Arabella's Point of view
"KAILAN alis mo?" tanong sa akin ni Kim, bestfriend ko.
Nasa isang milktea shop kami. Tuwing weekend ay gumagala kami ni Kim, bonding na rin namin dahil sobrang busy na namin sa trabaho.
"Inaayos ko pala ang mga documents ko," sagot ko sa kan'ya.
Humigop ako ng milktea. Sumandal ako sa upuan ko at pinanood ang mga naglalakad na tao. Transparent glass wall kasi ito kaya nakikita ang mga tao sa labas.
"Nasabi mo na?" tanong n'ya pa ulit. Umiling ako kay Kim.
Si kim ang unang nakaalam sa plano ko na pag-alis ng bansa.
College pa lang ako ay plinano ko na naaalis ako ng bansa. Hindi ko pa nasasabi kay Wren dahil baka ibahin na naman ang topic, pag tungkol sa pag-alis ko ang pag-uusapan namin, bigla-bigla na lang s'yang nag-iiba ng topic.
"Paano pag hindi s'ya pumayag?" tanong ko kay Kim.
Ayaw kasi ni Wren na mayroon na umaalis, pero matagal ko ng pangarap na pumunta sa France para doon magtrabaho.
"Pag-usapan n'yo lang ng maayos," sagot ni Kim.
Tinignan ko ang milktea ko. Natatakot kasi ako sa magiging reaction ni Wren, baka magalit s'ya o ano pa man.
"Mabait naman si Wren, kaya maiintindihan ka n'ya," dagdag pa ni Kim.
Tumango ako para sa pagsang-ayon sa kan'ya. Kung usapang mabait lang, wala naman akong problema doon dahil napatunayan ko na mabait talaga si Wren.
"Tingin mo papayag s'ya?" tanong ko kay Kim.
Tinignan n'ya ako habang humihigop ng milktea n'ya. "Hindi ko alam," sagot ni Kim.
Napabuntong hininga na lang ako sa kan'ya. Bago ko pa matapos ang lahat ng kailangan ko ay sasabihin ko na kay Wren.
Sana magkaroon ako ng lakas ng loob para sabihin sa kan'ya ang plano ko. Kinakabahan talaga ako kay Wren na baka magalit ito.
"Masmaganda kung sabihin mo na sa kan'ya, para hindi ka napa-paranoid d'yan," suggestion ni Kim.
Iniisip ko pa lang na sabihin sa kan'ya parang ayoko ng ituloy.
Nag-iipun ako para sa pagpunta ko ng France, pero ang alam n'ya ay meron lang akong ibang pinag-iipunan para mabili.
Tama naman s'ya pinag-iipunan ko ang pambili ng ticket papuntang France.
"Sasabihin ko na sa kan'ya mamayang gabi," sabi ko kay Kim.
Ngumiti s'ya sa akin at nag-thumbs up sa akin. "Goodluck sayo," cheer up ni Kim.
Napahigop ako sa milktea ko dahil ngayon pa lang ay kinakabahan na ako.
Bumalik na kami sa trabaho namin, pagkatapos naming magmilktea ni Kim. Kahit weekend ay may trabaho kami sa Arme, si Kim naman ay sa Winchester company nagtratrabaho.
Natapos ang maghapon ko sa trabaho, kasama na doon ang pag-iisip ko kung ano ba ang sasabihin ko kay Wren o paano ko ba sasabihin sa kan'ya iyun.
Inayos ko ang gamit ko bago ko iwanan ang office namin. Maya-maya lang ay susunduin na ako ni Wren dito.
Pumunta muna ako sa comfort room para mag-ayos. Ayoko naman na makita ako ni Wren na mukhang pagod na pagod. Masyado kasing busy ang napasukan kong trabaho.
Mahigpit pa ang president namin dito na si Snipe Swaggerty. S'ya ang pinag-uusapan ng mga ibang babae dito dahil sa gwapo nitong itsura, pero para sa akin wala ng masgwa-gwapo pa kay Wren ko.
Pagkatapos kong mag-ayos sa comfort room ay kinuha ko na ang phone ko para tawagan si Wren.
Baka papunta na s'ya dito, or nasa labas na s'ya ng Arme building. Paglabas ko ay si Wren agad ang hinahanap ng mata ko.
Magdi-dilim na at mukhang uulan din. Gaya ng dati sa tuwing makikita ko si Wren ay bigla-bigla na lang akong mapa-pangiti.
Naglalakad si Wren papunta sa pwesto ko. Nasa-front door ako ng Arme building at ang mata ko ay nakatingin kay Wren.
"How's your day?" nakangiting tanong agad sa akin ni Wren.
"Good, nakita na kasi kita," sagot ko sa kan'ya.
Naka-plain white shirt and black pants lang si Wren.
"Hatid na kita?" tanong n'ya sa akin.
Umiling ako sa kan'ya bilang sagot ko. "Pagluto mo ako sa bahay mo," request ko.
Tinignan n'ya ako ng nakakalokong tingin kaya hinampas ko ang braso nito.
"Bakit gan'yan ka makatingin," sita ko sa kan'ya.
"Gusto mo pala akong ma-solo," biro n'ya sa akin.
"Dami mo pong alam," bara ko sa kan'ya.
Kinuha ko ang braso n'ya at niyakap iyun. "Tara na," aya ko.
Sabay kaming naglakad ni Wren papunta sa bahay n'ya. Wala s'yang dalang motor, kaya nag-commute kami.
"May sasabihin ako sayo mamaya," sabi ko sa kan'ya.
Lumingon sa akin si Wren, tumaas ang dalawa n'yang kilay. "Ano naman iyun?" tanong n'ya sa akin.
"Hindi ba po, sabi ko mamaya ko sasabihin," sagot ko sa kan'ya.
Natawa s'ya ng mahina.
Sana lang pagsinabi ko wag s'yang magalit. Kinakabahan talaga ako sa magiging reaction ni Wren.
Tahimik lang ako buong byahe dahil sa kinakahaban na ako, bukod duon ay nag-iisip ako kung paano ko ba sisimulan na sabihin.
Pagdating namin sa bahay ni Wren. Maliit lang na bahay, pero sariling pera ni Wren ang pinambili. Naunang maglakad sa akin si Wren para pumasok sa loob.
Kulay red ang loob dahil iyun ang favorite color ni Wren.
"Ano gusto mo?" tanong sa akin ni Wren.
Umupo muna ako sa sofa n'ya bago ko s'ya simagot. "Ikaw na bahala, kakainin ko naman kahit ano, basta ikaw nagluto," nakangiti kong sagot. Kinindatan ko si Wren at mukhang kinilig naman s'ya.
"Sige, d'yan ka muna," aniya n'ya.
Pagkaalis ni Wren para pumunta sa kusina ay nagsimula na akong maglibot dito. Napangiti ako ng makita ko ang isang picture ko na naka-display na sa wall ni Wren.
Ito ang kinuhanan sa akin ni Wren noong kumain kami kahapon sa isang restuarant.
Naka-display din dito ang mga luma n'yang camera.
Ang dami ko ring naka-display na pictures sa bahay n'ya. Nakikita ko tuloy kung gaano ako kaimportante sa kan'ya. Nagdadalawang-isip tuloy ako kung sasabihin ko ba sa kan'ya ang plano ko.
Kailangan n'yang malaman iyun, ayoko naman na basta-basta lang akong umalis na hindi nagpa-palaam kay Wren.
Mahirap para sa akin na malayo kay Wren lalo na't nasanay na ako na lagi s'yang nand'yan sa tabi ko. Pag mayroon problema, kami nand'yan ang isa't isa para magdamayan.
Paano na pagmalayo na ako? Paano na kami? Bahala na nga si Batman basta hindi ko papalagpasin ang gabing ito hanggang hindi ko nasasabi sa kan'ya ang plano ko.