"Sir Hermes. . . dinner na ho, kayo. Lumabas ka na rʼyan sa pugad mo baka madagdagan pa ng tatlo iyang itlog mo, buti sana kung mailalaga, eh hindi," tawag niya sa amo dahil alas siyete na at nakahanda na ang dinner nito.
Ngunit hindi sumasagot ang lalaki kaya dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. At nakita nʼyang nakasandal ito sa wheelchair habang nakapikit ang mga mata nito.
Naghihilik si Hermes kaya bumalik siya sa kanyang kuwarto, kukuhanin nʼya ang kanyang cellphone upang video-han ito at agad rin sʼyang bumalik doon. Napangisi siya nang nakaloloko dahil ang cute-cute pa lang matulog ng amo niya.
Tinitigan niya si Hermes, at wala sa sariling hinaplos ang mukha nito.
"Ang sarap mo sigurong halikan, ʼno?" nakikilig na aniya. "Kaso nga lang ang suplado mo. Hirap mo ring spelling-in! saka, may jowa ka na siguro, ʼno? Hindi ka kasi pangkaraniwan like me na mutsatsa na lang forever. Pero nunca, kasi masipag ako! Naalala ko na para kang si Beast at ako naman si Belle, pero hindi kita hahalikan. Ano ka, sinusuwerte? V*rg*n pa labi ko, hoy!
Pukpukin pʼwede pa, kasi halimaw ka! Sa fairytale lang nanghahalik ng halimaw pero sa true life, sinusunog nila ito, hays!" buntong-hininga niya. "Ang guwapo mo talaga, Sir Hermes," sabi pa niyang sabay hagikgik.
Nang maalalang bi-video-han pala niya si Hermes ay inumpisahan niya nang kuhanan ng video ito at tawang-tawa siya sa kanyang ginagawa.
Nakanga-nga na kasi ang lalaking amo at para itong nang-iihip ng apoy sa kalan dahil sa paghihilik.
At dahil hindi niya mapigilan ang sariling hindi tumawa nang malakas ay tumalikod siya rito ngunit natigil lang siya nang. . .
"Pinagtitripan mo ba ako?" untag sa kanya ni Hermes.
Nilingon ni Luna ang lalaki at nagulat siya dahil gising ito.
"G-Gising ka?"
"Ay hindi, namamalikmata ka lang!"
"Parang ganito?" aniyang ipinikit-pikit ang dalawang mata.
"Ano ba sa akala mo? May tulog bang nakabuka ang mata?" sarkastiko nitong sambit.
"Meron, ikaw," turo niya sa lalaki.
"Hindi ako nakipapagbiro sa ʼyo, Ms. Luna, ha!" pahayag nito sa galit na boses.
Napalunok si Luna. Halatang hindi nagustuhan ng amo ang ginawang pag-video rito.
"Akala ko kasi tulog ka, eh! Uhm, kain ka na, orangu," sambit niya.
"Ibigay mo ʼyang cellphone sa akin at buburahin ko ang video," matigas nitong wika.
"Ayoko nga! Ilalagay ko ʼto sa epbi at lalagyan ko ng caption na, marunong humilik ang orangu," pang-iinis niya sa lalaki.
"Pumili ka, I will sue you or you will delete the video?" banta nito sa kanya.
Muling napalunok si Luna dahil mukha talagang hindi nagbibiro ang amo.
"Manigas ka dahil hindi ko 'to ibibigay sa ʼyo!" giit niya.
Ngunit pinagulong ni Hermes ang wheelchair patungo sa study table at kinuha ang nito cellphone.
"If you don't want to give me your cell phone, Iʼll call mama and I will say that tomorrow morning, they will find a replacement for you."
Tila hindi talaga ito nagbibiro kaya
wala siyang nagawa kundi ibigay ang cellphone rito ngunit binawi rin nʼya agad iyon.
"Ibibigay mo o hindi!"
"Heto, na. . ." irap niya, rito sabay bigay ng cellphone.
Nginisihan naman siya ni Hermes at inumpisahan na nitong burahin ang video saka iyon ibinalik sa kanya.
"Lalabas na ako, orangu, baka lalong umusok iyang ilong mong malaki ang butas!" pahayag niya.
Lalabas na sana siya nang tawagin siya nito.
"Ms. Montes!"
"What!" sagot niya na hindi nililingon ang lalaki.
"Don't you know how to apologize?" diing tanong nito.
"Ikaw, do you know how to say thank you?" wika rin niya.
"Hindi ako nakipaglalaro, sa 'yo, Ms. Montes. Humarap ka sa akin!" utos ni Hermes.
"Hindi ka talaga nakipaglalaro sa akin dahil walang bola! Makalabas na nga lang baka kinain na ng mga kaibigan ko iyong mga inihanda kong pagkain mo," muling pahayag niya.
Nangunot ang noo ni Hermes sa sinambit nito.
"Kaibigan? Nakakikita ka ba ng multo na hindi ko nakikita, ha?" gagad nito sa kanya kaya humarap na siya rito.
"Saan ka ba nakakita ng multo na kumakain? Guwapo ka nga pero may pagka-engot ka rin pala, ʼno? Bigyan kita bente kung makakikita ka ng multong kumakain," aniya kaya lalong nainis ang lalaki sa kanya.
"Sa ʼyo na ʼyang bente mo! Siguro may nunal ka sa labi ano? Napakadaldal mo, eh! I'm just asking pero ang dami mo na namang naungkat!"
"Eh, sa may dila ako! Palibhasa kasi, kailangan ng kudkurin ʼyang dila mo! Lalabas na ako, okay. Huwag mo 'kong pipigilan dahil kung hindi, rito ako matutulog," litanya rito.
"Lumabas ka na! Hindi ako nagpatutulog ng babae sa kuwarto ko. Chu-chu!" pagtataboy sa kanya ni Hermes.
"Mukha ba akong manok?"
"Sa tingin mo?"
"Kung ako, manok! Ikaw naman ang pangsabong!"
"I don't care at baka malapit na kitang itinola! Labas ka na nga! Masakit ka sa mata, eh! Nasisira na rin kagandahan ng tainga ko, sa ʼyo dahil sa kaingayan mo!"
"Ang feeling mo, hoy! Anoʼng ikinaganda ng tainga mo, eh amoy pulot at parang tainga ng gagamba!" wika niya.
"Anoʼng sabi mo?" sambit nito
"Wala! Lalabas na ako, kaya lumabas ka na rin para makakain ka na. Baka tumawag mama mo sa akin mamaya at magtatanong sila kung nakakain ka na, bye!" paalam nito na lumabas na ngunit muling bumalik sa loob. "Magpadadala na lang ako ng chocolate sa ʼyo at sabong dove, ha? Ingatan mo rin ang tatlo nating anak, lalo na si junior," dugtong pa niya.
Nagsalubong ang kilay ni Hermes sa pinagsasabi ni Luna. Inabot niya ang maliit na flower vase para ibato ʼyon sa dalaga ngunit mabilis itong tumakbo palabas nang kuwarto niya kaya naiwan siyang naiinis na ngumingiti na hindi niya maintindihan.
Pero nang maalala kung paano natakot ang dalaga sa hitsura niya kanina ay bigla siyang natawa. Hindi nito alam na nagtulog-tulugan lang siya, alam niya kasing papasok ito sa kanyang kuwarto.
"May saltik na yata si Sir Hermes? Tumatawa na sʼyang mag-isa at masilip nga ang amo kong ito," ani Luna na tinungo na naman ang kuwarto ng lalaking amo.
Sinilip niya si Hermes at nakangiti ito habang nakatingala sa kisame.
Ano kaya nakikita ng amo niya?
"Psst!" tawag niya. Tumingin si Hermes sa kinaroroonan niya.
"Why? What are you doing there?" untag nito sa kanya. "You look like an ugly duck."
"So? Saka ba't ka nakatingin sa kisame? Anoʼng meron?"
"Bakit, bawal?"
"Hindi. Siguro, nakakita ka ng butiki na nag-a-anu-han, ʼno?"
"Anong nag-a-anu-han?"
Kuh! Kunwari 'di alam, oh! Eh, gawain n'ya siguro noon."
"Ah, iyon? Oo, gawin ko. Bakit, inggit ka?"
"Sus! Ako?" turo sa sarili. "Maiinggit? Shuta! Baka, ikaw ang inggit. ʼTagal ka na kasing t*gang, kasi pati butiki, pinagnanasa*** mo na," gagad niya rito.
"Doon ka na nga! Ang tsismosa mo! Kung makatatayo lang ako, ginupit ko na 'yang dila mong 'sing-haba ng sentron ni hud*s," sermon nito.
"Oo na! Lumabas ka na kasi riyan. Bahala ka, masarap pa naman niluto kong ulam. Baka ʼdi mo makita mga tainga mong gano'n kay piccolo kapag natikman mo iyong niluto ko ngayon," pagmamalaki niya.
"Doon ka na at lalabas na ako," sagot naman nito.
Umalis na si Luna roon at tinungo na niya ang kusina. Samantalang lumabas na si Hermes sa kuwarto nito para kumain ng hapunan.
Pagkatapos nilang kumain nang gabing iyon ay inihatid na ni Luna ang lalaking amo sa kuwarto nito.
Pinagsipilyo niya ang lalaki, pagkatapos ay paiinumin niya ng gamot at papalitan niya ito ng pangtulog.
Hindi niya naisip kanina na pati pagpapalit, pagpaliligo sa amo ay kanya ring trabaho kaya malaki ang kanyang susuwelduhin.
"Uhm, papalitan na kita ng damit, Sir," aniya rito.
"Ako na, kaya ko naman," matigas na sambit nito.
"Kaya mong magbihis pero iyong pang-ibaba, mahihirapan ka," pahayag niya.
Hindi na ito sumagot. Bagkus ay tumingin ito sa kanya kaya nailang tuloy siya sa amo.
"Why did you accept this job? Is It because mama will pay you a lot?" seryosong tanong nito.
"Tinanggap ko kasi kailangan ko ng trabaho para sa mga magulang ko sa probinsiya."
"Tinanggap mo dahil malaki offer, sa ʼyo ni mama, iyon ang sabihin mo. Kagaya ka rin ng mga nag-alaga sa akin noon!"
"Huwag mo nga akong itulad sa kanila! Hindi mo pa ako kilala kaya huwag mo ʼkong husgahan. At saka isa pa, hindi ko alam kung anoʼng dahilan ng pag-alis ng mga nag-alaga, sa ʼyo noon. Baka iyang ugali mo kaya sila umalis! Alam ko na kailangan mo ng kasama pero bawasan mo ang pagkamainitin ng ulo para tumagal ang nag-aalaga sa ʼyo," mahabang pahayag niya.
Hindi siya magpatatalo sa amo niyang ito dahil kung susuko siya at magpadadala siya sa kanyang damdamin ay talagang hindi siya makatatagal sa bahay na ito lalo na sa ugali ni Hermes.
Pero pagkatataon niya na ring magkatrabaho kaya tinanggap niya ito kahit alam niyang mahirap.
Sʼyempre, ang guwapo rin ng lalaki, ʼno! Sasabihin niyang impokrita siya kung ʼdi siya nagaguwapuhan dito. Eh, iyon din ang gusto ng mga babaeng tulad nʼya.
Pero kung panget na nga ugali at gano'n din sa hitsura, aba! Hindi sʼya magtitiis, baka siya rin agad ang tatanggi lalo na at dito lang sa Maynila. Pero kung sa ibang bansa ito siguro, no choice, talagang magtitiis siya!
"Huwag mo ʼkong pagsabihan dahil ako ang amo rito." galit na anito.
Napabuntong-hininga na lang si Luna sa pabago-bago ng ugali ng lalaki.
Hindi na siya sumagot, bagkus ay tumayo na siya para kumuha ng pangtulog nito ngunit hinila siya ni Hermes kaya muli siyang napaupo sa kama ng lalaki.
"Kukuha lang ako ng damit mo, maya na tayo mag-usap pagkatapos kitang palitan," walang ganang paliwanag niya.
"Okay, but answer me seriously when I ask you and I want a direct answer, understand?" diin na sambit nito.
Kaya bumalik na naman ang kalokohan niya.
"Diretso? Baka mabangga ako kapag diretso. Pʼwedeng magpreno saka lumiko?" untag niya rito. Tinaasan siya ng isang kilay ni Hermes.
"Why are you so hard to talk to? You're like a kid."
"Eh, talagang bata pa naman ako, ah! Palibhasa kasi, gurang ka na kaya hirap mong patawanin! Saka ayoko kasi ng seryoso, riyan ka muna, ha."
Tumayo na siya para kumuha ng damit ng lalaki sa cabinet. Buti na lang at hindi na siya pinigilan ng amo. Terno-pajama ang kinuha niya saka brief. Kinabahan tuloy siya sa oras na iyon.
Wala sa sariling inamoy-amoy niya ang brief ni Hermes. Hindi naman siya nakikita ng lalaki kaya sinulit niya na.
"Anong ginagawa mo?" tanong sa kanya ng lalaki nang mapansin na para siyang kinikiliti sa kilig. "why are you laughing alone?"
"W-Wala. May naalala lang ako," pagsisinungaling niya.
"Wala ba talaga o inaamoy-amoy mo ʼyang brief ko?"
Tumaas ang kilay niya sa sinabi ng lalaki.
May mata yata ang lalaking ito sa loob nang kuwarto?
Siya siguro nawawalang kapatid ni pinang, iyong pinya. Kasi maraming mata ʼyon, eh!
"Hindi ko inaamoy, ʼno! inilapit ko lang sa ilong ko," aniya.
"Ganoʼn din ʼyon! Inamoy mo pa rin. Kanina, tainga ko ang inamoy-amoy mo, ngayon naman ay ʼyang brief ko. Whatʼs next?"
"Iyang singit mo!" bulalas niya.
Napangiwi si Hermes sa sinabi ni Luna.
Many*k ba talaga ang babaeng ito?
Lumapit na si Luna kay Hermes para bihisan na ito. Nanginginig ang mga kamay na inalis ang damit ng amo.
"Shocks! Ulalam ang abs, Luna!" bulong niya sa kanyang sarili nang maalis ang pang-itaas ni Hermes. "At may balahibo pa ang dibdib nito!"
Kahit sabihin pang lampshade lang ang ilaw rito sa kuwarto ng lalaking amo ay kitang-kita niya kung gaano kalaki ang katawan nito.
"What's wrong?" takang tanong ni Hermes nang mapansin ang paninitig niya sa hubad na katawan nito.
"N-Nothing," english na aniya.
"Nothing, daw? Pinagpapantasʼyahan mo ba katawan ko, ha?"
"Pinagpapantasʼyahan ka, rʼyan. Hindi, ah! Tinitingnan ko lang kung may libag, saka bakit may peklat ka riyan sa dibdib?" palusot niya. Pero may peklat naman talaga ito at hindi niya alam kung bakit dahil wala namang nabanggit sa kanya si Donya Salome.
"Wala ʼyan, dalian mo na," sambit nito.
Hindi na siya sumagot. Binihisan niya na ang lalaki ngunit hindi niya alam kung paano ito palitan ng pang-ibaba.
"Ilipat na kita sa kama mo para mapalitan kita ng pang-ibaba," wika niya. Pero ang totoo ay kinakabahan siya. Ngayon lang niya ito gagawin sa tanan ng buhay niya, ang magpalit ng brief at pajama sa lalaking. . . Hays!
Kinarga niya si Hermes at inilipat sa kama nito saka pinasandal. In fairness, hindi nagpabigat ang lalaking amo ngayon, hindi katulad kanina na talagang mabigat ito kahit pa sabihing pinilit nitong hindi magpabigat.
"Turn off the light," utos sa kanya ni Hermes nang mailapag niya na ito sa kama.
"S-Sir?" usal niya.
"I said, turn off the light," muling sambit ng amo.
"B-But, S-Sir. . . I-I'm not r-ready. I-I'm scared because Iʼm-Iʼm still v*rg*n. B-Baka masakit, ho kapag ipinas*k nʼyo," kinakabahang aniya sabay atras kay Hermes.