"Anoʼng sabi mo? Pakiulit mo nga!" untag niya kay Luna.
"Sabi ko, I'm not ready because I'm still
v—" naputol ang sasabihin ng dalaga dahil tumawa nang malakas si Hermes. "Anoʼng nakatatawa Mr. Piccolo? Iyang pagtawa mo, rinig hanggang sa labas ng earth," sawata nito sa kanya.
Tumigil sa pagtawa si Hermes ngunit hindi niya talaga maiwasang hindi tumawa.
"Tatawag na ba ako sa Mandaluyong, ha?" inis na wika ng dalaga.
"You're funny! Why did you say you weren't ready yet? Why? What did I tell you?" natatawang wika niya sa katulong na babae.
"Sige! Tumawa ka lang at mamaya ay uutot ka ng mabaho! Nakatatawa pala ako, ha? Salamat at napatawa kita. Pero sabi ko, sa ʼyo ay hindi pa ako, handa!"
Muling natawa sa Hermes kay Luna ngunit kalaunay sumeryoso na rin ito.
"I told you to turn off the light. But you did not understand what I said," paliwanag niya.
"Eh, ano baʼng gusto mong mangyari at pinapapapatay mo ang ilaw? Hindi ba't iyong ano, iyong tukaan! Iyon ʼyon ʼdi ba?"
"Ang layo nang sinasabi mo sa sinabi ko, sa ʼyo, Ms. Montes. I told you to turn off the light because you will change my. . Alam mo na, so you can't see my manh**d. Pero kung ayaw mong patayin ang ilaw, it's okay. Wala rin naman akong magagawa kung gusto mo talagang makita ang ahas ko," panunuya niya kay Luna at nginisihan niya ito nang nakaloloko.
"Bastos!"
"Bakit, bastos na agad ako? I'm just telling the truth, Ms. Montes. Ikaw ang nagsimula at nakisasama lang ako sa agos na gusto mo," pang-iinis pa niya. Akala niya ay si Luna lang ang marunong mang-inis. Pati rin pala siya.
Nainis si Luna kaya tumayo na siya para patayin ang lampshade.
"Wala akong makita, Sir Hermes. Nasaan ka na no'ng ako ay lumayo?"
"Nasa bundok ka! Naaaninag kita kahit maitim ka. Pero ako, hindi mo man lang maaninag?"
"Grabe ka naman sa maitim. Ano ako? Uling!"
"Ikaw nagsabi niyan. Tabi lang ng kama iyang lampshade na pinatay mo, kaya malapit ka lang sa akin."
"Oo na! Heto na ako," aniya na nangapa sa dilim.
Nang makasigurado siyang kama na ni Hermes ang nahawakan niya ay gumapang na siya ngunit hindi sinasadyang nasubsob siya sa lalaking amo.
"What the hell!" bulalas ng binata.
"S-Sorry, Sir. Madilim kasi, eh. Wala talaga akong makita," paliwanag niya dahil nasubsob siya sa leeg nito.
"Ba't 'di ka pa umalis? Itutulak kita, sige ka!" pagbabanta ng lalaki.
"Ang kj, mo! ʼKala mo naman kung ang bango-bango ng leeg mo, eh, amoy Hermes!" asik niya.
"Alangan naman na amoy Luna, eh leeg ko nga ʼdi ba? Kaya natural na amoy Hermes ang leeg ko!" pahayag nito.
Umalis si Luna sa pagkasusubsob sa leeg ng amo. Kinapa niya ang pajama nito at brief sa may head board dahil doon niya iyon inilagay para madali niyang madampot.
"Pipikit ako, ha? Para hindi mo sabihing binubusuhan kita," paalala niya rito.
"Pipikit ka, samantalang walang ilaw. Niloloko mo sarili mo, Ms. Montes, and make it fast!"
"Oo! Sigaw ka nang sigaw. Basta, trabaho lang ito," aniya.
Kinapa niya ang baywang ng lalaki ngunit hindi sinasadyang iba ang kanyang nakapa.
"Eh!" tili niya. Dahil pagkalalak* ni Hermes ang kanyang nakapa kaya natawa tuloy ang lalaki sa inakto niya. "Ba't ka tumatawa?"
"Wala, natatawa lang ako."
"Natatawa, eh, gustong-gusto mo naman na nakapa ko ʼyan," aniya na inirapan si Hermes kahit hindi siya nito nakikita.
"Gustong-gusto ka rʼyan! Saka, hindi ka ba natatakot na baka tuklawin ka ng ahas ko?" panunuya ni Hermes sa kanya.
"Akala mo naman kung napakahaba ng ano mo, eh, parang bingo h*td*g lang tapos, lokal pa!" pang-iinsulto niya rito.
"You might run in fear when you see it," pahayag nito.
"Baka, pitikin ko pa ʼyan!" aniya.
Pero ang totoo ay pinalalakas lang nʼya ang kanyang loob.
Muli niyang kinapa ang baywang ni Hermes ngunit nagulat siya nang biglang hawakan ng lalaki ang mga kamay niya.
"Ay! Nanggugulat ka, ba!"
"Anong nanggugulat? Akala ko, ba, kapag nakita mo, eh, pipitikin mo? Baywang ko pa lang nahahawakan mo pero napasisigaw ka na!" nangingiting aniya.
"Bigla-bigla ka na lang kasing nanghahawak ng kamay, eh!"
"Hinawakan ko para hindi ka na mahirapan," pahayag ng lalaki at inilagay ang dalawang kamay niya sa baywang nito.
Napalunok si Luna at dahan-dahan niyang ibinaba ang suot na pajama ng amo. Halos pigil ang paghinga niya dahil nararamdaman niya ang mabalahibong hita nito.
"Are you nervous?" seryosong tanong ng lalaki.
"H-Ha? P-Parang. . . Saka, sino baʼng hindi mane-nerbiyos, dito? Tayong dalawa lang narito, tapos ako ang Yaya mo. ʼDi bale sana kung bata ka pa, eh, orangu ka na!" reklamo niya.
Lihim namang napangiti si Hermes.
"Are you complaining? Pʼwede ka namang umalis. Tutal, kanina pa kita pinaaalis pero ikaw itong may ayaw ʼdi ba?"
"May pinirmahan na kasi akong kontrata saka papaano ka?"
"Kaya ko naman ang sarili ko. Kaysa naman, puro na lang reklamo ang naririnig ko sa mga taong nag-aalaga sa akin," pahayag nito.
Hindi sumagot si Luna. Bagkus ay napabuntong-hininga na lang siya at itinuloy na lang niya ang kanyang ginagawa.
"Bakit ʼdi ka sumagot?" untag sa kanya ni Hermes.
"Sinagot ko na ʼyan kanina. . . Nakalimutan mo na agad? Iba na talaga kapag wala na sa kalendaryo ang edad pero nasa lotto ka pa naman kaya naiintindihan kita," pahayag niya.
Ngunuit kinunutan lang siya ng noo ni Hermes.
Nang maalis niya na ang pajama ng lalaking amo ay isinunod niya na ang brief nito dahilan upang lalo siyang makabahan.
"Sir Hermes, baka manuklaw po iyan, ah! Wala pa namang venom dito," nanginginig na wika niya.
Natatawa naman si Hermes dahil sa panginginig ng babaeng katulong.
"Talagang naniwala kang ahas ang manh**d ko, ʼno? Actually, pumipili 'yan ng tutuklawin niya. Hindi sa babaeng basta-basta na lang," biro nito.
"Gano'n? Mabuti naman," tipid niyang sagot.
Nang tuluyan niya nang maibaba ang brief nito ay nakahinga siya ng maluwag ngunit muli na naman siyang kinabahan dahil susuotan pa niya ito ng malinis na brief.
"Pʼwede bang dahan-dahan lang, kasi nasasama ang hibla ng buhok ko sa hita," muling reklamo ni Hermes.
"S-Sorry. Para sana mabilis at mahilot ko na mga binti mo," sambit niya.
Nang tuluyang maisuot ni Luna ang pangloob ng amo ay agad na niyang isinunod ang pajama nito hanggang siya ay matapos.
"Hay, salamat at natapos na rin," masayang sambit niya at nakahinga siya nang tuluyan.
"Okay, you can turn on the light baka tatlong itlog na ang makapa mo," utos niya.
Agad rin iyon isinindi ni Luna at bumalik siya sa kama ng lalaki.
"Kapag sakaling itlog mo yang makapa ko, babasagin ko at gagawin kong eggcramble!" bulalas niya.
"Kung magagawa mo! Ako pa rin ang amo rito, Ms. Montes kaya magtiis ka."
"Ako naman ang iyong katulong at Yaya kaya magtiis ka rin," hamon niya.
Ngunit tiningnan siya ni Hermes kaya tumingin din siya rito hanggang nagkatitigan silang dalawa.
Matagal din bago nag-iwas ng tingin ang lalaki kay Luna. Nasukol kasi siya sa babaeng katulong dahil sa pagkindat-kindat nito sa kanya.
Mukha siyang kirat!
"Ikaw rin ang sumuko, ʼno? Kaya kung ako, sa ʼyo, medyo bawas-bawasan mo iyang kasungitan mo, ha! kasi makatitikim ka ng pektus sa akin," sermon niya.
"Dalian mo na nga, kuhanin mo na iyong langis."
Ngumiti lang si Luna sa kanya at tumayo na ito para kuhanin ang langis sa medicine cabinet.
"Hilutin na kita," wika niya na muling umupo sa ibabaw ng kama. Nakatingin lang sa kanya si Hermes kaya hindi niya maiwasang hindi maasiwa rito.
Pinahiran niya ng langis ang binti ng among lalaki saka inumpisahan niya nang hilutin ito.
"Ump!" impit na ungol ni Hermes.
"M-Masakit ba?"
"What do you think? Uungol ba ako, kung hindi!"
"Malay ko, kung nasasarapan ka!"
"Hambalusin kaya kita ng unan, gusto mo?" pananakot nito.
"Eh, kung hambalusin kaya kita ng halik ko, gustong-gustong mo?" hamon niya.
Halatang napipika na ang lalaking amo sa kanya kaya kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi.
'Wag mo ʼkong hamunin, Ms. Montes, baka magsisi ka."
"Eh, sorry na agad. . . Saka, tiisin mo para makalakad ka na, naikuwento ni Donya Salome na naaksidente ka pero hindi ko na tinanong kung bakit? Pero maari ko bang malaman kung anoʼng dahilan nang pagkakaaksidente mo?" tanong niya ngunit biglang nagbago ang timpla ng mukha nito.
"I don't want to talk about that, just do your job, okay!"
"Heto na nga! Sungit-sungit talaga nito! Okay lang kung ayaw mong pag-usapan, sino ba naman ako para pagkatiwalaan mo, ʼdi ba? Eh, magandang mutsatsa lang naman ako," pahayag niya.
"I don't want anyone to interfere in my life, lalo na kapag katulong lang. Kung ano lang iyong pinirmahan mo, hanggang do'n ka lang, know your limit," mahabang litanya nito sa kanya kaya napalunok tuloy siya.
"Okay, Sir," tipid na sagot niya.
Akala niya ay okay na sila ni Hermes pero hindi pa pala. Akala rin niya ay nahuli na niya ang ugali nito pero lalong hindi.
Hindi kaya ay may nakaraan ang kanyang amo kaya ganito ang ugali niya?
Pero pakialam ba niya, eh katulong nga lang siya. Masakit namang magsalita si Sir Hermes. Kasing sakit ng mainit na tubig sa thermos.
"Faster, dahil gusto ko nang matulog," pagalit nitong wika.
"S-Sige," sagot niya.
Ipinagpatuloy niya ang paghihilot sa mga binti ng amo hanggang mapansin nʼyang nakapikit na mga mata nito.
Napabuntong-hininga siya. Itinigil niya na ang kanyang ginagawa, at kinumutan niya si Hermes saka ibinalik sa lalagyan ang kinuhang langis.
Lumabas siya saglit upang kunin ang flashlight dahil ayaw niya ng madilim kung papatayin niya ang ilaw sa kuwarto ng amo.
Ngunit pagbalik niya ay patay na ang ilaw. Hindi niya naisip na abot lang pala ni Hermes ang lampshade. Pero ang akala niya ay tulog na ito.
Samantalang nagmumuni-muni pa si Hermes. Tama si Luna, nag-sialisan ang mga nag-aalaga sa kanya noon dahil sa panget niyang ugali, mainitin na ulo, at pabago-bago nʼyang ugali.
Alam niya na ginagawa lahat ng kanyang mamaʼt papa upang siya ay gumaling pero ayaw niya nang umasa.
Para saan pa?
Hanggang ngayon ay masakit pa rin sa kanya ang nangyari at sariwang-sariwa pa ʼyon.
"Hanggang kailan ka ba magiging ganito, Hermes? Ikukulong mo na lang ba ang sarili mo sa kadiliman? Si Valerie lang ba ang babae sa mundo para magkaganʼyan ka? Hindi ʼdi ba!" sigaw ng isip niya.
"It's time to move on. Aminin mo na napangiti ka ng isang Luna Montes na palaban kahit nakaiinis. At siya lang ang tanging nagpasunod sa 'yo na uminom ng gamot," bulong niya
**
"Ayokong uminom ng gamot, okay!"
"Huwag matigas ang ulo mo, dahil lalo kong patitigasin ʼyan! Inumin mo na' to."
"Baʼt ba ang kulit mo! ayoko nga 'di ba! Ayoko!"
"Isisiksik ko ʼto sa pʼwet mo kung ayaw mong inumin," banta nito.
"Sige, gawin mo at mawawalan ka ng trabaho," pananakot niya. Alam niya kasing kailangan nito ng trabaho kaya tinanggap niya ito.
"Bahala ka nga! Kung ayaw mo, ako ang iinom! nagmamatigas ka pa, eh para sa ikabubuti mo naman ito, riyan ka na!"
"W-Wait!"
"Ano!"
"Hindi mo pʼwedeng inumin iyan dahil antibiotic ʼyan!"
"So? Ayaw mong inumin kaya ako nga lang ang iinom."
"Baliw ka ba? Wala kang sakit, iinumin mo? Ibigay mo na nga sa akin at iinumin ko na. Baka kasalanan ko pa kung sakaling may mangyari sa 'yo kapag ininom mo iyan," pahayag niya.
Ibinigay ni Luna sa kanya ang gamot kasabay ng pag-abot nito ng tubig sa kanya at ininom niya na iyon. Kaya nagpapa-palakpak sa tuwa si Luna