4.SELAH- SURRENDER

1785 Words
SELAH KANINA pa ako nakatitig sa kisame. Hindi ako dalawin ng antok dahil sariwa pa rin sa isip ko ang mga huling salita ni Magnus kanina bago niya ako iwan sa kusina. 'Welcome to hell!' 'Welcome to hell!' 'Welcome to hell!' ulit-ulit kong naririnig. Basta niya na lang ako iniwan sa kusina na naka-awang ang bibig dahil sa pagkabigla. Nakaramdam na naman ng paninikip ang aking dibdib. Sa trato niya sa akin ay parang wala kaming pinagsamahan na dalawa. Sabagay, kahit na magaganda naman ang pinapakita ko sa kanya noon ay balewala pa rin ako sa kanya. Naalala ko pa noong mga bata pa lang kami, ako ang nagtatanggol sa kanya sa mga bully doon sa school namin. Iba kasi ang pormahan ni Magnus noon. Mukha siyang nerd at makapal pa ang kanyang salamin. Bukod doon ay mataba pa siya na parang napabayaan sa kusina. Pero kahit na pinagtatanggol ko siya noon ay balewala pa rin talaga ako sa kanya. Iniiwasan niya pa rin ako at para bang nandidiri siya sa tuwing dumidikit ako sa kanya. Kung minsan nga ay kinokwestyon ko na ang sarili kung pangit ba ako? O kung mabaho ba ako? Para kasi akong may nakakahawang sakit kung pandirihan niya. Ngayon naman ayaw niya akong makasama sa iisang kwarto. Marahas akong bumuga ng hangin. Nagsimula na naman kasing manikip ang dibdib ko. Imbes na magmukmok dito'y dapat mag-aral ako kung paano magluto. Baka sakaling matuwa siya sa akin at pansinin niya na ako. Binuksan ko ang phone ko at nagsimulang mag-search ng mga recipe sa youtube. Una kong ni-search ay kung paano magluto ng adobong baboy na may manok. Sabi kasi ni Tita Princess ay iyon daw ang paborito ni Magnus. Bumangon ako sa kama at lumabas ng kwarto. Hatinggabi na pero hindi ko alam kung naka-uwi na ba si Magnus. Hindi ko na kasi siya hinintay pa dahil nahihiya ako sa kanya tungkol sa nangyari kanina. Sinulyapan ko ang pinto ng kwarto niya. May kaunting liwanag akong nakita mula sa siwang na pinto. Nakauwi na siya. Hindi na ako nagluto ng pagkain niya dahil nga hindi naman ako marunong. Baka masayang lang din dahil hindi niya rin naman kakainin. Pero excited akong ipagluto siya ng paborito niya. Tutal hindi naman ako makatulog kaya magluluto na lang ako. Mabuti na lang at marami akong stocks dito sa bahay. Naalala ko tuloy si Manang. Wala pa akong natatanggap na tawag mula kina Mommy at Daddy. Siguradong magdududa 'yun sila kung bakit bumalik si Manang sa mansyon. Napabuntong hininga ako. Hindi man lang niya painag-stay dito si Manang para maturuan ako. Nilabas ko na ang mga gagamiting sangkap. Ginaya ko ang napanood ko sa youtube. Natagalan ako sa pagbabalat ng bawang lalo na sa sibuyas. Shit, ang sakit sa mata! Dumidikit pa 'yung balat ng bawang sa kamay ko. Ang lagkit! First time ko itong gagawin sa buong buhay ko. Prinsesa ako sa bahay nila mommy at daddy, bukod kay Anastasia. Tagaktak na ang pawis ko sa pagbabalat pa lang ng bawang at sibuyas. Sa pinapanood ko parang ang dali lang nilang ginagawa, pero ang hirap pala. Muntik pang masugatan ang daliri ko nang hihiwain ko na ang sibuyas. Mabuti na lang at daplis lang. "Whoo!" Marahas akong bumuga nang hangin ng sa wakas ay nahiwa ko na rin ang bawang at sibuyas. Napasulyap ako sa wall clock dito sa kusina. Alas dos ako nagsimula pero ten minutes na lang ay mag-a-alas kwatro na ng madaling araw. Pumipikit na rin ang mga mata ko dahil nakaramdam na ako ng antok. Nagtimpla ako ng kape para hindi antukin. Kailangan matapos ko ito bago mag-alas syete ng umaga dahil iyon ang oras ng baba ni Magnus. Sinundan ko ang instruction sa video. Ginisa ko sa mantika 'yung mga hiniwa ko na bawang at sibuyas at sunod ang karneng baboy. Ito raw muna ang uunahin na papalambutin dahil matagal raw ito bago lumambot kaysa sa manok. Nilagyan ko na rin ng toyo, paminta at laurel at pinakuluan ko ito hanggang sa lumambot. "Nakakapagod pala ang magluto," bulong ko sa aking sarili. Pero nawala ang lahat ng pagod ko nang tikman ko ito at tuluyan ng maluto. Pasok na sa panlasa ko. Hindi siya maalat at hindi rin siya masyadong matamis at maasim. Saktong-sakto lang. Sana lang ay magustuhan ni Magnus. Sa sobrang excited ko na ipatikim sa kanya ang niluto ko'y hindi na ako natulog. Nagsaing na ako ng bagong kanin. Maging ang pagsasaing ay inaral ko rin sa youtube, dahil hindi talaga ako marunong. Habang naghihintay ay inayos ko na ang kalat ko sa countertop. Tinitignan ko pa lang ang kalat ay napapagod na ako. But, I don't have a choice. Walang magliligpit nito kun 'di ako lang. Sinimulan ko ng itapon sa basurahan ang mga balat ng sibuyas at bawang. At hinugasan ko na rin ang kutsilyo at sangkalan na ginamit ko. Alas singko na nang matapos ako. Luto na rin ang kanin. Umakyat muna ako sa kwarto ko para mag-ayos ng sarili. Nawala na rin naman ang antok ko kaya hindi na ako matutulog. Babawi na lang siguro ako mamayang tanghali. Sumapit ang alas sais ng umaga. Bumalik na ako sa kusina para i-prepare ang pagkain. Excited na ako at bumibilis ang t***k ng puso ko dahil sa kaba. Sakto 7AM nang pumasok si Magnus dito sa dining. Hinanda ko na ang maganda kong ngiti sa kanya kahit na salubong na agad ang kilay niya. "Good morning, Magnus. Pinagluto kita ng almusal. Kain ka na," alok ko sa kanya. Blanko ang ekspresyon ng mata niya nang tumingin sa akin. Pero matamis na ngiti pa rin ang sinukli ko sa kanya. Kunot ang noo niya habang sinusuyod ng tingin ang nakahain sa mesa. "What time is it now?" Malamig niyang tanong. "Ahm.. 7AM," agad kong tugon kahit na nagtataka kung bakit pa siya nagtatanong ng oras. Kinagat ko ang ibabang labi nang mag-angat siya ng tingin sa akin. Matalim ang kanyang tingin na para bang iritado na naman siya sa akin. "Hindi mo ba alam ang pinagkaiba ng breakfast, lunch at dinner?" Mapanuya niyang tanong. Kumunot ang noo ko sa pagtataka. "A-Alam... pero pwede naman i-almusal ang adobo 'di ba?" katwiran ko. "Tss.." Pero lihim akong napangiti nang umupo na siya at nagsimulang maglagay ng kanin at ulam sa plato. Kinakabahan ako. Tila may nakakarerahan na kabayo sa dibdib ko dahil sa bilis ng pagtibok nito. Hindi na ako nagtangkang sumabay sa kanya dahil mukhang ayaw naman niya akong kasabay kumain kaya nanatili lang akong nakatayo sa gilid niya. Mariin kong kinagat ang aking labi nang sumubo na siya ng ulam. Halos mahigit ko ang aking paghinga dahil sa takot na baka bigla na lang niya akong sigawan. Pero nagtaka ako ng iluwa niya ito. Pabagsak niyang binaba ang kutsara at masamang tingin ang pinukol niya sa 'kin. Iiling-iling pa siya bago magsalita. "Maalat... at hindi masarap!" malakas niyang sambit. Napamaang ako at hindi nakapag-salita. Hindi ko alam ang gagawin. Nagsimula nang mag-init ang gilid ng mga mata ko dahil sa nakaabang doon na luha. "P-Pero.. okay naman siya nang tikman ko kanina." Nang sa wakas ay may lumabas na boses sa akin. Pabalang niya akong tiningnan. "Magka-iba tayo ng panlasa. Kung masarap para sa'yo, sa akin hindi. Kainin mo lahat 'yan!" pasigaw niyang sabi. Nagulat ako nang ibagsak niya ang bowl sa mesa dahilan ng pagkatapon niyon. Tinuro sa 'kin ni Mommy na masama ang nagsasayang ng pagkain dahil maraming bata ang nagugutom. Sigurado naman akong tinuro rin iyon sa kanya dahil galing rin sa mahirap na pamilya ang kanyang ina. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili. Inintindi ko na lang siya dahil tama naman ang sinabi niya, magkaiba kami ng panlasa. Tumayo siya kaya na-alerto ako. Agad ko siyang nilapitan at hinawakan ko ang kanyang braso para pigilan siya sa pag-alis. Bumaba ang tingin niya sa kamay ko na nakahawak sa kanya at parang nandidiri niyang winasiwas ang braso niya para matanggal ang kamay ko na nakahawak sa kanya. Napayuko ako. "S-Sorry.. m-magluluto na lang ako ng iba, hintayin mo na lang." "I will just be wasting my time. Is that how you will feed your husband? Papakainin mo ako ng basura? Mas masarap pa ang ulam sa karinderya!" pang-iinsulto niya. Huminga ako ng malalim at pinigilan ang pagtulo ng luha sa aking pisngi bago ko siyan tiningnan. "M-Mag-o-order na lang ako, Magnus ng breakfast mo. Promise, pag-aaralan ko ng mabuti ang pagluluto," sambit ko. Sinikap ko na hindi gumaralgal ang boses ko kahit na nanginginig na ang labi ko. "Nevermind. Kakain na lang ako sa opisina," aniya saka ako tinalikuran at iniwang nakatanga dito sa dining. Nang mawala siya sa paningin ko'y saka pa lamang pumatak isa-isa ang aking luha. Nilapitan ko ang pagkain. Ako na lang ang kumain. Masarap naman at nagustuhan ko. Marami akong niluto kaya imbes na masayang ay ni-repack ko ito sa styro at nilagyan ng kanin. Plano kong ibigay ito sa mga bata na nasa lansangan. Marami ang nagugutom gaya nila kaya hindi dapat ako mag-aksaya ng pagkain. Sigurado namang hindi na ito hahanapin ni Magnus dahil hindi naman masarap para sa kanya. Dumaan muna ako malapit na mini mart para bumili ng bottled water at saka ako dumiretso sa ilalim ng tulay dito malapit sa EDSA. Pagkakita ko pa lang sa kanila ay mapait akong napangiti. Bumaba na ako ng kotse at binaba na rin ang mga pagkain kong dala. May nakapansin sa aking bata at agad niya akong nilapitan. "Ate ganda, para sa amin po ba 'yan?" nakangiti niyang tanong sa akin. Mahaba ang kanyang buhok at dry na dry na. Madusing rin siya at marumi ang suot niyang damit. Nginitian ko rin siya. "Opo. Tawagin mo na ang mga kasama mo at ipapamigay natin sa kanila," utos ko sa kanya. Wala pa ngang ilang minuto ay dinumog na ako ng tao. Mabuti na lang at marami ang dala ko kaya nagkasya sa kanila ito at may sobra pa ngang isang styro. "Masarap ba?" tanong ko sa mga bata maging sa matatanda na kasama nila. Sabay-sabay silang tumango. Napangiti ako. At least hindi nasayang ang effort ko sa pagluluto. Ito ang unang beses na nagluto ako ng ulam. Masarap naman rin siya para sa akin. O baka gusto lang talaga ako pahirapan ni Magnus para ako na ang mag-request na ipa-annul ang kasal naming dalawa. Kung sa tingin niya ay susuko ako agad, nagkakamali siya. Kasal na kami at asawa niya na ako. Gagawin ko ang lahat upang magustuhan niya ako. Gagawin ko ang lahat upang tanggapin niya ako bilang asawa niya. I did not ask Daddy for this marriage to just give up immediately. The word 'surrender' is not in my vocabulary.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD