"Oh, s**t!" impit na sambit ni Hermes nang bumagsak silang dalawa ni Luna. At muntikan niya nang mahalikan ang labi nito.
Ngunit si Luna ang nasa ilalim kaya tiyak na mas nasaktan ito pero wala siyang pakialam.
"Nasaktan ho ba kayo, Sir supla—este, Sir Hermes?" agad na tanong ng maid sa kanya.
"What do you think? Kung hindi ka sana lumapit sa akin, hindi tayo natumba!" sermon niya rito.
"Pinipilit nʼyo kasing tumayo, eh, hindi mo pa kaya," paliwanag naman ni Luna.
"You don't care! Sa lahat ng ayoko ay iyong pakialamera!" singhal niya muli sa katulong.
Halos maglabasan ang mga ugat niya sa leeg na akala moy parang ugat ng punong balete dahil sa inis na nararamdaman.
Pero kanino nga ba sʼya naiinis?
Sa maid?
O, sa kanyang sarili?
"Iyang laway nʼyo ho, tumatalsik! Saka pasensʼya na ho kayo, Sir kasi nag-aalala lang ako sa inyo," hinging paumanhin nito.
Magsasalita sana si Hermes nang muli na namang magsalita si Luna.
"Uhm, S-Sir. . . Uhm, I-Iyong ano nʼyo po, iyong—"
Hindi niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil biglang sumingit ang lalaking amo.
"What! Can you stand up now!" muling sigaw nito sa kanya.
Napapikit si Luna sa pagsigaw ni Hermes, kulang na lang ay mag-crack na ang kanyang eardrum. At malapit na ring magdikit ang kanilang mga labi dahil sa sobrang lapit nila sa isa't isa. Pati ang kanilang hininga ay amoy na amoy nilang dalawa.
Buti na lang at nakapagnguya pa siya ng menthol kanina dahil kung hindi, amoy biyahe na ang kanyang hininga.
"Pʼwede bang ʼwag nʼyo ʼkong
sigawan? Buti sana kung ang layo ko,
sa 'yo, eh, halos mukha na tayong turon dito, saka p-paano ho ako, tatayo, eh, n-nasa i-ibabaw ko, kayo? At iyong ano nʼyo, ʼy-yang ano nʼyo ho, Sir. . . Ramdam na ramdam ko po," kandautal-utal na
aniya dahil naiinis na rin siya sa amo samantalang siya ang higit na nasaktan.
Tumaas naman ng isang dipa ang isang kilay ni Hermes. At nilapit pa nito ang mukha kay Luna.
"Ano! Bakit ano ka nang ano! Ano ba ʼyang tinutukoy mong ano!" inis din nitong tanong.
Lalo namang nainis si Luna dahil damang-dama talaga niya ang pagkalalak* ng amo sa hita niya.
Pumikit siya.
Tatlong numero na lang talaga at sisigaw na siya ng bingo!
Buti na nga lang at sa hita. Pero, paano kung sa kaniyang mon*y? Hindi na s'ya v*rg*n!
"Iyang juni*r n'yo. . ." walang prenong sambit niya.
Ngunit muli siyang tinaasan ng kilay ni Hermes.
"Wala pa akong anak, so please! Gumawa ka ng paraan para makaalis ka rito!" maawtoridad nitong wika. Ngunit tumawa nang malakas si Luna. "Ano'ng nakatatawa sa sinabi ko, Ms. Montes?" tanong nito na biglang sumeryoso ang mukha.
Tumigil sa pagtawa si Luna. Ngunit hindi niya talaga mapigilang tumawa.
Ang boss niya, hindi alam kung ano ang juni*r? Ang alam niyang juni*r ay anak. Impit na naman siyang tumawa.
Napipikon na si Hermes sa kanya kaya ito na lang ang nagpumilit umalis sa ibabaw niya. Ngunit talagang hirap niyang ikilos ang mga binti.
"Damn!" mura nito. At naikuyom ang mga kamay.
"Huwag mong pilitin kung ʼdi mo pa kaya," sermon niya rito. "Teka lang at aalis ako, ang bigat-bigat mo pa naman," reklamo pa niya.
Dahan-dahan siyang umalis sa ilalim nito ngunit lalo talagang sumasayad ang pagkalalak* ni Hermes sa kanyang hita.
May naisip siyang paraan kaya humugot siya ng malalim na hininga at walang sabi-sabing itinulak niya nang malakas si Hermes.
"What the f*ck!" sigaw ng binata dahil nauntog ang ulo nito sa pinto ng kabinet sanhi ng pagkatutulak ni Luna sa kanya. "Why did you push me!" galit nitong wika.
Bumangon agad si Luna at agad nilapitan ang amo.
"S-Sorry, Sir. Uhm, Masakit ba? N-Nabukulan ba kayo? Dadalhin ko na ba kayo sa ospital, o tatawag ako ng doktor?" sunod-sunod niyang tanong dito.
"Will you please stop talking! Nakababanas na!"
"Pero, nagtatanong lang naman ako ku—"
"Shut up! And what do you think! Do you want me to push you too, so you know it hurts!" pasigaw na sambit nito sa kanya.
"Kung magagawa mo, si Luna yata to," bulong niya.
"What did you say?"
"Wala, Sir. Kako, kahit nauntog iyang ulo nʼyo, eh ang guwapo mo pa rin," aniya. "Kaso bingi ka naman," bulong pa niya.
"Ang sabihin mo, sinasadya mo!"
"Kung sinasadya ko ʼyon, hindi lang ʼyon ang aabutin mo dahil sa ka-pride-an mo at kasupladuhan mo! At saka, iyon lang kasi ang paraan para makaalis ako sa ilalim ninyo. Kasi naman ho, tutok na tutok iyang ano nʼyo sa akin na parang kutsilyo," dugtong pa niya sabay kamot ng ulo.
"Why do you always mention that ano? Teka, pinagloloko-loko mo ba ako, ha! Be specific dahil hindi ako manghuhula," muling wika nito.
"Baka ngayon ho, Sir ay magiging manghuhula ka na. Iyang big 'T' kasi ninyo ay sumasayad, nakabe-v*rg*nized!" bulalas niya sabay takip ng bibig.
Kumunot ang noo ni Hermes sabay buntong-hininga nito.
"Whatever! Itayo mo na nga ako rito, baka hindi lang untog ang mapapala ko sa 'yo!" gagad nito.
"Correction ho, Sir. Ipauupo ko ho kayo, hindi ipatatayo," pahayag niya rito.
Napabuntong-hininga naman si Hermes at hindi na siya nakipagtalo pa sa maid niya.
Tama nga naman ito. Paano siya nito itatayo, eh, hindi siya makatayong mag-isa. Naikuyom niya ang kamao sa isiping iyon.
Saka ang tapang ng bagong katulong dahil hindi ito natatakot sa kanya. Pero baka susuko rin ito agad tulad ng mga dating nag-alaga sa kanya noon.
"Huwag kang magpabibigat, ha? Kasi baka matumba na naman tayo, eh sumayad naman iyang ano mo," pagpaa-alala sa lalaking amo.
Tumingin lang sa kanya si Hermes at tinulungan niya nang bumangon ito.
Nanginginig man ang mga kamay pero hindi iyon ipinahalata sa binata. Ngunit naramdaman nito ang panginginig niya.
"Why are you trembling, Ms. Montes?" untag ng lalaking amo.
"Wala, pasmado lang mga kamay ko kaya nanginginig ako," pagsisinungaling niya.
Pero ang dahilan ng kanyang panginginig ay sobrang lapit ng mukha ni Hermes sa kanyang dibdib.
"Don't you worry, wala akong gagawin sa b**bs mo. Ang liit-liit, kaya hindi ako magkaiinteres dʼyan!" sambit nito.
"Ouch! Sakit mong magsalita, ha! Importanteʼy may b**bs ako! Saka, paki mo! Bakit, nakita mo ba!" gagad niya rito.
"Hindi! Pero naramdaman ko, Sh*t! Ano ba 'tong nasabi ko? Tulungan mo na nga akong makaupo sa wheelchair ko, dami-dami mong dada!" reklamo nito.
"Naramdaman lang pero hindi nahawakan!" irap niya. "Okay, sumakay ka sa likod ko pero walang malisya ito, ah!"
"Sasakay? Bakit, eroplano ka ba?"
"Hindi! Traysikel lang ako, bike pa nga, eh! Mukha ba akong may gulong?"
"Oo. May gulong sa utak!"
"Sabi mo, eh! Sakay ka na."
"Okay-okay, magtitiis na lang ako dahil ikaw ang kasama ko."
"Talaga! Bakit kasi wala kang kasama rito, tapos gusto mo pa akong umalis. Ang pride mo rin, ʼno?" pangaral niya rito.
Hindi na lang umimik si Hermes. Tumalikod si Luna sa kanya.
"Anoʼng gagawin ko?" wika nito na parang napipilitan lang.
"Sasakay ka nga sa likod ko, kasasabi ko lang. Alangan naman na ihahagis kita sa wheelchair mo," aniya.
"Nakatatawa?" irap nito sa kanya.
Kaya lihim na napangiti si Luna dahil bumait yata ngayon ang amo.
"Oo, basta't huwag kang malikot. Nasa tabi lang naman ang wheelchair mo, eh. Mamaya, hihilutin ko mga binti mo. Tutal, nakapag-session ka naman pala kaya may improvement ka siguro kahit papaano," paliwanag niya.
Hindi na umimik si Hermes. Para hindi masʼyadong mahirapan si Luna sa pagkarga sa kanya ay inihawak niya ang kamay sa ibabaw ng lababo. Narinig niyang napaigik ang dalaga nang buhatin na siya nito.
"Mabigat ba ako, Ms. Montes?" tanong niya na parang batang nagtatanong.
"Hindi, pero iyang ehem mo lang ang mabigat," wika nito.
Muling kumunot ang noo ni Hermes sa sinabi ng dalaga.
"Ano na naman ʼyang ehem?"
'Lam mo na ʼyon."
"Magtatanong ba ako kung alam ko na? Saka, saang planeta ka ba galing?"
"I came from pluto. ʼDi ba na-kicked out na ʼyon?"
"Malay ko!"
"Saka iyong ehem, iyong ano. . . Basta, alam mo na! Iyon na ʼyon!" paliwanag niya.
"Ang gulo mo!"
"O, sʼya-sʼya! Ipauupo na kita, Sir," aniyang pinaupo na nga sa wheelchair ang amo. "Ayan! Tapos na. . . Doon ka muna sa kuwarto mo at tapusin ko lang iyong ginagawa ko na naudlot kanina," pahayag niya. "Pero magpatutugtog pa rin ako, ha! ʼWag mo ʼkong bawalan."
"Ikaw ba, amo? Saka, mabuti pa na roon na lang ako, so I won't hear what you're saying," walang gana nitong sambit.
"Abaʼt! Ang suplado na naman nito, may pulang tide ka ba? Pabago-bago ka ng ugali, ha!"
Namaywang siya sa harapan ni Hermes ngunit hindi na siya pinansin nito bagkus ay pinagulong niya na ang wheelchair palayo sa kanya.
"Hoy, Sir! Hindi ka ba magpasasalamat sa akin? Wala man lang bang tin shu, ha?"
"Wala! And why should I thank you? You're just a maid at trabaho mo ʼyon! Saka tissue ang meron at hindi tin shu, ʼwag kang pabebe!" bulalas nito. Narinig niyang humagalpak ng tawa ang kanyang katulong. "Crazy little duck!" pahabol nito.
"I'm not crazy, pero I'm ready to fall for you!" sigaw niya. "Kaso ang bad mo!" dugtong pa niya.
"Corny! Where did mama find that crazy maid, a crazy duck! Hindi nagsasawa sa kadadakdak, tssk!" bulong niya at iniwan niyang nagsasalita pa rin ang dalaga.
Pagkatapos magluto ni Luna ay ipinaghain niya na nang tanghalian si Hermes.
"Kain ka na, Sir, baka gutom na mga balyena mo sa large intestine mo," wika niya sa among nanonood ng cartoon.
Tanda niya na pero cartoon pa rin pinanonood niya.
Pakialam ba niya!
Akala niya ay nasa kuwarto ang amo, iyon pala ay nasa sala lang.
Pero parang hindi siya narinig ni Hermes dahil nakatalikod ito sa mesa kaya nilapitan niya ito at walang pakundangang itinapat ang bibig sa tainga nito at inamoy-amoy iyon.
"Hmm. . . Amoy honeybee," sabi ng isip niya. "Uhm, Kain na ho, Sir," wika niya kaya sa gulat ni Hermes ay nabitawan nito ang remote.
"F*ck! What are you doing!" galit nitong sabi.
"Wala. Bakit, may nakita ka ba na ginawa ko? Sabi ko lang na kain ka na at masamang pinaghihintay ang pagkain," palusot niya.
"You smell my ear, manya*** ka ba!"
Ano raw?
Siya manyak**?
"Hindi ko inamoy iyang tainga mo, ʼno! Saka, kung inamoy ko man 'yan, amoy pulot at luga naman! Feeling mo! Kumain ka na."
"So, inaamin mo, na inamoy mo nga!"
"Oo na. . . Pero, amoy pulot! Halatang hindi naglilinis ng tainga, ew!" wika niyang pinaikot pa ang kanyang eyeballs.
"You don't care dahil nakiaamoy ka lang!" sambit nito.
"So, inamin mo rin na mabaho ang tainga mo?" balik niyang tanong kay Hermes.
Humugot ng malalim na hininga ang binata. Pakiramdam niya ay iniinis talaga siya ni Luna. Pero bakit magaan ang loob niya rito kahit may pagka-asal kalye ang ugali ng babaeng ito.
"I will not argue with you because I will not win! Makakain na nga lang," pahayag niya.
"Itulak na kita, este itong wheelchair mo," wika sa kanya ni Luna.
"Hindi na!" pigil nito. "Baka sa pader ang diretso ko nito. At talagang sa ospital na ako dadalhin," reklamo pa ng lalaki.
"Ang sama-sama ko namang katulong kung gagawin ko ʼyon," komento niya.
"Ano pa nga ba?" sagot nito saka pinagulong na ang wheelchair papuntang dining table.
Nagpaalam naman sa kanya si Luna na magbabanyo lang saglit. Nagsandok na siya ng kanin saka ulam. Sumubo na siya ng isang kutsara nang malasahan ang paminta.
"P'we! Luna!" sigaw niya saka sunod-sunod na siyang inubo at binahing.
Dahil nasa banyo si Luna ay hindi siguro siya nito narinig.
"Damn, Ms. Montes!" muling sigaw niya.
Agad naman sʼyang nilapitan ni Luna nang lumabas ito mula sa banyo.
"A-Anoʼng nangyari sa ʼyo, Sir?" tanong nito.
Kumuha siya ng tubig sa kusina at ibinigay kay Hermes. Agad iyong ininom ngunit naisuka iyon ng lalaking amo.
"What kind of water is this!"
"Tubig," mabilis na sagot niya. Tiningnan siya ng masama ni Hermes. "Alangan naman na dalawang malalaki."
"Damn! Oo, tubig nga ito! Pero saan ka kumuha!"
"S-Sa faucet. ʼDi ba, tubig din ʼyon," pahayag niya.
"F*ck! And why did you put pepper on my food?" untag niya. "Don't you know that I really don't like pepper!" nanggigigil na sigaw nito.
"And what do you want? Ginger?"
"Sumeryoso ka, Ms. Montes dahil talagang naiinis na ako!" banta nito.
"A-Ano baʼng alam ko, eh wala namang nabanggit sa akin ang mama mo. Saka, pampalasa at pampasa—"
"I don't need your explanation, okay!"
"Bakit, sinabi ko ba na need mo ang paliwanag ko? Nagtatanong ka kaya ako nagpaliliwanag."
"Damn, this woman!" usal nito na hinilot ang sentido. "Get out of my sight at palitan mo 'to!" anitong tinabig ang platong may pagkain kaya nahulog iyon sa sahig.
Pinulot naman iyon ni Luna. "Ganito ang pagbasag ng plato, Sir Hermes," sabi niya sabay bagsak ng plato kaya nagkapiraso-piraso iyon.
Bakit, amo lang ba niya ang p'wedeng magbasag?
P'wede naman nitong sabihin nang maayos sa kanya na ayaw nito ng pagkain, hindi iyong basta-basta na lang nito tatabigin ang plato.
Parang paminta lang, sumigaw na agad!
Kanina ay okay pa ito. Saka wala naman talagang nabanggit si Ma'am Salome na ayaw nito ng paminta.
Malay ba niya!
Kainis ang lalaking ito!
Sarap niyang ihalo sa ginataang laing para mangati ang kuyukot nʼya!
"May toyo ka ba sa utak? Ba't lalo mong binasag?"
"Bakit, mukha ba akong adobo at may toyo ako, ha? Inumpisahan nʼyo ho, eh! At ako sisisihin mo ngayon?"
"Are you teasing me! And I don't eat with pepper kaya palitan mo ʼto!"
"I'm not tasting you, okay! Papalitan ko na lang ho, sorna," aniya na kinuha ang mangkok sa harapan nito baka tabigin na naman, eh! Sayang lang pagod niya. "Palitan ko ng maraming sili," bulong niya.
"No need dahil tinamad na ako, kainin mo 'yan kung gusto mo!" matigas nitong sambit saka pinagulong na ang wheelchair patungong kuwarto nito.
Naiwang nagngingitngit sa inis si Luna, ngunit hindi niya mapigilan ang sariling hindi magsalita.
"Ang panget ng ugali mo, Sir Hermes! Kasing panget ng mga kapitbahay namin!" sigaw niya pero hindi siya nilingon ni Hermes. "Pasalamat ka at hindi talaga sili nilagay ko rito, dahil kung hindi. . . Magbubuga ng apoy 'yang pʼwet mo! Kaasar kang pogi ka!"
"Hindi bale kung bubuga ang puwet ko sa mismong mukha mo! At matagal na ʼkong pogi! And correction, teasing not tasting dahil hindi ako pagkain!" sigaw ni Hermes saka pabagsak nitong isinarado ang pinto nang kuwarto niya. "Ano baʼng meron sa babae na iyon at sinasakyan ko ang kabaliwan niya? Mabubuwang pa yata ako nito wala sa oras, hays!"