CHAPTER 08

2009 Words
Arabella's point of view NASA labas ako ng hospital ngayon para pumunta kay Wren. Sabado ngayon kaya masaya ako dahil ako ang magbabantay kay Wren ngayong gabi, dahil day-off ko bukas, marami kaming time ni Wren ngayon para sa isa't isa. Naglalakad na ako patungo sa room ni Wren ng biglang mag vibrate ang phone ko. Agad kong kinuha iyon sa bulsa ng pants ko, at nakita ko si Warren na tumatawag. Mayroon na naman sigurong gala ang isang ito kaya tumatawag na sa akin. Mga student talaga. Pero ayos lang dahil pag tapos naman nila ng college ay mararamdaman na nila ang tunay na mundo. Sinagot ko ang tawag ni Warren, "Nasa hallway na ako, way sa room ni Wren, kaya wag ka na mag-alala," bungad ko kay Warren. "Ara..." Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang isang pamilyar na boses, ang boses na halos mag-aapat na buwan ko ng hindi naririnig. "W-wren?!" gulat kong tanong mula sa kabilang linya. Napapunas na lang ako sa pisnge ko ng mayroong tumulong luha, hindi dahil sa lungkot, kung hindi dahil sa sobrang saya. "You better hurry up, Ate Ara, Kuya wants to see you," singit ni Warren sa kabilang linya ng phone. Hindi na ako nagsalita pa na kahit ano, at naghihikahos akong tumakbo patungo sa room ni Wren. "Wren..." mahina kong sabi sa sarili ko. Hindi naman ako namamali ng rinig, right? Si Wren talaga ang nagsalita. Habang tumatakbo ako papunta sa room ay hindi ko mapigilan ang luha ko, sobrang lakas din ng t***k ng puso ko sa dibdib ko. Pagbukas ko ng pinto ay hindi ko napansin ang monoblock na nakaharang kaya nadapa ako. "Ouch!" daing ko ng tumama ang tuhod ko. "Ate!" gulat na tawag ni Warren sa akin. Tinulungan ako ni Warren na tumayo, pero ang tingin ko kay Wren. Lalo akong naiiyak na parang batang nawawala ng makita ko si Wren. Nakaupo s'ya sa hospital bed na mayroong hawak na slice ng apple, at kumakain. "Be careful," nag-aalalang sabi ni Wren sa akin. Parang gusto kong umiyak magdamag dahil sa boses ni Wren. "Hindi naman mawawala si Kuya," puna ni Warren sa akin. Hindi ko pinansin si Warren, maski ang sakit sa tuhod ko ay baliwala. Agad akong tumakbo papunta kay Wren na umiiyak, mabilis ko s'yang niyakap dahil sobrang miss ko na s'ya. "Wren!" humahagulgol kong iyak. Mahigpit kong niyakap si Wren. Lalo akong naiyak ng maramdaman ko ang yakap n'ya pabalik sa akin. "Mukhang miss ka talaga, Kuya," natatawang biro ni Warren. "Ayokong umiiyak ka, right?" bulong ni Wren sa akin. "Sinong hindi maiiyak? Ang tagal mo kasing gumising," puna ko kay Wren. Basa na ang hospital gown na suot ni Wren sa dibdib n'ya, pero patuloy pa rin ang pag-iyak ko. "I'm sorry for that," mahina n'yang sabi sa akin. Tinignan ko si Wren. Ang pale ng mukha n'ya, pero better than laying all day on bed. "Kailan ko na bang umalis?" biro naman ni Warren sa amin. "Kaninang umaga pa gan'ya si Kuya," saad naman ni Warren. Napatingin ako kay Warren. "Bakit hindi mo sinabi agad sa akin?" puna ko kay Warren. Nakaupo s'ya sa couch habang mayroong kinakain na saging. "Utos ni Kuya, alam n'ya magugulo ka sa trabaho mo," sagot ni Warren sa akin. Tinignan ko si Wren na nakatingin sa akin. "Marami akong oras para sa 'yo," sabi ko kay Wren. "P'wede naman akong magpaalam sa senior ko para puntahan ka." Pinunasan ni Wren ang luha sa pisnge ko. "Hindi lang sa akin umiikot ang buhay mo," sagot n'ya sa akin. "Tsk! Aalis na ako, bago pa ang langgam ang bumuhat sa akin paalis dito," paalam ni Warren. Tinignan ko si Warren na nag-aayos ng bag n'ya. "Mag-ingat nga sa daan," paalala ko kay Warren. "Opo," sagot ni Warren sa akin, " Kuya, aalis na ako, mayroon naman ng mag-aalaga sa 'yo na halatang mas gusto mo kaysa sa akin," biro ni Warren. "Mag-ingat ka," sagot lang ni Wren. Halata sa boses n'ya na nanghihina pa ito, at hindi pa sapat ang lakas. Pagkaalis ni Warren ay hindi maalis ang tingin at ngiti ko ay kay Wren. Hindi ko na naman maiwasan ang maiyak dahil hindi ako makapaniwala na gising na si Wren. "Ano ba, sabi ng ayokong umiiyak ka," seryosong sabi ni Wren sa akin. "Hindi naman iyak na lungkot ito, sobrang saya ko ngayon," sagot ko kay Wren. "Magre-request ako ng leave ng one week sa trabaho para maalagaan ka," masaya kong sabi kay Wren. "Ayoko, nandyan sila Mama at Warren para alagaan ako," pagtanggi ni Wren sa akin. Hinawakan ko ang kamay n'ya. "Gusto mong kumain? Ano gusto mo? Bibili ako or gusto mo ako ang magluluto?" sunod-sunod kong tanong kay Wren. Isang ngiti lang ang binigay n'ya sa akin. "Ikaw lang ang gusto kong makita," sagot n'ya sa akin. Dahil sa saya ko ay tinanggal ko ang sapatos na suot ko at umupo ako sa tabi ni Wren sa kama n'ya. "Napagod ako sa trabaho, saka ang sakit ng balikat ko, at kamay ko kaka-type sa computer," sumbong ko kay Wren. This time parang normal na ulit ang lahat. Hinawakan ni Wren ang kamay ko. "Wag mong masyadong pinapagod ang sarili mo," bilin n'ya sa akin. Niyakap ko si Wren dahil sa sobrang miss ko sa kan'ya. "Ikaw ang lakas ko, kaya ayos na rin ako," sagot ko kay Wren. Hindi ko alam kung p'wede ba itong ginagawa ko, pero gusto ko talagang makatabi si Wren ngayon. Dati kumakausap ako sa taong nakapikit, pero ngayon ay nakakausap ko s'ya talaga. "Magpagaling ka na agad para makaalis ka na sa lugar na ito," sabi ko kay Wren habang nakayakap. Ayoko na kasi s'yang manatili dito, pero dapat nandito s'ya habang nagpapagaling. "Kung magtutuloy ang recovery ko baka next next week makalabas na daw ako, for now under monitoring pa rin ako," sagot ni Wren sa akin. Hindi man ganoon kasigla ang boses ni Wren ay sobrang dama ko na masaya rin s'ya ngayon. Humiga kami sa kama ni Wren. "Miss ka na ng camera mo," sabi ko kay Wren. "Miss ko sila, pero mas miss kita," sagot ni Wren. Bumabanat na agad s'ya. Tinignan ko si Wren. Medyo puyat s'ya kaya lalong nagkaroon siya ng jaw line, pero lalong bumagay sa kan'ya. Hindi ko napigilan ang sarili ko, at hinalikan s'ya sa labi. Medyo nalasahan ko ang apple sa labi n'ya. Nakangiti n'ya akong tinignan dahil sa ginawa ko. "I miss you," bulong ko kay Wren. Niyakap n'ya lang ako. "I miss you," sagot n'ya sa akin. Dahil sa yakap ni Wren ay bigla akong inantok. Pinikit ko ang mata ko para matulog na. Sobrang safe ng pakiramdam ko ngayon dahil nandito si Wren sa tabi ko. Ang lahat ng paghihintay ko kay Wren ay bawi na dahil sa pag gising n'ya. "Excuse me, Ma'am. Oras na po ng gamot ni Sir." Bigla akong nagising ng mayroong boses, at kumakalabit sa akin. Medyo nasisilaw pa ako sa liwanag, pero bumungad sa akin si Wren na nakatitig sa akin. Nakita ko ang isang babaeng nakasuot ng puti kaya agad akong napatayo sa pagkakahiga. Pinunasan ko ang labi ko baka mayroon pang panis na laway, pero buti naman ay wala. "Sorry po," sabi ko sa Nurse. Hindi ko namalayan na umaga na pala. Masyado kasi akong nag-enjoy sa tabi ni Wren. Nakita ko si Wren na tinatawanan ako kaya sinamaan ko s'ya ng tingin. Parang kalahati ng katawan ko ay inaantok pa kaya umupo ako sa couch. Mayroong pinainom kay Wren ang nurse kaya hinayaan ko na lang sila muna. "Babalik po ako, recommend po ni Doc, if mailalabas ka po para para makapaglakad-lakad," recommend ng Nurse. "Ako na pong bahala, maglalakad na lang kami sa labas," prisinta ko. "Sige po, Ma'am. Babalik na lang po ako sa oras ng gamot n'ya," paalam ng nurse sa amin. Pagkaalis ng nurse ay nakita ko si Wren na parang tatayo. Ang kalahati kong tulog na katawan ay nagising. "Saan ka pupunta?" tanong ko kay Wren. Tinuro n'ya ang C.R kaya agad akong tumayo para alalayan s'ya. "Kaya ko," pagtanggi n'ya sa akin. "Sasama ako," sagot ko sa kan'ya. "Iihi lang ako," saad n'ya sa akin. Hinawakan ko ang braso n'ya para alalayan s'yang makapunta sa C.R. Wala akong paki kung kaya n'ya basta aalagaan ko s'ya. Pagpunta namin sa loob ng C.R. "Kaya mo ba? Gusto mo ako na?" tanong ko kay Wren. Tinignan n'ya ako, at bilang natawa ng mahina. "Sure ka?" tanong n'ya pa sa akin habang natatawa. "Hindi ako titingin," sagot ko pa kay Wren. "Kaya ko," sabi n'ya pa sa akin. Tumalikod na ako para magawa n'ya na ang gagawin n'ya. Naghilamos na lang ako habang hinihintay si Wren. "Wala ka bang pasok ngayon?" tanong n'ya sa akin. "Linggo ngayon," sagot ko kay Wren. Alam n'ya ang schedule ko. Nagsipilyo na rin ako at inayos ang sarili ko. Sabay kaming lumabas ng C.R ni Wren, at nakita ko si Warren and Tita Wilma na mayroong dala na prutas. "Anong ginagawa n'yo doon?" malisyosong tanong ni Warren. "Sinamahan ko lang si Wren," sagot ko kay Warren. "Napaka swerte talaga ng anak ko sa 'yo," nakangiting sabi ni Tita sa akin. Bigla naman akong kinilig dahil doon. "Swerte rin naman ako sa kan'ya, Tita," bawi ko. Kung ako man ang nasa kalagayan ni Wren ngayon baka mas higit pa ang ginagawa n'ya kaysa sa akin. "Buti naman, at mabilis ang pag galing mo, Anak," nakangiting sabi ni Tita Wilma kay Wren. Inalalayan ko si Wren na umupo sa kama. "Kaya ka na ang sarili ko," sabi ni Wren sa akin. "Sino ba naman ang hindi gagaling sa alagang ni Ara," sabat ni Warren. Tinignan ko si Wren kung ano ang reaction doon, pero nakita ko s'yang ngumiti sa akin. Nahiya naman tuloy ako dahil ang pamilya ni Wren ang pumupuri sa akin. "Wala naman po sa akin ito, mahal ko kasi si Wren," sagot ko sa kanila. Lahat ng ginagawa ko ay hindi ko naman nararamdaman ang pagod. Pag si Wren ang usapan kahit ano gagawin ko para sa kan'ya. Nagkwentuhan lang kami lahat saglit, at si Tita Wilma ay kailangan ng bumalik sa trabaho n'ya. Maiiwan si Warren dito ngayon para samahan ako sa pagbabantay kay Wren, pero sabi ng nurse kanina ay kailangan munang maglakad at magpaaraw ni Wren. Matagal na nakahiga si Wren kaya kailangan n'yang mag lakad-lakad. Mahilig mag-excercise si Wren kaya wala s'yang angal. Dahan-dahan lang ang paglalakad namin sa hallway papunta sa labas ng hospital. Mayroong court sa likod ng hospital kaya mas okay kung doon ko dadalhin si Wren. "Sa loob ng apat na buwan, wala bang nanliligaw sa 'yo?" tanong ni Wren sa akin. Habang naglalakad kami ay tinignan ko s'ya ng seryoso. Seryoso ang mukha n'ya kaya alam kong seryoso s'ya sa tanong n'ya. "Boyfriend na kita, bakit pa ako magpapaligaw sa iba?" sagot ko. Napakawalang kwentang tanong naman n'ya. "Tumuloy ka na sa Europe," out of nowhere ay bigla n'yang sabi sa akin. Tumigil ako sa paglalakad ko, at tinignan ko si Wren. Pumunta ako sa harapan n'ya para lalo kong makita ang mukha ni Wren. "Gusto mo na ba akong umalis? Ayaw mo na ba akong makita?" malungkot kong tanong kay Wren. Tinignan n'ya ako sa mata ko, pero agad itong umiwas at yumuko. "Ayokong mawala ka sa tabi ko, pero ayoko naman pigilan ang pangarap mo," kalmado n'yang sagot. "Gusto mo ba ako sa tabi mo?" tanong ko kay Wren. Tinignan n'ya ulit ako. "Paano ang pangarap m—" "Oo o hindi lang ang sagot sa tanong ko," putol ko kay Wren. "Oo, gusto ko sa tabi lang kita, pero ayokong hadlangan ang pangara—" Bigla kong niyakap si Wren. "Kung gusto mo sa tabi mo lang ako, sa tabi mo lang ako, mas gusto kong kasama ka," putol ko muli kay Wren. "Paano ang pangarap mo?" tanong n'ya sa akin. Napangiti naman ako kay Wren. "Ikaw ang pangarap ko," biro ko kay Wren. "Masmahalaga ka kaysa sa kahit anong bagay."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD