PROLOGUE
“WILL you be my girlfriend, Ara?” tanong ng binatang si Wren sa kaniyang matagal na nililigawan na si Arabella.
Simula ng makilala ni Wren si Arabella noong college sila ay hindi na nawala ang nararamdaman ng binata sa dalaga. Hindi na nagsayang ng oras pa at kumuna ng lakas ng loob ang binata para maligawan ang babaeng nagugustuhan nito.
Puno ng kaba na inabot ni Wren ang bulaklak n’yang dala para kay Arabella. Sa bawat tingin ng binata ay bakas sa mata n'ya ang salitang sing ganda ni Arabella ang mapupulang roses.
Napatingin si Arabella sa paligid n’ya na namumula ang mukha nito. Napansin ni Arabella ang masayang pag-cheer ng kaniyang bestfriend na si Kim. Maraming tao ang tumitingin sa kanila dahil sa mga nahahawa ito sa kilig sa binata at sa dalaga.
“Oo naman,” masayang sagot ni Arabella.
Umingay ang paligid dahil sa pagtanggap ni Arabella sa tanong ni Wren. Agad na niyakap ni Wren si Arabella dahil sa saya ng puso n'ya.
“Halikan mo na, Kuya Wren!” sigaw ng nakakabatang kapatid ni Wren.
Sa isang banda naman ay hindi makapaniwalang nakatingin si Lucas kay Arabella na masayang kasama si Wren.
Ang balitang dala n’ya na nakapasa ito sa board exam, at handa na itong manligaw kay Arabella, pero ang saya sa dibdib n’ya ay agad na nawala at napalitan ng sakit na makita ang matagal n’ya ng mahal ay nasa ibang lalaki na.
Agad na tumalikod si Lucas at naglakad para lumayo sa lugar na masaya lang para sa mga tao doon, pero para sa kan’ya ay isang kalokohan lang ang nangyayari.
Ang pagtupad ng pangarap at pagbibigay ng attention sa responsibilidad n'ya sa pamilya, ang kapalit noon ang pagkawala ng taong matagal na n'yang mahal.