CHAPTER 19

1974 Words
Arabella's point of view UMUPO si Lucas sa tabi ko. "Problema?" tanong n'ya sa akin. Bumuntong hininga ako. Wala naman problema, eh. Hindi ko lang maintindihan bakit kailangan pang magsinungaling ni Wren sa akin. "Wala," tipid kong sagot kay Lucas. Ramdam kong nakatitig s'ya sa akin. Rinig ko ang pagtawa n'ya kaya napadilat ang mata ko sa ingay n'ya. Tinignan ko si Lucas kung ano ang problema ng isang ito. Baka may sira na sa ulo ang kaibigan ko, hindi ko pa alam. "Ako lang ba pinakamagaling magtago ng nararamdaman dito?" tanong n'ya. Tinignan ako ni Lucas, pero nakatingin ako sa kan'ya na nagtataka. "Problema mo?" taka kong tanong kay Lucas. Sa itsura n'ya, mukhang wala namang prinoproblema ang isang ito. Napaayos ako ng upo ng biglang nilagay ni Lucas ang dalawa n'yang kamay sa mukha n'ya. "Huy! Legit ba?" kinakabahan kong tanong kay Lucas. Kumunot ang noo ko ng gumalaw ang balikat n'ya na parang umiiyak talaga. Hinawakan ko ang likod ni Lucas. "Ano ba problema mo?" nag-aalala kong tanong kay Lucas. "Mayroon bang nangyari?" Nagulat ako ng bigla akong niyakap ni Lucas. Wala akong balak na tanggalin iyon dahil baka mabigat talaga ang loob ng kaibigan ko. "Ayaw mo naman magsalita," giit ko kay Lucas. "Nakasagasa kasi ako," umiiyak n'yang amin sa akin. Naging speechless ako sa narinig ko. Kusa kong niyakap pabalik si Lucas. "Anong ginawa mo?" nag-aalala kong tanong. Kinakabahan ako sa lalaking ito. "Napatay ko yata 'yung palaka," natatawa n'yang sagot. Tinulak ko si Lucas palayo sa akin, at pinaghahampas ko ang balikat n'ya. "Ouch! s**t! Stop, Bella!" sigaw n'ya, at lumalayo sa akin. Sinamaan ko s'ya ng tingin dahil sa kalokohan nito. "Sira ka, kinabahan ako sa 'yo," inis kong giit kay Lucas. Isang nakakalokong tingin ang binigay ni Lucas sa akin. "Your heart was beating fast at me?" tanong ni Lucas sa akin. Tinignan ko ang kamay ko na kinuha n'ya. "Baka t***k ng pagmamahal na iyan?" saad pa ng loko. Hinila ko ang kamay ko mula kay Lucas. "Pura ka kalokohan," banat ko sa kan'ya. Muli akong sumandal sa pagkakaupo ko sa sofa. "Akala ko pa naman nakasagasa ka na ng tao," sabi ko pa kay Lucas. "Panis ang expert sa akin, kaya wag kang mag-alala," natatawang biro ni Lucas. Tinignan ko si Lucas. Dahil sa kalokohan ng isang ito ay medyo naging okay pakiramdam ko. Minsan kailangan talaga ng maluwag ang turnilyo sa utak eh, para gumaan ang pakiramdam. "Shot tayo," aya ni Lucas sa akin. "Ayoko, mayroon akong pasok bukas," tanggi ko kay Lucas. Bigla n'ya akong pinitik sa noo ko. "Ouch!" daing ko. Hinawakan ko ang noo ko dahil sa lakas ng pitik ng lalaking ito. "Linggo bukas, masyado ka ng masipag," sabi ni Lucas sa akin. Napaisip ako na sa araw ngayon. Oo nga pala sabado ngayon. "Hindi ko na namamalayan ang araw," natatawa kong sabi kay Lucas. "Ano? Bili ako?" aya ni Lucas sa akin. Napaisip ako. Matagal na akong hindi naka-shot dahil sa busy schedule ko. "Isang bote lang akin," sagot ko kay Lucas. "Okay," masigla n'yang sagot. "Pag sa inuman, sumisigla dugo mo," puna ko kay Lucas. Tumayo s'ya mula sa pagkakaupo sa sofa. "Well, lalo na pag ikaw ang kasama, like the old days," nakangiti n'yang sagot sa akin sabay kindat. "San miguel lang akin," sabi ko kay Lucas. "Mahinang nilalang, alfonso tayo," sabi n'ya pa sa akin. "San miguel, o magsolo kang uminom?" tanong ko kay Lucas. "San mig, no problem," sagot ng loko. Nagmadali na itong naglakad palabas ng bahay ko para bumili. Natawa naman ako ng konti dahil kay Lucas. Swerte ng babaeng mapupunta kay Lucas. Tumayo ako, at naglakad papunta sa kwarto ko. Magbibihis lang ako ng ibang damit dahil maghapon ko ng suot ito. Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita kong mayroong nakaupo sa sofa. "Bilis mo naman, Lucas?" taka kong tanong. Hindi ako tumingin dahil pumunta akong kusina. Titignan ko kung anong p'wede naming kainin. Konti na lang pala ang stack ko dito. Linggo naman bukas kaya makakabili ako ng groceries bukas. "Lucas?" Tumigil ako sa paghahanap ng pagkain sa ref ko ng marinig ko ang boses ni Wren. Humarap ako sa kan'ya. Ang kusina ko ay tabi lang ng living area kaya kita ko agad kung sino ang nandoon. Seryoso s'yang nakatingin sa akin. Sinarado ko ang ref at nilapitan si Wren. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Wren. "Bakit bawal na ba akong pumunta sa bahay ng girlfriend ko? Or baka dahil nandito si Lucas?" seryoso n'yang balik na tanong. "Bakit kailangan mo pang magsinungaling sa akin?" seryoso kong tanong kay Wren. Pura tanong na lang kami pareho dito. Naglakad si Wren palapit sa akin, at hinawakan ang kamay ko; tinignan n'ya ang mata ko. "Sasabihin ko naman sa 'yo bukas, naunahan mo lang ako," paliwanag n'ya sa akin. Kumunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan na bakit kailangan bukas pa. "Bakit bukas pa?" seryoso kong tanong kay Wren. Nagtatampo ako kay Wren dahil sa pagsisinungaling n'ya sa akin. Pakiramdam ko tuloy na pinagbabawalan ko s'ya sa gusto n'yang gawin kaya ayaw n'yang ipaalam sa akin. "Baka kasi hindi mo ako payagan," nahihiya n'yang sagot sa akin. Sabi na eh. "Lahat ba ng gusto mo kinontra ko? Sinuportahan naman kita sa lahat, lalo na sa pangarap mo," salaysay ko kay Wren. Napa-pout ako dahil sa nararamdaman ko ang luha sa mata ko. Pakiramdam ko ang selfish ko para paglihiman ni Wren. "Alam ko namam iyon, pero..." Huminga s'ya ng malalim. "Sorry, mali ako," mahinahon n'yang sabi sa akin. Tumulo ang luha ko dahil sobrang babaw ng emosyon ko pagdating kay Wren. "Wag ka ng umiyak, sorry na. Hindi ko na uulitin," paliwanag n'ya sa akin. Pinunasan n'ya ang luha ko at niyakap ako. Gusto ko pa sanang magtampo, pero hindi ko naman kayang tiisin ang lalaking ito. "Okay lang naman sa akin, basta wag ka lang masyadong magpapagod," sabi ko kay Wren. "Okay, Ma'am," pabiro n'yang sagot. Niyakap ko na lang din pabalik si Wren. Hindi n'ya talaga hinahayaan na mayroon kaming tampuhan na umabot ng umaga. Lucas's point of view SINILIP ko ang row ng san miguel sa isang convenient store malapit lang sa bahay ni Bella. "Sampu lang?" taka kong tanong. Manginginom ba ang mga tao sa paligid kaya naubos ang stack? Ayos na nga ito. Ang importante lang naman makasama ko si Bella ngayon. Nagbayad na ako sa cashier, at lumabas. Mayroon din akong binili na junk food para naman masaya ang buhay naming dalawa ni Bella. Alam kong mayroong problema si Bella. Pagkasakay ko sa kotse ay pinaandar ko iyon pabalik sa bahay ni Bella. Minsan lang pumayag iyon kaya susulitin ko na. Pagdating ko sa tapat ng bahay n'ya ay kinuha ko ang binili para pumasok na sa loob. "Wag ka ng umiyak, sorry na. Hindi ko na uulitin." Tumigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses ng lalaki. Pagsilip ko ay nakita ko si Bella at Wren na magkayakap. Ang ngiti ko ay nawala. "Okay lang naman sa akin, basta wag ka lang masyadong magpapagod," sabi ni Bella kay Wren. Kailan kaya n'ya ako sasabihan ng ganiyan? Sobrang pagod ko sa office, minsan pumupunta pa ako sa construction site, pero walang nagsasabi sa akin na ganiyan. "Okay, Ma'am." Nakakapikon 'yung sagot ni Wren. Ano bang ginagawa n'ya dito? Kung kailan ko maso-solo si Bella. Niyakap ni Bella si Wren pabalik kaya napatingin ako sa plastic na dala ko. Hindi rin naman na ako mapapansin ni Bella dahil nandyan si Wren eh. Kinuha ko ang phone ko na kunwari ay mayroon na lang akong kausap. Huminga ako ng malalim. "Urgent ba?" tanong ko sa phone ko. Napalingon silang dalawa sa ingay ko. "Lucas," tawag ni Bella sa akin. Binaba ko ang dala kong plastic sa tea table ni Bella. "Sige, pupunta na ako ngayon," kausap ko sa kawalan. Binaba ko na ang phone ko. Tinignan ko si Bella. Kung hindi lang kita gusto. "s**t! Sayang, mayroon akong kailangan puntahan ngayon, kayong dalawa na lang muna ang uminom, next time na lang tayo, Bella," paliwanag ko kay Bella. Hindi ko na hinintay na sumagot si Bella at tumalikod na ako. Inaasahan ko na hahabulin ako ni Bella para pigilan, pero bakit ko aasahan ang ganoong bagay? Sumakay na ako sa loob ng kotse ko at napayuko na lang ako sa manibela. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Bumalik ako sa convenient store para bumili ng red horse. Mas okay na magsolo kaysa makita ko silang dalawa. Tang-ina, bakit kasi hindi pa ako gumawa ng paraan noong nag-aaral pa kami. Hindi ko naman siguro kasalanan kung gusto ko munang pagtounan ang pag-aaral ko, gusto kong maipakita na mayroon namang future si Bella sa akin. Sa loob lang ako ng kotse umiinom ng alak. Kinuha ko ang nakatago kong yosi at kumuha ako ng isang stick noon. Nasa gilid ako ng kalsada at pinagmamasdan ko ang mga sasakyan na nagdadaan. Tago ang lugar ko kaya okay lang na nandito ako. Iniisip ko na ano bang kulang sa akin at mas lagi n'yang pinipili si Wren? Napatingin ako sa labas ng mayroong umagaw sa yosi na nakasabit sa pagitan ng daliri ko. "Hi, pogi!" Taka kong tinignan ang isang babaeng sumilip sa bintana ng kotse ko. "Yes?" seryoso kong tanong. Tinignan ko ang yosi na kinuha n'ya sa akin at s'ya na ang humihitit. "Two thousand para sa aliw," offer n'ya sa akin. Tinignan ko ang babae sa harapan ko. "Virgin ka ba?" hamon kong tanong sa babae. Hindi naman kalakihan ang dibdib n'ya, pero halatang pinapakita n'ya sa akin. "Malaki ang bayad sa virgin, Pogi," natatawang sagot ng babae sa akin. Kinuha ko ang yosi na hinihitit n'ya. "Pangit sa babae ang nag yoyosi," sabi ko sa kan'ya. "Sige na, pang tuition ko lang," pamimilit ng babae sa akin. "Ilan taon ka na?" taka kong tanong. Mamaya minor pa ito. "Don't worry, bente na ako," sagot n'ya sa akin. Tumango ako. Kinuha ko ang wallet ko para ibigay sa kan'yang three thousand. "Wow! May tip, wala pang performance, pero may tip na," masaya n'yang sabi. "Pumasok ka sa kotse, samahan mo akong uminom," seryoso kong aya sa Babae. Mas okay na mayroong kasamang uminom kaysa nag-iisa ka. Pumasok s'ya sa loob ng kotse ko. "Ganda nito ah," mangha n'yang sabi sa akin. "Lucas," sabi ko sa babae. "Karen," sagot n'ya sa akin. Binigyan ko s'ya ng isang bote na agad n'yang tinanggap. "Saan tayo?" tanong ni Karen sa akin. "Pang tuition mo? anong year ka na ba?" tanong ko kay Karen. Umiinom ako habang ang tingin ko ay diretso lang. "Second year na ako, Marketing student ako, walang pang-tuition kaya nag-sa-sideline ako," sagot n'ya sa akin. "Ano ba? Saan tayo?" "Dito," tipid kong sagot. Uminom ako ng alak. Hindi ko talaga makalimutan si Bella. "Ang daming hiring sa paligid, bakit iyan pa ang gusto mo?" tanong ko kay Karen. "Hindi kaya eh, oras pa lang sa pag-aaral ko ubos na, wala akong pamilya kaya walang sumusuporta sa akin," paliwanag n'ya. "So, no choice ka?" tanong ko kay Karen. Tinignan ko si Karen, mukha naman s'yang disenteng babae, maganda rin, maganda ang katawan. "Yes," sagot n'ya sa akin sabay tungga. Umiwas ako ng tingin. Actually mayroon kaming choice, pero pinipili lang naman at iniisip namin na wala. Sabi ni Jerome na maraming babae d'yan, pero kay Bella ako naka-focus. Desisyon pa rin namin ang masusunod. Ang puso ko ang nasusunod. Ayoko na rin na makita si Bella na kasama si Wren, pero hindi ko maiwasan na hindi lumapit o makita si Bella. "Hindi pa ba natin uumpisahan?" tanong ng babaeng kasama ko. "Samahan mo lang akong uminom," sagot ko kay Karen. Ang boring lang kasing uminom ng walang kasama kaya mas okay ng s'ya ang kasama ko para mayroon namang ingay sa paligid ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD