Arabella's point of view
"GUSTO mo ng apple? Or orange? Tell me what you want, I will buy it for you," nakangiti kong offer kay Wren.
"Just relax, Ate Ara. Doctor said, don't force Kuya, hayaan muna nating ang doctor ang masabi kung ano ang dapat n'yang gawin," paliwanag ni Warren.
Kaming tatlo lang ang nandito sa kwarto ni Wren sa hospital, si Wren, ako at si Warren. Wala si Tita Wilma dahil bumili ito ng pagkain namin.
Kahapon pa simula ng gumising si Wren, kaya pag labas ko ng building sa trabaho ay agad akong pumunta dito para makita si Wren.
Hindi pa nagsasalita si Wren, pero better than hindi gumigising. Under monitoring pa rin s'ya hanggang ngayon.
"Sobrang saya ko talaga na magising na ang Kuya mo," hindi maalis ang ngiti kong saad kay Warren.
Halos lahat ng mga kasama ko sa trabaho ay sinabi ko na gising na si Wren.
Tinignan ko si Wren na nakadilat, pero hindi s'ya nagsasalita. Alam ko naman naririnig n'ya ako.
Hinawakan ko ang kamay n'ya.
"Kami rin, akala namin ay wala ng pag-asang gumising si Kuya," sagot ni Warren sa akin.
Hindi pa talaga oras ni Wren kaya hindi n'ya pa kami iiwan.
"Gumising s'ya para sa atin," masaya kong sabi kay Warren.
Tinignan ko si Wren, at inayos ko ang kumot n'ya.
"Magpagaling ka lang, Wren," sabi ko kay Wren.
Tinignan ko ang kamay ko na hawak-hawak ang kamay ni Wren dahil sa paghigpit ng hawak n'ya sa akin.
Hinalikan ko iyon dahil pakiramdam ko ay oo ang sagot n'ya sa paghawak n'yang iyon.
"Magpakagaling ka na, Kuya. Nakita ko si Ate Ara, pumipili na ng wedding gown," biro ni Warren.
Tinignan ko si Warren para sabihin sa tingin ko na, kailan ako tumingin ng wedding gown? Hindi pa nga nagpro-propose si Wren sa akin.
"Baka paglabas mo ng hospital ay diretso na kayong simbahan," natatawang biro ni Warren.
Bigla naman akong natawa sa sinabi ni Warren.
"Grabe ka! Si Wren ang patay na patay sa akin," depensa ko kay Warren.
Kung nakakapag salita na si Wren ay sigurado akong inaasar na ako nito.
Tinignan ko si Wren na nakatingin na sa akin ngayon.
"Pero kung paglabas mo sa hospital, at aayain mo na ako ay ready naman na ako," pagsakay ko sa biro ni Warren.
"Dalawa lang kami ni Kuya Wren, kaya dapat tatlo ang anak n'yo," suggestion ni Warren.
"Magtapos ka muna kaya ng pag-aaral mo, para naman matayo na muna ni Wren ang studio n'ya," paliwanag ko kay Warren.
"Matagal ko ng sinabi kay Kuya Wren na wag n'yang intindihin ang tuition ko, sinasagot naman nila Mama, saka mayroon akong sideline," sagot naman ni Warren sa akin.
Kaya mahal na mahal ko ang magkapatid na ito, dahil halos same sila ng ugali. Responsible sila, si Wren kahit na kaya naman pag-aralin ng magulang nila si Warren ay sinasagot pa rin ang kalahati ng tuition ni Warren. Ang dahilan naman n'ya ay panganay s'ya.
"Mahal ka kasi ng Kuya mo," saad ko naman kay Warren.
"Lol! Mas mahal ka n'ya," sagot ni Warren sa akin.
"Mahal ko rin naman s'ya," sabi ko.
Dumating si Tita Wilma na dala ang pagkain namin. Mayroon akong pasok bukas kaya hindi ako makakapagbantay ngayon. Tuwing linggo lang ako bakante kaya si Warren muna ang magbabantay.
Gusto ko sana kaso ang layo nitong hospital sa Arme. Nagkwentuhan lang kami nila Tita Wilma saglit bago ako magpaalam na uuwi na ako.
Lumapit ako kay Wren, at hinalikan s'ya sa pisnge.
"Pagaling ka, babalik ako bukas after ng work ko," paalam ko kay Wren.
Humarap ako kay Warren, at Tita Wilma.
"Tita, mauuna na po ako, babalik na lang ako bukas ng gabi," paalam ko kay Tita Wilma.
"Sige, mag-ingat ka sa daan," payo ni Tita sa akin.
Tinignan ko si Warren na kumakain pa rin. Tinapik ko ang balikat n'ya.
"Bantayan mo ng maayos ang Kuya mo," bilin ko kay Warren.
"No need to say that, babantayan ko si Kuya na parang presidente ng pilipinas," biro n'ya sa akin.
Ginulo ko ang buhok ni Warren dahil sa kabaitan n'ya.
"Buti naman," sagot ko. "Bye," paalam ko.
Tinignan ko muna si Wren bago ako maglakad palabas, pero nakatingin s'ya sa akin kaya nag flaying kiss ako sa kan'ya.
Ayoko sanang umuwi, pero kailangan.
Paglabas ko ng hospital ay taxi ang sinakyan ko pauwi. Hindi naman ako maihahatid ni Wren.
Pagsakay ko ng taxi ay napahawak ako sa likod ko dahil sa sakit noon. Grabehan kasi ang trabaho namin ngayon.
Pag-uwi ko sa apartment ko ay nakita ko si Lucas, matagal ko ng kaibigan si College, mas nauna ko s'yang nauna ko s'yang nakilala kaysa kay Wren. Napangiwi ako ng makita ko ang nakasabit na yosi sa bibig n'ya.
Hindi n'ya ako napansin dahil sa abala s'ya sa pagtingin sa phone n'ya.
Napatingin ako sa hawak kong phone ng biglang umilaw iyon. Vibrate lang dahil kailangan sa work ko na naka-silent ang phone.
Seryoso ang mukha ko. Sinagot ko ang phone call n'ya, at naglakad ako ng tahimik palapit kay Lucas.
"Gabi na, bakit hindi ka pa umuuwi?" tanong n'ya sa akin.
Kinuha ko ang water battle sa bag ko, at mayroon pang laman na kalahati. Dahil hindi pa ako umuuwi ay wala pang ilaw sa labas ng tapat ng bahay ko kaya madilim. At itong loko na ito ay hindi ako napapansin.
Mabilis kong sinabow kay Lucas ang tubig.
"Tang-ina naman! Anong bang problem—" hindi n'ya natuloy ang sasabihin n'ya ng makita ako.
Seryoso ko s'yang tinignan dahil nangako s'yang hindi na s'ya mag yoyosi.
"Ara, ikaw pala," gulat n'yang bati sa akin.
Mabilis n'yang tinapon ang yosi n'ya.
Tumalikod ako sa kan'ya para pumasok sa loob ng bahay ko.
"Masyado kasing malamig ang panahon ngayon, ber months na kaya nagpapainit lang ako—"
Sinamaan ko s'ya ng tingin dahilan ng pag-iwas n'ya ng tingin sa akin.
"Kung hindi mo kayang panindigan, sana naman hindi na sa tapat ng bahay ko," inis kong puna kay Lucas.
Tumalikod ako muli, at pumasok na ako sa loob ng bahay ko. Madalas dito si Lucas kaya wala na rin akong paki kung pumasok na rin s'ya sa loob.
Kilala s'ya ni Wren, pero madalas silang mag kainitan na dalawa. Hindi ko alam, pero trip yata nilang magpikonan na dalawa.
"Sorry na, Bella. Hindi ko na uulitin, promise," saad ni Lucas.
Nilagay ko ang gamit ko sa sofa, at umupo muna para magpahinga.
"Bahala ka sa buhay mo, katawan mo naman iyan," inis kong sabi kay Lucas.
Umupo si Lucas sa tabi ko. "Pangako, last na iyon," pangako n'ya sa akin.
Tinignan ko si Lucas ng seryoso. "Alam ko naman na mahirap iwanan ang yosi gaya ng sabi mo, pero paano mo maiiwanan kung ayaw mo namang itigil," seryoso kong paliwanag kay Lucas.
Nagulat ako ng bigla n'ya akong niyakap. "Last na nga iyon, promise," sagot n'ya sa akin.
Agad ko s'yang tinulak palayo sa akin. "Baliw ka ba?! Pag nalaman ni Wren iyon, siguradong lagot ka!" inis kong sabi kay Lucas.
Tinanggal ko ang sapatos kong suot dahil ang sakit ng mataas ang suot.
"Grabe naman, pati ba naman pagyakap ko sa kaibigan ko pinagbabawal na rin ng lalaking iyon?" seryoso tanong ni Lucas sa akin.
Tumayo ako para kumuha ng juice, at pagkain para kay Lucas.
"Boyfriend ko si Wren, sundin mo na lang para walang gulo," sagot ko kay Lucas.
Dahil sa kapilyuhan ng isang ito kaya sila nagkakagulo ni Wren eh.
"Kumain ka na ba?" tanong ko kay Lucas.
Naging seryoso ang mukha ni Lucas, sabay tango sa akin.
Pumunta ako sa kusina para kumuha na lang ng juice.
"Paano mo kayang mahalin ang taong pumipigil sa pangarap mo?" seryosong tanong ni Lucas sa akin.
Pagtingin ko sa likuran ko ay nakasandal na s'ya sa pader habang nakatingin sa akin.
"Kasi mahal n'ya ako, ayaw n'ya lang na lumayo ako sa kan'ya, at naiintindihan ko iyon," sagot ko kay Lucas.
Biglang natawa si Lucas sa paliwanag ko.
"Kung mahal ka n'ya dapat hayaan ka n'yang umalis," seryosong sagot ni Lucas sa akin.
Tinignan ko si Lucas, na seryosong nakatingin sa akin.
"Kung mayroon ka bang girlfriend tapos nagpaalam sa 'yo na aalis ng matagal ay papayagan mo?" tanong ko kay Lucas.
Ngumisi lang s'ya sa akin, at naglakad palapit sa akin. Napatingin ako sa hawak ko bote ng juice ng kuhanin n'ya iyon sa pagkakahawak ko.
Tinignan n'ya ako sa mata ko ng diretso.
"Papayagan kita," seryoso n'yang sagot sa akin.
"Salamat na lang," sabi ko kay Lucas. Kinuha ko ang bote ng juice, at kumuha ng baso. "Pero buo na ang desisyon ko, mas gusto kong manatili sa tabi ni Wren, at alagaan s'ya," pagpapatuloy kong sabi.
Umupo ako sa table, at nilagyan ko ng dalawang juice ang baso.
"Psss! Kung pumayag lang sana s'ya sa pag-alis mo ay hindi nangyari ang bagay na iyo sa kan'ya," saad ni Lucas.
Kunot-noo kong tinignan si Lucas. "Ayos lang sa akin kung hindi ako makatuloy sa Europe, ang mahalaga sa akin si Wren," sagot ko kay Lucas.
Masaya ako ngayon dahil gising na si Wren, at alam kong papagaling na si Wren.
"Hindi ka ba masaya na gising na si Wren?" tanong ko kay Lucas.
Umupo s'ya sa tapat ko, at ininom ang juice na nilagay ko sa baso. Tinignan n'ya ang hawak n'yang juice at pinaikot-ikot ang laman noo sa loob ng baso.
"Masaya ako para sa 'yo, pero sa kan'ya wala akong pakialam," harsh na sagot ni Lucas sa akin.
Tinignan n'ya ako. Seryoso ko lang s'yang tinignan.
"Mahal ko si Wren," saad ko kay Lucas.
"I know, kaya nga binabalewala mo ako," seryoso n'yang sagot sa akin.
Napabuntong hininga na lang ako kay Lucas.
"Alam mo, pagod ka lang, umuwi ka na para makapagpahinga ka na, saka magpapahinga na rin ako dahil maaga pa ako bukas sa trabaho," paliwanag ko kay Lucas.
Tumayo ako sa kinauupuan ko, at hinila si Lucas patayo. Alam kong sa iba na naman mapupunta ang usapan namin.
"Sige na, umuwi ka na," taboy ko kay Lucas nang makarating kami sa pinto.
Bago s'ya umalis ay hinarap ako ni Lucas.
"My status was still waiting," natatawa n'yang sabi sa akin.
"Mine was taken by Wren, humanap ka na lang ng ibang babae d'yan, chicboy ka kaya marami kang mahahanap," paliwanag ko kay Lucas.
"Tsk! Chicboy? Sino? Ako? Patawa ka, 'yung mahal kong babae hindi ko nga makuha," natatawa n'yang giit.
"Si Wren lang ang mahal ko, si Wren lang ang mamahalin ko," seryoso kong sabi kay Lucas.
Muling sumeryoso ang mukha n'ya sa akin, huminga ito ng malalim, pero alam kong hindi n'ya gusto ang sinabi ko.
"Alam ko naman, pero sana naman wag mo ng ipamukha sa akin na kahit anong gawin ko si Wren pa rin ang pipiliin mo," mayroong halong inis na paliwanag ni Lucas sa akin.
"Lucas, mahalaga ka sa akin bilang kaibigan, kaya humanap ka na lang ng iba, 'yung aalagaan ka, at mamahalin ka," sagot ko kay Lucas.
Mayroon akong pakialam kay Lucas dahil mahalaga s'ya sa akin, kaya kahit ayaw ni Wren sa kan'ya ay hindi ako lumalayo dahil kaibigan ko si Lucas.
"Marami na akong kaibigan," seryoso n'yang sagot sa akin.
Huminga s'ya ng malalim para pakalmahin ang sarili n'ya.
"Isarado mo na iyang pinto mo, wag mong kalimutan i-lock, mag-isa ka lang d'yan," bilin n'ya sa akin.
Ngumiti naman ako dahil alam kong totoo ang pag-aalala n'ya sa akin.
"Gagawin ko, mag-inggat ka sa pag-uwi," paalam ko sa kan'ya.
"Kung hindi lang kita mahal," inis n'yang sabi sa akin. "Tumawag ka kung mayroon kang kailangan," paalam n'ya sa akin.
Tumalikod na si Lucas, at naglakad palayo sa akin. Agad ko namang sinarado ang pinto ko.
Nagligo lang ako saglit bago ako pumasok sa loob ng kwarto ko para matulog na.
Mahal ko si Lucas, pero pinakamahal ko si Wren, wala ng papalit kay Wren sa puso ko.
Kahit hindi pa nagsasalita si Wren ngayon, ay s'ya pa rin ang pipiliin ko. Hindi ko ipagpapalit si Wren sa Europe.