5.SELAH/MAGNUS -BLOOD

1661 Words
SELAH NABULABOG ang tulog ko sa lakas ng ring mula sa cellphone ko. Wala sana akong balak na sagutin, ngunit bigla na naman iyong nag-ring sa pangalawang pagkakataon kaya napilitan na akong bumangon at kinuha ang cellphone ko sa bedside table. Nakapikit pa ang mga mata ko nang sagutin ko ang tawag kaya hindi ko alam kung sino iyon. "H-Hello?" Namamaos kong tinig. "Selah, baby, kumusta ka na?" Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang boses ni Mommy. Nagising ang diwa kong inaantok pa. Saglit kong nakalimutan na sa cellphone ko lang pala siya kausap. "M-Mommy!" "I'm sorry, Selah, mukhang naistorbo yata kita sa pagtulog mo. Hindi ko na kasi kayang ipagpabukas pa ito," sambit niya. Napakagat labi tuloy ako at biglang kinabahan. Baka itatanong na niya kung bakit nakabalik na si Manang sa bahay. "W-What is it, Mom?" Kahit na kinakabahan ay sinagot ko pa rin siya. "Are you sure you're okay there?" Puno ng pag-aalala at paniniguro ang kanyang boses. Huminga ako ng malalim. "Yes, Mom. Bakit niyo po natanong?" Kagat-kagat ko pa rin ang ibaba kong labi. "Nagulat kasi ako dahil nandito na si Manang Diding. Tinanong ko siya at ang sagot niya, si Magnus raw ang nagpabalik sa kanya dito. Bakit?" kuryoso nitong tanong. Muli akong napahinga ng malalim at nag-isip kung ano'ng dahilan ang sasabihin ko kay Mommy. Siguradong hindi niya ako titigilan hangga't hindi ko siya nasasagot. "A-Ahm.. opo Mom.. n-napag-usapan na po namin ni Magnus ang tungkol d'on," pagsisinungaling ko. Mariin akong napapikit at nagdasal sa aking isip. 'Sorry, Mommy!' "Are you sure? Hindi ka ba mahihirapan sa gawaing bahay?" paniniguro niya. "Yes, mommy. Kaya ko na po. Don't worry about me." Tinatagan ko ang aking boses para hindi na siya mag-alala pa sa akin. Knowing Mom na kahit ang nararamdaman ko'y kabisado niya na. Titigan niya lang ako sa aking mga mata'y alam niya na kapag may problema ako. Hindi na ako nakabalik sa pagtulog nang ibaba ko na ang tawag. Alas singko na ng hapon. Nag-iisip ako kung ano naman ang lulutuin ko ngayong gabi para sa hapunan ni Magnus. Unang araw ko pa lang, pero napapagod na ako sa pag-iisip pa lang ng lulutuin. Baka naman kasi hindi naman niya magustuhan, masayang lang. Bumaba na ako sa kusina, magluluto na lang siguro ako ng fried chicken. Madali lang 'yung recipe na nakita ko sa youtube. Medyo nasasanay na ako ng gawain sa kusina. Sabagay wala naman talagang bagay ang hindi kayang pag-aralan. Kapag gusto may paraan. Gusto ko rin naman ang ginagawa ko at gusto ko rin namang matuto, baka sakaling kahit dito man lang ay mapansin ako ni Magnus. Napangiti ako ng tapos na akong magluto. 7PM na at maya-maya lang ay uuwi na si Magnus. Naghain na rin ako ng plato. Nagdalawang-isip pa ako kung dalawang plato ba ang ihahain ko dahil gusto ko naman siyang makasabay sa hapag. Sa huli ay dalawang plato na ang nilagay ko. Baka sakaling kumain siya na kasabay ako. Nilinis ko muna ang kalat ko sa kusina habang naghihintay ng oras. Sakto pagkatapos ko'y may nakarinig na ako ng ugong ng sasakyan sa labas. Agad kong tinungo ang pinto at binuksan iyon. Lumawak ang ngiti ko nang makita ko na si Magnus pababa ng sasakyan niya. Umayos ako ng aking tayo at sinipat ang sarili. Maayos naman ang damit ko kahit na pambahay lang ito. Hindi naman ako mabaho dahil nakaligo naman ako kanina bago matulog. 'Yun nga lang amoy fried chicken na ako. 'Di bale hindi naman niya ako kakainin. Napahagikgik ako sa naisip. Para akong tanga na excited sa paglapit niya dito sa akin na para bang wala siyang nagawa sa aking masama kanina. Pagdating talaga kay Magnus ay mabilis maglaho ang galit ko. "Hi, Magnus!" masigla kong bati sa asawa. Ngunit malamig na titig lang ang sinalubong niya sa akin. Nilagpasan niya lang ako na tila ba hindi ako nakikita. Kaagad ko siyang sinundan at tinawag. "I cooked dinner for us," sambit ko. Nanatiling nakapaskil ang ngiti sa aking labi. Huminto siya sa paglalakad pero hindi niya ako nilingon. "I already ate dinner... with Eureka.." Agad na nalusaw ang ngiti sa aking labi nang marinig ko ang sinabi niya. Ang pag-asa na makakasabay ko siya sa hapag ngayon ay nawala na rin. Right. Sino ba naman ako para sabayan niya akong kumain? I'm just his wife.. in papers. "A-Ahmm... o-okay. A-Ako na lang ang kakain... magpahinga ka na lang." Mariin akong lumunok dahil sa pagbabara ng aking lalamunan. Pinigilan ko ang sarili na 'wag umiyak, pero nang mawala na siya sa paningin ko'y saka rumagasa ang luha sa aking pisngi. Hindi naman ako naiyak dahil sa hindi niya kinain ang luto ko. Nasasaktan ako sa isipin na si Eureka na naman ang kasabay niyang kumain ngayon. Aware naman ang babae na kasal na si Magnus sa akin. Bakit hindi niya pa rin layuan ang asawa ko? Bagsak ang balikat kong tinungo ang dining. Kumain pa rin ako kahit na nawalan na ako ng gana. Hindi ko naman pwedeng pabayaan ang sarili ko nang dahil lang sa nalaman. Nalalasahan ko ang luha sa kinakain ko, wala pa rin kasing tigil ito sa pagtulo. May natira pang ulam. Siguro'y uulamin ko na lamang ito bukas. Nang mahugasan ko na ang plato na ginamit ko'y umakyat na ako sa kwarto ko. Hindi na ako nag-abala pang sulyapan ang pinto ni Magnus. THIRD PERSON NAGISING si Magnus na kumukulo ang tiyan dahil sa matinding gutom. Padabog siyang bumangon sa ibabaw ng kama. Kakatulog niya pa lang pero wala pa yatang isang oras ay nakaramdam na siya ng gutom. Paano ba naman kasi, hindi naman totoong kumain na siya kasama si Eureka. Sinabi niya lang iyon para pasakitan si Selah. That's how much he hates Selah. Masyado kasi itong agresibo, magaslaw kumilos na parang hindi babae. At ayaw niya dito ang lantaran na pagka-gusto sa kanya. Na para bang kahit na sinong magustuhan nitong lalaki ay gusto niyang mapasa-kanya. He wonder kung ilang lalaki na ang dumaan sa napangasawa niya. Pinaalis niya si Manang Diding para pahirapan si Selah. Pero tila hindi yata susuko ang asawa sa challenge na binigay niya. Hindi na siya nakatiis at lumabas na siya ng kanyang kwarto. Tumigil siya sa pinto ng kwarto ni Selah. Mukhang tulog na ito dahil wala siyang naririnig na ingay mula sa loob. Pero para maka-sigurado'y patingkayad pa rin siyang naglakad pababa ng hagdan. Dumiretso siya sa kusina at hinanap ang ulam na niluto ni Selah kaninang umaga. Hindi naman totoo na maalat at hindi masarap ang niluto nito. Baka kasi bigyang kahulugan ni Selah kapag sinabi niyang masarap ang niluto niya. Baka isipin nito na may gusto siya dito. Ngunit kanina niya pa ito hinahanap sa loob ng refrigerator ay hindi niya mahanap. Ang tanging nandoon lang ay ang fried chicken, marahil ito ang niluto niya kanina para sa hapunan. Wala siyang choice kun 'di iyon na lang ang kainin. Nagugutom na siya at nagwawala na ang bulate sa tiyan niya. Ininit niya iyon sa microwave. Amoy pa lang ay masarap na. Sumulyap siya sa pinto dahil baka bigla na lamang pumasok sa kusina si Selah. Sa kusina na kasi siya kumain at hindi na nag-abala pang lumipat sa dining. Binilisan niya lang ang pagkain. Naubos niya ang tatlong hiwa ng manok at hindi niya namalayan na wala na pala siyang natira. Bahala ng magtaka si Selah kung saan napunta ang manok na iniwan nito sa refrigerator. SELAH MAAGA akong gumising para ipaghanda si Magnus ng almusal. Susubukan ko pa rin kung kakain siya o hindi. At least sinubukan ko. Baka kasi kapag hindi ako nagluto'y bigla na lamang ito maghanap ng pagkain. Naligo na ako diretso para magising na ang diwa ko. Kailangan ko rin kasing maagang umalis dahil pupunta ako sa shop ko ngayon. Ngayon ko planong maglinis at ayusin doon para makapag-open na ako at makapaglagay ng paninda. Habang bumababa sa hagdan ay nag-iisip na ako ng lulutuin ko. Siguro ay hotdog na lang at itlog. Siguro naman ay marunong na akong magluto ng itlog dahil nakapagluto na nga ako ng pritong manok kagabi. Balak ko ring initin ang manok, baka sakaling kainin ni Magnus ngayon. Nilabas ko na ang hotdog mula sa freezer at naglabas na rin ako ng tatlong itlog. Hinanap ko naman ang pritong manok na nilagay ko dito kahapon. Pero hindi ko makita. Pinagpawisan na lang ako sa kakahanap ay hindi ko pa rin talaga makita. Tanda ko talaga na nandito iyon at hindi ako pwedeng magkamali. "What are you doing?" Nagulat ako nang biglang may nagsalita sa likod ko. Agad akong umayos ng tayo at hinarap si Magnus. Nagdalawang linya na naman ang noo niya dahil kunot na naman ito. "Ahm.. h-hinahanap ko kasi 'yung manok na tira kahapon. Iinitin ko sana," paliwanag ko. "Kinain mo ba?" tanong ko sa kanya. "Bakit ko naman kakainin 'yun?" balik tanong niya sa akin. 'Oo nga naman. Bakit niya nga pala kakainin 'yun?' tanong ng aking isip. Nag-iwas siya ng tingin sa akin at tumutok iyon sa ibabaw ng sink dahil nandoon ang hotdog na pinapalambot ko kanina. "Sh-it! Sandali lang... hindi pa pala ako nakapag-luto." Natataranta akong lumapit sa sink at mabilis na binalatan ang hotdog. Kinuha ko ang kutsilyo para ipanghiwa sa bahagi ng hotdog. Nanginginig ang kamay ko sa pagkataranta kaya hindi sinasadya na nadulas ang kutsilyo at dumiretso ang talim nito sa daliri ko. "Ouch!" Mas lalo akong nanginig nang makakita ako ng dugo. Hindi naman ako takot sa dugo, pero natakot ako para sa daliri ko na dumudugo. "Sh-it! What happened?!" Kaagad akong dinaluhan ni Magnus na hindi ko inaasahan. Hinablot niya ang kamay ko kung saan naroon ang daliri ko na dumudugo. Ngunit mas hindi ko inaasahan ang sumunod na ginawa niya. Napasinghap ako sa gulat nang bigla na lang niyang sinubo ang daliri ko na nasugatan at sinipsip iyon. Wala sa sariling napatitig ako sa kanya habang naka-awang ang aking labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD