Arabella's point of view
"LUCAS," tawag ko sa pangalan ni Lucas.
Lumabas si Lucas sa loob ng kotse n'ya habang inaayos ang necktie nito. Naglakad ako palapit kay Lucas dahil mukhang makakatipid ako ng pamasahe dahil sasabay ako sa kan'ya.
"Umuuwi ka pa pala d'yan," sarcastic n'yang sabi sa akin.
"Sinamahan ko lang si Wren," sagot ko kay Lucas.
"Psss, bata ba si Wren at kailangan mo pang samahan?" tanong n'ya sa akin.
"Boyfriend ko si Wren kaya wala naman problema doon," sagot ko kay Lucas. Tinignan ko si Lucas na mukhang hindi maganda ang gising. "Para kang nanay ko kung makapagsalita," dagdag ko pa sa kan'ya.
Sinamaan ako ng tingin ni Lucas. "Bakit mag-asawa na ba kayo para matulog ka sa bahay n'ya?" tanong ni Lucas sa akin.
Nilapitan ko s'ya para patahimikin. Baka marinig s'ya ng mga kapitbahay ko dahil sa lakas ng boses n'ya.
"Boyfriend ko si Wren, ano bang problema mo?" naiirita ko na ring tanong kay Lucas.
"Tapos mababalitaan ko na lang na buntis ka," maasim n'yang puna sa akin.
"Walang nangyari sa amin," inis kong sabi kay Lucas. "Okay lang naman sa akin iyon, mahal naman namin ang isa't isa," sagot ko kay Lucas.
"Okay," walang emotion n'yang sagot sa akin. "Sumakay ka na, sabay na lang tayo pumunta sa trabaho," seryoso n'yang aya sa akin.
"Wag na, salamat na lang sa offer mo," wala sa mood kong pagtanggi sa kan'ya.
Tumalikod ako kay Lucas. Akala ko pa naman makakatipid ako, pero hindi pala.
Lagi na lang s'yang gan'yan. Bakit hindi na lang s'yq maging masaya sa amin ni Wren? Ayokong iwasan si Lucas, pero kung lagi na lang kaming magkakapikunan, baka tama si Wren na iwasan ko na lang s'ya.
"Bella!" tawag ni Lucas sa akin.
Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa sakayan, at parang walang naririnig.
Napatingin ako sa kamay ko ng mayroon na lang humila doon.
"Sumakay ka na," seryoso n'yang sabi.
Binuksan n'ya ang passenger seat, at pinapasakay ako doon.
"Sasakay ka o sasakay ka?" seryoso n'yang tanong sa akin.
Sumakay na ako dahil pinipilit n'ya ako, and para makatipid na rin ako sa pamasahe, and less husle na rin.
Sumakay na si Lucas sa driver seat, pero ang tingin ko ay sa labas. Hindi ko s'ya papansinin ngayon, bahala s'ya sa buhay n'ya.
Hindi nagsasalita si Lucas kaya mukhang nagpapataasan lang kami ng pride ngayon. Ano sa tingin n'ya? Papatalo ko? Bahala s'ya sa buhay n'ya.
Okay friendship over na kung ganoon lang din naman. Porket tumataas lang posisyon n'ya, nagka kotse na s'ya papagalitan n'ya na lang ako ng ganoon na parang sumama ako sa ibang lalaki na wala akong relasyon.
Tunog lang ng makina ang naririnig namin sa loob ng kotse n'ya. Maski tingin ay hindi ko binibigay kay Lucas.
"Kasalanan ko na naman," reklamo n'yang bulong.
Sino ba talaga ang may kasalanan? S'ya naman talaga. Malamang na ako, eh s'ya 'yung basta-basta nagagalit.
"Okay, pasyensya na, nakakapikon lang kasi na bakit kailangan mo pang matulog doon," hindi n'ya maunawaan na sabi sa akin.
I seriously looked at him. "He's my boyfriend, there's anything bad to slept with him?" I asked to Lucas, confusedly.
"I don't get it, I'm your friend, but I can't sleep with your house," sagot n'ya.
"There's a big difference between you and Wren, we're about to getting married not now, but soon, we're allow to sleep together in one bed, and I didn't get it also, why you over react about that?!" I lengthy explained to him in clueless way.
"So, wala lang talaga akong laban kay Wren?" tanong ni Lucas sa akin.
Tinignan ko si Lucas na seryosong nakatingin sa daan.
"Lol, Why am I asked a question that is too obvious the answer. Stupid, Lucas," natatawa n'yang sabi, but I know his giggling was fake.
He was being sarcastic in this very moment.
Huminto si Lucas sa tapat ng building ng trabaho ko.
"Mukhang hindi naman tayo nagkakaintindihan, mas okay na wag na lang tayong magkita muna," seryoso kong sabi kay Lucas.
Bumaba ako sa kotse n'ya. "Salamat sa paghatid," seryoso ko pang paalam.
Naglakad na ako paalis para pumasok sa loob ng office ko.
Masyado ng nagiging toxic ang problema ito, mas okay na wag na muna kaming magkita ni Lucas dahil baka kung ano lang masabi namin sa isa't isa.
I'm in the office, and I should be focus on my works not the outside matters.
Wren's point of view
PAGKAALIS ni Ara ay agad akong tumakbo papunta sa loob ng bathroom para maligo. Isang mabilisang ligo lang ang ginawa ko.
Hindi ako sanay ng walang ginagawa kaya maglilibot muna ako para kumuha ng mga litrato sa paligid.
Hindi naman ito trabaho, I just want to get myself out of boredom dito sa bahay.
I liked the way Ara treated me, but pag wala naman s'ya okay lang na lumusot ako. Pagkatapos kong naligo ay isang black sweater, pants and pair walking shoe ang suot ko.
Uminom muna ako ng gamot bago ko ayusin ang camera na gagamitin ko. Pagkaayos ng lahat ay lumabas na ako.
Tinignan ko maliwanag na paligid. Asul ang kalangitan, habang hindi pa nakakapaso ang init ng araw. Maganda ang panahon kaya nagsimula na akong malakad.
Mamaya pa ang uwi ni Ara kaya hindi n'ya malalaman na lalabas ako.
Pumara ako ng taxi para pumunta malapit work place ni Ara, pero hindi sa exactly location ni Ara.
Binuksan ko ang bintana ng taxi para makakuha ng mga litrato. Sobrang miss ko ng humawak ng camera.
Nagagamit ko ito sa loob ng hospital, pero dahil sa tagal ko doon ay wala na akong makuha na iba.
Maganda ang sunrise and sunset sa rooftop ng building, pero masyado na akong maraming kuha.
Ilang minuto lang ay napatingin ako sa harapan dahil biglang huminto ang taxi.
"Abala talaga ang pag gawa ng kasalda dito," rinig kong reklamo ni Manong.
Sumilip ako sa bintana para tignan ang mahabang traffic. Kinuha ko na ang wallet ko para bayaran si Manong.
Mukhang matatagalan lang ako kung hihintayin ko pang umusad itong traffic.
Habang naglalakad ako ay tinitignan ko ang binubutas na kalsada ng isang heavy equipment.
Masyadong maingay ang tunog, pero agad kong tinutok ang camera ko doon para kuhanan ng litrato.
You don't need a beautiful background just to get a perfect shot, I need to capture the things tell a story.
Tinignan ko ang kuha ko at napangiti ako. Pumunta naman ako sa kabilang side para kuhanan ang mga drivers na bagot na sa traffic.
Two side of story, ang mga construction workers ay nagkaroon ng trabaho dahil sa pag gawa ng kalsada, and ang pag-ubos ng oras ng driver para sa paghihintay sa traffic.
Nagsimula akong malakad-lakad ulit sa ginagawang daan.
"Kuya, p'wede po ba akong kumuha ng litrato?" tanong ko sa isang construction worker.
Tumango sa akin si Kuya kaya ngumiti ako sa kan'ya.
Pag nakita ni Ara ito ay sigurado akong gagawan n'ya ng isang story ang bawat kuha ko.
Hindi man totoo, pero pag si Ara ang nagsusulat mararamdaman mo 'yung reality sa bawat sulat n'ya. No wonder, why she was in Arme building now.
Pumwesto na ako para kumuha ulit ng shot, pero biglang mayroong humarang sa harapan ko.
Pagtingin ko kung sino ay isang nakasimangot na lalaki. Semi-formal long sleeve, black paired pants and he wore yellow hard hat, construction vest at sa kanang kamay n'ya he was holding safety glasses.
"Kung gusto mong magtrabaho, wag kang mang-abala ng ibang trabaho," puna ni Lucas sa akin.
Bigla kong naalala ang sinabi ni Ara. Tinignan ko ang paligid, at mukhang ito 'yung part na si Lucas ang may hawak.
"Nagpaalam naman ako," seryoso kong sagot kay Lucas.
Ngumisi lang s'ya sa akin. "You're civilian, too risky for person like you this kind of place, you don't even wear personal protective equipment," iritado n'yang puna sa akin.
"Why should I wear PPE, I am not workers here," seryoso kong sagot sa akin.
"You're not worker here, right? So Why are you here? What are you doing here? You're not belong here, abala ka lang."
Hindi naman ako pupunta dito kung alam kong s'ya ang may hawak dito.
"This is public place, anyone can go here," seryoso kong sagot kay Lucas.
Malayo naman ako sa binubutas nilang daan pa, pero mayroon ng road cone ang p'westo ko.
"Masyado bang malakas ang pagkakauntog sa ulo mo, and you don't get it what I trying to point out? This place is too dangerous, stupid!" insulto n'ya sa akin.
Hindi ko s'ya pinansin, and I'm about to take a shot ng biglang kinuha ni Lucas ang camera ko.
"Ihahampas ko sa 'yo itong camera mo, kung hindi ka aalis," kalmado n'yang banta sa akin. "Kung hindi lang magagalit si Bella."
Ako naman ang napangisi sa kan'ya. Walang halong kaba kong kinuha ang camera ko kay Lucas. He can't beat me, his employees are watching him.
"Ano pakiramdam na nakasama kong matulog si Ara?" pang-iinis ko kay Lucas.
Bigla n'ya akong sinamaan ng tingin dahil sa sinabi ko. Mas na-satisfied ako sa mukha n'ya ngayon na pinipigilan n'ya ang galit n'ya.
"You can't do that with Ara, right? Because she's my girl, not yours," pang-iinis ko pa kay Lucas.
I don't know his reason, why he didn't court Ara, pero pabor sa akin iyon dahil sa akin napunta si Ara.
"Hindi ba kakalabas mo lang ng hospital, dumistansya ka baka ibalik kita doon," banta n'ya sa akin.
Huminga ako ng malalim. "This place was full of stories, but now I see no sense," sabi ko habang nakatingin ng diretso kay Lucas.
Hindi ako natatakot sa kan'ya.
Bigla s'yang lumapit sa inis sa akin, pero napapikit na lang ito para pakalmahin ang sarili n'ya.
"Hindi ko alam kung bakit ka pa nagising, pasalamat ka, kung hindi kay Bella naka lagay ka na sa sahig," nagpipigil n'ya banta sa akin.
Nanatili lang akong kalmado sa harapan n'ya.
"Nagising ako para pakasalan si Ara, anakan si Ara, at bumuo ng pamilya kay Ara, na hindi mo magagawa kay Ara—"
Bigla akong sinuntok ni Lucas dahilan para tumumba ako sa maalikabok na kalsada.
"Sir, awat na!"
"Hindi ka pa sigurado, tandaan mo na ako ang unang pumasok sa buhay ni Ara, bago ka," seryosong sagot ni Lucas sa akin.
Tumayo ako. Ramdam ko ang sakit ng pagsuntok n'ya sa mukha ko.
"Sino ba pinili ni Ara? Ikaw ba? Ako hindi ba?" pang-iinis ko kay Lucas.
Inaawat s'ya ng isa n'yang tauhan, pero mabilis ko rin itong sinuntok sa mukha para bawi na rin ako.
Magpapasa itong ginagawa n'ya, at alam kong hindi ako tatantanan ni Ara pag nakita n'ya itong pasa.
Tinignan ko si Lucas na lulusob sa akin, pero mayroon ng umaawat sa amin.
"Very unprofessional," sabi ko.
Pinagpagan ko ang suot ko, at pansin kong nagkaroon ng gasgas ang hawak kong camera sa pagkakabagsak ko sa kalsada. Marami na rin ang tumingin sa amin na tao.
"Sir, umalis na lang po kayo," sabi ng isang worker sa akin.
Hindi na ako nagsalita, pero inawan ko ng isang matalim na tingin si Lucas bago ako maglakad paalis sa lugar na iyon.
Napabuntong hininga ako ng makita ko ang gasgas sa lens ng camera ko. Ilang taon kong iniingatan ito, pero ganoon lang ang mangyayari.
Lucas was obsessed with Ara, the reason why I want Ara to stay away to her friend Lucas, pero dahil kaibigan ni Ara si Lucas ay hindi n'ya magawang lumayo sa kumag na iyon.
Nawala na ako sa mood kumuha ng litrato kaya pumara ako ng taxi para umuwi na. Ngayon pa lang ako makaka-explore, pero laging sapaw si Lucas sa amin.
Last night, there has something to happen with Ara and me, but Lucas was suddenly appeared. Napikon ako dahil sa nangyari na pagtawag ni Lucas, pero lagi naman silang nagkakausap ni Ara kaya anong magagawa ko.
I am Ara's boyfriend, pero masasabi ko na mahalaga rin talaga si Lucas sa part ni Ara.