Arabella's Point of view
PUMUNTA ako ng kusina para tignan si Wren. Bigla akong napangiti ng makita si Wren na nakasuot ng apron; sumandal ako sa pader, at napa-cross arm habang pinapanuod si Wren na nagluluto.
Hindi n'ya ako napapansin dahil sa nakatalikod s'ya sa akin.
"Baka matunaw ako," birong sabi ni Wren habang nakatalikod ito sa akin.
Napangiti tuloy ako bigla. Alam n'ya talaga kung malapit ba ako sa kan'ya o hindi. Humarap s'ya sa akin. Kumunot ang noo nito na nakatingin sa akin.
"Bakit gan'yan mukha mo?" kunot noo n'yang tanong.
"Huh?" taka kong tanong din sa kan'ya.
"Kilala kita, may problema ba?" tanong n'ya ulit sa akin.
Hinubad n'ya ang apron n'ya, naglakad s'ya palapit sa akin. Tinignan ko s'ya sa mata. Paglapit n'ya sa akin ay bigla n'ya akong niyakap kaya kinilig naman ako. Napatingin ako sa mukha n'ya. Ang daya bakit mas pointed pa ang ilong n'ya kaysa sa akin? Ang taas ng nose bridge, na hihiya tuloy ang sakin.
"Sabihin mo na sa akin," saad n'ya. Isang mabilis na halik ang binigay n'ya sa labi ko.
Natawa tuloy ako bigla, tinignan ko ng diretso si Wren sa mata at kita ko sa mga mata n'ya ang masiyahin n'yang pagkatao.
"Mayroon akong gustong sabihin," panimula ko sa kan'ya.
Isang mahinang tawa lang ang binigay n'ya sa akin. Sobrang tahimik ng bahay ni Wren, pag hindi ka mag-iingay mabibingi ka sa sobrang tahimik.
Kinabahan na ako ng mapansin kong hinihintay ni Wren ang sasabihin ko.
"Wag ka magagalit?" paninigurado kong tanong kay Wren.
Naguguluhan man ay tumango rin si Wren; hindi pa rin s'ya nagsasalita, at hinihintay na ako ang magsalita.
"Natatandaan mo pa ba ang sinabi ko sa 'yo dati na gusto kong pumunta sa Europe?" tanong ko sa kan'ya.
Biglang napaisip si Wren sa sinabi ko. "Oo, hindi ba sa France ang gusto mo?" tanong n'ya sa akin.
Tumango ako sa kan'ya. "Tama, doon nga."
"Pupunta ka ba?" tanong sa akin ni Wren.
Napaiwas ako ng tingin sa kan'ya at tumango.
"Ilang araw or ilang linggo?" tanong n'ya ulit.
Napahinga ako ng malalim bago ako sumagot sa kan'ya, "Five years." Napalunok ako dahil sa sobrang kaba ko.
Biglang lumuwag ang pagkakayakap ni Wren sa akin kaya napatingin ako sa kan'ya. Kunot-noo s'ya nakatingin sa akin na para bang ina-analyze n'ya ako kung nagsasabi ba ako ng totoo.
"Okay lang sa akin kung bakasyon," seryoso n'yang sabi.
Umiling ako sa kan'ya. Hinawakan ko ang mukha ni Wren. Nalulungkot din ako na iniisip na mahihiwalay ako sa kan'ya.
"Tutulungan ako ng kapatid ni Papa pumasok sa pinagtra-trabahuhan n'yang company sa Paris, France," paliwanag ko kay Wren.
Nanliit ang tingin n'ya sa akin at humakbang ito ng ilang step paatras.
"Wag mong sabihin seryoso ka?" hindi n'ya makapaniwalang tanong.
"Seryoso ako," sagot ko sa kan'ya.
"May trabaho ka na sa Arme, maganda ang position mo doon, bakit pupunta ka pa sa France?" taka na may halos inis na tanong ni Wren sa akin.
Seryoso s'yang nakatingin sa akin. "Pera ba ang kailangan mo?" tanong n'ya sa akin.
"Alam mo naman pangarap kong pumunta sa France," sabi ko kay Wren.
Tumalikod si Wren sa akin. "Dahil sa pangarap mo iiwan mo ako?" tanong n'ya. Biglang humarap sa akin si Wren at sobrang seryoso ng mukha n'ya.
"Alam mo naman kasama ka sa pangarap ko, hindi ba?" paliwanag ko.
Napasabunot na lang sa buhok si Wren. "Kung kasama ako sa pangarap mo, bakit mo ako iiwan?"
Napayuko ako sa tanong n'ya. Ito ang sinasabi ko kaya ayaw kong sabihin sa kan'ya ang plano ko.
"Wren," mahinahon kong tawag sa kan'ya. Pakiramdam ko kasi galit na s'ya.
"Para sa future naman natin ito," paliwanag ko.
Biglang pilit na tumawa ng mahina si Wren at diretsong nakatingin sa akin.
"Baka para sa future mo," galit na sagot ni Wren.
Umiling ako sa kan'ya. "Wren, naman."
"Ano bang kulang, Ara? Ginagawa ko naman lahat, ah!" sigaw ni Wren.
Napaatras ako dahil sa gulat. Hindi ako sinisigawan ni Wren, maliban na lang kung galit na galit na talaga s'ya.
Napahawak ako sa kamay ko dahil sa makita ko na namumula na ang mukha ni Wren. Napakagat labi ako para pigilan ko ang luha ko na tumulo.
"Ano?!" sigaw n'ya pa sa akin.
"Gusto ko rin naman matupad ang pangarap ko," maluha-luha kong sagot sa kan'ya.
"Lintek naman, Ara!" sigaw n'ya.
Napapikit ako ng bigla n'ya suntukin ang pader. Naglakad palapit si Wren sa akin, kaya tumingin ako sa kan'ya.
"Tama, tumaparin mo ang pangarap mo mag-isa," mahina n'yang sabi, pero bakas ang galit n'ya sa boses.
Blangko na ang mukha nito. Biglang tumulo ang luha ko ng iwasan n'ya ako ng tingin.
"Ikaw na magtuloy ng niluluto ko," malamig n'yang sabi.
Bigla itong n'ya akong nilagpasan kaya sinundan ko s'ya ng tingin.
"Wren, saan ka pupunta?" tanong ko sa kan'ya at pinahid ko ang luha ko.
Huminto sa paglalakad si Wren, pero hindi ito humaharap sa akin.
"Paki-alam mo," wala n'yang emosyon na sagot.
Nagulat ako sa sagot n'ya, first-time ko lang marinig sa kan'ya ang ganoon.
"Wren," mahina kong tawag sa kan'ya.
"Nagdesisyon ka mag-isa sa pangarap mo, kaya dapat wala ka na rin paki-alam sa akin," malamig n'ya sabi.
"Wren." Parang iniipit ang boses ko. Ayoko ng ganito.
"Lahat ng pangarap ko kasama ka, pero balak mo rin pala akong iwan!" galit na sabi ni Wren. Nakatalikod pa rin s'ya sa akin.
"Limang tanong lang naman iyun, Wren," sagot ko sa kan'ya. Humarap sa akin si Wren.
"Arabella, isang araw lang kitang hindi makita, gusto ko ng pumunta sayo, tapos sasabihin mo limang taon lang," saad n'ya. Parang may tumusok sa puso ko ng makita ko ang nag gigilid na luha sa mata n'ya.
"Paano ang pangarap k..."
"Paano ako?" singit n'ya sa akin.
"Pangarap mo lang ang iniisip mo hindi ako, at hindi ako kasama sa pangarap mo!" galit n'yang sabi.
Lalapit sana ako sa kan'ya, pero tumalikod na ito sa akin, nagsimula ng maglakad palayo papuntang labas ng bahay si Wren.
Gusto ko s'yang sundan, pero ayaw gumalaw ng paa ko. Bigla na lang akong napaupo at patuloy na tumutulo ang luha ko. Napatingin ako sa taas ng biglang kumulog at kumilat ng malakas.
Napatingin naman ako sa niluluto ni Wren na amoy sunog na. Agad akong napatayo para puntahan iyun at pinatay ang stove.
Pagtingin ko sa nilulutong adobo ni Wren ay sunog na. Napaupo na lang ako sa upuan. Bigla akong nag-alala kay Wren ng biglang bumuhos ang malakas na ulan.