PROLOGUE
BLURB:
Bata pa lang si Selah Annalise ay mahal na niya si Magnus Xavier Montecillo, ang panganay na anak ng matalik na kaibigan ng daddy niya. She promised to herself that she will marry Magnus no matter what happens.
Natupad naman ang kanyang kahilingan. Kinasal sila ni Magnus kahit alam niya na wala naman itong pagmamahal para sa kanya.
Sa ilang buwan nilang pagsasama bilang mag-asawa'y tinuring siya nitong katulong at kung minsan ay hangin na hindi nakikita. Tiniis iyon ni Selah sa pag-aakala na darating ang araw na matututunan siyang mahalin ng kanyang asawa.
Ngunit dito niya napatunayan na hindi lahat ng kagustuhan niya ay mapapasa-kanya. Kagaya na lang ng puso ni Magnus na pagmamay-ari na pala ng iba.
In the past year, their paths crossed again. But it seems like the world has turned upside down. Because the man she tried to forget for years is now chasing after her.
"Please, love me again, my Selah!" His voice was filled with pleading.
PROLOGUE
SELAH
"PLEASE, Magnus, don't do this to me. Please don't leave me," pakiusap ko sa aking asawa. We've been married for almost six months, and now he is planning to leave me. I won't allow that to happen. I have long dreamed of marrying him, so I won't let my dream slip away.
Hinawakan ko ang kanyang braso para pigilan siya sa paglabas ng pinto. Bitbit na niya ang maleta niya at talagang tuluyan na niya akong iiwan.
Pabalang niya akong nilingon kaya napaatras ako.
Galit na galit ang kanyang mukha at umiigting ang kanyang mga panga habang nakatingin sa akin. Alam ko naman na against siya sa kasal na naganap sa aming dalawa. At alam ko rin na hindi niya ako mahal.
But I really loved him. Mahal ko na siya simula pa ng bata pa lang kami. Kahit na ini-ignore niya ako noon ay okay lang sa akin. Kaya nang makapasa ako sa board exam ay ito ang hiniling ko na iregalo ni Daddy sa akin.... ang maikasal kay Magnus- ang pangarap kong lalaki. Ang lalaking mahal na mahal ko.
Sinalubong ko ang madilim niyang titig sa akin. Hindi ako nagpatinag at nagpakita ng takot sa kanya kahit na sa loob ko'y puno na ito ng takot at pangamba.
"Let me go, Selah," mariin niyang utos. Sunod-sunod ang ginawa kong pag-iling.
"No, Magnus, you're staying here sa ayaw at sa gusto mo," pagmamatigas ko. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak ko sa braso niya.
Pumaskil naman ang nakakalokong ngisi sa labi niya na nagbigay kilabot sa buo kong pagkatao.
"Do you know how desperate you are? Don't you have any respect for yourself? You don't own me, Selah. Yes, we're married... but that doesn't mean you own me."
Bawat katagang lumalabas sa bibig niya'y tila punyal na bumabaon sa dibdib ko.
Lumunok ako at huminga ng malalim. "H-Hindi mo man lang ba ako minahal?" pumiyok pa ang aking boses.
"Do you want to know the truth?"
Mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko habang dahan-dahan na tumatango.
Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi para i-ready ang aking sarili. Kahit na alam ko na ang sagot sa tanong koay lakas loob ko pa ring tinanong ang bagay na iyon sa kanya. Kahit na alam kong ikakadurog ko ang isasagot niya'y, tinanong ko pa rin ang isang tanong na alam kong salungat sa nararamdaman ko ang isasagot niya sa akin.
He took a deep breathed and he looked at me seriously.
Walang mababakas na kahit ano'ng emosyon sa kanyang mukha. Ni hindi ko man lang nakita sa mukha niya ang pagsisisi sa ginagawa niya sa akin ngayon.
"From then until now, I never loved you, Selah. I didn't feel anything, not even a bit, for you, and that's the truth," walang kagatol-gatol niyang sambit.
Tuluyan na akong nanghina at nawalan ng lakas.
Lumuwag na rin ang pagkakahawak ko sa kanyang braso dahilan para mabawi na niya ito.
Napatitig ako ng matagal sa mukha niya bago siya tumalikod sa akin. Baka ito na ang huli ko siyang makikita.
Tuluyan nang nanikip ang aking dibdib.
Hinatid ko siya ng tingin hanggang sa makarating siya sa pinto at tuluyang makalabas doon.
Napaluhod ako nang tuluyang mawala siya sa paningin ko. Saka pa lamang ako napahagulgol ng iyak at pinagluksa ang unti-unting pagkamatay ng aking puso.
*******
"SELAH, 'wag kang magmukmok dito, let's go outside. Mag-bar tayo, mag-shopping," aya ni Camille sa akin- my best friend.
Isang linggo na ang nakalipas magmula nang iwan ako ni Magnus. Isang linggo na rin akong nagmumukmok dito sa bahay.
Wala naman kasi akong kasama dito kahit na katulong. Pinaalis kasi ni Magnus ang katulong na dinala ko rito noong unang araw ng kasal namin dahil ang sabi niya'y obligasyon ko ang pagsilbihan siya at maglinis ng bahay bilang asawa niya.
Ginawa ko naman ang lahat ng gusto niya. Nagluto ako kahit na hindi ako marunong. Naglinis ako at naglaba kahit na magkanda-sugat sugat na ang mga kamay ko. Pero wala pa rin akong napala. Ni katiting na pagmamahal mula sa kanya ay hindi ko naramdaman. He never treated me as his wife. Para lang akong hangin sa kanya na dinadaan-daanan niya.
Muli na namang tumulo ang masaganang luha ko sa aking pisngi.
"Hoy, umiiyak ka naman!" Puno ng pag-aalala ang boses ni Camille. Ni hindi ko nga alam kung paano siya nakapasok dito sa loob ng bahay.
Hindi ko na rin matandaan kung naisara ko ba ang pinto ng bahay namin no'ng gabing umalis si Magnus.
"Tahan na, okay? Huwag mong pag-aksayahan ng luha ang walang kwenta mong asawa," pag-aalo niya sa akin. Niyakap ko ang sarili habang tahimik na umiiyak. Hinahaplos naman niya ang likod ko upang pagaanin ang pakiramdam ko. Ngunit kahit ano'ng gawin ko'y hindi pa rin maubos-ubos ang luhang pumapatak sa pisngi ko. Hindi rin mawala-wala ang sakit sa aking dibdib. Kung bakit ba naman kasi sa dinami-raming lalaki sa mundong 'to, sa kanya pa tumibok ang puso ko!
"Maganda ka, mayaman at sexy, at higit sa lahat mabait. Hindi mo deserve ang isang lalaking katulad niya, Selah. May iba pang lalaki na deserve mo, 'yung mamahalin ka ng buo at pahahalagahan ka," dagdag niya pa. Hilam ng luha ang mga mata kong tumingin sa kanya.
"M-May magkakagusto pa ba sa akin kapag nalaman nila na...." lumunok ako ng mariin bago muling nagsalita. "....k-kapag nalaman nila na... b-buntis ako?" umiiyak kong sambit sa kanya.