollibee." Sinuri niya pa ang kabuuan ko mula ulo hanggang paa. Napa-iling na lang ako sa kanya habang natatawa na rin. Nagpasya muna kaming kumain ni Camille bago umuwi. Maaga pa naman at siguradong wala pa roon si Magnus sa bahay. "So, kumusta ka naman?" Pagkuwan ay tanong niya. Nag-angat ako ng mata kay Camille. Tinaasan ko siya ng kilay at may pagtatanong ang aking mga mata. "Ang buhay may-asawa. Kumusta naman si Magnus?" Marahas akong bumuga ng hangin. "Hmm.. hulaan ko ba?" Masama ko siyang tiningnan. "Alam mo naman na hindi niya ako mahal," malungkot kong sambit sa kanya. "Why did he agree to get married?" I shrugged. "Maybe because he don't want to disappoint his parents?" "Maybe yes or maybe not," tanging sabi niya lang na nagbigay na malalim na pag-iisip sa akin kung ano ang ibig niyang ipahiwatig. "Or maybe because he knows that you love him, so even if he cheats, you won't leave him," dagdag niya, dahilan nang pagkunot ang aking noo. Hindi na siya sa akin nakatingin kaya sinundan ko ang direksyon ng mga mata niya. Halos manginig ang kalamnan ko nang makita ko si Magnus papasok dito sa restaurant kung nasaan kami ni Camille, kasama niya si Eureka- his ex girlfriend. O baka nga hindi niya pa nga ex dahil parang hindi naman talaga sila naghiwalay na dalawa. Naka-angkla pa ang braso ni Eureka sa braso ni Magnus. Mukhang magde-date silang dalawa. Pareho silang may ngiti sa kanilang mga labi. Nakatutok ang mga mata ko kay Magnus pababa sa kanyang labi. Ni minsan ay hindi siya ngumiti ng ganyan sa akin. Ngayon ko lang nakita sa kanya ang ngiti na ganyan na umabot pa sa kanyang mga mata. Mukhang masaya siya dahil kasama niya ang pinakamamahal niyang girlfriend. Nakaramdam ng paninikip ang aking dibdib, parang may mga kamay sa loob niyon at may pumipiga. Napapitlag ako sa gulat nang may humawak sa kamay ko. Agad kong nilingon kung sino iyon. Nakalimutan ko na may kasama pala ako. "Are you okay? Umiiyak ka," nag-aalala niyang tanong. Hinawakan ko ang aking pisngi at basa nga iyon. Agad kong pinunasan sabay hinga ng malalim. Hindi pa nila ako napapansin. At hindi ko naman hahayaan na mangyari iyon dahil para naman akong tanga kung makikita nila ako ditong miserable habang sila ay masaya. "L-Let's go, Camille," aya ko sa aking kaibigan sabay tayo at kuha sa aking bag. Tumayo naman rin siya at sabay naming tinungo ang cashier para bayaran ang in-order naming pagkain. "Ma'am hindi niyo na po ba hihintayin? Malapit na rin pong maluto," sambit ng kahera. Nilingon ko ulit ang gawi nila Magnus at Eureka. Hirap akong lumunok at nagsimula na namang magbara ang aking lalamunan. Nagtatawanan sila na tila ba may masaya silang pinag-uusapan. Hinawakan ni Camille ang siko ko kaya nilingon ko siya. Tumango siya sa akin bilang pagyaya. Sa huling sandali ay nilingon ko ulit ang kinaroroonan nila Magnus at Eureka. Isang pagkakamali ang ginawa kong 'yun dahil wala ng sasakit pa sa nakikita ko ngayon. They are kissing right now. Ang bagay na hindi man lang niya nagawa sa akin kahit sa mismong araw ng kasal namin. Bakit ko pa ba inaasahan iyon? Ei hindi niya nga ako mahal? kastigo ng aking isip. We left the restaurant quietly. Kagat-kagat ko ang aking labi para pigilan ang paglabas ng hikbi sa aking bibig. Pero ang luha ko'y hindi ko na mapigilan ang pagtulo nito. Tila gripo na nakabukas at tuloy-tuloy ang pag-agos. Nang nasa sasakyan na kami ay saka pa lamang ako humagulgol ng iyak. Ilang beses kong sinuntok ang aking dibdib, baka sakaling makatulong iyon upang mawala na ang sakit. Pero wala rin nangyari dahil hindi na maampat ang sakit na aking nararamdaman. "Kaya mo pa ba? Wala pa kayong isang buwan bilang mag-asawa pero lugmok na lugmok na ang itsura mo." Nag-angat ako ng tingin sa kanya at hilam ng luha ang mga mata kong tiningnan siya. "H-He told us in front of his family that he and his girlfriend have broken up. Why are they together now?" Humahagulgol kong sabi. Kinabig ako ni Camille palapit sa kanya at mahigpit akong niyakap. Doon ako umiyak sa balikat niya. "Bwisit siya! Sinungaling!" gigil na sambit ni Camille habang patuloy na humahaplos ang palad niya sa likod ko. "Iwan mo na siya, Selah, habang hindi pa nagtatagal ang kasal niyo. Malay mo hindi pa na-rehistro ang kasal niyong dalawa!" Sunod-sunod ang ginawa kong pag-iling bilang pagtutol sa sinasabi niya. "No, Camille! Wala pa kaming isang buwan susukuan ko na agad siya? Paano kung sinusubukan niya lang pala ako kung gaano ako katatag?" Kinalas niya ako sa kanya at tinitigan ako ng mariin habang hawak niya ang aking dalawang balikat. "Are you stupid? Kitang-kita mo na ngang niloloko ka niya, hindi mo pa rin siya hihiwalayan?" Galit niyang turan. "No, Camille. I will not give up on him. This is just the first test for the two of us to be together," umiiling kong sabi. "Kung susuko ako agad baka magsisi ako sa huli," katwiran ko sa kanya. Gumuhit ang pinaghalong galit at pagkadismaya sa mukha niya at sunod-sunod na umiling. "Tsk. Bahala ka," tanging sabi niya lang bago in-start ang makina ng sasakyan. Tumigil na rin ako sa pag-iyak pero ang puso ko ay wasak pa rin. Inayos ko ang sarili dahil ayaw kong makita ako ni Manang na mugto ang aking mga mata. Dahil sigurado akong mag-aalala iyon sa akin. At baka magsumbong pa siya kina Daddy at Mommy. Muling nanumbalik sa isip ko ang mga eksena sa restaurant kanina. Kinuyom ko ng mahigpit ang aking kamao at mariing kinagat ang aking labi. 'I will fight for you, Magnus. I will do everything, just love me. Kahit na ikadurog ko pa ito, ipaglalaban kita, Magnus. Because I know na darating ang araw na matutunan mo rin akong mahalin.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD