Arabella's point of view
PUMASOK ako sa bahay ni Wren. Kinausap ko si Mama dahil ilang araw akong hindi nakatawag sa kanila.
Okay naman sila kaya hindi ako nag-aalala. Pagpasok ko sa loob ay naabutan ko si Wren na s'ya ang gumagawa ng hugasin.
Ano ba naman ang lalaking ito? Dapat nagpapahinga na s'ya.
"Ako na d'yan," sabi ko kay Wren.
"Patapos na ako," sagot n'ya sa akin.
Last plate na lang ang hinuhugasan n'ya kaya seryoso kong tinignan si Wren. Itong lalaking ito ay nginitian n'ya langa ako.
"Akala mo ba madadaan mo ako sa ngiti mo?" seryoso kong puna sa kan'ya.
Nagpupunas s'ya ng kamay bago ako lapitan.
"Asawa na ba kita?" natatawa n'yang tanong sa akin.
"Bakit nag-propose ka na ba?" ganti ko sa kan'ya.
"So ready ka na?" tanong n'ya sa akin.
Oh my God! Baka lumuhod na si Wren ngayon? Bumilis ang t***k ng puso ko.
Tinignan ko ang paligid baka nandito sila Warren, at supresahin ako.
"Lagi naman akong ready sa 'yo," nakangiti kong sagot sa kan'ya.
Bigla s'yang ngumiti sa sagot ko. "Dapat pala bumili na ako ng singsing," natatawa n'yang sagot sa akin.
Sus, akala ko pa naman mayroon na s'yang dala.
Dito na lang ako matutulog. Malapit lang naman ito sa office kaya hindi ganoon kalayo ang lalakbayin ko bukas.
Pumasok ako sa loob ng kwarto ni Wren. Hindi naman ako natutulog sa bahay ni Wren dahil hinahatid n'ya rin ako pauwi sa bahay ko, pero ayokong mag-isa ngayon eh.
"Hindi ka uuwi?" takang tanong ni Wren sa akin.
Inalis ko ang sapatos ko, at umupo ako sa kama. Tinignan ko si Wren na nakatayo sa pintuan habang takang nakatingin sa akin.
Umiling ako kay Wren. Siguro ay naninibago s'ya, or ayaw n'ya lang akong katabi.
"Ayoko kasing maiwan ka mag-isa dito," sagot ko kay Wren.
Tinuro n'ya 'yung kama n'ya na matagal n'ya ng hindi nahihigaan.
"We're gonna sleep in one bed?" tanong pa ulit ni Wren sa akin.
Kumuha ako ng isang unan. Ayaw n'ya ba akong katabi? Tumayo ako para sa sala na lang ako matulog.
Baka hindi lang s'ya komportable dahil hindi naman namin gawain iyon.
"Okay, sa sofa na lang ako matutulog kung ayaw mo akong katabi," sagot ko kay Wren.
Lalabas na dapat ako ng hinarang ni Wren ang kamay n'ya sa dadaanan ko.
Tinulak n'ya ako ng mahina papasok sa loob, at tinignan ko ang isa n'yang kamay na sinarado ang pinto ng kwarto n'ya.
"Ayaw nga kitang mawala sa tabi ko," bulong n'ya sa akin.
Napangiti naman ako dahil sa kilig. Ang babaw, pero pag ang taong mahal mo ang nagsasabi kahit words na sipon baka kiligin ka na.
Hinawakan ni Wren ang kamay ko at hinila ako papunta sa kama n'ya. Sapat naman na ang edad namin kaya tingin ko ay wala naman ng problema kung magtabi kami sa pagtulog.
Humiga ako sa tabi ni Wren at niyakap s'ya. Tinignan ko ang mukha ni Wren na sobrang lapit sa akin.
Kitang-kita ko ang konting pagpayat n'ya, lalong tumaas ang nose bridge n'ya.
"Kainis 'yung nose bridge mo, mas mataas pa kaysa sa akin," nakanguso kong reklamo.
Ngumiti naman ang labi n'ya dahil sa sinabi ko. Tinignan n'ya ako sa mata ko.
Kinakabahan ako, pero ayokong umalis sa tabi n'ya. Sobrang komportable na ako kay Wren.
"Sa anak na lang natin ibibigay ang nose bridge ko," bulong n'ya sa akin.
Napangiti naman ako lalo. Landi ko, pero kinikilig talaga ako kay Wren. Ang tagal naming hindi naging ganito, at sobrang na-miss ko iyon.
Tinignan ko sa mata si Wren. Hinawakan ko ang pisnge n'ya at inayos ang buhok nito na medyo mahaba na.
"Ayos na ba talaga ang pakiramdam mo?" nag-aalala kong tanong kay Wren.
"Wala na akong ibang nararamdam kung hindi ang pagmamahal sa 'yo," cheesy n'yang banat.
"Wag ka ngang gan'yan," natatawa kong sabi kay Wren.
Bigla n'yang nilapit ang mukha n'ya sa akin kaya nawala ang ngiti ko.
"Thank you for taking care of me," sabi ni Wren sa akin.
"Ikaw lang naman ang aalagaan ko," seryoso kong sagot kay Wren.
Napalunok ako ng inayos n'ya ang buhok ko at sinabit iyon sa ilalim ng tenga ko.
"Wag mo naman masyadong ako ang iniisip mo," sabi ni Wren sa akin.
Hinihintay ko na halikan ako ni Wren, pero nanatili lang s'ya sa pwesto n'ya sa harapan ko at pinagmamasdan ako.
"Sino iisipin ko? Ikaw lang naman ang taong mahal ko," nakangiti kong sabi kay Wren.
Isang mabilis na halik sa labi n'ya ang ginawa ko. Nakita ako ang korte sa labi n'ya kaya napangiti rin ako.
"Paano kung malayo ako sa 'yo?" tanong ni Wren sa akin.
"Saan ka naman pupunta?" tanong ko kay Wren.
Tinakpan ko ang bibig ni Wren. Ngayon na lang kami nagkaroon ng ganitong pagkakataon, pero mukhang drama pa ang pag-uusapan namin.
"Sasama ako," sagot ko kay Wren.
Tinanggal ko ang pagkalahawak sa labi n'ya at hinalikan ko s'ya. Hindi naman ako binigo ni Wren dahil agad s'yang gumanti sa akin.
Halata sa bawat halik na binibitawan n'ya ay ang pagka-miss namin sa isa't isa.
Hinawakan ni Wren ang kamay ko, at kinulong n'ya sa mga palad n'ya. Bumababa ang halik n'ya sa pinge ko, pero bigla kong naramdaman ang pag vibrate ng phone.
"Wait lang, Wren," awat ko kay Wren.
Tumayo ako at umupo sa kama, pero si Wren ay niyakap ako mula sa likuran ko.
Tinignan ko ang phone ko. Natigilan ako ng tumatawag si Lucas.
Tinignan ko si Wren, at pinakita sa kan'ya 'yung phone ko. Tumango lang si Wren sa akin na parang pinapayagan n'ya akong sagutin ang phone call ni Lucas.
"Anak ng tinapa! Tagal mong sagutin! 'Yung mainit ko balita nagyeyelo na, nasaan ka ba? Gabi na po, kababae mong tao sobrang gabi mo umuwi! Susunduin kita, nasaan ka ba?" sunod-sunod na sabi ni Lucas sa akin.
"Kalalaki mong tao ang ingay mo!" singhal ko sa kan'ya.
Akala mo naman nanay ko kung manigaw.
"Tsk! Nasaan ka ba?" tanong n'ya sa akin.
"Nasa bahay ako ni Wren, kaya umuwi ka na," sagot ko kay Lucas.
Narinig ko ang pagbuntong hininga s'ya kabilang linya.
"Kanina pa ako naghihintay dito, hindi ka pala darating," seryoso n'yang bulong.
"Sige na umuwi ka na," sabi ko kay Lucas.
"Ano pa gagawin ko dito? Kung hindi umuwi," inis n'yang sagot sa akin.
Pinatay n'ya ang phone call kaya napatingin ako kay Wren.
"Bakit hinahayaan mo na ganoonin ka ni Lucas?" seryosong tanong ni Wren sa akin.
"Ganoon naman talaga ugali ni Lucas simula una pa lang, mahilig lang magtampo iyon, pero hindi naman nagdadamdam," paliwanag ko kay Wren.
Bigla kong naalala si Lucas.
"Grabe na si Lucas ngayon, humahawak na s'ya ng highway," masaya kong kwento kay Wren.
"Good for him," walang ganang sabi ni Wren sa akin.
Lumuwag ang pagkakayakap ni Wren sa akin. Napatingin ako sa kan'ya ng humiga ito sa kama n'ya.
"Okay naman kayo dati, hindi ba?" tanong ko kay Wren.
Tinignan ako ni Wren. "Hindi kami okay, nagiging okay lang kami dahil sa 'yo, pero noong nalaman n'ya na naging tayo, doon sumama ugali n'ya," paliwanag ni Wren sa akin.
"Hindi masama ang ugali ni Lucas, straight forward lang talaga s'ya magsalita," depensa ko kay Wren.
Tumabi ako kay Wren dahil halata sa mukha n'ya na nagseselos ito.
Tinignan ko mukha n'ya, at ngumiti ako.
"You captured my heart," nakangiti kong sabi kay Wren.
Seryoso akong tinignan ni Wren. "Mayroon ka bang dahilan para piliin si Lucas?" seryoso n'yang tanong sa akin.
Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Wren sa akin.
"Mahal kita, kaya ikaw lang ang pipiliin ko, mahal ko si Lucas bilang kaibigan, pero ayokong papipiliin mo sa inyong dalawa," paliwanag ko kay Wren.
"Hindi mo kayang pumili sa amin dalawa," sabi ni Wren sa akin.
"Bakit ba kailangan kong pumili? Pareho kayong mahalaga sa akin, kaya bakit ako pipili?" naguguluhan kong tanong kay Wren.
"Look at Lucas, he was definitely better than me, alam ng lahat na gusto ka n'ya, he will give you assurance that he will give you a better future than I could," paliwanag ni Wren.
"Uuwi na ako," seryoso kong sabi kay Wren.
"Ara," tawag ni Wren sa akin.
Sinuot ko ang sapatos, pero hindi ko natuloy makatayo ng yakapin ako ni Wren mula sa likuran ko.
"Mukha ba akong materialistic? Wala naman akong hinihingi sa 'yo, lahat ng gusto ko, lahat ng bagay na gusto ko, gusto ko ako ang kukuha," seryoso kong paliwanag kay Wren.
Hindi ko s'ya maintindihan.
"I just want to express my thoughts," mahinahon n'yang sabi.
"Wala akong pakialam sa kayang gawin ni Lucas, wala akong pakialam kung tulay pa sa Europe o sa America ang ginagawa n'ya, ikaw 'yung mahal ko," sagot ko pa kay Wren.
"Okay, I'm sorry, I didn't mean anything," sabi ni Wren sa akin.
Hinigpitan n'ya ang pagkakayakap sa akin. Ako naman ay biglang nawala ang inis ko dahil sa pagkakayakap n'ya.
"Iba-iba kayo ng kakayahan, hindi nga sanay kumuha ng litrato ang lokong iyon, pero ikaw nagkakaroon pa ng award," pag-aangat ko kay Wren.
"Natatakot lang ako na baka..." hindi n'ya natuloy ang sasabihin n'ya kaya tinignan ko si Wren.
"Gagawin ko ba sa iyo iyon? Wala ka bang tiwala sa akin?" tanong ko kay Wren.
"Mayroon akong tiwala sa 'yo, kay Lucas wala," sagot n'ya sa akin.
"Mayroon akong tiwala kay Lucas, he respected my decision, don't worry," sagot ko kay Wren.
Kilala ko si Lucas. Kung mayroon mang masamang gagawin si Lucas, or kung hindi man s'ya makakapagkatiwalaan ay ako ang unang nakakaramdam noon.
"Okay, sabi mo," sabi ni Wren sa akin.
Pumikit na s'ya kaya niyakap ko na lang si Wren. Tabi kaming natulog na dalawa.
Kinabukasan ay nag-aayos na ako para umuwi sa bahay ko. Maaga pa naman. Nagluto ako ng breakfast namin ni Wren, dito na ako kumain para mayroong kasabay si Wren.
"Tawagan mo ako kung mayroong nangyari, okay?" bilin ko kay Wren.
"Malakas na ako, masyado ka naman nag-aalala sa akin. Ikaw ang mag-ingat sa daan," sagot ni Wren sa akin.
Ayokong bitawan si Wren, pero kailangan ko ng umalis.
"Need mo pa rin inumin 'yung gamot mo," paalala ko kay Wren habang naglalakad kami papunta sa labas ng bahay.
"I know, don't worry," sagot ni Wren.
Isang mabilis na halik sa labi ang binigay ko kay Wren bago ako tuluyang umalis.
"Bye, kita na lang tayo mamaya," paalam kay Wren.
Kumaway lang si Wren sa akin.
Pumara ako ng taxi doon sumakay para umuwi sa bahay. Wala akong dalang gamit sa bahay ni Wren kaya hindi need kong bumalim ng bahay ko.
Malapit lang naman iyon, saka maaga pa. Hindi naman aabutin ng kalahating oras ang layo ng bahay ni Wren sa bahay ko.
Kinuha ko ang phone ko para i-text si Wren na sa ibabaw ng ref 'yung gamot n'ya.
Mayroon pang kailangan ubusin na gamot si Wren. Last naman na iyon.
"Alam ko po, Ma'am," replied ni Wren sa akin.
Napangiti naman ako sa kan'ya. Medyo madilim-dilim pa ang paligid dahil alas singko pa lang.
Binalik ko na sa bag ko ang phone ko. Tumingin ako sa labas para pagmasdan iyon hanggang sa nakarating ako sa bahay ko.
Nanlaki ang mata ko na ginagawa pala ang daan sa dadaanan ko. Nagmadali akong pumasok sa loob ng bahay ko para maligo at mag-ayos ng sarili.
Isang mabilisang ligo lang ang maligo. Naalala ko kasi si Lucas kaya naalala ko na traffic ang dadaanan ko ngayon papunta sa office.
Humarap ako sa salamin. Naglagay lang ako ng lip stick and konting powder sa mukha ko.
Kinuha ko na ang gamit saka wallet ko. Tinignan ko ang buong paligid kung maayos ba ang lahat, or wala ba akong nakalimutan na isara.
Bilin ni Wren sa akin ito, bago umalis lahat dapat i-check ko.
Nagmamadali akong lumabas ng bahay ng ma-check na lahat.
"Mayroon pa pa lang tao d'yan?"
Napatingin ako sa likuran ko ng marinig ko iyon. Napangiti ako ng makita ko si Lucas na mukhang papasok na sa trabaho n'ya.
"Lucas!"