Arabella's point of view
"DEPENDE, kung sigurado naman na ako ang pipiliin mo, iiwan ko ang magandang trabaho ko dito, pero kung si Wren naman pala ang pipiliin mo." Tinignan ako ni Lucas at bumuntong hininga. "Mas okay na dito na lang ako," seryoso n'yang sa akin.
Akala ko hindi na kami mapupunta sa topic na ito. Tinignan ko si Lucas na nagsisimula na ulit kumain.
"Alam mo naman na si Wren—"
"Alam ko, sinabi ko lang sa 'yo para aware ka naman sa nararamdaman ko," nakangiti n'yang putol sa akin.
"Tsk! Kumain ka na nga lang d'yan, tapos umuwi ka na sa bahay mo," singhal ko kay Lucas.
"Yes, Boss," natatawa n'yang sagot sa akin.
Nagpatuloy na kami sa pagkain ni Lucas. Konting asaran, pero hindi naman ako nagpapatalo kay Lucas.
"Budol ka minsan," natatawang sabi ni Lucas sa akin.
"Anong ako ang budol? Baka ikaw ang sinasayang ang oras ko," banat ko kay Lucas habang natatawa.
Inaasar n'ya kasi ang na freeloader, pero ang totoo ay gusto n'ya ng kasama kaya inaaya ako. Alam n'ya kasi na hindi ako sasama kung hindi n'ya ako ililibre.
Tapos na kaming kumain, pero hindi pa tapos ang kwento n'ya.
"Pero alam mo mayroon akong ikwe-kwneto sa 'yo," saad n'ya sa akin habang mayroong hawak na baso sa kamay n'ya.
"Kilala mo si Jun? Nagpasama s'yang mag-apply ng trabaho sa company ko ngayon, pero ako 'yung pumasa," natatawa n'yang sabi.
"Grabe ka. Ang sama mo sa kaibigan mo," natatawa kong tugon.
"Kasalanan ko bang crush ako ng nag-i-interview," mahangin n'yang sabi sa akin.
"Sira ka talaga," natatawa kong sabi.
"Siguro naawa 'yung tauhan ng Arme sa 'yo kaya ka nakapasok doon," pang-aasar ni Lucas sa akin.
"Gago! Isang buwan kong pinaghandaan iyon," banat ko kay Lucas.
"Buti na lang at tinanggap ka nila kung hindi baka pasabugin ko iyon," biro pa ni Lucas.
"Umalis ka na, marami kang nalalaman," taboy ko kay Lucas.
Niligpit ko na ang table. "Ako na lang, umalis ka na," sabi ko kay Lucas na balak pa akong tulungan.
Nilagay ko muna sa lababo ang mga pinggan, at ihahatid ko si Lucas sa labas ng bahay ko.
"Alam mo, dinner naman tayo minsan," aya ni Lucas sa akin.
Masyado pang hyper si Lucas, at mukhang ayaw pang umuwi, pero kailangan kong maaga bukas kaya hindi ako p'wedeng magpuyat.
"Na-promote na ako, pero hindi ka man lang mag-aya na i-celebrate 'yung achievement ko," reklamo n'ya sa akin.
"Sige, next time, pag mayroon akong time," sagot ko kay Lucas.
Tinulak ko s'ya palayo, pero bigla n'ya akong niyakap kaya nagulat ako.
"Ako na naman mag-isa sa bahay," bulong n'ya sa akin.
Tinutulak ko si Lucas palayo sa akin. Ang lokong ito, kung ano na naman ang pumapasok sa isip.
"Malamang malayo pamilya mo, same lang naman tayo kaya wag kang feeling sad boy d'yan," puna ko kay Lucas.
"Oo nga pala," natatawa n'yang sabi sa akin.
Tinulak ko s'ya palayo sa akin.
"Sunduin kita bukas ng umaga, sabay na tayong pumasok ng trabaho," sabi n'ya sa akin.
"Hindi ba office ang trabaho mo? Bakit parang binabatayan mo yata 'yung mga tao mo?" taka kong tanong kay Lucas.
"Kung walang alam, wag magsalita," nakangiti n'yang sabi sa akin. "Basta, sunduin na lang kita bukas," paalam ni Lucas sa akin.
"Trabaho ko yata iyon."
Nawala ang ngiti namin ni Lucas pareho ng mayroong isang seryosong boses ang narinig namin.
Tinignan ko si Lucas na hindi tumingin sa likuran n'ya, pero ako ay napatingin doon.
"Wren!" tawag ko kay Wren.
Agad akong lumapit kay Wren para hilahin s'ya papasok sa loob ng bahay.
Seryoso s'yang nakatingin kay Lucas.
"Trabaho ka na iyon wala ka pa," sagot ni Lucas kay Wren.
Napakunot ang noo ko ng mayroon akong mapansin sa dalawa.
"Trabaho ko na... iyon..."
Takang tumingin si Wren sa akin ng tinuro ko 'yung pasa n'ya sa mukha. Tinignan ko si Lucas na same din na may pasa.
"Anong nangyari d'yan?" taka kong tanong kay Wren.
Natigilan si Wren sa tanong ko. Tinignan ko rin si Lucas na biglang umiwas ng tingin sa akin.
"Nadapa lang ako," hindi siguradong sagot ni Wren sa akin.
Tinignan ko si Lucas na hindi na makatingin sa akin.
"Don't tell me na kayo ang may gawa sa isa't isa n'yan," medyo pikon kong sabi sa kanila.
"Nope, ngayon ko nga lang nakita iyang boyfriend mo," sagot ni Lucas sa akin.
Tinignan ko naman si Wren na umiwas din ang tingin sa akin. Bumaba ang tingin n'ya sa floor na parang mayroon pang hinahanap.
"Ngayon lang kami nagkita," sagot n'ya sa akin.
Pareho ko silang tinulak palabas ng bahay ko.
"Balik na lang kayo pag sanay na kayong magsinungaling," inis kong sabi sa kanilang dalawa.
"Hey, Bella! Hindi nga si Wren ang may gawa nito!" humahabol na sabi ni Lucas sa akin.
"Ara, nadapa nga lang ako!" sigaw naman ni Wren sa akin.
"Umuwi na kayo!" sigaw ko.
Naglakad na ako papunta sa kwarto ko, at pinatay ang ilaw. Ayokong umaabot pa sila sa nagkakasakitan kaya bahala silang dalawa.
Lucas's point of view
NAPAKAMOT ako sa ulo ko ng namatay ang ilaw ng bahay ni Bella.
"Killjoy ka talaga," pikon kong sabi kay Wren.
Ang saya namin ni Bella, nagkaayos na kami, kahihingi ko pa nga lang ng sorry, manghihingi na naman ako ng sorry ulit bukas.
"Ako? P'wede bang layuan mo ang girlfriend mo," inis rin n'yang sabi sa akin.
"Lalayo lang ako kung lalayo ka rin, pero kung hindi, manigas ka," pang-aasar ko kay Wren.
Hindi ko na nga maagaw-agaw si Bella sa kan'ya kaya pipikonin ko na lang s'ya.
"Magpro-propose na ako kay Ara, gusto mo bang makita?" tanong ni Wren sa akin.
Mayroon itong tinuro sa suot n'yang pants. At nakita ko ang isang nakabakat na maliit na kahon doon.
Biglang ngumisi si Wren sa akin ng makita n'yang natigilan ako. Hindi na ako nagsalita at umalis na lang ako.
Akala ko pa naman na mapipikon ko s'ya, pero sa ilang salita lang na iyon nawala na ako sa mood.
Seryoso s'ya? Sarap n'yang sunugin ng buhay. Pasalamat s'yang isang sapak lang ginawa ko sa kan'ya, baka nasa hospital s'ya ulit ngayon.
Dahil sa badtrip ko ay umalis na lang ako. Pareho naman kaming napaalis kaya okay na rin.
Wren's point of view
PINAGMASDAN ko ang pag-alis ng sasakyan ni Lucas. Ayaw n'ya talagang tigilan si Ara.
Tumingin ako sa pinto ng bahay ni Ara. Pinihit ko ang doorknob, pero sarado.
Alam kong alam n'ya na nagsisinungaling lang kami ni Lucas sa kan'ya. Magagalit naman s'ya pag umamin kami.
Nalakad ako papunta sa likuran ng bahay n'ya kung saan mayroon pang isang pinto.
Napangiti ako ng bukas iyon. Patay na ang ilaw sa sala, pero bukas pa ang ilaw sa kwarto n'ya.
Hindi naman ako manhid para hindi makaramdam ng selos kay Ara at Lucas. Mayroong kayang gawin si Lucas na hindi ko magawa.
Kanina pa ako sa labas ng bahay ni Ara, pero hindi ko sila maistorbo dahil sa saya ng pinag-uusapan nila.
Isa pa, narinig ko rin ang pag-uusap nilang dalawa ni Lucas about sa gustong pag-alis ni Ara.
Hindi ko kayang bitawan si Ara, at hindi ko rin kayang bitawan ang pangarap ko dito.
Binuksan ko ang pinto ng kwarto ni Ara, at naabutan kong nasa loob ng bathroom si Ara na naliligo.
Umupo ako sa kama n'ya para hintayin s'yang matapos. Sa hospital pa lang ako ay iniisip ko na ito.
Ilang minutong naliligo si Ara ay lumabas s'ya ng naka-towel lang ang katawan.
"What the?!" gulat n'yang sabi ng makita ako.
"Akala ko si Lucas," kinakabahan n'yang sabi sa akin.
"So si Lucas ang inaasahan mo?" tanong ko kay Ara.
Tinignan ako ni Ara. Natatakot ako na one day na baka si Lucas na ang piliin n'ya at iwan na lang n'ya ako.
Tinignan ako ni Ara at naglakad palapit sa akin. "Ofcourse not," sagot n'ya sa akin.
Hinawakan n'ya ang mukha ko, at tinignan ang pasa sa mukha ko na kagagawan ni Lucas. Ako rin naman ang may gawa sa pasa ni Lucas sa mukha.
"Sa susunod kung hindi n'yo maiwasan magkapikunan, umiwas na lang kayo sa isa't isa," sabi ni Ara sa akin.
"Umalis ka na," seryoso kong sabi kay Ara.
Bigla s'yang napatingin sa akin. "Saan ako pupunta?" tanong ni Ara sa akin.
Tinignan ko ang mukha n'ya. "Paris," tipid kong sagot.
Ngumiti si Ara sa akin, at ginulo ang buhok ko. "Ayoko ng umalis, mas gusto ko na kasama ka," nakangiti n'yang sabi sa akin.
I saw her sweet fake smile, but her eyes stated the truth.
"Ayos lang sa akin na umalis ka na," sabi ko kay Ara.
Hindi ko inasahan na bigla s'yang umupo sa ibabaw ko kaya bigla akong nailang. Hindi ko alam kung ano ang suot n'ya or kung mayroon ba s'yang suot before the towel.
"Ayaw mo na ba akong makasama?" tanong ni Ara sa akin.
Tinignan ko s'ya na sobrang lapit ng mukha n'ya sa akin. Basa pa ang mga buhok n'ya at ang lamig ng balat n'ya.
Hindi ako makakilos ng ayos dahil sa posisyon naming dalawa.
"Gusto, pero ayokong hadlangan ang pangarap mo—"
Nilagay ni Ara ang hintuturo n'ya sa bibig ko para patigilan ako sa pagsasalita.
She gave me a tired looks. "Ikaw ang pangarap ko," bulong n'yang sa akin.
What's with her voice? She's trying to seduce me or I picked up her voice was sexy.
"Ayokong maging selfish," sagot ko kay Ara.
I tried to act normal amidst our position.
"So, wag mo akong paalisin kung ayaw mong maging selfish," sagot n'ya pa sa akin.
Hinalikan ni Ara ang labi ko ng isang balis. Napangiti naman ako dahil sa ginawa n'ya.
Bumaba ang tingin ko sa suot n'ya na lumuluwag, pero nakatakip pa rin sa katawan n'ya.
"What are you trying to do?" seryoso kong tanong kay Ara.
Para s'yang bata na ngumiti sa akin, at nag kibit balikat sa akin. Napansin ko ang pleasing n'yang mata kaya agad kong iniba ang position namin.
Nakaupo ako sa kama kaya s'ya ang inihiga ko.
"Tingin ko naman, tama ang pagkakaintid ko, right?" bulong ko kay Ara.
Balak ko ng halikan si Ara ng biglang itong umalis sa tapat ko. Mayroon s'yang kinuha sa drawer sa gilid ng kama n'ya.
Napahinga ako ng malalim ng makita ko ang itim nitong suot na underwear.
Biglang uminit ang paligid ko, at napalunok na lang ako.
"Because, you are not about to propose, we're just playing safe," paliwanag ni Ara.
Napakunot ang noo ko ng mayroon s'yang ipakitang maliit na plastic.
"Bakit mayroon ka n'yan?" taka kong tanong kay Ara ng mayroon s'yang hawak na condom.
"Minsan kasi malandi tayo like this, para ready," natatawa n'yang sagot sa akin.
Napansin kong tatanggalin n'ya na ang suot n'ya, pero pinigilan ko s'ya.
Ito ang first time namin na gagawin ito.
"Are you sure with that?" paninigurado kong tanong kay Ara.
Ayoko naman na namimilit sa ganitong bagay.
"Ibibigay ko ba sa 'yo iyan kung hindi?" sagot ni Ara sa akin.
Tama lang pala na pumasok ako ngayon sa bahay n'ya.
"Ano iyang nasa pants mo?" tanong ni Ara sa akin.
Agad n'yang kinuha ang kahon sa bulsa ko, at nakita n'ya ang posporo doon.
"Bakit mayroon kang ganito?" takang tanong ni Ara sa akin.
Kinuha ko ang posporong hawak n'ya. "Anniversary nila Warren ngayon ng girlfriend n'ya at ako ang nagsindi ng cake, pumunta ako ngayon dito dahil nasa bahay sila ngayon," paliwanag ko kay Ara.
Hinampas ako ni Ara sa balikat ko. "Bakit hinayaan mo silang dalawa lang?" tanong n'ya sa akin.
"I tell him to wear a protection, don't worry," sagot ko kay Ara.
Tinabi ko ang posporo sa gilid ng kama ni Ara. Humarap ako kay Ara ngayon. Ngumiti ako sa kan'ya at mabilis na hinubad ang shirt ko.
"Student pa lang sila," sabi naman ni Ara sa akin.
Masyado naman s'yang nag-aalala kay Warren. Hinalikan ko si Ara para tumahimik na s'ya.