CHAPTER 13

1996 Words
Arabella's point of view "ARA!" Nilingon ko ang tumawag sa akin. "Kim," bati ko kay Kim ng makita ko s'ya. Pauwi na ako ng office, and naghihintay lang ako ng masasakyan. "Busy ka? Milktea tayo," aya ni Kim sa akin. Tinignan ko ang oras sa phone ko. Magsi-six na ng gabi. "Sige," sagot ko kay Kim. Sumigla ang mukha n'ya. Napagod din ako sa trabaho ko kaya p'wede na muna akong mag-relax muna. Pumunta kami ni Kim sa pinakamalapit na milktea shop. Nadaanan namin ang ginagawang daan nila Lucas. Gabi na, pero hindi pa rin sila tumitigil. Hindi naman kami p'wedeng sumakay dahil traffic ang dadaanan namin. Hindi ko kinakausap si Lucas kahit na tawag s'ya ng tawag sa akin kanina, pumunta pa nga kaninang lunch, pero hindi ko nilabas. Bawal naman s'yang pumasok sa loob ng building. Napansin ko si Lucas na nakatingin sa mga taong gumagawa, mayroon s'yang kausap na mayroong hawak na blueprint at may kung anu-ano pang tinuturo. "Gwapo ng Engineer nila," kinikilig na bulong ni Kim sa akin. Nasa kabilang side kami ng highway kaya mukhang hindi ako napansin ni Lucas, busy rin kasi s'ya. Sa itsura n'ya, sobrang seryoso at mukhang leader na leader ang dating n'ya. "Wag mo ng tignan, mayroon ka ng photographer, akin na lang 'yung Engineer," biro pa ni Kim sa akin. Pumasok kami sa loob ng milktea shop. "Gusto mo pakilala kita doon?" tanong ko kay Kim. Magkatapat kami ni Kim. Napataas ang dalawa n'yang kilay sa tanong ko. "Kilala mo iyon?" gulat n'yang tanong sa akin. Kinuha ko ang milktea na binili namin, at tumango ako sa kan'ya. "Bestfriend ko," sagot ko kay Kim. "Sige-sige, pakilala mo na ako," excited na sabi n'ya sa akin. "Okay," replied ko kay Kim. Hindi sanay manligaw si Lucas kaya ako na lang ang maghahanap sa kan'ya. Mukhang playboy lang ang loko, pero hindi talaga sanay manligaw. Legit na lapitin talaga ng babae si Lucas dahil sa itsura n'ya, idagdag pa 'yung trabaho n'ya. "Maiba nga lang, kumusta na si Wren?" tanong ni Kim sa akin. "Okay na si Wren, parang normal na ang lahat, pero syempre hindi muna namin pinapayagaan magtrabaho, sabi ko kahit one month na pahinga muna s'ya," paliwanag ko kay Kim. "Buti talaga at gumaling si Wren," saad ni Kim. "Masaya ako para sa inyong dalawa, baka ito na ang sign para magpakasal kayong dalawa," biro ni Kim sa akin. "Hindi naman kami nagmamadali pa ni Wren," natatawa kong sagot kay Kim. Ang importante muna ngayon ay tuluyan ng gumaling si Wren. Sabay kami napatingin ni Kim ng makita ko ang phone kong nagbukas ang screen. "Pinag-uusapan lang natin," nakangiti kong sabi kay Kim. Kinuha ko ang phone ko kung saan nagri-ring dahil tumatawag si Wren. "Hello, Wren," bati ko kay Wren ng pagkasagot ko. "Grabe naman, ngayon ko pa nga lang maso-solo ang kaibigan ko tumawag ka na," parinig ni Kim kay Wren sa kabilang linya. "Who's that?" tanong ni Wren sa akin. "Si Kim," sagot ko agad. "Ahh, nandito si Warren sa bahay, kaya wag mo muna akong pumtahan," sabi ni Wren sa akin. "Are you sure?" paninigurado ko. Okay lang naman sa akin na pumunta muna ako saglit sa bahay n'ya. "Yes, gabi na kaya bukas na lang tayo magkita," sagot n'ya sa akin. "Duda ako sa 'yo, pakausap kay Warren," pagdududa kong tanong kay Wren. "Nandito nga si Warren," sagot n'ya pa sa akin. "Kuya, bakit may gasgas lens ng camera mo?" sigaw sa kabilang linya. "Nahulog ko," sagot ni Wren. "Nahulog mo? Mas bibitawan mo pa nga ako kaysa sa camera mo," sabi ko kay Wren. "Masmahalaga ka pa rin kaysa sa camera ko," seryoso n'yang sabi sa akin. "I know, I'm just kidding," biro ko kay Wren. "Sige na, ingat ka sa pag-uwi, tumawag ka sa akin pag nakauwi ka na," bilin ni Wren sa akin. Tumango ako sa kan'ya. "Okay, bye. I love you," paalam ko kay Wren. "I love you." Pinatay ko na ang phone call, pero ang kaharap kong babae ay todo ang ngiti sa akin. "Sana all na lang muna ako," biro n'ya. "Mahahanap mo rin iyan," sagot ko kay Kim. Nagkwentuhan lang kami saglit, kung anu-anong chismis sa kapaligiran hanggang sa napagdesisyunan na namin umuwi. "Ingat sa pag-uwi," paalam ni Kim sa akin. "Ikaw din," sagot ko. Magkaiba kami ng way ni Kim kaya hindi kami magkakasabay. Naglakad muna ako ng konti, pero sinisilip ko ang ginagawa nila Lucas. Wala na rin 'yung mga gumagawa, siguro ay cut off na nila. Nakauwi na rin siguro si Lucas. "After this project, mayroon pang drinage na binigay sa akin, next month we're gonna talk about that project." Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Lucas na papalapit sa pwesto ko. Mayroon s'yang kausap na lalaki. Busy sila sa pag-uusap, pero napansin ko ang hawak na yosi ni Lucas. Bahala s'ya buhay naman n'ya iyan. Hindi ko na s'ya papansinin, hindi ko na s'ya papakialamanan. Diretso lang ang tingin ang lakad ko, pero napapikit ako ng humarang ang lalaking kasama ni Lucas sa dadaanan ko. Highway na kasi ang kasunod kaya hindi ako makaiwas sa kanila. Sabay silang napatigil sa pag-uusap at napatingin sa akin. Pansin ko si Lucas ay biglang tinapon 'yung yosi n'ya na wala pang kalahati na mukhang kasisindi n'ya lang. "Sorry, Miss," saad na kasama ni Lucas. Hindi ako nagsalita, pero nag-bow lang ako ng konti. Pansin ko ang tingin ni Lucas sa akin kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad ako. "Magkita na lang tayo sa office," rinig kong paalam ni Lucas sa kasama n'ya. Napapikit ako dahil alam kong pupuntahan ako ng loko. Hindi nga kami magpapansinan tapos kakausapin n'ya ako. Hindi ako assuming, pero lalapitan ako ni Lucas for sure. "Uuwi ka na? Sabay na tayo," saad ni Lucas habang hinahabol ako. Diretso ang tingin, kunwari walang naririnig sa gilid. "Bella," tawag n'ya pa sa akin. Kinalabit n'ya ako, pero lalo ko pang binilisan ang paglalakad ko. "Sorry na kanina," mahinahon n'yang paghingi ng despensa. Hindi pa rin ako tumitingin kay Lucas. Bahala s'ya sa buhay n'ya. Kung hindi n'ya babaguhin ang ugali n'ya masmaganda kung humanap na lang s'ya ng ibang kaibigan. Pumara ako ng taxi, at bubuksan ko na sana ang pinto ng biglang sinara iyon ni Lucas. "Hindi s'ya sasakay," sabi ni Lucas sa driver kaya biglang umalis. Okay, bus na lang ang sasakyan ko. "Bella, kausapin mo na ako, sorry na." No, wala akong naririnig. "Sorry na nga!" bulyaw n'ya sa akin. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat sa sigaw ng lalaking ito. Sinamaan ko s'ya ng tingin dahil ramdam ko ang kaba sa dibdib ko dahil sa gulat. "Hindi ako binge!" inis kong sabi kay Lucas. Sinipa ko s'ya dahil sa inis ko. "Ahh! Masyado kang violence!" singhal n'ya sa akin. "Sino ba naman hindi mananakit, bakit ka ba sumisigaw," inis kong puna sa kan'ya. "Ayaw mo kong pansinin," kalmado n'yang saad sa akin. "Hindi na kita papansin, hanggang hindi nagbabago ugali mo!" sagot ko sa kan'ya. Inirapan ko si Lucas bago ako maglakad ulit. "Sige na, hindi na ako mangingialam sa inyo ng boyfriend mong ugok, pero once na mayroon akong pagkakataon na kuhanin ka sa kan'ya hindi ako magdadalawang isip," paliwanag n'ya sa akin. Dahil sa sagot n'ya ay medyo kumalma na ako, parang want ko na s'yang patawarin. Hindi ako nagpahalata na lumalamig na ulo ko sa kan'ya. "Kaysa pakialaman mo kami, bakit hindi na lang ang isipin mo ang paghalo ng semento, or bilangin mo 'yung graba na kailangan n'yo," paliwanag ko kay Lucas. "Hindi ko na kayo papakialam, pero gusto mong pakialaman ang trabaho ko," mapang-asar n'yang sabi sa akin. "Hindi ko pinapakialamanan trabaho mo—" hindi ko na tuloy ang sasabihin ko ng mayroon ako napansin sa mukha ni Lucas pag harap ko sa kan'ya. Hinawakan ko ang kwelyo n'ya, at hinila palapit sa akin. "What are you trying to do?" taka n'yang tanong sa akin. "Pasa ba 'yang nasa mukha mo?" kunot-noo kong tanong kay Lucas. Bigla s'yang umayos ng tayo. "Ito? Hindi, dahil sa init iyan, masyadong maganda kasi ang kutis ko kaya nagkakaganyan," pagsisinungaling n'ya. Hindi s'ya makatingin sa akin kaya alam kong hindi totoo ang sinasabi n'ya. "Liar, mayroon bang bumu-bully sa 'yo?" tanong ko kay Lucas. Tinignan ako ni Lucas na natatawa. "Sino bu-bully sa akin? Boss ako kaya wag kang mag-alala sa akin," natatawa n'ya pang sagot sa akin. Isang nakakalokong tingin ang binigay n'ya sa akin. "Masyado ka namang nag-aalala sa akin," biro n'ya sa akin. "Hindi ako nag-aalala sa 'yo," sagot ko sa kan'ya. Tumalikod na ako para maglakad. "Nandito kotse ko," sabi n'ya sa akin. Biglang liko naman ako para puntahan ang direksyon na tinuro ni Lucas. "Dinner tayo, libre ko," aya ni Lucas sa akin. "Ayoko sa bahay na lang ako kakain," pagtanggi ko kay Lucas. "Okay, doon na lang ako kakain," sabi n'ya sa akin. "Pag nalaman ni Wren—" "Nangako ako na kahit anong gawin n'yo, hindi na ako mangingialam, pero sana ganoon din s'ya, madalas naman akong kumain sa bahay mo dati," sagot n'ya sa akin. Sumakay kami sa kotse n'ya, at umandar iyon pauwi sa bahay. Tahimik lang ako sa loob ng kotse hanggang sa makarating kami sa apartment ko. "Ano gusto mo?" tanong ko kay Lucas na nakaupo sa sofa habang na nunuod ng balita. "Ikaw ang gusto ko kaso hindi na pwede, kahit ano na lang," sagot n'ya habang hindi tumitingin sa akin. Nagluto na lang ako ng pritong manok para naman mabilis maluto. Pagkaluto ko ay tinawag ko na si Lucas para sabay kami kumain. "Wait, tatawagan ko pala muna si Wren na nasa bahay na ako," paalam ko kay Lucas. "Okay," sagot n'ya sa akin. Kinuha ko ang phone ko, at tinatawagan si Wren. Napansin ko ang paglalagay ng laman ng manok ni Lucas sa plate ko. Napakunot ang noo ko ng ayaw sagutin ni Wren ang phone n'ya. Tinignan ko ang oras na nine na pala. Baka uminom ng gamot, medyo nakakaantok daw iyon kaya baka natutulog na si Wren. Tinext ko na lang si Wren na nasa bahay na ako. "Hindi ka tutuloy sa Europe?" tanong bigla ni Lucas sa akin. Tinignan ko si Lucas sa tanong n'ya sa akin. "Hindi na," sagot ko kay Lucas. "Sayang ang opportunity, pero kung iyan ang desisyon mo, suporta na lang ako sa 'yo," paliwanag n'ya sa akin. Napangiti naman ako. Nagbabago na ba talaga ang ugali n'ya? "Kung ikaw si Wren, papayagan mo ba ako?" tanong ko kay Lucas. Tinignan ako ni Lucas. "Papayag ako," seryoso n'yang sagot. "Pangarap mo iyon, ayokong maging selfish sa 'yo, hindi lang naman ako ang buhay mo," paliwanag ni Lucas sa akin. Pinagpatuloy n'ya ang pagkain. Napaisip ako sa sinabi ni Lucas, pero ayoko naman iwanan si Wren mag-isa dito. "Kung iniisip mo si Wren, ang daming paraan, p'wede naman s'yang sumunod sa 'yo sa Paris kung gugustuhin n'ya. Ako, susundan kita kahit sa core pa ng mundo," salaysay ni Lucas. "Magkaiba naman kasi kayo ni Wren," sagot mo kay Lucas. "'Yun lang," iyon na lang ang sagot n'ya sa akin. Pag pumunta si Wren sa Paris, hindi naman sigurado ang future n'ya doon. Alam kong mahal ni Wren ang pagkuha ng mga litrato, kaya hindi ko na ipagkakait kay Wren iyon. Magandang opportunity na rin ang Arme, marami ang gustong pumasok doon at isa ako sa maswerte. "For sure na hindi mo kayang iwanan ang pagiging Engineer mo dito para sa walang kasiguraduhan sa ibang bansa," saad ko naman kay Lucas. Mahirap talagang bitawan ang isang bagay lalo na kung nasa taas ka na, tapos bigla ka ulit bababa para mag-umpisa ulit sa una. "Depende, kung sigurado naman na ako ang pipiliin mo, iiwan ko ang magandang trabaho ko dito, pero kung si Wren naman pala ang pipiliin mo." Tinignan ako ni Lucas at bumuntong hininga. "Mas okay na dito na lang ako," seryoso n'yang sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD