Chapter 7: Mukha Kang Kuhol

2048 Words
Lumipas ang dalawang linggo ngunit ganoon pa rin ang pakitutungo ni Hermes kay Luna, kahit sabihin pang may kaunting pagbabago ito sa kanyang ugali. Halos makita na rin niya ang itinatago nitong ahas, ahas na moreno. Pumipikit siya, o ʼdi kayaʼy tinatakipan niya ang makamandag nitong pagkalalak* sa tuwing pinapaliguhan niya ang amo. Baka raw kasi bigla siyang tuklawin! Kahit ang pag-pupu nito ay alam na alam niya ang amoy, natural na mabaho alangan naman na mabango porke may sinabi sa buhay? Pero huwag kayo dahil sinubukan niyang lagyan ng pabango ang pu-pu ni Hermes pero ganoʼn pa rin talaga ang amoy, mabaho pa rin! Sira ul*, ʼno! At ngayon nga ang kanyang ikatlong linggo at limang araw sa bahay na ʼyon. "Magandang umaga, Mahal na Prinsipe!" bati niya sa lalaking amo nang matanaw niya ito sa balkonahe. Abala kasi siya sa pagsasampay ng mga damit ng lalaki kaya malayo siya rito. May malapit namang sampayan pero hindi naman naaarawan ang mga damit kaya gumawa na lang siya sa 'di kalayuan na nasisinagan ng araw . Pero hindi siya pinansin ni Hermes, bagkus ay tiningnan lang siya nito. "Ang aga-aga, ang suplado mo! Buti pa si haring araw, nakangiti sa akin!" sigaw niya para marinig siya nito. "Iyon na lang kausapin mo kasi nakangiti pala sʼya, sa ʼyo!" bulalas ng amo niya. "Oh, see! Nagsalita ka na, kaya ikaw na lang kausapin ko! Huwag mong buruhin 'yang laway mo dahil mabaho na nga hininga mo, lalong babaho pa!" "Shut up! Nakabubulahaw ka sa mga kapitbahay kaya huwag kang sumigaw riyan!" "Eh, ang layo ko, sa ʼyo kaya isinisigaw ko na lang! Alangan naman na ibulong ko! Tingnan ko nga kung maririnig mo! Ang pogi mo Sir Hermes kahit may balbas ka na at bigote. I think I'm falling for you," bulong niya na sinabayan pa nang pagkutitap ng mga mata. Naghalukipkip ng dalawang braso si Hermes sabay taas ng isang kilay nito. "Mukha kang baliw riyan! Huwag ka ngang bumulong!" "Kita mo, ʼto. Kanina, ayaw niya ʼkong sumigaw. . . Ngayon na bumulong ako, mukha raw akong baliw. Ano ba talaga gusto ng amo kong ito? Malapitan nga siya tutal, tapos naman na ako. Sa C. R ko na lang isasampay mga undies ko, nakahihiya kasi, butas-butas na! Sa gitna pa naman ang butas, hays!" wika niya sa kanyang sarili. "Are you speaking alone? And why are you whispering?" untag ni Hermes sa kanya nang makalapit na siya rito. Inilapag niya ang dalang basket saka namaywang sa harapan ni Hermes. "Kamo, huwag akong sumigaw. Ngayon na bumulong ako, ayaw mo? Hindi talaga kita maintindihan minsan, Sir," pahayag niya sabay kamot sa gulo-gulo niyang buhok. "But I did not tell you to whisper. Ipaghanda mo na nga lang ako ng almusal," utos nito. Ngunit nang mapansin niya ang hitsura ni Luna ay muli na naman si tong nagsalita. "But before that, maligo ka muna, tingnan mo hitsura mo, para kang nagpadede ng sampung bata," sambit pa nito. Dinama ni Luna ang sarili. Tiningnan pati ang suot niya saka hinaplos ang gulong buhok. Tama nga ang kanyang amo. Mukha nga siyang nagpasus* ng ilang bata. Bakit kasi isinuot pa niya ang mahabang palda ng nanay niya? Eh, bakit? Sa probinsya naman ay ganito talaga ang suot sa tuwing naglalaba sila, dito lang sa siyudad ang maarte. "Paki mo ba sa suot ko? Saka naglaba ako kaya ganito ang hitsura ko." "Pinahirapan mo lang ang sarili mo. May washing machine saka dryer, pero baʼt ka nagkusot at nagsampay sa labas," sermon niya. "Eh, sa trip ko?" "Eh, ʼdi wow!" "Diyan ka na nga! Maghintay ka ng pasko at maliligo muna ako. Nakahihiya kasi sa prinsipeng nakaupo sa tasa," gagad niya. "Mukha bang tasa ang wheelchair?" "Hindi. Babush!" bulalas niya at iniwan na ang lalaki. Nagtataka naman si Hermes kung bakit hindi naisampay lahat ni Luna ang mga damit kaya inabot niya ang basket sa kanyang harapan at dumampot siya ng isang panty. Napangiwi siya nang makitang may maliliit na butas-butas iyon at may initial pang 'L' kaya alam niya na kung sinong nagmamay-ari ng salawal na hawak niya. Pagkatapos namang maligo ni Luna ay pinaghanda niya na ang lalaking amo. Ngayon din pala darating si Donya Salome at si Don kalbo—este Don Miguel upang bisitahin ang kanilang anak na mabuhok. In short, unggo—este balbon! Minsan sa isang linggo kung bumisita ang mga ito kasama ang katulong na si Madonna at si Mang Poncio. Abala raw kasi ang mga ito sa negosyo at hindi naman siya nag-uusisa kung ano ang negosyo ng mag-asawa. Ano sʼya, tsismosa! "Come, Prinsipe. Your breakfast is ready," masayang wika niya na sinabayan pa nang pagyuko. Ngunit kinunutan lang siya ng noo ni Hermes. "What do you want to eat?" dugtong pa niya. "Anything, basta pagkain," walang gana nitong sagot. "What do you want, Sir? We have chicken de mantikikas, in short fried chicken. . . This one is, unano de longganisa. That one naman is binati de leche de pan lekoren-harapen —in short, pritong itlog or Luna Montes de ganda, de sexy pa!" Nangunot ang noo ni Hermes sa sinabi ni Luna. "Bakit kasama ka sa options? Bakit, ulam ka ba?" "Baka, ako piliin mo, eh!" wika niya sabay hagikgik. "Asa ka pa, eh, mukha kang tuyo! Pinaganda mo lang pangalan mo." "It hurts you know! It hurts! Saka kahit mukha akong tuyo, ako naman lagi ang hinahanap sa almusal dahil masarap ang dried fish!" "Ipakakain ko lang ang tuyo sa pusa, saka payat ang tuyo, kaya wala silang makukuhang laman sa ʼyo!" "Ay, ganoʼn! Ang sama mong amo, You hurt my bones, and my science laboratory!" "What! You're crazy! At hindi bagay sa ʼyo ang pagdadrama dahil mas matatawa pa sila sa pagmumukha mo." "Grabe siya, oh!" "Tssk! Saka ano baʼng pinagsasabi mo? Saan ka nakakita na harapen-lekoren na itlog? Ginagawa mong katatawanan ang pagkain. Pati longganisa, ginawa mo pang unano." "Eh, maliit naman talaga iyon kapag kinain, hindi long," giit niya. "So? Sit down and eat with me," utos niya. "Kakainin kita?" "Kaya mo ba akong kainin, ha! Samahan mo 'kong kumain para ganahan ako, itinagalog ko na, ha!" "Sige-sige! Gusto ko ʼyan tapos maya-maya ay paliliguhan na kita," sagot niya ngunit hindi na umimik ang lalaki. Nilagyan niya ng kaunting kanin at ulam ang plato ni Hermes pagkatapos ay kumuha na rin siya ng plato sa kusina. "Ang sarap talaga!" bulalas niya nang matikman ang kanyang luto. "Si tatay at nanay, kumakain na kaya sila ngayon pati si Tinang," sambit niya. "Bigyan mo na lang sila." "Paano?" "Ipadala mo sa haring padala." Tinitigan siya ni Luna sa sinabi niyang iyon kaya nakipagsalubungan din siya ng titig dito. "Alam mo rin pa lang magpatawa, Sir kahit wala sa hitsura mo, ʼno? Pero, hindi ako natawa, ewan ko lang sa mga nagbabasa. Saka, pʼwede bang ipadala ang pagkain, ha?" "Did I tell you to send them food?" "Oo. Kasasabi mo lang, hindi ba?" "Tssk! I didn't say that. I mean, you send money to them, so they can buy food," wika nito at sumubo. "Bakit kay haring padala?" "Wala lang. . . Trip ko lang, kumain ka na nga!" "Palusot ka pa! Kapag nagpadala ako ng pagkain doon, pagdating ay buto na! Baka nga, kahon na lang, eh! Saka baka kainin lang no'ng driver," pahayag niya. Ngunit hindi na nakipagtalo pa si Hermes. Panaka-naka namang sumusulyap si Luna sa amo dahil naku-cute-an siya rito. Samantalang naiinis naman ang lalaki dahil sa pagpaku-cute ng katulong kaya binilisan na lang niyang kumain. "May lakad ho ba kayo, Sir?" "Wala!" "Baʼt ang bilis mong kumain? Akala mo naman kung may kaagaw ka, eh, tayong dalawa lang narito." "Binibilisan ko dahil naaasiwa ako, sa ʼyo!" "Ows! Naaasiwa ka sa akin? Bakit, nagagandahan ka?" "Saang banda? Kahit ilang beses kitang suriin, wala akong nakikitang maganda sa ʼyo! Saka walang papansin sa katulad mo, ʼno!" gagad nito sa kanya. "Oo na! Inaamin ko na hindi ako maganda pero hindi ka rin naman kaguwapuhan! Tingnan natin kung hindi ka magka-crush sa akin. . . Baka one day, hahabulin mo rin ako." "Aso ang hahabol sa ʼyo, hindi ako! I'm finished," wika nito. Uminom siya ng tubig saka tinalikuran niya na si Luna. "Ang sungit-sungit mo! Sinasabi ko, sa ʼyo, hahabulin mo rin ako hanggang mapagod ka! Pero paano nga ba niya ako hahabulin, eh, hirap nga siyang maglakad? Makatakbo pa kaya? Iyong wheelchair ang ipanghahabol nʼya sa akin?" bulong niya ngunit. . . "Anoʼng ibinubulong-bulong mo na naman rʼyan? Para kang may kausap na duwende, dalian mo na dahil may gagawin pa tayo," pahayag ni Hermes nang marinig siya nitong bumubulong. Tumingin siya sa among lalaki. Inirapan lang nʼya ito but deep inside ay nakikilig sʼya. May gagawin sila ni Sir Hermes? Ano kaya ʼyon? Asa pa siyang may gagawin sila, eh, paliliguan niya ito. 'Landi mo Luna! Lumipas ang ilang minuto ay tinapos na ni Luna ang pagliligpit ng kanilang pinagkainan. At pinuntahan niya na si Hermes sa kuwarto nito. Kumatok muna siya at narinig niya na pinapapasok na siya ng amo. "What took you so long?" inis nitong sambit. "Ang tagal ko ba? Pasensʼya na po at nagligpit pa akoʼt nagtoothbrush para hindi naman nakahihiya, sa ʼyo. Paliliguan na ba kita, ha?" "Oo, dahil tumawag na si Mama," tipid niyang sagot. Lumapit siya sa lalaking amo, hinubaran niya na ito ng pang-itaas at muli na naman siyang kinabahan. "Are you still nervous? You've been dressing me for a long time but you're still nervous?" "Uhm, pasensʼya na ho, Sir. . . Hindi pa talaga ako sanay makita iyang ano ninyo," paliwanag niya. "Then close your eyes so you can't see my naked body." "Okay lang na makita ko ang hubad nʼyong katawan, pero kasi. . . h-hdi pa ako sanay na makita ang inyong—" "My manh**d," singit ni Hermes. Tumango-tango siya ngunit nginisihan lang siya nito. Ano kaya iniisip ng amo niya? Baka may binabalak itong gawin sa kanya? Para naman siyang timang, eh hindi nga makatayong mag-isa ang kanyang amo! "Bakit ka ngumingisi? May naiisip ka sigurong kalokohan, ano?" untag niya rito. "What are you talking about? Porke, ngumisi lang. . . May iniisip na kalokohan, alam mo ikaw, ang dumi ng isip mo." "Iyang mga ganʼyang pagngisi kasi sa kalye, ay may ibig sabihin kaya alam ko na may iniisip ka!" "Will you please shut up! Sa kalye ka na naman napunta, ang hilig mong magsingit ng salita na hindi natin pinag-uusapan, probinsiyana ka talaga." Sumimangot si Luna sa sinambit ng amo, tila animoy kuhol na hindi pa nasipsip ng mabahong nguso ng tao. 'Wag kang sumimangot dahil lalo kang pumapanget. Akala mo siguro, ikinaganda mo iyang pagsimangot mo, eh, mukha kang kuhol na ipinapain para mahuli ang palaka!" "Sakit mo talagang magsalita, Sir Hermes! Unti-unti mong winawasak ang buong pagkatao ko sa mga sinasabi mo! This time, you hurt my feelings. . . my bone marrow, and my rect*m, you know, ump!" gagad niya sabay hawak sa kanyang dibdib na kunwaring nasasaktan. "Bast*s mo, saka hindi bagay sa ʼyo, Sharon Kuveta!" bulalas sa kanya ni Hermes. "At ikaw naman si Gabby Konsimisʼyon!" bulalas din niya sabay tawa nang malakas. Tumigil din siya pagkatapos nang pagtawa niyang iyon dahil pinukulan siya ni Hermes ng masakit na tingin. "Tawang-tawa ka, ha? Lipat mo na nga ako sa isang wheelchair para makaligo na rin ako," pahayag nito. Kinuha niya ang isang wheelchair saka binuhat ang lalaking amo para ilipat roon. "Hays, iyang ano mo lang ang nagpabigat. . . May bato ba rʼyan?" pabirong reklamo niya. "Tingnan mo kung may bato, kung may makita ka, kunin mo at isubo tapos, sumigaw ka ng big T!" Napabungisngis ito sa huling sinabi. "Nakatatawa? Tumawa tayo! Hindi ako natawa, ang corny lang. Hubaran na nga kita," pahayag niya. Tinanggal niya na ang pang-itaas ni Hermes at ang short nito kaya muli na naman siyang kinabahan
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD