Arabella's point of view
"WREN! please gumising ka na!" umiiyak kong sabi habang yakap ko ang puno ng dugo n'yang katawan.
Hawak ko ng mahigpit ang kamay ni Wren. Ayokong bitawan ang kamay n'ya para maramdaman n'ya na nandito lang ako, na hindi ako aalis sa tabi n'ya.
"Wren, n-nandito lang ako," umiiyak kong sabi kay Wren.
Walang malay si Wren na nakahinga sa strecher, pero mayroong nilalagay na mga kung ano-ano kay Wren.
Mayroon s'yang oxygen sa ilong at bibig n'ya, mayroong nagmo-monitor sa heartbeat ni Wren.
Pilit akong pinapaalis ng mga nurse dito sa ambulansiya, pero ayokong iwanan si Wren, ayokong bitawan si Wren.
Ayokong makakita ng dugo. Wala akong pakialam sa paligid ko, gusto ko lang malaman na ligtas si Wren.
Hindi n'ya ako p'wedeng iwan.
"Wren!"
Dahil sa pagyakap ko kay Wren ay napuno na rin ng dugo ang katawan ko. Mayroong nilagay na kung ano-ano sa katawan ni Wren.
Pero isa lang ang naiintindihan ko. Niligtas ako ni Wren kaya s'ya ganito.
Pagdating namin sa hospital ay agad s'yang dinala sa emergency room. Tumatakbo ako kasama nila, kahit na ang bilis ng pagtakbo nila ay hindi ko pa rin binibitawan si Wren, mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Wren, pero hinarang ako sa labas ng E.R.
"Sorry, Ma'am, pero bawal na po kayo sa loob," pigil ng isang nurse sa akin.
Nagpupumilit akong pumasok sa loob para makita si Wren, pero sinaraduhan nila ako ng pinto.
Ako lang ang naiwan mag-isa sa labas. Walang humpay ang pagtulo ng luha, nanginginig ang mga kamay ko, sobrang lakas ng t***k ng puso ko sa takot.
Nahihirapan na akong huminga, at nanghihina ang tuhod ko dahilan para mapaupo sa puting sahig ng hospital.
Walang ingay na bumabalot sa lugar ko kung hindi ang pait ng paghihinagpis ko para kay Wren. Kahit na hindi ako pumipikit ay kitang-kita ko kung paano n'ya ako itinulak, hanggang sa tumama ang mabilis na sasakyan sa katawan n'ya, at ang pagulong-gulong nito sa kalsada, ang mga dugo n'ya na naghalo sa tubig ng ulan sa kalsada.
Lahat ng iyon ay sobrang sakit na makita mula kay Wren. Natatakot ako sa bawat minutong lumilipas kay Wren, na baka kung ano ang mangyari kay Wren.
"Lord, please! Hindi na ako aalis, wag mo lang kuhanin si Wren!" nagmamakaawa kong dasal.
Hindi ko kaya na wala si Wren, sobrang bait n'yang tao, mas deserve pa akong malagay sa kalagayan n'ya ngayon kaysa kay Wren. Hindi pa ito ang oras n'ya, mayroon pa s'yang gagawin sa buhay n'ya, marami pa s'yang pangarap; 'yung studio na ipapatayo n'ya, 'yung gusto n'yang magpakasal kami, magkaroon ng anak na tatlo.
Please! Lord, wag mo munang kuhanin si Wren, hindi pa ako handa para sa ganito.
Ilang oras na akong nakaupo sa labas ng E.R, pero hanggang ngayon kahit isang tao mula doon ay wala pang lumalabas.
"Wren! Nasaan ang anak ko?! Wren!"
Napatingin ako sa isang boses babae na nagpa-panic, at puno ng takot ang mukha. Tumatakbo s'ya papunta sa akin at hinahanap si Wren.
Bigla akong tumayo ng makita ko si Tita Wilma, ang mama ni Wren. Muli akong napaiyak ng makita ko si Tita.
"S-sorry, Tita!" mahina kong sabi.
Hindi ko alam kung narinig n'ya, pero parang mayroong blade na humihiwa sa lalamunan ko dahil sa sakit noon. Bawat paghinga ko ay para akong nalulunod.
"Ara, nasaan ang anak ko?" mahinahon n'yang tanong sa akin, pero tumutulo na ang luha sa mga mata n'ya, at bakas ang lubos na pag-aalala para kay Wren.
Wala akong nasagot dahil sa takot ko kay Wren. Tumakbo ako kay Tita Wilma para yakapin s'ya.
Hindi ko alam kung anong nangyayari kay Wren sa loob, pero alam kong ayos lang s'ya, alam kong magiging ayos lang s'ya.
"Ara, anong ba ang nangyari?" puno ng pangabang tanong ni Tita sa akin.
Sobrang sakit ng lalamunan ko, at hindi ko alam kung paano ko sasagutin si Tita sa tanong n'ya. Maski ako ay nabigla sa lahat ng nangyayari.
Hindi namin inasahan ito. Ang balak ko lang ay ayain na si Wren na umuwi kami ng bahay para doon mag-usap, dahik ayokong magkaayos kami sa phone lang, isa rin iyon sa ayaw ni Wren.
Umiyak lang ako sa balikat ni Tita. Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Tita.
Nakaramdaman ako ng konting lakas ng loob dahil sa nagkaroon ako ng kasama ngayon.
"Kumalma ka muna, Ara," bulong ni Tita sa akin.
Hindi ko alam kung paano kumalma ngayon, sobrang takot ng puso ko.
Hindi ako umaalis sa pagkakayakap sa kan'ya. Nanatiling tahimik lang ako.
Habang nanghihintay kami sa labas ay simula ng dumating ang bunsong kapatid ni Wren, and Papa ni Wren, pero ako ay nakatingin lang ako sa baba habang walang makapigil sa luha ko na tumulo.
Hindi ako nagsasalita dahil lalo lang akong iiyak sa tuwing sinusubukan kong magsalita.
Kung nag-ingat lang ako, kung naging alerto lang ako, hindi sana mangyayari ang lahat ng ito, kung hindi sana ako nagplano na umalis ay baka kasama ko ngayon si Wren.
Kumakain na kami, or baka hinahatid n'ya na ako pauwi, at masaya kami.
Napahawak ako sa mukha ko dahil kasalanan ko ang lahat. Alam kong ayaw ni Wren na sinisisi ko ang sarili ko, pero lahat ng nangyari kasalanan ko.
Sana hindi na lang ako nangarap na pumunta sa Europe kung ganito ang mangyayari kay Wren. Ito na rin siguro ang isang sign na wag na akong tumuloy sa pag-alis ko.
Mahal na mahal ko si Wren, s'ya lang ang taong nakakabuo ng araw ko, mas pipiliin ko s'ya kaysa sa pangarap ko sa Europe.
Mayroong lumabas na tao mula sa emergency room. Tinanggal n'ya ang suot n'yang cap sa ulo, at ang surgical mask.
Tinignan ko ang mukha ng doctor, pero parang ayokong marinig ang sasabihin n'ya dahil sa expression ng mukha n'ya.
Bakit parang ang lungkot ng mukha n'ya?
Nagsilapitan silang lahat sa doctor, pero ako ay dahan-dahan na tumayo, habang ang tingin ko ay hindi maalis sa malungkot na mukha ng doctor.
Bakit ganoon ang itsura n'ya? Mayroon s'yang magandang balita, hindi ba? Sasabihin n'ya pa naayos lang si Wren, hindi ba?
"Doc, how's my son?" tanong ni Tita Wilma sa doctor.
"Your son is undermonitor, he had a head injuries cause of brain bleeding, sa ngayon ay unresponsive ng patient, pero ginagawa namin ang lahat ng aming makakaya," paliwanag ng doctor sa amin.
"Kailan po magigising si Kuya?" tanong ni Warren.
Para akong nanghihina sa naririnig ko. Gusto ko na lang mabingi para hindi marinig ang sa sabihin nila. Okay lang naman si Wren.
"I'm sorry, but we can't assure him when he's would awake, let just pray the patient first. Nagkaroon s'ya ng head trauma na nagsanhi sa patient ng coma, for now the patient is unconscious," malungkot na saad ng doctor.
Parang ang paligid ay biglang nag-mute dahil sa narinig ko. Umalis ang doctor.
Bigla na lang akong naubusan ang lakas at napaupo muli sa floor. Bakit kay Wren pa? Hindi naman deserve ni Wren ang lahat ng ito.
"Ate Ara!"
Narinig ko ang malakas na pag-iyak ni Tita Wilma. Ramdam ko ang sakit ng bawat paghangulgol ni Tita.
Walang ibang lumabas na ingay sa akin, pero para akong binagsakan ng mundo dahil sa narinig ko.
Nakatingin ako sa kawalan habang ang mata ko ay parang walang katapusan ang luhang nilalabas.
Bawat patak noon ay simbolo ng sakit na nararamdaman ko.
"Ate," naiiyak na tawag ni Warren sa akin.
Napahawak ako sa bibig ko dahil sa sobrang sakit ng dibdib ko. Para akong mauubusan na hangin sa katawan ko.
"W-wren..." halos paos na boses kong banggit sa pangalan ng taong pinakamamahal ko.
Naramdaman ko ang pagyakap ni Warren sa akin, pero kahit katiting na gaan ng loob ay wala akong naramdaman.
"Gigising si Kuya Wren, Ate Ara," umiiyak na bulong ni Warren sa akin.
Nahawak ako ng mahigpit kay Warren dahil parang mayroong malaking bato sa lalamunan ko na nakabara.
"W-wren..." umiiyak ko pang tawag sa pangalan ni Wren.
Kung panaginip man ang lahat ng ito, sana magising na ako. Ayoko ng ganito.
Hinampas ko ang dibdib ko para magising na ako.
"Please! Warren, sabihin mo na panaginip lang ito! Please wake me up!" nagmamakaawa kong sabi kay Warren.
Niyakap lang ako ni Warren, at pinigilan ako sa ginagawa ko.
"Magiging okay din si Kuya Wren, don't worry, Ate Ara, hindi pa n'ya tayo iiwan," pagpapakalma ni Warren sa akin.
Alam kong pati s'ya ay lubos na nasasaktan dahil sa nangyayari, pero nagagawa n'ya pa ring maging positibo.
Wala akong nagawa kung hindi ang paniwalaan iyon. Alam ko ring gigising si Wren.
Magtatayo pa s'ya ng sarili n'ya studio at iyon ang gagamitin namin sa kasal namin. Gagaling si Wren para doon.
Niyakap ko si Warren. Pakiramdam ko ay nawala ang lahat ng lakas ko dahil sa nangyari, dahil sa narinig ko, pero kailangan kong maging malakas para kay Wren.
"Wren..." tawag ko muli sa pangalan ni Wren.
Biglang lumabo ang paningin ko hanggang sa nagdilim na ang buong paligid, pero si Wren pa rin ang iniisip ko.