CHAPTER 16

2025 Words
Arabella's point of view "OO nga, na-check ko na lahat," sabi ko kay Wren. Tinignan ko ang boyfriend kong dino-double check ang bahay ko. Hindi naman kalakihat ito, sapat na para sa gaya kong nag-iisa. Tinignan ko ang oras sa phone ko dahil baka mahuli ako sa trabaho ko. Maaga pa naman, pero kung traffic ang dadaanan ay late na ang ganitong oras. "Mas maganda na ang sigurado," sabi ni Wren sa akin. Tinignan ko si Wren ng wala naman s'yang nakitang bukas na kahit ano. "Lahat ng bilin mo sinasa-ulo ko kaya wag ka pong mag-alala," sagot ko kay Wren. Pagka-check n'ya lahat, we're about to go outside together. "Bella!" rinig kong sigaw mula sa labas ng bahay. Tawag pa lang sa akin ay kilala ko na. Oo nga pala, sabi n'ya na sabay kaming pumasok sa trabaho. Hinawakan ni Wren ang kamay ko kaya napatingin ako doon. Nagmamadaling pumasok si Lucas sa loob ng bahay ko. "Sorry, na-late ako... ng... gising..." papahina n'yang sabi ng makita n'ya si Wren. Kumunot ang noo n'ya, at takang tinuro si Wren. "Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ni Lucas kay Wren. "Hindi ba sabay tayong pinaalis kagabi," sabi pa ni Lucas. "Dito ako natulog," seryosong sagot ni Wren. Tinignan ko si Wren dahil alam kong iniinis lang ni Wren si Lucas. "Kailangan ko ng pumasok sa office," sabi ko sa kanila. Binitawan ko ang kamay ni Wren, at naglakad na ako palabas ng bahay. "Hatid na kita," offered ni Lucas sa akin. Tinignan ko si Lucas na humahabol sa akin. Si Wren naman at kalmadong naglalakad palapit sa akin. "Si Wren?" tanong ko kay Lucas. "Kasalanan ko bang walang s'yang sasakyan?" inis na tanong ni Lucas sa akin. "Kaya naman naming pumunta sa office n'ya na hindi gamit ang kotse mo," banat naman ni Wren. "Okay, kung gan'yan kayo. Ako na lang mag-isa ang aalis, since kaya ko naman ang sarili ko," pag-aawat kong saad sa kanila. Kung walang magkakasundo, pareho ko na lang silang hindi sasamahan. "Tsk! Oo na, sumabay ka na kahit labag sa loob ko," reklamo ni Lucas. Tumalikod s'ya at naglakad papunta sa kotse n'ya. Napangiti naman ako dahil sa wakas ay tinupad ni Lucas ang sinabi n'ya sa akin. Tinignan ko si Wren na seryoso ang mukha. "Sumakay ka na para sa akin," sabi ko kay Wren. Halata naman sa mukha n'ya na ayaw n'yang sumakay sa kotse. Naglakad ako papunta sa kotse ni Lucas. Sa back seat na ako sumakay, sumunod naman si Wren sa akin at tabi kami sa back seat. Nakasakay—nakaayos na kami sa back seat, pero napansin ko ang pagtingin ni Lucas sa rear mirror sa amin. Bigla n'ya kaming sinilip sa likuran. "Tang-ina, gagawin n'yo ba akong driver n'yo?!" inis n'yang tanong. Napangiti naman ako ng ngayon ko lang napagtanto. Tinignan ko si Wren. Hindi naman papayag si Wren na ako ang pumunta sa front side. "Ayokong katabi iyan," apila ni Lucas. "Sana tinanong mo rin ako kung gusto rin kitang katabi," banat ni Wren. "Ano bang pakialam ko sa 'yo, ni makausap nga ayoko, tatanungin pa kita!" singhal ni Lucas. Napakamot na lang ako ng ulo. Gusto ko silang makaayos, pero sa tuwing makakasama sila para silang aso at pusa. "Wren, ikaw na sa passenger seat—" "Hell! No!" saad naman ni Lucas. "Kung pareho na lang kaya kayong bumaba, dahil sa kaartehan n'yo mahuhuli na ako sa trabaho ko," inis kong sermon sa kanilang dalawa. Pareho silang nakatikim ng masama tingin sa akin. "Pareho ko kayong hindi kakausapin kung hindi kayo magkakasundo," banta ko sa kanila. Rinig ko ang pagbuntong hininga ni Wren, at paghampas ni Lucas sa manibela n'ya. Tinignan ko si Wren ng walang emosyon. "Fine!" inis na sabi ni Wren. Bumaba s'ya sa back seat at masama ang loob na pumunta sa passenger seat. "Kaya naman pala," sabi ko pa. Dami nilang arte sa katawan papayag rin naman pala. Ramdam ko ang pagkainis ng dalawa, pero natutuwa ako kasi ginagawa nilang magkatabi para sa akin. Hindi nagsasalita ang dalawa. Okay na sa akin na wag silang mag-usap dahil baka pag bumuka pa ang bibig nila, lalo na si Lucas ay magkainisan na sila. Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa tapat ng building. Mayroong ibang daan na dinaanan si Lucas kaya hindi namin natamaan ang traffic. Kabisado n'ya siguro ang lugar dito, malamang pinag-aralan nila iyon. "Thank you," sabi ko kay Lucas. Tinignan ko naman si Wren. "Kita na lang tayo mamaya, I love you," sabi ko kay Wren. Tinignan n'ya ako, at ngumiti sa akin. "Okay, I love you." Gusto ko sanang i-kiss si Wren, pero nandito si Lucas kaya mamaya na lang. "Bye, ingat kayong dalawa," paalam ko bago umalis para pumasok sa loob ng office. Lucas's point of view PINAGMASDAN ko si Bella na maglakad papunta sa loob ng building. Napatingin naman ako sa lalaking katabi ko dito. Napangisi ako ng hindi ko alam ang dahilan. "Ano sa tingin mo, ihahatid pa kita sa bahay mo?" inis kong tanong kay Wren. Wala naman s'yang ginagawa, pero naiinis talaga ako sa pagmumukha ng isang ito. Seryoso n'ya akong tinignan. Lalo akong napikon ng mag-smirk s'ya sa harapan ko. "Lumayo ka na kay Ara dahil nakuha ko na s'ya kagabi," nakangisi n'yang sabi sa akin. "Anong sabi mo?!" naguguluhan kong tanong sa kan'ya. "Sabi ko dumistansya ka na kay Ara, dahil hindi ka naman n'ya mahal, dahil ako ang mahal n'ya," paliwanag n'ya sa akin bago umalis. At ang gago binigyan pa ako ng middle finger, kaya binigyan ko s'ya ng dalawang kamay na middle finger. "Kung hindi lang masama ang pumatay ng tao, ay pinatay ko na ang isang ito," inis kong bulong sa sarili ko habang pinapanuod si Wren na maglakad palayo. Umaga pa lang, wala na ako sa mood. Pinaharurot ko ang kotse ko para pumunta na sa office. Balak ko lang talagang ihatid si Bella para naman masolo ko, pero lagi na lang sabit 'yung boyfriend n'ya. Chineck ko lang ang mga gumagawa sa highway, at dumiretso na ako sa office ko. Mayroon akong meeting mamaya, pero pikon na ako. Gusto kong magtampo kay Ara, pero hindi ko naman matiis 'yung kaibigan ko. Naglalakad ako sa hallway ng mapansin ko ni Angela na mayroong hawak na blueprint. Wala akong balak na pansinin s'ya dahil sa daan pa lang ubos na ang mood ko. Napatigil ako sa paglalakad ng hinarang ni Angela ang blueprint n'ya sa dibdib ko. "Ang aga-aga nakakunot iyang noo mo," bati nito sa akin. Huminga lang ako ng malalim, at seryoso ko s'yang tinignan. "Badtrip, mayroon akong nakasalubong na gago," sagot ko kay Angela. Angela Custodio, isa s'yang Architect dito. Napatingin ako kamay n'ya ng hawakan nito ang balikat ko. "Don't mind them," pagpapakalma n'ya sa akin. "Samahan mo ako, titignan ko 'yung ginagawang daan sa south," aya ni Angela sa akin. "Si Marco ang incharge doon," sagot ko kay Angela. "Hindi ba ako p'wede sumilip sa project n'yo?" tanong n'ya sa akin. "Mayroon pa akong gagawin," sagot ko sa kan'ya. "Ask Marco," dagdag ko pang sabi kay Angela bago ako naglakad punta sa office. "Ikaw ang gusto kong kasama." Umupo ako sa office chair ko at tinignan ko ng seryoso si Angela na pumasok sa loob ng office ko. "I have load of works," sagot ko kay Angela. "Pero pag 'yung Bella na tiga-Arme ang nag-aaya, kahit we're on seminar nagagawan mo ng paraan," puna ni Angela sa akin. Seryoso ko s'yang tinignan dahil sa pagdawit n'ya sa pangalan ni Bella. "I don't think so, that Bella is your problem now. What you care about us?" I neutral asked her. "Trabaho naman ang pag-uusapan natin, gagawa ako ng documentary," sagot n'ya sa akin. "Gawin mo ang trabaho mo, gagawin ko ang trabaho ko," walang gana kong sagot kay Angela. Binuksan ko ang desktop ko. "Bakit kaya hindi mo ipakita kay Bella ang tunay mong ugali?" hamon ni Angela sa akin. Napatingin ako kay Angela. "What are you trying to say, Architect Angela?" In her words, there has something hidden meaning on it. "I noticed, ugali mo sa lahat ay iba ang ugali mong pinapakita kay Bella na mayroon ng boyfriend," paliwanag ni Angela sa akin. "Kung hindi mo kayang tanggapin ang ugali ko, umalis ka na," taboy ko pa kay Angela. Napansin ko ang pag-irap nito sa akin, pero hindi ko na lang pinansin. I know her, she's secretly b***h, that's why I keep away on her. "My attitude is not your problem, so don't problem it," seryoso ko pang sabi kay Angela. Tumalikod s'ya sa akin, pero bago pa s'ya tuluyang lumabas ng office ko ay mayroon akong sinabi kay Angela, "'Yung nakikita mong ugali ko, hindi pa lahat, pero si Bella lahat ay alam na," walang gana kong sabi sa kan'ya. Napangiti ako ng wala na itong sinabi sa akin ng lumabas ito. Kilala ni Bella ang ugali ko, kaya ano pang ipapakita ko? Sinasabi ko nga harap-harapan na ayaw ko kay Wren. Kung mayroom mang nakakakilala sa akin ay si Bella iyon. Wren's point of view KAHARAP ang laptop ko ng mayroon biglang kumatok sa pinto ng bahay ko. Hindi ko alam kung sino iyon, wala naman akong inaasahan na pupunta sa bahay ngayon. Tumayo ako mula sa pagkakaupo para puntahan ito. Kung si Ara naman ay malabo dahil mamaya pang hapon ang uwi noon. Pagbukas ko ng pinto ay bigla akong nagulat ng sinunggaban ako ng yakap ng isang babae. "Wren!" masigla nitong bati sa akin. Agad akong kumalas sa pagkakayakap ng babae. Hindi ko naman kilala ito. Tinignan ko ang mukha ng babae. Todo ang ngiti n'ya sa akin kaya nagtaka ako, pero parang pamilyar ang mukha n'ya. "How are you?" bati n'ya pa sa akin. Hindi ko na s'ya napigilan na pumasok sa loob ng bahay dahil pumasok na ito. "Excuse me, who are you?" taka kong tanong. Bigla s'yang tumingin sa akin ng masama dahil sa tanong ko. "How dare you, Wren! I'm Sundy, how can you forgot your childhood bestfriend?!" Tinignan ko ang mukha ni Sunday dahil sobrang laki ng pinagbago n'ya. "Siguradong si Sundy ka?" tanong ko kay Sundy. Tumangkad, and lalo s'yang gumanda. Tingin ko sa tindig pa lang ay sigurado akong model s'ya. "Kailangan ko na bang magtampo?" tanong n'ya sa akin. Natawa naman ako. "Have a seat," saad ko. Umupo kami sa sofa. Pinagmasdan ko si Sundy na hindi mo talaga makikilala kung hindi s'ya magpapakilala. "Paano mo nalaman 'yung bahay ko?" tanong ko kay Sundy. Lumapit s'ya sa akin, at napatingin ako sa kamay n'ya na biglang pumulupot sa braso ko. "Kay Tita Wilma," sagot n'ya sa akin. Naging awkward naman ang posisyon namin ng sumandal ang ulo n'ya sa balikat ko. "I have a favor, I don't trust anyone aside from you," sabi n'ya sa akin. "Ano naman iyon?" tanong ko kay Sundy. Medyo lumayo ako sa kan'ya ng konti, at kunwari ay humarap na lang ako kay Sundy para hindi n'ya mahalata ang paglayo ko. "Malapit na kasi ang twenty-sixth birthday ko, at nalaman ko kay Warren na professional photographer ka na, I saw your works and I absolutely impressed," puri n'ya sa akin. "Thank you for praise my works," kalmado kong sabi kay Sundy. "I'd like you to be my personal photographer on my birthday," sabi ni Sundy sa akin. Tinignan ko ang kamay ko na hinawakan n'ya. "Alam ko naman na hindi mo ako matatanggihan," she pleasing me said. "I just think about it," sagot ko kay Sundy. Hindi pa nila ako pinapayagan magtrabaho, pero I want to consult it first to Ara, but I wanted to accept this project. "Pumayag ka na please, and also, this is an open opportunity for you, maraming executive officers ang pupunta sa birthday ko, p'wede mo silang makausap, akong bahala sa 'yo," offer ni Sundy sa akin sabay kindat. "I would love to accept your offer, but—" "Akala ko pa naman malakas ako sa 'yo, sabi ni Tita Wilma ay hindi ako mabibigo sa 'yo," naka-pout n'yang sabi. "Ang tagal nating hindi nagkita, bonding na rin natin ito." "Okay, sige na."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD