1. SELAH - DESPERATE

2259 Words
SELAH "IHA, dumating na si Magnus," untag sa akin ni Manang Diding. Na-excite ako nang marinig ang pangalan ni Magnus. Ibig sabihin umuwi na siya dito sa bahay namin. Sa bahay na pinagawa ko para sa aming dalawa. Wala pa namang kasiguraduhan na ikakasal ako sa kanya ay hinanda ko na ang bahay na ito para sa aming dalawa. Isang linggo na kasi ang nakalipas magmula ng ikasal kami. No'ng araw ring iyon kasi ay umalis siya at ngayon lang siya umuwi. Yes, ni walang honeymoon na naganap sa pagitan naming dalawa. But, that's fine with me. Hindi na importante iyon sa akin. What's important is that we have already gotten married and become husband and wife. He's my first crush and my first love. Sa murang edad ay tumibok na ang puso ko sa kanya. Kahit na malaki ang age gap namin ay wala akong pakialam. Age is just a number, though. Twenty seven ako habang siya naman ay twenty two. Five years lang naman ang agwat ng edad naming dalawa. Oo at hindi niya ako mahal. Pero handa naman akong maghintay kung kailan siya ready, at kung kailan niya ako matututunang mahalin. "Talaga po, Manang?" masaya kong tanong. Mababakas sa mukha ko ang labis na saya at excitement. Tumango si Manang nang nakangiti rin. Matagal na naming katulong sa mansyon si Manang at siya ang napili kong isama dito sa bahay namin ni Magnus dahil mas close ko siya kaysa sa ibang mga katulong namin doon. Kanina pa ako nakatitig sa wedding picture namin ni Magnus. Masayang-masaya ako nang araw ng kasal namin. Pero mababakas naman sa mukha ni Magnus ang matinding pagkadisgusto sa okasyon na 'yun. Hindi ko rin naman alam kung bakit siya pumayag. Basta ang mahalaga lang sa akin ay kasal na kami at sa wakas ay akin na siya. Patakbo akong bumaba sa hagdan at tinungo ang sala para salubungin si Magnus. Napangiti ako nang makita ko ang mga maleta sa tabi niya. Ibig sabihin ay dito na talaga siya titira. "Magnus!" tili ko at dinambahan siya ng yakap. Kahit na wala akong nakuhang tugon sa kanya ay ayos lang. "You're back! I missed you," prangka kong sabi dahil iyon naman talaga ang totoo. Hindi ko naman dinamdam ang hindi niya pag-uwi ng isang linggo dito sa bahay. Naiintindihan ko siya. Marahil ay nagpalamig muna siya ng kanyang ulo at nag-isip ng mabuti bago siya bumalik sa akin. Sabi nga ng kaibigan ko, ako na ang pinaka-tangang babae na nakilala niya. I don't care anymore. At least masaya ako dahil kasama ko na ang lalaking mahal na mahal ko at matagal ko ng pinapangarap. Mahina niya akong tinulak palayo sa kanya. Tiningala ko siya at tinitigan. "Ahm.. nagugutom ka ba? Magpapaluto ako kay Manang," saad ko na lang imbes na damdamin ang ginawa niyang pagtulak sa akin. Malamig ang mga mata niyang tumingin sa akin kaya agad kong iniwas ang mga mata ko sa kanya at nag-isip ng itatanong sa kanya. "May gusto ka bang kainin? Ano ba ang paborito mo, para maluto ni Manang?" sunod-sunod kong tanong dahil nakatitig lang siya sa akin at hindi naman sumasagot. "You have the courage to get married but you don't know how to cook?" Matigas niyang tanong. Napayuko ako ng aking ulo. Nakaramdam ng hiya para sa sarili. Kilala akong maldita, pero pagdating kay Magnus ay tumitiklop ako at naduduwag. Narinig ko na lang ang mga hakbang niya papalayo sa akin. Nang iangat ko ang aking ulo'y tanaw ko na siyang umaakyat sa hagdan patungo sa taas. Pumaskil ang maliit na ngiti sa aking labi. At least he has come home and will stay here in the house with me. ******* "MANANG, nasaan po si Magnus? Wala po kasi siya sa kwarto niya," tanong ko dito kinaumagahan. Hindi kami magkatabi matulog. Mabuti na lang at malinis na ang extra room kaya nagamit iyon ni Magnus kagabi. "Maaga siyang umalis, iha, nagmamadali pa nga siya kanina. May pupuntahan raw," tugon naman nito. Marahas akong napabuga ng hangin. Wala naman akong magagawa kun 'di ang hintayin siyang makabalik dito sa bahay. Ni hindi ko man lang siya nasilayan bago siya umalis. After eating, I went up to my room to continue my search for a location for the clothing business that I want to establish. Bukod kay Magnus, pangarap ko na rin noon pa na magkaroon ng business na tungkol sa fashion. Pero mas prefered ko ang clothing dahil mahilig ako sa mga damit. I used to be kikay in our school. Maarte pa nga ako sa paningin ng mga kaklase ko. Pero nang makita ko ang girlfriend ni Magnus na simple lang kung manamit, ay ginaya ko ito para mapansin niya ako. Pero dedma pa rin ang beauty ko dahil hindi talaga umepekto sa kanya. Kung minsan ay hindi ko talaga maiwasan ang mainggit kay Eureka na girlfriend ni Magnus. Simple lang siya kung manamit, pero maganda. Mahinhin rin siya, hindi gaya ko na magaslaw kumilos. Matalino rin naman siya, at scholar nga siya sa school namin. Minsan nga ay humiling ako na sana ay mahirap na lang din ako gaya ni Eureka baka sakaling magustuhan rin ako ni Magnus. Subalit malabo iyong mangyari, dahil ipinanganak na akong mayaman at bilyonarya. Gano'n rin naman si Magnus, kaya ewan ko ba kung bakit nagustuhan niya si Eureka. I texted Magnus to ask if he has eaten when noon arrived. Kahit hindi ako nakaka-tanggap ng reply sa kanya ay tine-text ko pa rin siya. Wala lang. Gusto ko lang naman na iparamdam ang presensya ko sa kanya bilang asawa niya. Dumaan ang mga mata ko sa wedding picture namin na nakasabit dito sa wall ko. Pinaghalong pait at saya ang nararamdaman ko habang nakatitig sa larawan na iyon. Masayang-masaya ako sa larawan, pero ang katabi ko ay parang pinagsakluban ng langit at lupa. "Dad, please... I want Magnus po talaga to be my husband," pakiusap ko sa aking ama. Nakapasa ako sa aking kurso at graduating ng magna c*m laude. Talagang ginapang ko na makuha iyon dahil sa pangako ni Daddy na ibibigay niya ang kahit na ano'ng hilingin ko sa kanya. And my only wish is to marry Magnus Xavier Montecillo, the eldest son of my godfather Miro. Nagpa-cute pa ako sa harap ni Daddy para makumbinsi ko siya sa kagustuhan ko. Tinitigan niya ako na bakas pa rin ang pagkagulat sa kanyang mukha. Alam kong frustrated na siya sa akin dahil sino ba namang ama ang gustong maikasal ang panganay niyang anak ng agad-agad? Pinagdaop ko ang dalawang palad at saka naki-usap ulit sa kanya. "Please, daddy... please." Mas pinahaba ko pa ang aking nguso. "Are you sure, baby? Bakit naman nagmamadali kang magpakasal? Kaka-graduate mo lang. Why don't you enjoy your single life, magtayo ka ng business!" Napasimangot ako at mas lalong humaba ang aking nguso. Ilang minutong katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa. Hindi ko na kasi sinagot pa ang tinanong niya sa akin. Dahil iisa lang naman din ang isasagot ko sa kanya. Plano ko talaga ang mag-business, pero gusto ko kapag naikasal na kami ni Magnus. He let out a forceful sigh. Lihim akong napangiti, at the same time ay kinakabahan. Kapag ganito siyang bumuntong hininga na ay nakapag-desisyon na siya. Hihintayin ko na lang kung good news ba ito o bad news. "I'll try, baby." Agad ko siyang niyakap ng mahigpit. "Thank you, daddy!" Sapat ng sagot iyon para sa akin.Napuno ng pag-asa ang puso ko. "I won't promise yet, baby. But I will talk to your tito ninong Miro later so that they will be the ones to tell him." Sunod-sunod ang ginawa kong pagtango sa kanya. Okay na iyon. Kung hindi man siya pumayag. Ako na ang gagawa ng paraan. Nasa plan A pa lang naman ako kaya walang dahilan para sumuko. "What?! Seriously, Steven?" sigaw ni mommy. Nasa library sila ni daddy, nag-uusap at heto ako't napadaan lang at na-curious sa pagsigaw ni mommy kaya napasilip na ako. "That's our daughter's wish, hon. Alam mo namang hindi ako nakaka-hindi sa anak mo... especially Selah," malambing na sambit ni Daddy. Napangiti ako. Napahilamos naman si mommy sa kanyang mukha. "Oh, my God, hon! Masyado mong ini-spoil ang mga anak natin. Kaya lumalaki silang matigas ang ulo ei!" Singhal ni mommy. Yeah, dad spoiled us all the time. Nakukuha namin agad ang gusto namin sa isang sabi lang namin kay Daddy. While, mom, is a strict one. But I really loved them both. Hindi ko pa rin ipagpapalit ang mga magulang ko sa kahit na sino. Napangiti na lang ako nang yakapin na ni Dad si Mom. This is what I love from my Dad. Napakalambing niya at mapagmahal kay mommy. Sana ay gano'n rin si Magnus sa akin kapag mag-asawa na kaming dalawa. Araw ng pamamanhikan. Excited ako kaya naman pinaghandaan ko ang araw na ito. I wore a red evening gown full of glitters. Naka-heels naman ako na kulay Gold. Light makeups lang ang nilagay ko sa aking mukha dahil simple lang naman ang gusto ni Magnus. Kagaya ng girlfriend niya na si Eureka. Natigilan ako. Nakalimutan ko na may girlfriend pa pala siya. Natutop ko ang aking bibig. 'OMG! What if hindi siya pumayag na magpakasal sa akin dahil sa may girlfriend siya?' Pinilig ko ang aking ulo at tinanggal ang negative thoughts na pumasok sa aking utak. Kailangang maging positive lang ako. Todo ang ngiti ko nang dumating na sila Magnus kasama ang kanyang mga parents. Habang si Magnus naman ay salubong na ang makapal na kilay dahil sa sobrang pagkakakunot ng noo niya. Malamig pa ang mga titig na pinupukol niya sa akin. Ni hindi man lang sinuklian ang matamis kong ngiti. Sinalubong ko sila at nakipag-beso kay Tita Princess at Tito ninong Miro. "You look so beautiful, iha," puri ni Tita Princess. Agad na pinamulahan ang aking mukha. "T-Thank you po!" Binalingan ko ng tingin si Magnus. Busy na siya sa kakadotdot ng cellphone niya. 'Ka-text niya kaya ang girlfriend niya? Dapat kapag ikakasal na kami ay makipaghiwalay na siya dito dahil bawal iyon. Bawal ang kasal na kami at girlfriend niya pa si Eureka. Magmumukha itong kabit kapag nagkataon at pwede ko siyang kasuhan.' Ang layo na ng narating ang isip ko. Nasa hapag na kami at tinatanong pala ako ni Tita Princess. Pero heto ako at kakabalik lang ng aking utak. "S-Sorry po, tita. A-Ano nga po 'yun ulit?" Natawa naman siya. Nasa tapat ko kasi siya. Nasa kaliwa niya si Tito Ninong Miro at sa kanan naman niya si Magnus na nakasandal sa upuan habang nakahalukipkip at nakatitig sa akin. Bigla tuloy akong na-conscious sa aking itsura. Makalat pa naman ako kumain at baka may dumi pa ako sa aking mukha. "Congratulations, iha dahil nakapasa ka sa bar exam!" pag-uulit ni tita Princess sa sinasabi niya kanina na hindi ko narinig dahil naglakbay sa outer space ang utak ko. "Thank you po, tita!" masigla kong pasasalamat sa kanya. Tumikhim si Daddy para kunin ang atensyon namin kaya napaayos na ako ng aking upo. "I will start now. This dinner date is important for us because it is also a celebration for Selah's passing the bar exam." Habang nagsasalita si Daddy ay bumibilis ang pagtibok ng puso ko. Tila may nagkakarerahan sa loob niyon. Nagkatinginan muna si Daddy at Tito Miro. Tumango si Tito Miro, marahil ay siya ang mag-a-announce ng tungkol sa arrange marriage na magaganap sa pagitan namin ni Magnus. Mahigpit kong hinawakan ang dalawa kong kamay na nakapatong sa hita ko. "We planned an arranged marriage." Anunsyo ni tito Ninong. Nagsinghapan ang mga kapatid ko na nasa hapag rin. "Mom, Dad, I'm too young for a marriage!" agap ni Anastasia. Pigil ko ang aking pagtawa dahil sa sinabing iyon ng kapatid ko. Anastasia is the third among us siblings. "Shut up, Anastasia!" sigaw ni Mommy kaya hindi na napigilan nila Stephen at Skylar ang matawa. Humaba naman ang nguso ni Anastasia at tinikom ang kanyang bibig. "The arranged marriage that we planned is for my son Magnus and my godchild Selah." Tito ninong proudly announced. Malapad akong ngumiti pero agad din nawala nang makita ko ang madilim na mukha ni Magnus habang matalim ang mata na nakatitig sa akin. Kaagad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Hindi siya nagsalita at wala ring pagtutol mula sa kanya na lihim kong ikinatuwa. Nagpaalam muna ako para mag-restroom. Hindi ko na kasi mapigilan ang paglabas ng aking ihi. Nang makalabas sa restroom namin dito malapit sa kitchen, nagulat ako nang nasa labas pala si Magnus, nakaabang sa akin. Matamis ko siyang nginitian kahit na galit na galit pa rin ang tingin niya sa akin. "M-Magnus.." "Cancel the upcoming wedding, Selah. Alam mo naman na may girlfriend ako, 'di ba?" Matigas niyang utos sa akin. Kita ko ang pagkikiskisan ng mga ngipin niya dahil sa pinipigilan na paglabas ng kanyang galit sa akin. I sighed and crossed my arms. "I don't want to, Magnus. If you don't want to marry me, you should be the one to tell your parents. And as for your girlfriend, it's simple, break up with her!" Matapang kong wika sa kanya. Napatiimbagang siya at kita ko ang mahigpit na pagkuyom ng kamao niya. Umiling-iling siya. "You are so desperate!" Mariin at puno ng galit niyang sambit sa akin bago niya ako iniwan nang mag-isa dito. Doon pa lang ako nakahinga ng maluwag nang mawala na siya sa paningin ko. Sinapo ko ang aking dibdib dahil sa sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD