Wren's point of view
"HINDI mo ipapaalam?" gulat na tanong ni Warren sa akin.
Inaayos ko ang mga lens ng camera ko sa tea table habang si Warren ay mayroong hawak na laptop sa harapan ko, na nakaupo sa sofa.
"Gulo iyan, sinasabi ko sa 'yo, Kuya Wren," saad ni Warren sa akin.
Huminga ako ng malalim. "Mas'yado ng sumasapaw si Lucas sa amin," seryoso kong sabi kay Warren.
"Sana sabihin mo na lang kay Ate Ara, kailan ka ba hindi naintindihan noon? Hindi nga tumuloy sa Paris dahil ayaw mo," salaysay ni Warren.
"Alam kong hindi s'ya papayag," sagot ko kay Warren.
Tama naman si Sundy. Malaking opportunity na 'yung gagawin namin, isang sikat na model si Sundy ngayon at opportunity sa akin bilang Photographer ang humawak ng isang sikat na model.
"Bakit naman hindi? Ang gusto lang ni Ate Ara ay magpahinga ka muna, pero hindi ka n'ya pinagbabawalan," sagot ni Warren sa akin.
Seryoso kong tinignan si Warren. Tama 'yung sinasabi ni Warren sa akin, pero hindi ko maintindihan.
"Don't tell me, you are insecure with Lucas?" tanong ni Warren sa akin.
"Hindi," sagot ko agad kay Warren.
"Kung hindi ka insecure, natatakot ka na makuha ni Lucas si Ate Ara?" tanong naman ni Warren sa akin.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Mayroon akong nararamdaman na hindi ko alam kung ano.
Pinagpatuloy ko ang paglilinis ko sa camera dahil gagamitin ko na ito bukas. Need ni Sundy para sa isang cover photo ng isang company.
"Kung ako sa 'yo, Kuya Wren. Ayusin mo desisyon mo sa buhay," payo ni Warren sa akin.
"Gusto ko ng mag-propose kay Ara," sabi ko kay Warren.
Kaming dalawa lang ni Warren ang magkapatid kaya wala kaming tinatago sa isa't isa, kalokohan man o hindi ay kami ang nakakaalam.
"Gawin mo, tamang edad naman na kayo," sagot ni Warren sa akin. "Pero advice ko sa 'yo, sabihin mo kay Ate Ara iyang desisyon mo, mahirap na kung mayroon kang tinatago," dagdag pa ni Warren.
"Wala naman akong dapat itago, sasabihin ko naman ang tungkol kay Sundy," paliwanag ko kay Warren.
Natatakot lang ako na baka hindi n'ya ako payagan. Kailangan ko ang project na ito para mayroon akong sapat na pera para sa amin dalawa.
Binaba ko ang hawak kong camera at sumandal sa sofa. Napahinga na lang ako ng malalim.
"Ikaw ang mahal ni Ate Ara, kaya wag kang matakot kay Lucas, pera lang naman ang lamang n'ya sa 'yo," pagpapalakas loob na sabi ni Warren sa akin.
Napangiti naman ako dahil sa kapatid ko na ito ay ramdam kong mayroon akong kakampi.
"Saka, iyon promoted na, ikaw hindi pa, kaya kung dadami ang projects mo baka malagpasan mo pa iyon," paliwanag ni Warren sa akin.
Tinignan ko ang kapatid ko na todo ang pag-a-advice sa akin na akala mo naman masmarami pang experience kaysa sa akin.
"Government iyon," natatawa kong sabi kay Warren.
Napatingin sa akin si Warren. "Totoo? Edi mahusay, baka corrupt kaya maraming pera," natatawang sabi ni Warren sa akin.
"Ewan ko," sagot ko kay Warren.
Sa kwento ni Ara, ay matalino talaga si Lucas.
"Pero parang hindi, two years bago nagkaroon ng kotse, ipon pa," natatawag sabi ni Warren.
"Alam mo, pag-aaral mo na lang atupagin mo d'yan," sabi ko kay Warren.
"Inaatupag ko ang pag-aaral ko, isipin mo na lang desisyon mo," sagot n'ya sa akin.
Sino ba ang matanda sa amin kung makapagsalita s'ya.
"Oo, pag-uusapan naman namin iyon," sagot ko sa kapatid ko.
Tinignan ko ang sirang lens ko. Hindi naman na magagamit ito kaya kailangan ko ng bumili ng bago.
"Kailan mo ba sisimulan ang studio mo?" tanong ni Warren sa akin.
"Baka pag-graduate mo," sagot ko kay Warren.
Malaki ang kailangan kong ilabas na pera kung sisimulan ko ang studio, at ayoko naman maapektuhan ang pag-aaral ni Warren dahil malaki din ang tuition n'ya.
"Kaya ko naman sagutin ang kalahati ng tuition ko, sila Papa ang sasagot ng kalahati," paliwanag ni Warren sa akin.
Binato ko kay Warren ang sirang lens ng camera ko.
"Sino bang may sabi sa 'yong magtrabaho ka? Sabi ko sa 'yo, mag-focus ka sa pag-aaral mo," inis kong sabi kay Warren.
"Magaling ako kaya wag kang mag-alala, pinabayaan ko na ba ang school ko habang nagtatrabaho ako?" tanong n'ya sa akin.
Kinuha n'ya ang lens ng camera ko at hinagis sa akin.
"Bakit mo ba ako binabato? Ako ang nag-alaga sa 'yo sa hospital dapat ilibre mo naman ako," sumbat ni Warren sa akin.
Muli kong binato si Warren. "Sumbatan pala gusto mo? Simula bata ka ako nag-alaga sa 'yo," sabi ko kay Warren.
"Bakit kasi binabato mo ako!" sigaw ni Warren sa akin.
Napatayo ako dahil sa pagsigaw n'ya.
"Bakit mo ako sinisigawan?!" tanong ko kay Warren.
Balak ko s'yang sakalin dahil sinasagot n'ya na ako ngayon.
"Edi pasyensya," sabi n'ya sa akin.
Naghahabulan kami ngayon sa loob ng bahay ko. Normal lang sa aming dalawa ito. Usapang Kuya at Bunso.
"Lumalaki ka bang bastos?!" sita ko kay Warren.
"Anong nangyayari? Rinig na rinig ko kayo sa labas."
Napatingin ako sa pintuan ng biglang lumitaw doon si Ara. Napansin ko si Warren na tumakbo sa likuran ni Ara.
Taka naman s'yang tinignan ni Ara, ganoon din sa akin.
"Ano bang problema n'yong dalawa?" tanong ni Ara.
Pumasok s'ya sa loob, pero si Warren ay ayaw umalis sa likuran ni Ara. Alam ni Warren na makakatikim s'ya sa akin. Ayoko na ganoon s'ya sumagot lalo na sa masnakakatanda sa kan'ya.
Lalapitan ko si Warren para hilahin palayo kay Ara, pero hinawakan ni Ara ang kamay ko.
"Nag-aaway ba kayo?" taka n'yang tanong.
"Sasaktan n'ya ako, Ate Ara," sumbong ni Warren kay Ara.
Pinandilatan ko si Warren. "Tara nga dito, lumapit ka sa akin," mahinahon kong tawag kay Warren.
"Ate," tawag ni Warren kay Ara na halatang humahanap ng kakampi.
Kumunot ang noo ko ng hindi sumunod si Warren sa akin.
"Isa," bilang kong mayroong halong pagbabanta.
"Hindi ko na uulitin, Kuya," sabi n'ya sa akin.
Lalapitan ko si Warren, pero si Ara ay humarap kay Warren.
"Ano bang ginawa mo?" tanong ni Ara.
"Wala naman akong ginawa, binibiro ko lang naman s'ya, nagfe-feeling si Papa," sumbong ni Warren kay Ara.
"Ano?!" medyo inis ko ng tanong.
"Okay na, Wren. Hindi naman na daw uulitin," saway ni Ara sa akin.
Kung wala si Ara dito na bato ko na s'ya.
"Pumunta ka na sa kwarto mo, ako na bahala sa Kuya mo," sabi ni Ara kay Warren.
Napansin ko ang ngiting tagumpay ni Warren na pumasok sa loob ng kwarto n'ya dito sa bahay ko.
"Thanks, Ate," masiglang saad ni Warren.
Tinignan ko ng masama si Warren. Nawala ang tingin ko kay Warren ng bigla akong niyakap ni Ara.
Dahil sa ginawa n'ya nawala ang pikon ko sa kapatid ko.
"Sinagot ka na naman ba?" tanong ni Ara sa akin.
Niyakap ko s'ya pabalik gamit ang kanan kong kamay.
"Wag mo ngang masyadong ini-stress sarili mo," sabi n'ya pa sa akin.
Umangat ang tingin n'ya sa akin. Masmatangkad ako kay Ara.
"Napagod ako," malambing n'yang sabi sa akin.
Ngumuso s'ya sa harapan ko kaya napangiti ako. Agad ko naman s'yang hinalikan ng mabilis.
"Wag mong pinapagod masyado ang sarili mo," sabi ko kay Ara.
Lagi na lang iyan ang reklamo n'ya pag-umuuwi s'ya.
"Kasama talaga ang pagod, sana hindi na ako nagtrabaho kung ayokong napagod," natatawa n'yang sagot sa akin.
Nalipat ang tingin n'ya sa mga camera ko sa tea table.
"Bakit nakalabas ang mga iyan?" takang tanong ni Ara sa akin.
Tinignan n'ya ako na mayroong pagdududa sa mukha.
"Hindi ba sabi ko na one month," sabi n'ya pa sa akin.
"Oo nga, nililinis ko, dahil baka mapasukan ng alikabok sa loob, masira na," pagsisinungaling ko kay Ara.
Hindi ko alam kung bakit wala akong lakas ng loob sabihin kay Ara. Umupo ako sa sofa ayusin na ang camera ko.
"Lalabas ako bukas para maglibot-libot lang, wala naman akong ginagawa sa bahay," paalam ko kay Ara.
"Bakit nagpapaalam ka pa sa akin? Okay lang naman, if lilibangin mo lang sarili mo, need mo iyon kaso hindi kita masasamahan dahil mayroon akong trabaho bukas," mahaba n'yang sabi sa akin.
Napangiti ako. "Kaya ko naman ang sarili ko," sagot ko sa kan'ya.
"Basta wag ka lang masyadong mag pagod," saad n'ya sa akin.
Tumango ako kay Ara. Bukas ko na lang sasabihin sa kan'ya, wala talaga akong lakas ng loob ngayon.
Lucas's point of view
PUMASOK ako sa isang resto-bar. Nag-messege kasi ang isa kong kaibigan na nandito s'ya sa Manila ngayon.
"Jerome, tol!" sigaw ko sa kaibigan ko.
Naglakad ako palapit kay Jerome na nakaupo na. Mayroon ng pagkain and alak sa table kaya mukhang ako na lang ang kulang.
Bukod kay Bella si Jerome rin ang matagal ko ng kaibigan simula noong college.
"Tol, anak ng tipaklong, bigatin ka na ah," bati n'ya sa akin.
Nag-shake hands kami dahil ilang buwan din kaming hindi nagkita nito.
"Kumusta?" tanong ko kay Jerome.
Umupo ako sa tapat n'ya. Kagagaling ko lang sa trabaho bago ako pumunta dito.
"Ayos naman, mayroon akong ipapakita sa 'yo," masaya n'yang sabi sa akin.
Hindi pa ako kumakain kaya nagsimula na akong kumain at uminom. Mayroong dinudukot si Jerome sa bulsa n'ya kaya tinignan ko iyon.
Naglabas s'ya ng maliit na kahon.
"Gago, magpro-propose ka sa akin?!" biro kong tanong kay Jerome.
"Bobo, hindi. Ano tingin mo sa akin bakla? Tingin mo ba magugustuhan ni Maricel ito?" tanong ni Jerome sa akin.
"Magpro-propose ka na?" nakangiti kong tanong kay Jerome. "Grabe ang bata mo pa para magpatali, enjoy your life, dude!" natatawa kong sabi kay Jerome.
"Twenty-five ba ako, ikaw ba wala ka pa bang girlfriend?" tanong n'ya sa akin.
Napatigil ako sa pagsubo ko ng pancit.
"Wala pa akong nakikitang tatapat sa akin eh," biro ko na lang kay Jerome.
Tinignan ko ang singsing na hawak n'ya.
"Isang simpleng singsing para sa simpleng babae, kung mahal ka n'ya kahit gawang straw iyan magugustuhan n'ya, kaya dapat hindi ako ang tinatanong mo," paliwanag ko kay Jerome.
Nagsimula ulit akong kumain ng malihis ko ang topic.
"Nabuntis mo siguro kaya ka magpro-propose," biro ko kay Jerome.
Medyo maingay sa loob nitong resto-bar, pero sapat naman ang boses namin ni Jerome para magkarinigan kami.
"Hindi ah," depensa n'ya sa akin.
"Bagal mo naman," biro ko.
"Kaya siguro wala kang girlfriend, hinihintay mo si Bella," bawi n'ya sa akin.
Natawa ako sa sinabi ni Jerome. Binaba ko ang hawak ko spoon at kinuha ang isang boteng alak.
"Tang-ina ka, bakit ko hihintayin ang babaeng iyon?" pagsisinungaling ko kay Jerome.
Ang tagal kong naghihintay kay Bella.
"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Babaeng papantay sa level ko," natatawa kong sagot kay Jerome.
Si Bella lang ang babaeng nasa level ko.
Uminom ako ng alak. Bakit ba napunta na naman kay Bella ang usapan.
"Kamusta na ba iyon? Balita ko bigatin na rin si Arabella ah, kasal na ba sila ng boyfriend n'ya?" sunod-sunod na tanong ng lintik.
"Gago ka ba? Wag mong sabihin na ikakasal sila, baka magkatotoo," sabi ko kay Jerome.
Namuo ang nakakalokong ngiti ni Jerome sa labi n'ya. Kumuha s'ya ng isang boteng alak at inangat iyon sa ere.
"Okay, sabi na. Tumaas man ang status mo, si Bella pa rin ang gusto mo," sabi ni Jerome sa akin.
Bakit kailangan ko pang i-deny sa lalaking ito ang lahat, eh s'ya nga unang nakaalam na gusto ko si Bella.
"Pagdasal mong maghiwalay sila ng jowa n'yang photographer," sabi n'ya sa akin.
"Wag ganoon, baka balikan ako ni Lord, tataas na lang ako ng tataas," sabi ko kay Jerome.
Nag-cheers kami.
"Mukhang walang pakialam si Bella kung gaano ka kataas eh," paliwanag ni Jerome.
Tinignan ko ng seryoso si Jerome. Tama naman s'ya, hindi materialistic si Bella kaya lalo ko s'yang nagustuhan.
Sumandal ako sa upuan, at tumungga ng alak na hawak ko.
"Jerome," tawag ko sa pangalan ni Jerome. "Isang beses lang bitawan ni Wren si Bella, wala s'yang babalikan dahil lagi akong nakahandang agawin si Bella sa kan'ya."