CHAPTER 09

2014 Words
Arabella's point of view INAYOS ko ang adobo na niluto ko para kay Wren. Sinabi ko kay Wren na wag muna s'yang kumain dahil dadalhan ko s'ya ng pagkain kayong dinner sa hospital. Ayaw pa nga dahil gusto n'ya ng magpahinga na ako, pero ang tagal ng panahon simula ng pinagluto ko s'ya. Baka nga nakalimutan n'ya na ang lasa ng luto ko eh. Pagkaayos ko ay kinuha ko lang ang wallet ko para lumabas ng bahay. "Bella! Ara! Bell! Bels! Bella!" Napatingin ako sa labas habang sinasarado ko ang pinto ng bahay ko. Sa sigaw pa lang na iyon ay si Lucas na. Kunot-noo kong tinignan si Lucas na masayang tumatakbo papunta sa akin. "Problema mo? Bakit ka ba sigaw ng sigaw sa pangalan ko? Lahat na sinabi mo," puna ko kay Lucas. "Sorry na, Bella," hinihingal n'yang sagot sa akin. Napatingin ako sa kamay ko ng hawakan n'ya iyon. "Mayroon akong ipapakita sa 'yo," masaya n'yang sabi sa akin. Aapila pa sana ako dahil aalis ako kaso hindi na ako nakapagsalita dahil sa paghila n'ya sa akin. "Ano bang gagawin mo?" taka kong tanong kay Lucas. Hindi nagsalita si Lucas, pero nakita ko ang isang itim na kotse na nakaparada. Napataas ang dalawang kilay ko na makita iyon. Binitawan ni Lucas ang kamay ko, at pumunta sa itim na kotse. Proud n'yang pinakita sa akin ang kotse. "Kanino iyan?" tanong ko kay Lucas. "Baka sa kapitbahay mo, malamang sa akin," sarcastic na sagot ng lalaking ito. Hindi ako na niniwala sa kan'ya. Lumapit ako sa kotse na mukhang kalalabas lang ng casa. Tinignan ko si Lucas na proud na proud na nakatayo. "Two years kong ipon," proud n'yang saad sa akin. Napangiti naman ako dahil sa sinabi n'ya. Binigyan ko s'ya ng thumb up dahil sa ginawa n'ya. Lumapit si Lucas sa akin. "Proud ka ba sa akin?" masayang tanong n'ya sa akin. Ngumiti ako sa kan'ya kahit na naamoy ko ang hininga n'ya na amoy yosi. "Hindi lang ako ang proud sa 'yo, for sure pati sila Tito and Tita," masaya kong sagot kay Lucas. Naglakad ako palapit kay Lucas para siguraduhin kung nag yosi talaga s'ya. "What are you doing?" gulat n'yang tanong sa akin. Nilapit ko kasi ang mukha ko sa kan'ya. Hinampas ko s'ya ng mahina sa tiyan n'ya dahil amoy yosi nga ang isang ito. "Nag yosi ka na naman," inis kong puna kay Lucas. "Akala ko naman hahalikan mo ako," natatawa n'yang biro sa akin. Tumalikod ako kay Lucas para tignan ang brand new car n'ya. Mukha lang walang pangarap ang isang ito, pero masmataas ang pangarap n'ya kaysa sa akin, at saka masmatalino si Lucas kaysa sa akin. "Bakit si Wren ka ba para halikan ko?" tanong ko kay Lucas. Tinignan ko si Lucas. Nawala na naman ang ngiti n'ya ng banggitin ko ang pangalan ni Wren. "Kinikilig pa nga ako na akala ko hahalikan mo ako, sana naman kahit two minutes hinayaan mo akong damahin iyon," reklamo n'ya sa akin. Sabi ko na sa kan'yang maghanap na s'ya ng ibang babae eh. "Alam mo, dalawin mo na lang si Wren para ma-drive test mo na rin ito," masaya kong aya kay Lucas. Lalong bumusangot ang mukha n'ya dahil doon. "Pagaling na ang magaling mong boyfriend, bakit ko pa dadalawin iyon," seryoso n'yang sabi sa akin. "Maaga pa naman, kain tayo sa labas," aya n'ya sa akin. Pinakita ko ang dala kong bag. "Dadalhan ko si Wren ng pagkain," sagot ko sa kan'ya. Binuksan ko ang pinto ng kotse n'ya. "Tara na, sigurado akong matutuwa si Wren pag nakita ka n'ya," masaya kong aya kay Lucas. Sumakay si Lucas sa driver seat. "Sinong sasayang makita ang karibal ko," seryoso n'yang sagot. Inamoy ko ang loob ng kotse ni Lucas, at amoy bago nga talaga. Pinaandar ni Lucas ang pinong tunog ng kotse n'ya. "Ihahatid na lang kita," seryoso n'yang sabi sa akin. Napangiti naman ako kay Lucas. Umandar na ang kotse papunta sa hospital. "Sana next time, matigil mo na ang pag yoyosi mo," sabi ko kay Lucas. "Ginagawa ko naman iyon para sa 'yo," sagot n'ya sa akin. Tinignan ko si Lucas. Bagay na bagay sa kan'ya ang kotseng pinaghirapan n'ya. "Bakit mo gagawin para sa akin iyon? Gawin mo para sa sarili mo, hindi kita pinapatigil, hindi dahil sa akin kung hindi dahil sa 'yo," paliwanag ko kay Lucas. Alam ko naman na sakitin s'ya kaya dapat alagaan n'ya na ang sarili n'ya. "Dati isang kaha ang inuubos ko, pero kakasita mo, naririndi na ang tenga ko kaya isang stick na lang kada araw ang nagagawa ko," reklamo n'yang sabi. Napangiti naman ako dahil kung totoo iyon ay magaling nga. "Hindi ako titigil hanggang hindi ka tumitigil," sagot ko sa kan'ya. "Pura Wren lang naman ang iniisip mo," reklamo n'ya pa sa akin. "Boyfriend ko si Wren," sagot ko kay Lucas. "Tapos ako kaibigan mo lang," seryoso n'yang sabi. "Kaibigan kita, mahalaga kayo sa akin pareho," paliwanag ko kay Lucas. "Pero hindi kayang pantayan katulad kay Wren," giit n'ya pa. Huminto ang kotse n'ya sa tapat ng hospital. Tinignan ko si Lucas. Napansin ako ang isang kahon na nakabakat sa pants na suot n'ya. Agad kong kinuha iyon. "Hey! Anong ginagawa mo?" pigil n'ya sa akin. Dahil pumapalag ang isang ito kaya nilahad ko ang kamay ko. "Ibibigay mo o ibibigay mo?" tanong ko kay Lucas. "Isang daan bili ko dito tapos itatapon mo lang—" "Nanghihinayang ka pala sana hindi mo binibili," sermon ko sa kan'ya. Inis n'yang kinuha ang isang kaha ng yosi, at masama ang loob na binigay n'ya sa akin. "Isang beses pa, hindi na talaga kita kakausapin," seryoso kong banta kay Lucas. "Oo na, puntahan mo na si Wren," nagmamaktol n'yang taboy sa akin. Ngumiti ako sa kan'ya, ginulo ko muna ang buhok ni Lucas. "Mag-ingat sa daan," paalam ko sa kan'ya. Nakasimangot na tumango si Lucas, at pagsarado ko ng pinto ng kotse n'ya ay magpapaalam pa sana ako, pero bigla s'yang unalis. "Ang lalaking iyon," sabi ko sa sarili ko. Ganoon lang naman iyon, pero isang text or tawag lang ay wala na ulit ang tampo. "Naks, nakabili na pala ng kotse ang karibal ni Kuya." Napatingin ako sa likod ko dahil sa boses na nagmula doon. Pagtingin ko ay si Warren na tinitignan ang kotse ni Lucas na papaalis na. Nakasuot ito ng school uniform na mukha ngayon pa lang s'ya pupunta sa kuya n'ya, mayroon din dalang plastic si Warren. "Oo, dalawang taon n'yang pinag-ipunan iyon, deserve naman ni Lucas dahil masipag naman s'yang magtrabaho," paliwanag ko kay Warren. Isang smirked lang ang binigay ni Warren sa akin. Tumalikod ko s'ya at nagsimulang maglakad papasok sa loob kaya sumunod ako. "Alam ba ni Kuya na nagkikita kayo?" tanong ni Warren sa akin. "Kaibigan ko si Lucas, kaya p'wede kaming magkita kahit hindi alam ni Wren," sagot ko kay Warren. Pumasok kami sa loob ng kwarto ni Wren na tahimik. Hindi ko alam kung bakit ayaw nila sa isa't isa. "Hey! Bati ni Wren sa akin. Nakaupo s'ya sa kama habang hawak-hawak ang camera n'ya. Napakunot ang noo n'ya ng mapansin na seryoso kaming pareho ni Warren na pumasok. "Bakit ganiyan ang mukha n'yo?" tanong ni Wren sa amin. Umiling ako kay Wren bilang sagot. Inayos ko ang pagkain na dala ko para kay Wren. "Warren?" tanong ni Wren kay Warren. "Wala, Kuya. Pagod lang ako sa school," seryosong sagot ni Warren. "Ara, sana nagpahinga ka na," sabi ni Wren sa akin. Ngumiti ako kay Wren. "Gusto kitang makita," sagot ko sa kan'ya. "Pinapagod mo lang ng husto ang sarili mo," sabi n'ya sa akin. Pagkaayos ko ng pagkain ay inayos ko ang minitable para ilagay sa kamay n'ya. "Babawi ako sa 'yo pag labas ko dito," sabi n'ya pa sa akin. "Hindi mo naman kailangan bumawi, dahil wala ka naman pagkukulang," sagot ko sa kan'ya. "You look tired," sabi n'ya pa sa akin. Napakunot ang noo ko dahil sa kan'ya. "Sinasabi mo bang pangit ako?!" sita ko kay Wren. Bigla naman s'yang natawa ng mahina. Nag-pout ako dahil doon. "Sana pala hindi na ako pumunta dito," tampo ko. "You're the most beautiful I ever seen," bawi n'ya sa akin. "Nambobola ka pa," puna ko sa kan'ya. "Kumain ka na nga." Tinignan ko si Warren na abala na sa laptop n'ya. "Next week lalabas na ako dito," sabi ni Wren sa akin habang kumakain. Nakakawalang pagod naman ang balita ni Wren. "So doon ka muna kila Tita?" tanong ko kay Wren. Umiling si Wren sa akin. "Sa bahay ko," sagot n'ya. Napatingin kami ni Warren sa Kuya n'ya. "Sabi ni Mama sa bahay ka muna daw," sabi ni Warren. "Oo nga, mas okay kung doon ka muna sa bahay n'yo, saka wala kang kasamahan sa bahay mo," sabi ko kay Wren. "Kailangan ko ng bumalik sa trabaho," sagot ni Wren. "Wren, hindi ka pa magaling, sana naman kahit isang buwan magpagaling ka muna paglabas mo," paliwanag ko kay Wren. "Anong gagawin ko sa bahay? Tititigan ko ang 'yung pader?" tanong ni Wren sa akin. "Ayoko, hindi ako papayag, baka kung ano pa mangyari sa 'yo," seryoso kong pagtutol kay Wren. "Tama si Ate Ara, Kuya," pagsang-ayon ni Warren sa akin. "Isa lang ako, dalawa kayo," sagot ni Wren sa amin. Napatingin kaming lahat ng mayroong kumatok sa pinto. Ako na dapat ang tatayo, pero nauna si Warren dahil masmalapit s'ya. Pagtingin ko kung sino iyon ay napatayo ako ng makita ko si Lucas. "Buhay ka na pala," nakangiting bati ni Lucas kay Wren, pero kita ko na plastic ang ngiti nito. Tumango lang si Wren sa kan'ya. Tinignan ako ni Lucas at pinakita ang wallet ko sa akin. "Naiwan mo sa kotse ko," sabi ni Lucas sa akin. Hinagis n'ya ang wallet ko sa akin na agad kong na sapo. "Thanks," sabi ko kay Lucas. Nilagay ko sa bulsa ko ang wallet ko. "Tignan mo, baka sabihin mo kinupitan ko pa," natatawang sabi ni Lucas sa akin. "Pasaway," iyon lang ang sinabi ko kay Lucas. Nalipat ang tingin ni Lucas kay Wren. "Pagaling ka, Bro. Sayang wala akong dalang bulaklak o isang pirasong ubas para sa 'yo, pero next time dadalhan kita," paliwanag ni Lucas na mayroong halong pagbibiro. Tinignan ko si Wren na hindi man lang natawa sa joke ni Lucas. "Corny mo," basag ko sa katahimik. Sa tinginan ng dalawa pang nagpipikunan na lang sila. Tinignan ako ni Lucas. "Hindi ka pa ba uuwi? Gabi na, saka maaga pasok mo bukas," tanong ni Lucas sa akin. Pinanlakihan ko s'ya ng mata. "Kakapunta mo dito lagi kang late sa trabaho mo," saad pa ni Lucas. Nilapitan ko si Lucas para awatin na. "Uuwi na ako mamaya," sabi ko kay Lucas. "Bakit hindi pa ngayon? Hahatid na kita, hindi ka naman mahahatid ni Wren," tanong pa ni Lucas akin. Napapikit ako dahil ayaw tumigil ni Lucas. "Ayaw nga n'yang magpahatid sa 'yo, right?" sagot naman ni Wren. Tinignan ko si Wren. "Nagbibiro lang naman si Lucas," sabi ko kay Wren. "Tsk! Kababaeng tao ni Ara, hinahayaan mong umuwi mag-isa ng gabi, wag ka ngang selfish," giit ni Lucas. Napatingin ako sa kamay ko ng hawakan ni Lucas. "Ihahatid na kita," aya ni Lucas sa akin. Napatingin ako kay Warren ng hawakan n'ya rin ang braso ni Lucas. "Hindi s'ya hinahatid ni Kuya, pero pinapahatid s'ya sa akin," seryosong sabi ni Warren. "Lucas, ayos lang ako, mauna ka ng umuwi," sabi ko kay Lucas. Binawi ko ang kamay ko kay Lucas. Pinalabas ko na s'ya sa kwarto. Nagkakainitan na talaga sila, kaya ayaw kong nagkakasama ang dalawa na iyon. "Sure ka na hinahatid ka ng kapatid ni Wren? Eh laging taxi ang nakikita kong naghahatid sa 'yo," puna ni Lucas sa akin. Tinakpan ko ang bibig n'ya para awatin s'ya. "Pag wala lang si Warren kaya ako sumasakay ng taxi," depensa ko. "Kilala kita, kaya wag ka sa akin magsinungaling," inis na sabi ni Lucas bago tumalikod, at naglakad paalis. Napakamot ako ng ulo ko dahil sa dalawang iyon. Sumasakit ulo ko sa kanilang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD