CHAPTER 18

2011 Words
Lucas's point of view "ISANG beses lang bitawan ni Wren si Bella, wala s'yang babalikan dahil lagi akong nakahandang agawin si Bella sa kan'ya," seryoso kong sabi kay Jerome. Tinungga ko ang isang bote ng alak. Wag lang magkakamali talaga si Wren. Tumawa ng mahina si Jerome. "Chill ka lang, Tol," pagpapakalma ni Jerome sa akin. Nagsimula na lang akong kumain ng manok sa harapan ko. "Masyado kang mainit, pero ang totoo kasalanan mo rin naman." Kaibigan ko ba ang isang ito? Tinignan ko si Jerome na sumandal sa kinauupuan. "Ang tagal n'yong magkasama ni Arabella, wala pa 'yung boyfriend, nandyan ka na, pero ikaw na gago, chill lang," saad nitong si Jerome sa akin. Napaiwas ako ng tingin kay Jerome. Matagal ko ng gusto si Bella, kaya ko nga s'ya kinaibigan para mapalapit ako sa kan'ya, pero ang nakakagago lang; sa tuwing aamin ako sa kan'ya nawawalan ako ng lakas ng loob. "Wala akong lakas ng loob kay Bella noon," seryoso kong sagot kay Jerome. "Gago ka, tapos kung kailan mayroong boyfriend saka umandar lakas ng loob mo," banat ni Jerome. Bumuntong hininga na lang ako. Kaya nga nagsisisi ako ngayon. "Alam mo, habang hinihintay mo si Bella, try ka muna ng iba," payo ng playboy. "Pag nalaman ni Bella iyon baka lalo akong hindi magustuhan," sagot ko kay Jerome. Binaba n'ya ang hawak n'yang bote. Tinignan n'ya ako. "Alam mo sa lahat ng bagay dapat may back-up plan, wag kang mag-focus sa isa, mag-focus ka lang kung alam mong sa 'yo na talaga," salaysay ni Jerome. Sigurado na ako kay Bella. "Kita mo ako, kakalibot ko natagpuan ko 'yung para sa akin," natatawa pang sabi ni Jerome. Hindi na ako nagsalita dahil wala naman na akong sasabihin. Iniba ko na lang ang topic dahil ayoko na munang pausapan si Bella ngayon. Natapos kaming kumain at uminom. Hindi s'ya p'wede maglasing dahil lagot s'ya sa girlfriend. Ako, hindi p'wedeng maglasing dahil mayroon akong trabaho bukas. "Kita na lang tayo, next week," paalam ni Jerome sa akin sakay ng kotse n'ya. "Ingat ka," paalam ko kay Jerome. Tumango lang s'ya sa akin at umandar na ang kotse n'ya. Sumakay na ako sa kotse ko, pero bago ko paandarin ay kumuha ko ng isang stick ng yosi. Pinaandar ko ang kotse ko paalis sa lugar na iyon. Hindi muna ako umuwi at gusto kong dumaan sa bahay ni Bella. Gabi-gabi akong pumupunta dito para tignan ang lagay ni Bella. Ang effort ko sa babaeng iba ang mahal. Sana gumising na lang ako, na ako naman ang mahal n'ya. Or kung mananaginip man ako na ako ang mahal ni Bella, please don't wake me up. Tinignan ko ang wrist watch ko kung anong oras na. Maaga pa naman, pero bakit walang ilaw sa bahay ni Bella. Kinuha ko ang phone ko para tawagan n'ya. Tinignan ko ang yosi na papaubos na nakasabit sa pagitan ng daliri ko. "Bakit na naman?" Napangiti ako sa mataray n'yang bungad sa akin. "Nasaan ka ba?!" kunwari ay galit kong tanong kay Bella. "Ara, kakain na tayo!" rinig kong boses ng lalaki sa kabilang linya. Sinubo ko ang dulo ng yosi at hinitit ang usok noon. "D'yan ka na naman matutulog?" tanong ko kay Ara. "Hindi, uuwi rin ako pagkakain," sagot n'ya sa akin. Kahit sinagot n'ya ang gusto kong marinig ay wala pa ring saya akong naramdaman. "Susunduin kita," sabi ko. "Wag na, papahatid ako kay Wren," pagtanggi n'ya sa akin. "Okay," iyon lang ang sagot ko. Binaba ko na ang phone call. Umalis na ako sa tapat ng bahay ni Bella dahil ayoko na silang makitang magkasama pa. Wren's point of view "SUNDY, taas mo ng konti ang chest mo and konting chin up," utos ko kay Sundy. Nasa tabing dagat kami ngayon para sa pre-photo ni Sundy. "Like this?" tanong n'ya sa akin. Nag-thumb up ako kay Sundy. Kinuhanan ko na s'ya ng litrato. Hindi naman mahirap kumuha ng perfect shots kay Sundy dahil halata sa pose at kilos n'ya na sanay na ito. "Perfect," sabi ko ng makita ko ang mga shot. "May I see?" tanong ni Sundy. Nagsilapitan ang stylist ni Sundy sa kan'ya para i-retouch s'ya. Pangalawang location na namin itong dagat. Mas okay kasi ang view pag papalubog na ang araw. "I love it," nakangiting sabi ni Sundy sa akin. "Wala pang edit and filter na nailalagay, pero ang ganda na," puri ko kay Sundy. Nakita ko ang pag ngiti n'ya sa akin. "Maganda ako?" nahihiya n'ya pang tanong. "Kailan ka ba pumangit," sagot ko. Inalalayan ko s'yang maglakad papunta sa cottage namin. Inabot ko sa assistant ko ang camera ko para s'ya na ang mag-ayos noon. Alas singko na ng gabi kaya need ko ng umuwi. Maghapon na kaming nagtatrabaho nila Sundy. "Night swimming tayo," aya ni Sundy sa akin. Pagpasok namin sa kubo ay kumuha ako ng water battle. Medyo masakit na ang kamay ko dahil sa maghapon na paghawak ng camera. Matagal-tagal ko ring hindi ito nagawa kaya medyo na ninibago na ang kamay ko. "Hindi ako p'wede, marami pa akong aayusin at i-edit," pagtanggi ko kay Sundy. Hindi alam ni Ara na mayroon akong trabaho kaya kailangan kong umuwi na maaga, dahil baka pumunta iyon sa amin. "Sayang naman, ang sarap pa naman ng tubig, malamig," sweet na sabi ni Sundy. Tinignan ko ang dagat na sobrang ganda nga. "Maybe next time na lang, marami kasi akong gagawin," paliwanag ko kay Sundy. "Okay, magkikita pa naman tayo bukas para sa shooting eh," sabi n'ya sa akin. Napansin kong nilalamig si Sundy dahil sa mahangin dito. Hinanap ko ang personal assistant ni Sundy. Kaming dalawa lang kasi ang nandito. Hinubad ko ang suot kong jacket at sinuot kay Sundy. "Bakit hindi ka nila binibigyan ng jacket?" taka kong tanong. "Abala sila sa gamit ko, pero ayos lang naman ako," nakangiting sabi ni Sundy sa akin. "Pero thank you, for your sweet little action, " nakangit n'ya saad. Tumango ako kay Sundy bilang sagot. Kailangan ko ng umalis ngayon kaya magpapaalam na ako. "Sundy, magkita na lang tayo bukas, kailangan ko ng umalis," paalam ko kay Sundy. "Wala nga akong kasama dito tapos iiwan mo ako?" tanong ni Sundy sa akin. "Tatawagin ko P.A mo," sagot ko sa kan'ya. "Okay, fine," sabi n'ya sa akin. Lumapit si Sundy sa akin at niyakap ako sabay halik sa pisnge ko. "See you tomorrow," paalam n'ya sa akin. Tumango at ngumiti ako sa kan'ya. Lumabas ako ng kubo para kuhanin ang mga gamit ko sa kabilang kubo. Nakita ko si Jay na hawak ang bag ko. "Kailangan ko ng umuwi, ikaw na muna bahala sa ibang gamit, nagmamadali lang ako," paalam ko kay Jay. "Sige, Kuya, ako na ang bahala dito," sagot n'ya sa akin. Hindi ako ang p'wedeng magdala noon kasi mahahalata ni Ara 'yung mga gamit. Sinuot ko ang bag ko. Nagpaalam lang ako saglit sa mga kasama namin bago ako umalis. Sumakay ako ng taxi para umuwi na. Huminga ako ng malalim at sana ay hindi pumunta si Ara sa bahay or sana mauna ako sa pag-uwi. Arabella's point of view NAPAKUNOT ang noo ko ng walang ilaw ang bahay ni Wren. Naglakad ako papunta sa pinto at lalo akong nagtaka na naka-lock ang pinto. "Saan naman nagpunta si Wren?" tanong ko sa sarili ko. Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Wren. Ilang ring pa lang ay sinagot na ni Wren iyon. "Nasaan ka?" taka kong bungad kay Wren. "Are you friend of Wren or his client, he forgot his phone on our cottage." Napatingin ako sa phone screen ko dahil boses babae ito. "Excuse me, who are you?" tanong ko sa babae. Cottage? Nag-swimming ba si Wren? "I'm Sundy, Wren's childhood bestfriend," sagot n'ya sa akin. "And you?" tanong n'ya sa akin. "Ara," tipid kong sagot sa kan'ya. Tinignan ko ang papadilim na langit. "Okay, don't worry, we have shooting tomorrow, I tell him, you called," paliwanag ni Sundy sa akin. Hindi ko kilala si Sundy, pero mukhang kaibigan ni Wren. "Okay, thank you," sagot ko. "Kanina pa kasi kaming umaga nagtatrabaho kaya siguro hindi napansin ni Wren na naiwan n'ya ang phone n'ya sa pagod," mahabang paliwanag ni Sundy. "Ganoon ba? Okay, tawag na lang ako sa kan'ya bukas, bye." Pinatay ko na ang phone ko. Shooting? Ang sabi n'ya sa akin kahapon ay lalabas lang s'ya saglit, pero bakit mayroong shooting. Umupo ako sa tapat ng pinto para hintayin si Wren. Gaya ng sabi ng babae ay naiwanan ni Wren ang phone n'ya. Ibig sabihin ay pauwi na si Wren. Tinignan ko ang kamay ko na sumasakit iyon kaka-type sa keyboard. Inaantok na rin ako, pero gusto ko lang makita si Wren ngayon kung nakainom na ba s'ya ng gamot. Mayroong humintong taxi sa tapat ng bahay kaya napaangat ang tingin ko. Bumaba si Wren mula sa taxi at halatang nagulat s'ya ng makita ako. Napansin ko ang suot n'yang bag. Ibig sabihin ay galing nga s'ya ng trabaho. "Ara," tawag n'ya sa pangalan ko. Hindi ako gumagalaw sa kinauupuan ko at tinignan ko lang si Wren na maglakad palapit sa akin. "Saan ka galing?" tanong ko kay Wren. Ang gusto ko sana ay magpahinga muna s'ya, pero kung alam naman n'ya na kaya na n'yang magtrabaho ay hindi ko naman s'ya pipigilan. "Sa South, medyo traffic lang kaya ako ginabi," sagot n'ya sa akin. Mayroon s'yang hinahanap sa bag n'ya. "Anong ginawa mo?" tanong ko kay Wren. Kinuha n'ya ang susi ng pinto n'ya. Hindi s'ya tumitingin sa akin kaya diretso lang ang tingin ko. "Naglibot lang ako, hapon na kasi ako umalis," paliwanag n'ya sa akin. Bigla akong mahinang natawa na peke. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko. "Uuwi na ako," malatang paalam ko. Lalo ko lang naramdaman ang pagod ko sa pagsisinungaling n'ya sa akin. "Wait, bakit? Kanina ka pa ba naghihintay dito? Bakit hindi mo ako tinawagan?" sunod-sunod na tanong ni Wren sa akin. Hinawakan n'ya ako sa braso para pigilan ako. I faced Wren, I saw his clueless expression. I took a deep breath, and looked at him directly on his eyes. His mouth can tell a lied, but his eyes stated the truth. He was not good at laying. "Where's your phone?" tanong ko kay Wren. Kinapa n'ya ang bulsa n'ya, pero wala s'yang nakita, bunuklat n'ya ang bag n'ya, pero wala din. "s**t! Baka na laglag," sabi n'ya. "Wag ka nang magsinungaling," sabi ko kay Wren. Tumalikod na ako para maglakad. "Ara!" tawag n'ya sa akin. Humarang si Wren sa dadaanan ko, pero matamblay ko lang s'yang tinignan. "Hindi naman kita pinipigilan, gusto ko lang magpahinga ka muna, pero kung gusto mong bumalik na. Mayroon ba akong magagawa?" tanong ko kay Wren. Napayuko si Wren dahil alam n'yang alam ko na. "Hindi mo naman kailangan magsinungaling," seryoso kong sabi kay Wren. "Wag mong kalimutan 'yung gamot mo. Inaantok na ako kaya uuwi na ako," dagdag ko pa. Nilagpasan ko s'ya at naglakad na ako palayo. "Ara, sasabihin ko naman!" sigaw n'ya. Pero pumara na ako ng taxi para umuwi na. Kinuha ko ang panyo sa dala kong bag dahil pakiramdam ko ay naiiyak ko. Ang over acting ko, pero naiiyak talaga ako ngayon. Tinignan ko ang labas ng taxi para hindi mapansin ng driver na naluluha ako. Huminga ako ng malalim at pilit na pinipigilan ang luha ko. Nagawa ko naman hanggang sa makarating ako sa bahay ko. Pagbaba ko ng taxi ay nakita ko si Lucas na nakasandal sa kotse n'ya habang nakatutok sa phone. "Ano na naman ang ginagawa mo dito?" tanong ko kay Lucas. Wala ako sa mood ngayong makipag-usap. Ramdam ko lang talaga ang pagod ko. "Nakasimangot ka? Pangit ka na nga lalo ka pang pumapangit," biro ni Lucas sa akin. Hindi ako ngumiti, o nagbigay ng reaction sa kan'ya. Naglakad na ako papasok sa loob ng bahay ko. Alam ko naman na susunod si Lucas kaya hindi ko na s'ya inimbita pa. Umupo agad ako sa sofa at napapikit na lang. Sumasakit ang balikat ko dahil sa trabaho ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD