Chapter 3: Ang Pagkikita

1217 Words
Kinabukasan, maagang gumising si Luna para maghanap ng trabaho. Nag-apply siya sa agency bilang kasambahay ngunit wala pang dalawang araw nang siya ay matawagan. Pumunta siya sa address na sinabi ng agency dala ang traveling bag dahil mag-uumpisa na raw kaagad siya. Pagkababa niya sa tricycle, namangha siya sa ganda ng bahay. Nag-doorbell siya at isang magandang ginang ang lumabas. “Magandang umaga ho, Madam. Dito po ba ang bahay ni Mr. Hermes Del Rio?” magalang na tanong niya. Ngumiti sa kanya ang ginang saka ito nagsalita. “Dito nga, hija. Pasok ka,” wika nito saka binuksan ang gate. “Halika sa loob para doon natin pag-usapan ang magiging trabaho mo,” dugtong pa nito. Pumasok siya at sumunod kay Donya Salome. Pagpasok ni Luna sa loob ng bahay ay lalo lang siyang namangha. Kung gaano kasi kaganda sa labas, ay iyon naman ang mas ikinaganda pa lalo sa loob. Pinagplanuhan talaga ang paggawa sa bahay na iyon. Inalok siyang umupo ni Donya Salome. Pagka-upo ay iginala niya ang paningin at napukol ang pansin niya sa lalaking naka-wheelchair. Nakatingin ito sa kanya kaya nagtama ang kanilang mga mata. Nginitian niya ito ngunit masamang tingin ang iginawad ng lalaki sa kanya kaya agad niyang ibinawi ang tingin at pinagsiklop na lang ang mga kamay. “Uhm . . . Madam, maaari ho ba akong magtanong sa inyo?” singit niya dahil nagsasalita ito. “Ano ‘yon, hija? Saka ‘wag mo na akong tawaging Madam. Donya Salome na lang.” “S-Sige po,” nahihiyang aniya. “Uhm, anak n’yo po ba iyong naka-wheelchair sa balkonahe?” “Oo, hija. At hindi ko pa pala nababanggit sa ‘yo. Hindi lang maid ang trabaho mo rito, okay?” paliwanag nito sa kanya kaya nagulat siya sa nalaman. “Ho? H-Hindi lang katulong?” gulat niyang tanong. “Naku, Luna! Baka ipaaasawa ka nila sa anak nilang g’wapo pero mukhang suplado,” bulong ng utak niya. Pinilig niya ang ulo sa isiping iyon. “Yes, hija. Hindi lang kasambahay ang trabaho mo rito. To tell you frankly, magiging yaya ka rin ng aking anak,” pagkukumpirma ng matandang Donya. Nanlaki ang mga mata ni Luna. Para siyang nakakita ng multo sa paglaki ng kanyang mga mata. Wala siyang kapatid kaya wala siyang ideya kung paano mag-alaga ng bata. Pasimple niyang tiningnan ang kaharap na babae. Parang wala namang anak na maliit ito dahil sa hitsura. Tantiya niya ay nasa fifty to fifty-five years old na ito. “Uhm, Mam— e-este, Donya Salome . . . W-Wala po akong experience sa pag-aalaga ng bata. Gawaing bahay lang po ang alam kong gawin,” paliwanag niya ngunit natawa si Donya Salome sa kanyang sinabi. Pati ang pagtawa nito ay Donyang-donya ang dating. “May nakatatawa ho ba sa sinabi ko, Donya Salome?” “Meron, hija,” sagot nito saka tumigil din. “Am I look young para pagkamalan mong may bata pa akong anak?” “O-Oho. Bata po kayong tingnan, pero hindi ko ho alam kung sa edad ay bata rin po,” aniyang nagkakamot ng ulo. Natatawa naman ang matandang ginang sa kanyang sinabi. “Magkakasundo tayo dahil palabiro ka. Didiretsuhin na kita . . . ano nga pala ang pangalan mo? Hindi ko pa kasi nakikita iyong files mo sa loob. Alam mo naman ang tumatanda,” pagbibiro niya. “Luna po. Luna Montes po ang pangalan ko.” “Okay, Luna. Bilang kasambahay at yaya ang magiging trabaho mo rito. At kayong dalawa lang ng anak ko sa bahay na ito,” pagkaklaro nito sa kanya. Napaisip siya kung bakit silang dalawa lang ng anak niya. Naguguluhan siya sa sinasabi ng matandang Donya sa kanya. “Kaming dalawa lang ng anak ninyo?” takang tanong niya. Nang maalala ang sinabi ni Donya Salome na anak nito ang lalaking naka-wheelchair at silang dalawa lang dito sa bahay na ito ay napanganga siya. Ibig sabihin ay hindi bata ang aalagaan niya kundi’y isip-bata. Kinurot niya ang sarili sa isiping ‘yon. “Oo, Luna. Kayong dalawa lang ng anak ko dahil bahay niya ito. Siya ang magiging amo mo at siya rin ang aalagaan mo. Si Hermes Del Rio, ang aking unico hijo,” sunod-sunod nitong sabi kaya nakanganga siyang napatingin sa gawi ng lalaki at masama pa rin ang tingin nito sa kanya. Pagkatapos ipaliwanag ni Donya Salome ang mga dapat niyang gawin ay itinuro nito ang kanyang kuwarto at ipinakilala siya nito sa supladong anak niya na kanya pa lang amo ngunit hindi naman ito umimik. Nagpaalam na ang ginang sa kanya dahil marami pa raw siyang aayusin. Ibinilin na rin sa kanya ang anak at siya na raw ang bahala sa lalaki. Kung hindi lang siguro malaki ang sahod niya rito ay hindi niya tatanggapin ang trabaho. Dahil tanghali na, pumunta siya sa kusina para magluto ng tanghalian ng boss niyang suplado. Habang siya ay nagluluto, kinuha niya ang cellphone at nagpatugtog. Sinasabayan niya iyon ng pagkanta at pagsayaw, ngunit nagulat siya nang may sumigaw—at alam niyang si Hermes iyon. Pagharap niya sa pintuan ay nabigla siya dahil nandoon pala ang lalaki. “Who told you na mag-ingay ka sa pamamahay ko?” diin na tanong nito sa kanya. “Uhm, Sir supla—este, Sir Hermes, sorry po. Nasanay po kasi akong magpatugtog habang nagluluto,” paliwanag niya rito. “So? I don’t care! Turn off your cellphone and don’t make any noise!” “But, Sir, boring po ‘pag wa—” “I said, turn off your cellphone! Ako ang masusunod dahil ako ang may-ari ng bahay na ‘to! Now, if you don’t want to follow, you can leave!” sigaw ng amo niya na halos lumabas ang mga ugat nito sa leeg. “Okay, Sir. Pero kung aalis ako, wala kayong kasama rito. Magmumukha kayong kuwago dahil sa laki ng bahay ninyo,” pabiro niyang sabi pero totoo naman. “Wala akong panahon para makipaglokohan sa ‘yo. Umalis ka na!” “Hmp! Bahala ka nga po riyan. Aalis na ako at ‘di na ako babalik,” sambit niya pero hindi pa rin siya kumikilos. “Akala ko ba aalis ka na? Ba’t para kang na-istatuwa riyan?” Sita nito sa kanya. “Kaya mo po ba’ng mag-isa rito? Paano kung magutom ka? Saka, kaya mo bang patayin itong apoy rito sa tangke?” sarkastiko niyang tanong dito. Kumunot ang noo ng lalaki sa mga sinabi niya. “Are you crazy? Paa ang naapektuhan sa akin, hindi kamay,” pagtatama nito sa kanya. “Kaya umalis ka na. Hindi ‘yong putak ka nang putak na para kang manok! Nakaririndi!” “Gusto mo talaga akong umalis? Hindi mo ‘ko pipigilan?” “Ba’t kita pipigilan? Pinapaalis nga kita, ‘di ba?” sambit nito na binigyan pa siya ng space para makaraan sa pinto. Bumuntong-hininga siya at tinalikuran ang lalaki ngunit parang may bumulong sa kanya na lingunin niya ito. “Sir Hermes,” bulong niya nang makitang pinipilit nitong tumayo kaya agad siyang lumapit at inalalayan ang lalaki, ngunit nagpumiglas ito at na-out balance siya kaya pareho silang bumagsak. Mabuti na lang at siya ang nasa ilalim dahil kung hindi, tatama ang mga binti ng lalaki sa semento.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD