SELAH
PABALANG niyang binitawan ang kamay ko na nasa bibig niya at agad na nag-iwas ng tingin sa 'kin.
Natauhan siguro siya sa ginawa niya. Maging ako man ay nabigla rin.
At kahit wala na sa loob ng bibig niya ang daliri ko'y ramdam na ramdam ko pa rin ang init sa loob ng bibig niya.
Lihim akong napangiti at the same time nabuhayan ako ng loob. Tila nagdiwang ang puso ko.
Hindi kaya nagkaka-gusto na rin siya sa akin?
Kinilig ako sa isipin na iyon.
"Treat that wound of yours, I'm leaving," malamig niyang sabi.
"S-Sandali... hindi ka ba muna kakain? Mabilis lang naman ito maluto," agad kong pigil sa kanya.
Nakatalikod na siya sa akin at naka-isang hakbang na rin siya.
"Sa opisina na ako kakain," tugon niya.
Bagsak ang aking balikat na tumango kahit hindi naman niya ito nakikita.
"O-Okay... ingat ka."
Wala na siya pero hindi pa rin ako umaalis sa kinatatayuan ko. Napatingin ako sa daliri ko na sinubo niya kanina at agad na pumaskil sa labi ko ang ngiti.
Hindi ako makapaniwala na gagawin niya iyon. Ano naman kaya ang pumasok sa isip no'n at sinubo ang daliri ko. Ang bilis tuloy ng t***k ng puso ko kanina.
Marahas akong bumuga ng hangin at pinakalma ang sarili.
Tinapik ko ang sariling balikat.
"Konting push pa, Selah. Bibigay rin si Magnus sa'yo," pagpapalakas ko ng loob sa aking sarili.
Naghanda na ako para sa pagpunta ko sa BGC. Ngunit pala-isipan pa rin sa 'kin kung saan napunta ang manok na tira ko kagabi. Hindi pa naman ako ganoon katanda para maging makakalimutin. Naalala ko talaga na nilagay ko iyon sa refrigerator.
Hindi na ako nag-almusal. Binalik ko na ang nilabas kong hotdog at itlog sa refrigerator at umakyat na sa aking silid.
PINUNASAN ko ang pawis na tumulo sa aking noo. Malamig naman dito sa loob ng mall pero pawisan pa rin ako dahil sa bigat ng aking ginagawa. Mag-isa lang ako at hindi na ako nag-hire ng makakatulong. Maganda na rin ito para magsilbing exercise ko. Matagal-tagal na rin 'yung last punta ko sa gym.
Tinawagan ko si Camille kanina pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya, at hindi ko alam kung pupunta pa ba siya dahil wala naman siyang reply sa akin.
"Good afternoon, Ma'am. Kailangan mo po ba ng tulong?"
Napalingon ako sa aking likuran nang makarinig ng boses.
Naka-suot siya ng uniporme na pang-janitor. Ngunit hindi doon natuon ang atensyon ko kun 'di sa mukha niya. Hindi kasi ako makapaniwala na ang isang gwapong gaya niya ay janitor dito sa Mall.
Mukha kasi siyang mayaman at ang kinis pa ng kanyang balat. May pagka-banyaga ang kanyang itsura dahil sa kulay asul niyang mga mata. Matangos ang kanyang ilong, maputi at matangkad.
"Ma'am? Ayos ka lang po ba?" Wine-wave niya ang kamay sa mukha ko dahilan para mabalik ako sa katinuan. Nakatulala na pala ako sa kanya at sobrang nakakahiya.
"A-Ahm. S-Sorry.. nagulat lang ako sa biglang pagsulpot mo," pagdadahilan ko.
Ngumiti siya. Mas lalo pa siyang gumwapo dahil sa ngiti niya. May dimple pa siya na lumubog sa magkabilaan niyang pisngi.
"Sorry po, Ma'am," aniya rin at napakamot sa kanyang batok na tila ba nahihiya.
"No, it's okay," agap ko sa kanya para mawala ang awkwardness sa pagitan naming dalawa.
"Ano nga ulit 'yung sinasabi mo kanina?"
Muli na naman siyang napakamot sa batok niya.
Bahagyang nagunot ang noo ko. May makati ba doon?
"Baka po kailangan mo ng tulong?" tanong niya.
Nilingon ko ang mga basura na nilagay ko sa sako kanina. Binalik ko ang tingin sa kanya.
"Ahm.. pakuha na lang ng sako na 'yan. At kung pwede makahiram ng mop mo?" turo ko sa mop na hawak niya. Tumingin rin siya doon at muling ngumiti.
"Ako na po Ma'am. Hindi po bagay sa'yo ang mag-mop," aniya.
Nag-init tuloy ang pisngi ko sa sinabi niya. Biglang sumagi sa isip ko si Magnus. Mabuti pa itong janitor, concern sa akin.
Hinayaan ko na lang siyang i-mop ang sahig sa loob. Kahit ano'ng pilit ko kasi na ako na ang magma-mop ay hindi siya pumayag.
"Tapos na, Ma'am," pukaw niya sa akin.
Tipid ko siyang nginitian.
"Salamat..." Napahinto ako dahil hindi ko pa pala alam ang pangalan niya.
Pinagpag niya ang kamay sa suot niyang pantalon at nilahad sa harap ko.
"Xennox po, Ma'am. Xennox po ang pangalan ko," pagpapakilala niya.
Napangiti ako at tinanggap ang kamay niya.
"I'm Selah. You can call me by my names. Nakakahiya naman ang Ma'am dahil hindi naman ako ang amo mo. Tsaka 'wag ka na ring magpo-po sa akin. Feeling ko tumatanda ako," natatawa kong sabi sa kanya.
Agad kong hinila ang kamay ko na hawak pa rin niya. Wala naman akong kakaibang nararamdaman para sa kanya pero magaan ang loob ko sa kanya. Marahil ay dahil alam kong mabuti siyang tao.
Noong bata pa lang ako'y lapitin talaga ako ng lalaki, pero hindi dahil para manligaw, kun 'di para makipagkaibigan sa akin. Si Camille nga lang ang bestfriend ko na babae. Karamihan sa mga kababaihan ay naiinggit sa 'kin sa hindi ko malaman na dahilan.
Napabuga ako ng hangin nang sa wakas ay natapos na rin ako sa pag-aayos ng stall ko. Hindi pa rin dumarating si Camille para matulungan ako sa pagde-decorate ng stall na ito para sa opening. Nag-iisip ako ng pakulo para sa opening na gaganapin ng stall ko sa linggo. Martes pa lang naman ngayon kaya makakapag-isip pa ako.
Nag-vibrate ang cellphone ko sa aking bag kaya agad ko iyong kinuha. Ini-expect ko na si Magnus ang nag-message pero hindi pala. Si Camille.
Tinatamad akong mag-reply dito kaya tinawagan ko na lang.
"Hello? Nasaan ka na ba?"
'Sorry, hindi ako makakapunta. Na-busy ako dito sa opisina. Tinambakan ba naman ako ng trabaho ni Dad!'
Bakas sa boses nito ang pagka-irita.
Bumuntong hininga ako.
"Ano pa nga ba ang magagawa ko? Sige na, ibaba ko na 'to. Babalik na lang ako dito bukas," sambit ko sa kanya.
'I'm sorry, Selah. Promise babawi ako sa'yo.'
Napangiti ako.
"Sabi mo 'yan ahh. Excited na ako," nangingiti kong sabi. Nagpaalam na kami sa isa't isa dahil marami pa raw siyang gagawin. Baka mapagalitan pa siya ng kanyang ama kapag nakita nitong may kausap na naman siya sa telepono.
Masyadong strict ang parents ni Camille. Kaya hindi nito maiwasang mainggit sa akin dahil meron akong supportive parents. Hindi ko naman siya masisisi dahil maging ako ay ramdam iyon sa kanila nang minsan na akong dumalaw sa bahay nila.
Masungit ang ina at ama nito at ni hindi man lang nga ako binati.
Hindi ko na lang pinansin dahil hindi naman sila ang pinunta ko doon, kun 'di ang kaibigan kong si Camille.
Tinetressure ko ang pagkakaibigan naming dalawa. At mahal na mahal namin ang isa't isa.
Nasa parking lot na ako nang bigla kong maka-salubong si Xennox. Nagka-gulatan pa kaming dalawa.
Mukhang pauwi na rin siya dahil hindi na siya nakasuot ng uniporme. Yumuko siya sa 'kin at bumati.
"Pauwi ka na?" tanong ko sa kanya.
"Opo.. este.. oo, S-Selah," sagot niya at nahiya pa sa pagbanggit niya sa pangalan ko.
"Gusto mo bang ihatid na kita?"
Sunod-sunod ang ginawa niyang pag-iling. "Naku, naku, 'wag na , Selah! Malapit lang naman ang bahay ko dito at kayang-kaya ko na. Mag-iingat ka sa pag-da-drive," sambit niya pa at nagmamadali na siyang umalis sa harap ko. Natawa tuloy ako sa itsura niya. Para siyang natatae na hindi ko mawari.
Maaga pa naman kaya nag-decide akong pumunta muna sa grocery para mag-stock ng pagkain. Baka kasi maging busy ako sa mga susunod na araw. Kailangan ko pa ring pagsilbihan ang asawa ko.
Halos mapuno ko na ang cart ko.
"Tama na siguro 'to," ani ko sa sarili.
Naglakad na ako patungo sa counter para bayaran ang mga pinamili ko. Nasa tapat ako ng meat shop nang may biglang bumangga ng cart ko. Nag-angat ang tingin ko sa kanya at para mapag-sino ito.
Awtomatikong napataas ang kilay ko nang nasa harap ko si Eureka. Nakangisi at nakataas rin ang kilay gaya ko.
"Nag-go-grocery rin pala ang isang mayaman na katulad mo?" sarkastiko niyang sabi. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili. Ayokong magalit ngayon, dapat good mood lang ako.
"Bakit? Para lang ba sa mga mahihirap ang pag-go-grocery?" balik tanong ko sa kanya. Nawala ang pagkataray ng mukha niya at galit na ang pumalit doon.
"Kung wala ka ng sasabihin, mauna na ako sa'yo. Kailangan ko pang magluto para sa ASAWA ko!" sambit ko sa kanya at pinagdiinan ang salitang asawa. Tumaas ang gilid ng labi niya at humalukipkip sa harap ko.
"Huh? Asawa? Sino? Si Magnus? 'Yung naging asawa mo lang dahil sa kadesperadahan mo?" sarkastiko niyang turan.
Medyo masakit sa dibdib ang sinabi niya dahil lahat ng 'yun ay totoo.
Hindi ko na lang siya pinansin at pinag-patuloy ang pag-tulak sa push cart para makalayo na sa kanya.
"Kahit kailangan hindi ka mamahalin ni Magnus, Selah. Itaga mo 'yan sa bato! Ako ang mahal niya at hindi ikaw!" pahabol niyang sigaw sa akin.
Pinigilan ko ang 'wag maiyak dahil marami ng tao ang nakatingin sa akin. Pero hindi maiwasan na sumakit ang dibdib ko dahil sa mga sinabi niya na alam kong totoo.
Naging balisa ako hanggang sa makarating ako sa bahay. Hindi ko na nga namalayan na alas syete na pala ng gabi. Nakita ko ng nakaparada ang kotse ni Magnus sa labas. Agad akong nataranta at binaba isa-isa ang mga supot ng pinamili kong grocery. Wala akong mautusan at walang makakatulong sa akin kaya kahit mabigat ay binuhat ko pa rin papasok ng bahay.
Hindi ko ito ginagawa noon. Mabuti na lang at sanay akong mag-gym kaya kahit paano ay sanay akong magbuhat ng mabibigat. Naabutan ko si Magnus sa kusina.
"Saan ka galing?" malamig ngunit galit niyang tanong.
Pinatong ko sa countertop ang plastic na may lamang grocery bago ko siya hinarap.
"Nag-grocery lang ako. Wala na kasi tayong stock dito sa bahay. Wala namang ibang gagawa nito kun 'di ako lamang," sagot ko. Hindi ko pa sinasabi sa kanya ang tungkol sa shop ko sa BGC. Wala akong plano. Baka kasi pati iyon ay hadlangan niya.
Hindi naman na siya nagsalita kaya bumalik ulit ako sa kotse para kunin ang mga natira.
Nasa kusina pa rin siya.
"Kumain ka na ba?" tanong ko.
"Yes." agad niyang sagot.
Okay na rin para hindi na ako magluluto pa. Napapagod na rin ako at gusto ko ng magpahinga. Hindi ko na rin binanggit sa kanya ang tungkol sa engkwentro namin ni Eureka kahapon. Ayaw ko siyang pag-usapan. Mabigat pa rin kasi ang dibdib ko dahil sa sinabi nito na hindi ko matanggap.
MALALAKAS na katok mula sa aking pinto ang nagpa-gising sa akin. Inaantok pa ako pero kailangan ko ng bumangon dahil sigurado akong si Magnus iyon. Sinulyapan ko muna ang sarili sa salamin at inayos ang sarili. Nang masigurong wala akong muta at panis na laway ay saka ko tinungo ang pinto at binuksan iyon.
Madilim na mukha ni Magnus ang bumungad sa akin. Namumula rin ang mga mata niya. Bigla akong tinambol ng kaba kung bakit ganito na lang siya kung makatitig sa akin.
"Magnus-"
Agad niyang pinutol ang pagsasalita ko.
"What did you do to Eureka?!" sigaw niya.
Nangunot ang noo ko sa tanong niya at naalala ang nangyaring sagutan sa pagitan namin kahapon sa grocery store.
"Ano'ng-"
"Never ever lie to me, Selah!" sigaw niya ulit. Nanginginig na ang labi ko dahil sa nagbabadyang pag-iyak. Mariin akong lumunok para matanggal ang pagbabara sa aking lalamunan.
"Hindi pa nga ako nagsasalita, Magnus. Ano ba ang sinasabi mo?"
"Nagkita kayo kahapon?"
Saglit akong nag-isip bago dahan-dahang tumango.
"Pero aksidente ang pagkikita namin kahapon sa grocery store," paliwanag ko.
"You have no right to humiliate her, Selah!" sigaw niya.
Sunod-sunod ang ginawa kong pag-iling.
"Wala-"
Pinutol na naman niya ang pagsasalita ko.
"Liar! Hindi siya iiyak kung wala kang sinabing masama sa kanya. Sinabihan mo pa siya na gold digger at kabit? How cruel you are!"
Nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya. Hindi ko na napigilan pa ang luha sa pagtulo nito at kinuyom ko ng mariin ang aking kamao.
"A-And you believed her?" nanunuya kong tanong. Kinagat ko ang ibabang labi.
"Of course, Selah, 'coz I know her. I know her more than I know you!"
Pagak akong natawa. Tinakpan ang paninikip ng aking dibdib.
"Y-Yun naman pala. Bakit nagtatanong ka pa sa akin kung sa kanya ka rin naman pala maniniwala?"
Lasang-lasa ko ang pait sa sinabi ko.
"I am not here to hear your explanation. I am here to tell you to stay away from Eureka, Selah. You have no idea the pain she went through when I married a desperate woman like you!" sigaw niya ulit at agad akong tinalikuran. Sinundan ko siya ng tingin pababa ng hagdan habang sunod-sunod na tumulo ang aking luha. Nakaramdam ako ng galit para kay Eureka.
She's a drama queen!
Hindi ako makapaniwala na naging girlfriend ni Magnus ang kagaya ni Eureka na doble kara at sinungaling!