Arabella's point of view
ILANG buwan na simula ng mangyari ang trahedya kay Wren. Naglalakad ako palabas ng Arme building ngayon.
Paglabas ko ay tinignan ko ang buong paligid, at inaasahan ko na dadating si Wren para sunduin ako, pero napayuko na lang ako dahil alam ko naman na malabong mangyari ang bagay na iyon.
Pumara ako ng taxi para pumunta sa hospital. Day off ko bukas kaya p'wede akong matulog kasama si Wren sa hospital.
Kaninang umaga bago ako pumasok sa trabaho ay kinuha ko ang madalas na ginagamit ni Wren na Canon EOS 800 DSLR up camera. Madalas n'ya itong dala dahil gusto n'ya lahat ng pinupuntahan n'ya naka-capture n'ya.
Dadalhin ko ito sa hospital para naman ma-feel n'ya na miss na s'ya ng camera n'ya.
Sinilip ko ang labas na papadilim na. Pagdating ko sa loob ng hospital ay naabutan ko si Warren na nag-aayos na ng gamit n'ya.
Salit-salalitan kami ni Warren sa pagbabantay sa Kuya Wren n'ya.
"Buti, Ate, naka punta ka na. Hinihintay na ako ng mga ka-groupmates ko," nagmamadaling sabi ni Warren sa akin.
Napangiti naman ako sa kan'ya dahil sobrang sipag n'ya sa pag-aaral.
Binaba ko lang ang gamit ko sa couch dito sa loob ng kwarto ni Wren sa hospital.
"Sige na, umalis ka na. Ako na ang bahala sa Kuya mo," nakangiti kong sabi kay Warren.
"Thank you, Ate. Aalis na ako," nagmamadali n'yang paalam sa akin.
Hinatid ko lang sa labas ng pinto si Warren, at pumasok na ulit ako sa loob ng room ni Wren.
"Tayong dalawa na naman ang naiwan dito," sabi ko kay Wren.
Maraming nakalagay na apparatuses sa katawan ni Wren.
"Ang gwapo mo pa rin," puri ko kay Wren.
Inayos ko ang buhok n'yang medyo humahaba na. Sabi ng doctor sa amin ay naririnig naman daw kami ni Wren, pero hindi lang s'yang nagre-respond.
Umupo ako sa monoblock sa gilid ng kama ni Wren, at pinagmasdan ko ang gwapo n'yang mukha.
"Alam mo, Wren, ang dami naming ginawa sa office kanina," sumbong ko kay Wren.
Hinawakan ko ang malambot na kamay ni Wren, at hinalikan ko iyon.
"Sumakit nga ang likod ko, inaantok na ako, pero nang maalala ko na pupunta ako sa 'yo, nawala ang pagod ko," kwento ko pa kay Wren.
Tinignan ko si Wren na nakapikit, at nakahiga.
"I miss you," malungkot kong sabi kay Wren.
Sobrang miss na miss ko na si Wren. Bigla na lang tumulo ang luha ko. Hindi ko alam kung makakausap ko pa ba s'ya, kung gigising pa ba s'ya?
Sabi ng iba na malabo ng magising ang ganito katagal na pagkaka-coma, pati ang magulang ni Wren ay gusto na s'yang isuko, pero ang sabi naman ng doctor sa akin ay mayroon pang pag-asa na magising si Wren.
Dalawang kamay kong hinawakan ang kamay ni Wren, at tinapat sa labi ko.
"Kahit zere point zero one na lang ang pag-asa na sabihin ng doctor ay kakapit, at lalaban pa rin tayo," saad ko kay Wren.
Ayokong bitawan si Wren. Lumalaban pa naman s'ya, bibitaw lang ako pag si Wren na mismo ang bibitaw. Tatlong buwan na s'ya dito, pero kahit konting ay hindi ako nawawalan ng pag-asa.
Araw-araw akong magdadasal hanggang marinig ni Lord ang panalangin ko kay Wren.
Bigla kong naalala ang camera ni Wren.
"Grabe, iinisin mo na naman ako na ang drama ko. By the way, dala ko pala ang favorite mong camera," nakangiti kong sabi kay Wren.
Pinunasan ko ang luha ko para kuhanin ang camera ni Wren. Inayos ko iyon para gamitin.
Inayos ko ang buhok ni Wren.
"Pag gising mo, makikita mo ang sarili mo kung paano ka lumalaban," saad ko.
Inayos ko ang camera, at kumuha ako ng picture na magkasama kami ni Wren. Hindi ako sanay umangolo dahil laging si Wren ang kumukuha sa amin.
"Gumising ka na d'yan, kita mo ito?" tanong ko kay Wren kahit para akong tanga na alam naman na hindi s'ya sa sagot.
"Gumagaling na ako sa paghawak ng camera, baka angkinin ko na itong camera mo kung hindi ka pa gigising d'yan," biro ko kay Wren.
Ang totoo ay pangit ang angulo ko. Siguradong sermon lang ang makukuha ko kay Wren pag nakita n'ya ito, pero hindi naman importante ang angulo sa akin ngayon, ang mahalaga ay memories namin dalawa sa pictures.
Tinabi ko na ang camera sa table dito. Masmaganda kung kasama ni Wren ang gamit n'ya.
Inayos ko ang kumot n'ya, at suot n'ya.
"Gumising ka na nga!" kunwari ay galit kong utos kay Wren.
Kung hindi ako magsasalita ay sobrang tahimik ng lugar.
"Pag gumising ka, magpapabuntis na ako sa 'yo! Hindi ba gusto mo na ng anak?" tanong ko pa kay Wren.
Para akong baliw sa ginagawa ko, pero sa isang linggo ay tatlong beses ko lang nakakasama ng matagal tapos isang beses lang akong nakakatulog kasama n'ya dahil sa trabaho ko.
Hindi ko naman p'wedeng hayaan ang trabaho ko. Tumutulong din ako sa bills dito sa hospital, pero wala naman sa akin iyon dahil mahal ko naman si Wren, kaya baliwala ang lahat ng pagod at pera pag s'ya ang dahilan.
"Saan mo ba gusto? Tara na bumango ka na d'yan. Ihahanda ko na ba ang kwarto mo?" tanong ko pa kay Wren.
Kung gising si Wren ay nagtatawanan na kami pareho, pero kung gising si Wren, iniisip ko pa lang ang ganoong bagay nag-aayos na s'ya.
Patay na patay rin sa akin ang lalaking ito, pero hindi lang halata.
Umupo ulit ako sa monoblock, at hinawakan ang kamay ni Wren.
"Gumising ka lang, papayag na ako sa kahit anong gusto mo," sabi ko kay Wren.
Gusto rin kasi ni Wren na magsama na kami, pero hindi ako pumapayag dahil sa gusto ko ikasal muna kami.
"Ibahay mo na ako, or pakasalan mo na ako, pagkadilat pa lang ng mata mo," biro ko pa.
Ako lang ang natatawa sa pinagsasabi ko.
Inihiga ko ang ulo ko sa kama ni Wren habang pinagmamasdan ko ang kamay naming dalawa na pagkahawak.
Inaantok na ako dahil sa pagod ko sa trabaho, pero bukas ay wala akong pasok kaya maaalagaan ko si Wren.
"Maghapon tayong magkasama bukas," mahina kong sabi kay Wren.
Pinikit ko ang mata ko habang magkahawak ang kamay namin ni Wren.
"I love you, Wren," inaantok kong sabi kay Wren bago ako tuluyang makatulog.
Naalimpungantan ako ng mayroong akong naramdaman na gumalaw sa kamay ko.
"Warren, hayaan mo muna akong makatulog," reklamo ko.
Si Warren na naman iyon na gusto akong inisin. Kung gising lang ang Kuya n'ya ay isusumbong ko talaga s'ya para mapagalitan s'ya.
Mayroong ulit gumalaw sa kamay ko. Gusto ko ng magreklamo pa, pero bigla kong naalala na si Wren ang hawak kong kamay.
Mabilis kong inangat ang ulo ko para tignan ang kamay ni Wren.
Nanlaki ang mata ko ng gumalaw ang kamay ni Wren. Bumilis ang t***k ng puso ko, at dahan-dahan na tinignan ang mukha ni Wren.
"Wahhh— ouch!" daing kong ng bumaliktad ako sa kinauupuan ko.
Tumama ang siko sa floor dahil sa gulat ko. Sinampal ko ang sarili ko dahil baka na nanaginip lang ako.
Nakita kong nakadilat ang mata ni Wren. Wala akong naramdaman sa unang pagsampal ko kaya inulit ko ang pagsampal sa akin.
"Ouch!" daing ko.
Pero automatic na ngumiti ang labi ko dahil sa saya. Agad akong tumayo, at gusto kong mapatalon sa saya ng makita kong nakadilat si Wren.
"Wren!" masigla kong tawag kay Wren.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta, pero kumaway ako sa harapan ng mukha ni Wren.
Bigla akong napaatras ng gumalaw ang itim ng mata ni Wren at napunta sa direksyon ko.
"D-doc! Doc! Gising na si Wren!" sigaw ko.
Agad akong nagmadaling tumakbo palabas ng kwarto para tumawag ng doctor. Sobrang saya ng puso ko na gising na si Wren.
"Doc!" sigaw ko sa hallway pa lang.
Wala akong pakialam kung mayroon makakita sa akin, o kung ano ang isipin nila, pero gising na si Wren.
Mayroong lumabas na nurse at nilapitan ako.
"Ano pang nangyayari?" nag-aalalang tanong ng nurse sa akin.
Niyakap ko ang nurse dahil sa saya.
"Gising na si Wren!" masaya kong sagot sa nurse.
Agad s'yang nagmadaling pumunta sa kwarto ni Wren. Gusto kong tumalon o maiyak dahil pagdating namin sa loob ay nakadilat talaga si Wren.
Hindi s'ya gumagalaw, pero nakadilat na si Wren.
Tumawag ang nurse sa telephone dito sa loob ng kwarto ni Wren. Nakalimutan ko ng gamitin iyon dahil sa sobrang saya ko.
Gusto kong yakapin si Wren, pero nagulat ako ng biglang nagsidatingan ang nurses, at doctor ni Wren.
Tinignan s'ya ng mga doctor, pero ako para akong baliw dito sa gilid habang kumakaway kay Wren dahil sa saya ko.
Sa unang pagdilat n'ya ako ang nakita n'ya.
"Nurse, pakisampal nga ako," sabi ko sa nurse na mayroong hawak ng record ni Wren.
"Bakit po?" tanong ng Nurse sa akin.
"Baka panaginip lang ito," masaya kong sagot.
Biglang tumawa ng mahina ang Nurse sa akin. "Hindi po, Ma'am. Totoo po ito, lumaban si Sir," nakangiti n'yang sagot.
Hindi malagyan ng saya ang puso ko ngayon dahil sa ginawang magdilat ni Wren.
Kinuha mo ang phone ko para tawagan sila Tita Wilma, at ibalita ang magandang balita sa kanila.
Ilang ring pa lang ay sinagot na ni Tita Wilma. Hindi ko na maiwasan ang iyak dahil sa saya.
Ilang buwan ang hinintay namin para sa pag gising ni Wren.
"Tita!" umiiyak kong tawag kay Tita sa kabilang linya.
"B-bakit? Ara? Mayroong bang nangyari sa anak ko?!" nag-aalala n'yang tanong sa akin.
Umiling ako kay Tita kahit hindi n'ya naman nakikita.
"Tita! D-dumilat ni Wren!" umiiyak kong sagot kay Tita.
Biglang tumahimik ang kabilang linya, pero ang paghikbi na lang ang narinig ko.
"Thank you po, Lord!" masayang sabi ni Tita Wilma sa kabilang linya.
Patuloy na tumutulo ang luha ko. Tinignan ko si Wren na chine-check ng doctor.
Gusto kong sumigaw dahil sa saya ko. Para akong kinilig ng makita ko ang pagpikit ng mata ni Wren at pagdilat.
"Pupunta na kami d'yan!" masayang sabi ni Tita Wilma sa akin.
Tumango naman ako agad, at pinatay ko na ang phone call.
Examina ng doctor si Wren, at bawat mukha ng tao sa loob ay pinagmamasdan ko, kumpara sa reaction ng doctor tatlong buwan na ang nakakalipas ay maaliwalas at mayroonv buhay ang mga mukha nila ngayon.
"Gising na si Wren!" umiiyak kong sabi dito sa isang gilid.
Tinignan ako ng doctor ni Wren. Tinanggal n'ya ang suot n'yang mask at ngumiti sa akin.
"Congrats, Miss Ara. Dininig ni Lord ang panalangin mo, mabilis ang respond ng katawan ni Wren kaya imo-monitor namin ang mga pagbabago sa kan'ya," paliwanag ni Doc sa akin.
Hindi ko na napigilan ang mapaiyak, at mapayakap kay Doc dahil sa magandang balita n'ya sa akin.
"Salamat po," humahagulgol kong sabi kay Doc.
"Our duty is to heal our patient, but thanks to Mr. Wren for fighting for his life," sagot ni Doc sa akin.
Hindi pa ako iiwan ni Wren. Kumalas ako sa pagkakayakap kay Doc.
"Iwan muna namin kayo, wag mo muna s'yang pilitin na magsalita, mas okay kung unti-unti, pero p'wede mo na s'yang kausapin, at kahit tingin o simpleng pag galaw ay mayroon kang makukuha," mahabang paliwanag ni Doc sa akin.
Agad akong tumago kay Doc. Ayos lang kahit na next pa s'ya magsalita, ang mahalaga sa akin ngayon ay gising na si Wren.
Nabuhayan ako ng pag-asa na makakasama ko pa si Wren. Umalis na ang mga tao sa loob ng kwarto at muling naiwan kami ni Wren dito sa loob.
"Wren," tawag ko sa pangalan ni Wren.
Bigla akong tawa na umiiyak dahil sa saya ko. Para akong baliw, pero sobrang saya ko talaga.
Daig ko pa ang nanalo sa lotto dahil sa pagdilat ni Wren.
Hinawakan ko ang kamay ni Wren.
"Thank you, Wren. For fighting, for awakening," mahina kong sabi.
Pero mukhang narinig n'ya dahil sa humigpit ang hawak n'ya sa kamay ko. Hindi ganoon mahigpit, pero sapat na para maramdaman ko ang respond ni Wren sa akin.
Lalo akong napaiyak ng tinignan ko ni Wren.
"I love you, Wren."