CHAPTER 04

1517 Words
Wren's point of view "s**t!" inis kong singhal. Sobrang lakas ng ulan ngayon dito sa bus stop. Dito muna ako para makapag-isip sa desisyon ni Ara. Pagkaalis ko sa bahay ko ay dito ako pumunta dahil sa galit ko. Ayokong pagsalitaan si Ara dahil mahal na mahal ko s'ya, ayoko rin na makitang umiiyak s'ya sa harapan ko, si Ara na lang ang dahilan ko para tuparin ang gusto ko, tapos ano? Balak n'ya rin akong iwan para sa trabaho sa France? Huminga ako ng malalim, at tinignan ang basa na sahig na inaapakan ko. Ayokong malayo kay Ara. Patuloy lang ang paglakas ng ulan kaya hindi ako makaalis sa kinalalagyan ko. Gusto ko ng umuwi para tignan si Ara ngayon. Nadala lang ako ng galit ko dahil pakiramdam ko ay iiwan n'ya ako. Bawat paghawak ko ng camera, bawat objects, bawat focus ko, s'ya ang dahilan kaya paano ko gagawin iyon kung wala na s'ya sa Pilipinas? Hindi ko lang lubos na maisip na after five years pa kami ulit magkikita. Iniisip ko pa lang ay nahihirapan na ako. Si Ara na ang babae para sa akin, alam ko na iyon simula una pa lang. Napahilamos ako ng mukha ko gamit ang kamay dahil sa sobra akong naguguluhan. Naalala ko ang mukha ni Ara kanina. Hindi ko alam kung tama ba ang naging reaction ko, pero iyon ang damdamin ko. Ayokong pigilan ang pangarap ni Ara, pero ayoko naman s'yang mapalayo sa akin. Tinignan ko ang malakas na ulan sa kalsada. Madalang na lang ang mga dumadaan na kotse dahil medyo malalim na ang gabi, at malakas ang ulan. Wala akong hinihintay sa bus stop, wala rin akong balak umalis, gusto ko lang mag-isip. Hindi ko kayang pigilan ang emosyon ko pag nakikita ko si Ara. Basa na rin naman ako dahil sa anggi ng tubig ulan sa akin, malamig ang hangin na bumabalot sa balat ko. Kontento na ako sa mayroon kami ni Ara. Nag-iipon na lang ako para makumpleto ang pera ko, at handa ko ng ayain pakasalan si Arabella. Pero mukhang ako pa lang ang kontento sa buhay namin. Ngayon ko lang napagtanto na hindi kaya ang selfish ko para pigilan ang taong mahal ko sa pangarap n'ya? Akala ko ay handa na rin s'yang magpakasal sa akin, pero dahil sa gusto n'ya pang umalis ng bansa ay mukhang hindi pa handa si Ara para sa akin. Hindi ko mapigilan ang magbuntong hininga na lang. P'wede naman siguro akong sumunod na lang kay Ara? Pero ayokong iwan ang trabaho ko dito. Umalingawngaw ang tunog ng phone ko sa gitna ng malakas na ulan. Agad kong kinuha ang phone ko, at bumungad sa akin ang napakaraming miscalled ni Ara. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hahayaan ko na lang muna kami. Paano ko ba naman matitiis ang taong mahal ko? Makita ko lang ang maamo n'yang mukha, ang nakakaakit n'yang mata, ang tagos sa puso n'yang ngiti ay hindi ko lubos maisip na limang taon ko pa ulit makikita iyon. Sasagutin ko pa lang ang phone call ng biglang mawala ang name ni Ara sa screen. Ako na ang tumawag sa kan'ya. Tumingkn ako sa kalsada habang hinihintay ang pagsagot ni Ara sa phone. Rinig ko ang mabilis na pagdaan ng mga sasakyan sa highway. Madalang, pero mabibilis na takbo. Sinagot ni Ara ang phone, pero walang salita ang naririnig mula sa kan'ya. Ayokong maunang magsalita dahil hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko sa kan'ya. "W-wren!" humihikbi n'yang tawag sa pangalan ko. Napayuko naman ako dahil sa narinig ko. Bakit pinaparamdam n'ya sa akin na sobrang sama ko? Dahil sa pag-iyak s'ya pakiramdam ko ay hindi ako ang taong para sa kan'ya. Parang tinusok ang puso ko ng marinig ko ang puno ang sakit ang boses n'ya. "Bakit?" walang emosyon kong tanong kay Ara. Ayokong ipahalata kay Ara na gusto ko na s'yang yakapin ngayon. Ayoko ng pag-usapan ang pinag-usapan namin, gusto ko na lang s'yang makita at mayakap na. "N-nasaan ka? Magpakita ka na sa akin, please?" tanong n'ya sa akin. Sa background noise ay alam kong nasa labas s'ya dahil sa rinig ko ang pagpatak ng ulan. "Alam mo naman na ayoko ng ganito, please! bumalik na tayo sa bahay mo," umiiyak n'yang sabi sa akin. Tinignan ko ang kabilang dulo ng highway ay doon ko nakita si Ara na palinga-linga na parang mayroong hinahanap. Mayroon s'yang hawak na payo, habang ang phone n'ya ay nakatapat sa tenga. Hindi ako nakapagsalita, at tinitignan ko lang ang babaeng hindi kalayuan sa akin. Gusto ko ng pumayag sa gusto n'ya, pero nasasaktan ako pag iniisip kong mahihiwalay s'ya sa akin. Si Arabella ay para s'yang batang nawawala ngayon sa gitna ng ulan, sa madilim na lugar habang hinahanap ako. "K-kung ayaw mo akong umalis, ayos lang naman sa akin," mahina n'yang saad mula sa kabilang linya. Nakaramdam ako ng guilty sa desisyon n'ya. Tama bang pigilan ko s'ya sa pangarap n'ya para lang makasama ako? "Hindi iyan ang gusto mo, right?" kalmado kong tanong sa kan'ya. Halata naman na gustong-gusto n'yang pumunta ng Europe, matagal n'ya ng sinasabi sa akin iyon, pero akala ko ay bakasyon lang ang gusto n'ya. "Pero ayoko naman na ganito tayo," sagot n'ya sa akin. Hindi s'ya sumagot sa akin kaya alam ko na, Oo ang sagot n'ya. Huminga ako ng malalim. Alam kong paghihirapan ko ang sarili ko desisyon na ito, pero para sa ikakasaya ng taong mahal ko. "Tumuloy ka na kung iyan ang pangarap mo," seryoso kong sabi kay Ara. Halos ayokong banggitin ang mga salita, pero ayokong maging selfish para sa taong mahal ko. "Gawin mo kung doon ka sasaya," dagdag ko pa. Nakatingin lang ako kay Ara habang nakatayo s'ya sa kabilang kalsada. Tumigil s'ya sa paglalakad, at mukhang nakita n'ya na ako. "Paano ka?" puno ng pag-aalala n'yang tanong sa akin. Titiisin ko na lang lahat, mukhang maikling panahon lang naman ang five years. Nakatingin si Ara sa akin, at nakatingin rin ako sa kan'ya. Gustong sabihin kay Ara na, p'wede bang wag ka ng umalis? Dito ka na lang sa tabi ko. "Masaya ako kung masaya ka," iyon na lang ang sagot ko. Kilala ako ni Ara kaya alam kong ramdam n'ya ang pagsisinungaling ko sa kan'ya. "Umuwi na tayo, please?" tanong ni Ara sa akin. Bakit ba kasi kailangan n'yang lumayo pa? Hindi ako nagsasalita, pero nakita kong naglalakad s'ya papunta sa side ko. Bawat hakbang n'ya bumibilis ang t***k ng puso ko. Palinaw ng palinaw ang itsura n'ya sa akin. Ilang metro na lang ang layo ni Ara sa akin ng mapansin ko ang mabilis na kotse papalapit sa kan'ya. Bigla kong nabitawan ang hawak kong phone, at tumakbo papunta kay Ara. Hindi n'ya nakikita ang kotse dahil sa akin s'ya nakatingin. "Ara!" sigaw ko sa pangalan ni Ara. Paglapit ko kay Ara ay tinulak ko s'ya palayo. Pagtingin ko s'ya ay isang nakakasilaw na liwanag ang nakita ko. Hindi ko alam ang gagawin, pero bigla na lang parang nagkaroon ng glue ang paa ko, at hindi makaalis sa kinatatayuan ko. Isang malakas na pwersa ang tumama sa buong katawan ko. Umikot ang paligid ko, at biglang nag-mute ang paligid ko, at isang nakakahilong isang tunog lang ang parang nakalagay sa loob ng tenga ko. Biglang lumabo lahat. "Wren!" hindi malinaw, pero alam kong boses ni Ara iyon. Sobrang labo ng paligid ko, pero ramdam ko ang pagpatak ng ulan mula sa mukha. Ang madilim na langit. Isang babae ang biglang sumulpot sa harapan ko, pero hindi na malinaw ang paningin ko. "A-ara!" nahihirapan kong tawag sa pangalan ni Ara. Pilit kong inaangat ang kamay ko, pero bigla iyong kinuha ni Ara. Sa ilang libong patak ng ulan ang tumatama sa akin, ay ang patak ng luha ni Ara lang ang naramdaman ko. "W-wren! Tulong, please!" umiiyak na sigaw ni Ara. "Tumawag kayo ng ambulansiya! Please!" Pinilit kong ngumit kay Ara. Wala akong nararamdaman na kahit ano kaya alam kong ayos lang ako. "I-ituloy m-mo ang pangarap mo..." parang nanunuyo ang boses kong saad. "Wren! Please wag mo akong iiwan!" Hindi ko alam kung narinig ba ni Ara dahil sigaw lang ito ng sigaw ng tuloy. "Please! Tulungan n'yo si Wren!" Ramdam ko ang paghawak ng mahigpit ni Ara sa kamay ko kaya pakiramdam ko ay ligtas lang ako. "Wag mong ipipikit ang mata mo, please! Wren! Hindi na ako aalis! Hindi na kita iiwanan, please wag mo lang akong iwan!" nagmamakaawang sigaw ni Ara. Hindi naman kita iiwan. Parang bumibigat ang talukap ng mata ko, at ang katawan ko. Gusto kong manatiling gising para makita si Ara, pero pilit na pumipikit ang mata ko. Wala na akong naririnig na kahit ano. Isang malabong aninag na lang ang nakikita ko kay Ara hanggang sa dumilim na ang paligid ko. Hindi pa ito ang oras ng pagtulog ko dahil hindi ko pa naihahatid si Ara sa bahay nila, pero parang mayroong nakapatong na sobrang bigat sa talukap ng mata ko at hindi ko na kaya pang labanan. Tuluyan ng dumilim ang lahat sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD