SELAH
HALOS mabingi ako sa katahimikan nang makapasok ako sa bahay namin. Nilibot ko ang mata sa paligid. Naalala ko 'yung araw na binili ko ang bahay na ito. Pinag-ipunan ko ang pinambayad ko dito galing sa allowance ko from dad. Nagtipid ako noon sa school, kung minsan ay nagbabaon na lang ako ng lunch para hindi na magalaw ang allowance ko. Sinubukan ko ring mag-part time job sa isang coffee shop malapit sa school namin, pero isang linggo lang ako doon dahil hindi ko kinaya ang trabaho.
This is not my dream house. Pero okay na rin, at least may bahay na kaming dalawa ni Magnus. Ayaw ko namang obligahin pa siya na bumili ng bahay para sa aming dalawa dahil alam ko naman na napilitan lang siya sa kasal naming dalawa.
Humakbang na ako papasok ng bahay at dumiretso sa kusina. Kukumustahin ko lang si Manang at iinom ng tubig. Naabutan ko siyang naghihiwa ng lulutoin para sa hapunan.
"Iha, nandiyan ka na pala," bati niya sa akin. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya nang titigan niya ang mga mata ko. Bigla tuloy akong nagsisi kung bakit dito pa ako dumiretso imbes sa kwarto ko.
"O-Opo, Manang." Dumiretso ako sa ref at kumuha ng malamig na tubig.
Habang umiinom ay hindi ko naiwasan na tingnan mula sa gilid ng aking mga mata ang ginagawa ni Manang. Nagbabalat siya ng patatas, carrots at mayroon ring bell pepper.
"Manang, para sa hapunan po ba 'yan?"
"Oo, iha. Baka umuwi ng maaga ang asawa mo at dito kumain. Para matikman naman niya ang luto ko," aniya.
Bigla kong naalala na nag-d-dinner na pala ito kasama si Eureka. Nanikip na naman tuloy ang dibdib ko.
"H-Huwag ka na pong mag-abala, Manang," pahayag ko sa kanya dahilan ng pag-angat niya ng tingin sa akin.
"Ha? Bakit naman?" nagtataka niyang tanong.
Nag-isip tuloy ako ng iisiping dahilan sa kanya. Hindi ko namang maaring sabihin sa kanya na may ka-dinner date na iba si Magnus kaya 'wag na siyang magluto.
Tumikhim ako at lumunok para matanggal ang pagbabara sa aking lalamunan.
"A-Ahmm.. kasi po.. n-nag-text po siya sa akin na may dinner meeting raw sila," pagsisinungaling ko.
"Ah, gano'n ba? Ay siya sige, itabi ko na lang ito para bukas. May ulam pa naman dito na natira kaninang tanghali at iyon na lamang ang kakainin ko."
Tumango lang ako sa kanya.
"Ikaw ba ay kumain na?" Palabas na ako nang magtanong siya.
Nilingon ko siya at ngumiti.
"Opo, Manang," pagsisinungaling ko ulit. Nawalan na rin naman ako ng gana kumain sa tuwing naaalala ko ang nakita ko kanina sa restaurant. At hindi na rin naman ako nakaramdam ng gutom.
Tuluyan na akong lumabas sa kusina at dumiretso sa aking kwarto. Pagkapasok ko'y pabagsak akong humiga sa aking kama at malayang pinaglandas ang luha sa aking pisngi habang nakatitig sa kisame.
Seeing him happy with someone else will break me into pieces. Okay lang sana kung ibang babae ang kasama niya.. pero si Eureka pa.
Kung saan-saan na naglakbay ang utak ko sa pag-iisip. Mga planong nabuo para mahalin ako ni Magnus, hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Tanghali na akong nagising kinabukasan. Masakit ang aking mga mata marahil nasobrahan sa pag-iyak ko kahapon. Tinitigan ko ang sarili sa salamin. Mugto nga ang mga mata ko at nangingitim pa ang ilalim niyon.
Matagal kong tinitigan ang sarili ko at saglit na nag-isip kung paano ba ako magugustuhan ni Magnus. Alam kong sa sarili ko na maganda ako kahit na wala akong makeups. Pero bakit ayaw niya pa rin sa akin? Siguro nga hindi siya nag-ba-base sa looks ng isang babae.
Was it my attitude? Dahil ba magaslaw akong kumilos?
Marahas akong bumuga ng hangin at tumayo ng maayos. Siguro nga ay kailangan ko ng baguhin ang sarili ko. Napangiti ako at napuno ng pag-asa ang aking sarili. Kinalimutan ko na rin ang nakita ko kahapon. Wala namang mangyayari kung magmumukmok pa ako nang dahil lang doon.
Lumabas ako ng kwarto ko. Sinulyapan ko pa ang pinto ng kwarto na inookupa ngayon ni Magnus.
'Did he go home last night?' I asked myself.
Gusto ko sana siyang silipin sa loob, pero baka mas lalo siyang magalit sa akin.
Nagpasya na lang akong bumaba at dumiretso sa kusina.
Ngunit nagulat ako nang maabutan ko doon si Magnus, prenteng naka-upo sa upuan katapat ng lamesa. Nakahalukipkip siya habang masamang tingin ang pinupukol niya sa akin. Nakaramdam tuloy ako ng pagka-ilang kaya ako na ang kusang nag-iwas ng tingin sa kanya.
Hindi ko tuloy maintindihan ang sarili kung babatiin ko ba siya o dededmahin ko na lang.
Pero wala ni isa doon ang ginawa ko. Huminga ako ng malalim at tinawag si Manang. Nagtataka ako kung bakit wala pa siya at wala pang almusal si Magnus. Pero naka-ilang tawag na ako ay hindi pa rin ito sumusulpot dito sa kusina. Hindi naman masyadong malaki ang bahay namin para hindi niya kaagad marinig ang pagtawag ko.
"She's not here."
Napahinto ako nang magsalita si Magnus. Binalingan ko siya ng tingin.
"N-Nag-grocery ba siya?" kuryoso kong tanong. Sa pagkaka-alam ko'y kaka-grocery niya lang nakaraan.
"No. I already sent her back to your mom and dad's mansion and she will not come back here," ma-awtoridad niyang sabi na ikinagulat ko.
"W-What?"
Tumango siya at tumayo. Tuwid na tuwid ang pagkakatayo niya at mukha siyang strikto.
"H-Hindi ko maintindihan, Magnus. Bakit mo pinabalik si Manang sa mansyon?"
"I am your husband, right? Why do we still need a maid? This house is small, it's just the two of us. Isn't it the job of a wife to do the household chores?"
I don't know if I should tell him that I don't know how to do household chores. He might be turned off by me!
Pero lihim akong natuwa sa unang sentence na binanggit niya.
"Magluto ka na ng breakfast. Make it fast, tanghali na, baka ma-late ako sa opisina," sambit niya bago niya ako tuluyang iniwang naka-nganga dito sa kusina.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon. Gusto ko 'yung part na kinausap niya ako at gusto niyang ipagluto ko siya ng breakfast, but I have a problem.
I don't know how to cook.
I don't know how to do a household chores.
At higit sa lahat hindi ako marunong maglaba!
Paulit-ulit akong huminga ng malalim para pakalmahin ang aking sarili.
Perhaps this is one of his challenges for me to make him like me.
Napangiti ako. Nawala na rin ang pangamba sa puso ko dahil sa naisip ko.
Sinimulan ko na ang paghahanda ng almusal. Nag-search ako ng recipe sa youtube kung paano magluto ng omelette.
Kung papanoorin lang ay tila kay dali-dali lang. Pero nang ginagawa ko na ay halos magsugat na ang mga daliri ko dahil ilang beses ng natamaan ng kutsilyo. Naghihiwa kasi ako ng sibuyas at spring onions para sa sangkap.
Hindi ako nasanay sa gawaing bahay na pinagsisisihan ko na ngayon. Bakit ba ang tamad ko?
"Sh-it!" mura ko nang tumalsik ang mantika sa balat ko.
Mahapdi at masakit pero hinayaan ko na lang dahil kailangan makaluto na ako bago bumaba si Magnus mula sa kanyang kwarto. Marahil ay naligo lang siya.
I was so frustrated! Halos ibato ko na ang sandok na hawak ko dahil ayaw matanggal ng itlog sa kawali. Dumadami na rin ang usok kaya mas lalo akong nataranta.
"Damnit! What are you doing?" Dumagundong ang boses ni Magnus dito sa buong kusina na ikinagulat ko. Mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa ginawa niyang pag-sigaw.
Kaagad siyang lumapit sa akin at siya na ang nagpatay ng kalan.
"Plano mo bang sunugin ang bahay?" sigaw niya ulit. Tumingin ako sa kanya. Galit na galit ang mukha niya at kunot na kunot ang noo niya.
"Kung plano mong sinugin ang bahay, 'wag mo akong idamay!"
Niyuko ko ang aking ulo para iwasan ang masama niyang titig sa akin.
"I knew it! Hindi ka nga talaga marunong magluto," may panunuya niyang sambit.
Niyuko ko ulit ang aking ulo dahil sa sobrang kahihiyan.
"Simpleng itlog lang hindi mo pa kayang lutuin? Tapos ang lakas ng loob mong magpakasal? Huh!" sigaw niya.
Kinagat ko ng mariin ang ibaba kong labi. Wala akong mukhang maiharap sa kanya dahil tama naman talaga ang mga sinabi niya.
"S-Sorry... n-ngayon ko lang nasubukan magluto," mahina kong sabi. Bahagya pang nanginig ang boses ko dahil sa pagbugso ng emosyon na gusto ng sumabog.
Hindi siya nagsalita kaya nag-angat na ako ng tingin sa kanya. Ramdam ko na ang mainit na luha sa gilid ng mga mata ko pero pinipigilan ko iyong bumagsak. Sinalubong ko ang matalim na titig niya sa akin, pagkatapos lumunok ako ng mariin. "M-Matututunan ko rin ang pagluluto, Magnus. I will do my best to prove you that you are wrong,"
"Tsk! No need. Mas maganda pang ipa-annul mo na lang ang kasal nating dalawa. Baka sakaling matuwa pa ako sa'yo!"
Sunod-sunod ang ginawa kong pag-iling.
"No, Magnus, hilingin mo na ang lahat 'wag lang iyon," matigas kong sambit sa kanya dahilan ng pagtangis ng kanyang mga bagang.
He shrugged. "Okay then... welcome to hell!"