Arabella's point of view
PUMASOK ako sa loob ng room ni Wren. Abala na s'yang kumakain, pero si Warren ay seryoso ang mukha. Kapatid ni Wren mas mukhang epektado pa kaysa sa Kuya n'ya.
"Alam n'yo naman ugali ni Lucas," sabi ko sa kanila.
"Bakit napapagtyagaan mo ugali ng isang iyon?" tanong ni Warren sa akin.
Umupo ako sa gilid ng kama ni Wren.
"Mabait si Lucas," sagot ko kay Warren.
Kumuha ako ng isang orange para pagbalat si Wren.
"Mayroon kasing interest sa 'yo kaya mabait," sabi ni Warren habang ang tingin n'ya ay nasa laptop.
"Warren, enough," awat ni Wren sa kapatid n'ya.
Tinignan ko si Wren. Badtrip na ito pag ganiyan. Ginulo ko ang buhok n'ya, pero hindi man lang ako tinignan.
Hindi ko na muna s'ya pipilitin ngayon. Akala ko pag dinalaw ni Lucas si Wren ay hindi sila magkakapikunan dahil nasa hospital si Wren, pero mukhang maganda talaga na magkalayo sila.
Huminga ako ng malalim, at inayos ang gamit ko. Kinuha ko ang wallet sa pocket ko para ilagay sa sling bag na dala ko.
Baka sa taxi ko pa paiwanan ito.
"Uuwi na ako, babalik na lang ako bukas," mahinahon kong paalam kay Wren.
Mukhang nasira na ang mga mood nila ngayon eh.
"Ihahatid na kita," offer ni Warren.
"Wag na," pagtanggi ko.
Narinig ko ang pag pagtabi ni Wren sa pinggan, he was about to stand up.
"Ako na lang ang maghahatid sa 'yo," seryoso n'yang sabi sa akin.
"Si Warren na lang," sagot ko kay Wren.
Seryoso n'ya akong tinignan. Umiwas na ako ng tingin kay Wren at nilapitan si Warren.
"Balik na lang ako bukas," paalam ko kay Wren.
Umalis na kami ni Warren palabas ng room n'ya.
"Hindi naman galit sa iyo si Kuya," mahinahon na sabi ni Warren sa akin habang nasa loob kami ng taxi.
Gusto ko lang naman makita si Wren ngayon.
"Alam ko," sagot ko kay Warren.
Tahimik lang kaming nakarating sa bahay ko. Pagtayo ko sa tapat ng pinto ko ay hinarap ko si Warren.
"Sige na, walang kasama si Wren sa hospital," paalam ko kay Warren.
"Pumasok ka na," sagot n'ya sa akin.
Tumango ako sa kan'ya. Pumasok na ako sa loob ng bahay ko.
Nagpalit lang ako ng damit bago ako matulog. Gusto ko sanang tawagan si Wren, pero wag na lang.
Pinikit ko ang mata ko. Ilang araw pa bago ang off ko, pero next week naman ay makakalabas na si Wren. Pinayagan na s'ya after four months ay makakalabas na rin s'ya.
Kinabukasan ay habang busy ako sa office ay mayroong biglang lumapit sa akin.
Ilang minuto na lang lunch break na namin.
"Mayroon naghihintay sa 'yo sa labas," sabi ng co-worker ko.
Napakunot-noo naman ako. Sino naman ang maghihintay sa akin sa labas?
Hindi ako makaalis dahil mayroon akong tinatapos na trabaho kaya hinintay ko muna ang break time.
Naglakad ako papalabas ng building para puntahan 'yung naghihintay sa akin.
Tinignan ko ang phone ko. Baka mayroon nag-text, pero wala naman.
"Ma'am!" isang masiglang sigaw.
Napukaw ang attention ko doon, at nakita ko si Lucas. Kumakaway pa ang loko habang naglalakad palapit sa akin.
"Akala ko aamagin na ako kakahintay sa 'yo," biro n'ya sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Lucas.
"Bakit? Bawal na ba akong pumunta dito? Or bawal bang dumalaw sa work place ng kaibigan?" tanong n'ya sa akin.
"Hindi naman, pero—"
"Pero pinagbawalan ka no'ng isa?" putol n'ya sa akin.
Kumunot ang noo ko. Si Wren ang tinutukoy n'ya.
"Hindi, bakit naman ako pagbabawalan ni Wren?" taka kong tanong kay Lucas.
"Malay mo, baka natatakot na maagaw kita," biro n'yang sagot sa akin.
"Matanong ko nga, 'yung seryoso anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Lucas.
Naka-semi formal pa ang isang ito, at mayroong hawak na construction hard hat kulay asul.
"Hindi ikaw ang pinunta ko dito, mayroon kaming project malapit dito," sagot n'ya sa akin sabay turo sa gawing kanan namin.
Kaya pala mayroong mga heavy equipments na dinaanan ko kanina.
"Kayo gagawa doon?" taka kong tanong kay Lucas.
Inayos pa ni Lucas ang necktie niya bago ako sagutin.
"Alam mo naman na bigatin na ang kaibigan mo," proud n'yang sagot sa akin.
Iba talaga ang isang ito.
"Wag kang mangungurakot ah," bilin ko kay Lucas.
"Mukha ba akong corrupt?" singhal n'ya sa akin.
Natawa naman ako sa reaction nito. "Hindi naman, pero sa pilyo mong ugali baka pagkamalan ka," natatawa kong sagot.
"Gagawan na nga kita ng kalsada, nang iinsulto ka pa," inis n'yang sagot sa akin.
"Okay, sorry na," natatawa ko pa ulit na sabi.
"Lunch tayo," aya ni Lucas sa akin.
Tinignan ko ang hawak kong lunch box, at mukhang napansin ni Lucas iyon.
"Ako na lang ang kakain n'ya, tara na libre kita," sabi ni Lucas sa akin.
"Sige, pero mabilis lang, hindi ako p'wedeng ma-late sa trabaho dahil baka wala na akong sahudin," biro ko kay Lucas.
"Bibigyan kita, mayaman na ako," biro ni Lucas.
"Baka tangayin ako sa lakas ng hangin ah, level mo na ba ang mga Villar?" tanong ko kay Lucas.
"Dikit na kami ng mga Villar," natatawang sagot ni Lucas.
Napatigil ako sa paglalakad ng tumunog ang phone ko. Napatingin ako kay Lucas ng makita ko ang name ni Wren.
Pinakita ko ang phone ko kay Lucas. Napa-ismid na lang s'ya.
"Sige, sagutin mo muna," sabi ko sa kan'ya. "Ako na lang ang bibili ng pagkain," paalam ni Lucas sa akin.
Agad akong tumango sa kan'ya.
Sinagot ko na ang phone call ni Wren.
"Babe," masaya kong bati sa kan'ya.
"Wag ka ng pumunta mamaya sa hospital," seryoso n'yang sabi sa akin.
Nawala ang ngiti ko. "Ayaw mo na ba akong makita?" malungkot kong tanong.
"No, bakit naman kita ayaw makita? Pinayagan na akong ma-discharge ngayon, uuwi na ako sa bahay ko," masaya n'yang sagot sa akin.
Bigla akong nabuhayan sa sinabi n'ya.
"Talaga? Edi good news iyan, punta na lang ako sa bahay mo mamaya," sagot ko kay Wren.
"Okay, hintayin kita," masaya n'yang sagot sa akin.
"Magpasama ka muna kay Warren, malapit lang naman ang bahay mo dito sa office eh," paalala ko kay Wren.
Ayoko kasi s'yang nag-iisa hanggang hindi pa fully recover si Wren.
"Mayroong pasok si Warren, si Mama mayroon trabaho, pero si Mama ang kasama ko ngayon, need lang umalis mamaya," paliwanag ni Wren sa akin.
Akala ko ay wala s'yang kasama. Mag-half day na lang sana ako para masamahan s'ya.
"Buti naman, aagahan ko uwi mamaya," sabi ko kay Wren.
Nakita ko si Lucas na paparating sa pwesto ko.
"Take your time," sagot ni Wren sa akin.
"Hindi pa rin kayo tapos mag-usap, lagi na nga kayo nagkikita," ismid ni Lucas.
Mahina kong hinampas sa braso si Lucas para awatin.
"Si Lucas?" tanong ni Wren sa akin.
"Oo, mayroon silang project malapit sa office kaya nagpapasamang kumain ngayong lunch," paliwanag ko kay Wren. "Okay lang naman sa 'yo, right?" tanong ko kay Wren.
"Yes," mabilis na sagot ni Wren.
Nakita kong sasabat na naman si Lucas kaya tinakpan ko na ang bibig n'ya.
"Sige na, baka maubos na lunch time ko, mamaya na lang tayo magkita," paalam ko kay Wren.
"Sige, I love you," paalam ni Wren sa akin.
Napangiti naman ako. "Okay, I love you," sagot ko bago ko patayin ang phone call.
"Yuck!" bitter na sabi ni Lucas.
"Jollibee?" tanong ko kay Lucas.
"Yup," nakangiti n'yang sabi sa akin.
Actually, mas gusto ko ito kaysa sa baon ko.
"Ang yabang mo kanina na dikit kayo nila Villar, tapos Jollibee mo lang ako nilibre?" kunwari ay reklamo mo kay Lucas.
Naglakad kami papunta sa bench dito para doon na lang kumain.
"Kung sumama ka sa akin sana ng fine restuarant tayo kumain," depensa n'ya.
"Joke lang naman, mas better ito kaysa sa luto ko," sagot ko kay Lucas.
"Sa wakas, matitikman ko rin ang luto mo, pura si Wren na lang ang nilulutuan mo," reklamo pa n'ya.
Umupo kami sa bench, at kitang-kita namin ang dumadaan na kotse.
Si Lucas paangat na ng paangat, tinupad n'ya na ang pangarap n'yang Civil engineer.
"Ano pakiramdam na gagawa ka na ng daan ngayon?" tanong ko kay Lucas habang kumakain kami.
Tinignan ko si Lucas. Dati nangangarap lang s'ya na someday makakagawa s'ya ng highway, bridge at kung ano-ano pang daan, pero ngayon sinisimulan n'ya na.
"Masaya na mahirap, pero pag iniisip ko ang final output, pag nakikita ko na ang resulta ng lahat, mawawala ang lahat ng pagod mo sa na accomplished mo," masaya n'yang paliwanag sa akin.
"Masaya ako para sa 'yo," sabi ko kay Lucas.
Sana talaga, alagaan s'ya ng babaeng mamahalin n'ya. Kung hindi si Wren ang mahal ko ay mas pipiliin ko si Lucas.
"Masaya akong masaya ka para sa akin," sagot ni Lucas sa akin.
Nagpatuloy kami sa pagkain ni Lucas.
"Galingan mo pa lalo," sabi ko kay Lucas.
"No need to say that, I will do better and better in every projects," sagot ni Lucas.
Ngumiti ako sa kan'ya. Palayo na s'ya ng palayo, pero nakakasama ko pa rin ang kaibigan ko.
Nagpatuloy lang kami sa pagkain hanggang sa matapos kami.
"I need to go back," paalam ni Lucas sa akin.
Ako naman ay pumasok na rin sa office ko. Gusto ko ng umuwi para makira si Wren.
Nag-focus ako sa trabaho ko para hindi ko mamalayaan ang oras hanggang sa uwian na.
Ganoon lang talaga, minsan wag mong pansin tapos magugulat ka na lang.
Paglabas ko sa building ay pumara agad ako ng taxi para papunta sa bahay ni Wren.
Nadaanan ko kung saan nangyari kay Wren, pero ayokong tumingin dahil naalala ko lang iyon.
Pagdating ko sa tapat ng bahay ni Wren ay mayroon akong naamoy na niluluto.
Binuksan ko ang pinto, hindi naman naka-lock kaya nakapasok ako sa loob. Halatang si Wren ang nagluluto.
Binaba ko muna sa sofa ang gamit ko. Napa-cross arm ako ng makita kong nagluluto nga si Wren.
"Tama nga talaga, mas matigas ang ulo ng matanda kaysa sa bata," seryoso kong sabi.
Napatingin si Wren sa akin na nakasuot pa ng apron.
Ngumiti s'ya ng makita ako. "You're here," bati n'ya sa akin.
Agad na lumapit si Wren sa akin at hinalikan ako sa labi.
"I miss your lips," nakangiting sabi n'ya sa akin.
"Wag mo ako nginingitian, kakalabas mo pa lang ng hospital kung anu-ano na ang ginagawa mo," sita ko sa kan'ya.
Kinuha ko ang hawak n'yang sandok para ako na ang magtuloy ng niluluto n'ya.
"Ayos na nga ako, malakas na ako, kaya ko na nga magtrabaho bukas," sagot n'ya sa akin.
"Wren naman."
Bigla n'ya akong niyakap. "Okay-okay, kung gusto mong magpahinga muna ako ng isang buwan iyon ang gagawin ko," sagot n'ya sa akin.
"Buti naman," sabi ko sa kan'ya.
Napaatras ako ng halikan n'ya ako sa leeg ko.
"Alam mo naman mayroon akong kiliti dyan," nakangiti kong sabi kay Wren.
Nilapitan ako ni Wren at niyakap kaya ngayon ay wala na akong kawala sa kan'ya.
Tinignan n'ya ang mata ko, kaya bumilis ang t***k ng puso ko ng matama ang tingin namin.
"I love you, Wren," nakangiti kong sabi kay Wren.
Ngumiti s'ya sa akin. "I love you, Ara," sagot n'ya sa akin.
Hinalikan n'ya ako sa labi ko na agad naman akong tumugon. Na-miss ko rin Wren. Simula apat na buwan ay ngayon na lang ulit namin nagawa ang ganito.
Bumaba ang halik ni Wren sa leeg ko. Nakikiliti ako, pero ayoko s'yang paalisin sa ginagawa n'ya.
Sinabi ko naman na sa sarili ko, na I am ready with Wren.
Napapaatras ako dahil sa pwersa ni Wren, pero nakaamoy ako ng sunog.
Tinapik ko ang likod ni Wren para patigilan s'ya.
"'Yung niluluto mo," sabi kay Wren.
Napatigil kaming dalawa, agad akong tumakbo sa nilulutong kaldereta ni Wren.
"Nasunog," naka-pout kong sabi kay Wren.
Pinakita ko sa kan'ya 'yung ilalim na nagkulat black na, pero okay naman 'yung ibabaw.
"Landi kasi natin," natatawa kong sabi.
"P'wede na iyan," sagot ni Wren sa akin.
"No choice naman na tayo kung hindi ito eh," sagot ko kay Wren.
Pinagtyagaan na lang namin ni Wren 'yung ulam.