DWMU - CHAPTER 01

1378 Words
-Arabella- "ARA!" sigaw ng boses lalaki. Nandito ako ngayon sa Arme building isa akong intern dito. Napangiti ako ng nakita ko si Wren. Naglakad ako palapit sa kan'ya. Matagal ko na s'yang kasintahan, halos tatlong taon na rin. Tuwing nakikita ko si Wren ang pakiramdam ko ay parang unang beses ulit namin itong pagkikita. Automatic na mapapangiti ako pag s'ya ang nakikita ng dalawa kong mata. Parang s'ya ang nagbibigay kulay sa mundo ko at nagtatanggal pagod ko sa katawan. "Wren," bati ko sa kan'ya. Nagkalapit kami, at binigyan n'ya agad ako ng isang halik sa noo ko. Tinignan ko s'ya na masayang nakatingin sa akin. "Musta?" nakangiti n'yang tanong sa akin. Tuwing magkikita kami, tinatanong n'ya kung kumain na ba ako, ano lagay ko, or simple salita na kumusta. "Nakaka-pressure sa work dahil sa dami ng ginagawa, pero nakita na kita kaya okay na ako," masaya kong sagot sa kan'ya. Tumango naman s'ya sa akin. "Saan mo gustong kumain?" tanong n'ya sa akin. Lunch break nga pala namin ngayon at isang oras lang ang free time sa akin, pagkatapos noon ay babalik na ako sa trabaho. "Kahit saan basta kasama ka," masaya kong sagot. Nilabas n'ya ang camera nito. "May wedding photoshoot kami kahapon," sabi n'ya. Hinarap n'ya sa akin ang camera, para ipakita ang mga kuha nito. Wala namang kaduda-duda na magaling talaga s'ya. Pumunta kami sa isang restaurant, malapit lang sa pinagtatrabahuhan ko. "Smile," sabi ni Wren. Napangiti agad ako ng tutukan ako ni Wren ng camera para kuhanan ako picture. "Hey, hindi man lang nag-aabiso, para nakapag-ayos naman ako," sita ko sa kan'ya at kunwari nagagalit pa ako. "Maganda ka naman kahit walang ayos," bola n'ya sa akin. Ako naman ay kinilig sa sinabi n'ya. Magkaharap kami sa table habang hinihintay namin ang order namin na pagkain. Pinakita n'ya sa akin ang picture ko. "Bigyan mo ako ng soft copy n'yan," sabi ko. Bigla itong napailing. "Sa ‘yo na ang camera ko," natatawa n'ya sabi. Binaba ni Wren sa table n'ya ang camera at tinignan ako. "Pag ikaw ang kumuha lahat gumaganda," sabi ko sa kan'ya. Simula nang collage kami lagi s'yang na nanalo pagdating sa photography. Naalala ko bigla ng ilang beses s'yang nanalo sa photojournal contest sa second year namin. Sobrang talented ni Wren kaya dagdag na points para sa akin iyun. "Maganda lang kasi ang kinukuhanan ko, kagaya mo," sagot n'ya sa akin, sabay kindat. Hinampas ko ng mahina ang braso n'ya dahil sobra na s'ya sa pambobola n'ya sa akin. Kaya lalo akong na-i-in love sa kan’ya dahil sa mga salita nito. "Wag mo nga akong binobola," sabi ko sa kan'ya. "Alam ko naman," pahabol kong banat. Sinuot ko ang buhok ko sa likod ng tenga ko, sabay pa-cute sa kan'ya. Biglang natawa si Wren doon. "Alam ko rin," sabi n'ya. Ginulo ni Wren ang buhok ko. Ilang minuto lang ay dumating na ang order namin. Si Wren ang nag-order ng beef steak. "Mag-post ka, kukuhanan kita," utos ni Wren. Kaya nag post agad ako. Isang ngiti ang binigay ko sa kan'ya. Isang picture lang ang kinuhanan ni Wren sa akin. "Baka pangit iyun?" reklamo kong tanong. Hiniwa-hiwa ni Wren ang meat n'ya. "Wala ka bang tiwala sa galing ko," sagot n'ya pa sa akin. Tumango na lang ako sa kan'ya. Tinignan n'ya ako sabay ngiti. Taka ko s'yang tinignan ng kinuha nito ang plato ko at pinalit n'ya ang plate sa akin. Tinignan ko ang ginawa n'ya, nagsimula na itong kumain kaya napangiti ako. Sobrang gentleman talaga ng lalaking ito. "Thanks," sabi ko. Hindi ko na kailangan magpakahirap para hiwain itong pagkain ko. "May balak akong magtayo ng studio," sabi ni Wren sa akin. Bigla akong napangiti. Pangarap ni Wren iyun, fashion n'ya rin kasi. Ang galing ni Wren lalo pagdating sa portrait photograph. Makikita mo sa galaw n'ya parang professional na talaga. Ang daming ganap ni Wren. Nagpro-produce s'ya ng mga video at isa din s'yang marketer, kaya saan ka pa kay Wren na. "Support ako d'yan," sabi ko sa kan'ya. "Kaya sa ‘yo ako." Pareho kaming natawa. Ang weird, pero kahit paghinga lang ng taong mahal mo ang naririnig ay authomatic ka ng mapapangiti. "Kumain ka na, kaya ka lalong pumapayat, dahil sa bagal mong kumain," sabi sa akin ni Wren. Tinapatan n'ya ako ng isang tinidor na may nakalagay na meat. Agad ko namang sinubo iyun. "May trabaho ka ba mamaya?" tanong ko sa kan'ya. Tumango ito sa akin. "Wag mo na akong sunduin, para makapag pahinga ka agad." Umiling s'ya sa akin at tinignan ako, nilunok n'ya muna ang kinakain n'ya bago magsalita. "Pagdating sa ‘yo wala akong nararamdaman na pagod," sabi n'ya. “Ikaw ang pahinga ko,” bola na naman n’ya sa akin. Napa-pout naman ako. "Sa day-off ko ikaw naman ang susunduin ko," bawi ko sa kan'ya. Si Wren sobrang ma-effort n'ya sa relasyon namin. Nagi-guilty nga ako dahil hindi ko man lang mapantay ang ginagawa n'ya para sa akin. "Date tayo sa day-off mo," nakangiti n'yang sabi. "Treat ko," sabi ko sa kan'ya. Nanliit ang paningin n'ya sa akin. "No, ako na lang," pagtanggi n'ya. Lagi na nga s'ya ang nagbabayad ng lahat eh. "Gusto ko bumawi sayo," pagpupumilit ko. Uminom s'ya ng tubig sabay tingin sa akin. "Itago mo na lang iyun, hindi ba sabi mo may pinag-iipunan ka," sabi n'ya at pinagpatuloy nito ang pagkain n'ya. Napahinga ako ng malalim at tinignan si Wren. "Saka hindi mo na kailangan bumawi, makita lang kita sobra pa iyun," dagdag pa ni Wren. Ang swerte ko talaga sa lalaking ito. "Next time talaga ako na manlilibre sa ‘yo," sabi ko sa kan'ya. Tumango s'ya sa akin. "Kumain ka na." Naging tahimik na lang kaming kumain hanggang sa matapos kami. Gusto kasi ni Wren na tahimik lang pagkumakain. "Done?" tanong n'ya sa akin. Tumango ako bilang sagot sa kan'ya. Tumayo si Wren para bayaran ang kinain namin. Inayos ko ang gamit ko at hinihintay ko na lang s'yang bumalik. Nalipat ang tingin ko sa phone ko na nakalagay sa ibabaw ng table nang tumunog iyon. Tinignan ko muna si Wren bago ko kuhanin ang phone ko. Tumatawag kasi ang bestfriend ko simula noong college ako hanggang ngayon. “Bakit? Busy ako sa trabaho ko,” bungad ko kay Lucas. “Dinner tayo mamaya, treat ko,” pag-aaya n’ya sa akin. “Susunduin ako ni Wren,” sagot ko kay Lucas. “Okay, mayroon pa naman ako sa sabihin sa ‘yo, pero busy ka sa boyfriend mo,” sabi n’ya sa akin sabay end ng call. “Problema ng lalaking ito? Hindi ba n’ya pwedeng sabihin sa phone?” nakanguso kong tanong. Pagkabalik ni Wren ay sabay kaming lumabas ng restaurant. Magkahawak ang kamay namin habang naglalakad pabalik sa Arme Building. Nag-ring ang phone n'ya at mukhang trabaho ang pinag-uusapan nila. Tahimik lang akong nasagilid n'ya. Hindi mayaman si Wren, pero may kaya ang pamilya. Wala naman akong paki kung mayaman man, o mahirap si Wren. Ang importante gusto namin ang isa't isa at mahal namin ang bawat isa. Pagdating namin sa Arme ay binaba n'ya muna saglit ang phone nito at tumingin sa akin. "I need to go back," malungkot nitong sabi. "Kailangan ko na rin naman ng bumalik sa trabaho, kaya okay lang," tugon ko sa kan'ya. "Sunduin kita mamaya," sabi ni Wren. Binigyan n'ya ako ng isang mabilis na halik sa lips kaya nag-init ang pisnge ko. "See you later," paalam ni Wren. Nag-wave s'ya sa akin habang naglalakad ito palayo, nag-wave back naman ako sa kan'ya. Hindi pwedeng lagi kaming magkasama. Pumasok ako sa loob ng may ngiti sa labi. Hindi n'ya talaga pinapalampas ang araw na hindi ako napapangiti. -Lucas- “BUSY daw sa trabaho, pero kasama ‘yung boyfriend n’yang hindi magaling,” giit ko. Umiling na lang ako. Tinignan ko ang bago kong bili na kotse. Kay Bella ko sana balak na unang ipakita, pero ako yata ‘yung ayaw na makita ng kaibigan ko. Pumasok ako sa loob ng kotse, pero hindi ako umaalis. Pinagmasdan ko ang dalawa na naglalakad na magkahawak ang kamay. “Halatang pilit ang ngiti,” saad ko. Agad akong umalis sa lugar na iyon dahil nakakainis lang ang mukha ni Wren. Corny ng lalaking iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD