07

3191 Words
Nakabalik kami sa Maynila ng sumunod na araw. Nagpaiwan pa sina Atsi at kuya Gino sa Quezon para sa honeymoon nilang dalawa.  Gusto rin sana mag stay nila Mommy at Daddy pero they decided na sa Hong Kong na lang pumunta. Kaya kami lang tatlo nila Ahia ang umuwi sa mansyon.  "Shobe!" Ahia SP called me.  "Here na." nagmamadali akong bumaba sa hagdanan habang hawak ang baton ko.  Napailing naman si Ahia SP dahil sa kabagalan ko. I overslept dala rin siguro ng pagod from biyahe.  Sa school na nga lang din ako mag b-breakfast para hindi na nila ako pagalitan pa.  "Let's go." aniya bago kami pumunta sa nakapark niyang car sa driveway.  I sat at the passenger seat habang nagmamaneho siya papunta sa school. May meeting kasi siya today kaya need niya rin na early. Si Ahia AP kasi ay hindi naman ako mahahatid kasi mas maaga siyang umalis kanina.  "I'll pick you up later, Shobe." sabi ni pa ni Ahia sa akin.  I waved my hand bago ako tumakbo papasok sa campus. Maaga pa naman kaya pwede pa ako mag breakfast. 9 am pa naman ng first class ko today dahil nag inform yung teacher namin sa first class na wala siya ng 7 am.  Wala pa rin si George dahil baka mamaya pa siya makapasok. After today, aalis din kasi si George. Pupunta namang Thailand ang family niya. They just waited for her para sa report niya.  I walked hanggang makarating sa luncheonette kung saan ako kakain ng breakfast. At dahil early pa ay sobrang kaunti pa lang ng students. Pumunta ako kaagad sa favorite stall na binibilhan ko ng food.  I smiled widely pagkakita na open na ito. "Good morning!"  "Ang ganda naman pala ng buena mano natin ngayong araw!" maligayang sabi ni Ate Hilda. "I thought you're close pa. May luto na po bang meal?" I asked them. Mukha kasi naghahanda pa lang sila ng pagkain.  "May luto naman na kami. Macaroni nga lang. Okay na ba iyon sa'yo?"  I nodded while smiling. Anything will do actually. Sobrang hungry na rin naman ako. "It's fine na, Ate. Tapos yung juice and bread na lang po ah."  Inabot ko ang pitaka ko para makakuha ng pambayad doon kaya lang isang kamay ang naunang nag-abot ng bayad.  "Same order, Ate Hilda. Bayaran ko na yung kanya." the familiar voice of him made me smile.  Hindi ko na siya nakita actually after ng short encounter namin sa Quezon.  I turn to him, he looks so fresh wearing a white uniform and white pants. Para siyang angel na bumaba from heaven. I smiled widely kahit hindi niya ako nililingon man lang. "You are here also!"  He took a quick glance bago humarap sa stall. "Dito ako nag-aaral."  "Ako rin!" masayang sabi ko sa kanya.  Umaga pa lang pero mukhang nakumpleto niya ata ang araw ko.  Ang linis-linis niyang kasing tignan ngayon habng suot ang itim na bag pack.  Naka side part again yung hair niya pero wala namang gel or hair wax doon, talagang bagong shower lang siya.  Mas naging gwapo siya sa paningin ko dahil sa eye glasses na suot niya. Ang mga kamay niya ay nasa bulsa ng white pants niya habang hinihintay ang food namin na binayaran niya. Pero I shouldn't let him pay for my food.  Agad kong kinuha ang pambayad ko sa pagkain at inoffer sa kanya. Tinapunan lang niya iyon ng tingin.  "Anong gagawin ko diyan?" supladong tanong niya ulit sa akin.  The bad thing about him is napaka suplado niya. When we saw each other nung morning sa Quezon nag smile naman siya. But now, parang ang damot naman niya sa smile.  "p*****t for the food. I love your libre but I can pay for it naman."  He smirked before turning to me. "Bayad ko sa brownies yang pagkain. Hindi kita nililibre." I knotted my forehead upon hearing him. Why would he pay for the brownies? Kasama naman sa meal yun nung wedding ni Atsi. "Oh! But you actually don't need to pay for that. It's free. Included sa meal natin." I smiled and offer the money again.  Binawi na niya ang tingin niya sa akin at bumaling na lang kay Ate Hilda. Ready na kasi yung food namin. "Eto yung iyon, Nia. Eto naman yung iyo, Lucho." inabot ni Ate Hilda ang dalawang tray. Pero mas naconfuse ako sa tinawag niyang name kay Aiden. Lucho? His name is Lucho? Pero, why does his colleagues called him Aiden? Second name? "Thank you, Ate Hilda." I said to her.  Nauna na kasing lumakad si Aiden. I want to chat with him pa naman kaya I followed him.  "Your name is Lucho? Pero why is your name Aiden also? What's your full name ba?" I asked him while following him as well.  Hindi niya ako sinagot kaya ang malapad na likuran lang niya ang nakikita ko habang sinusundan ko siya. He choose the first table from the entrance ng luncheonette. He put down his tray on it kaya sumunod din ako.  "Why are you here?" he asked.  "Let's eat together! Lonely kapag ikaw lang mag-isa ang kakain. You should enjoy your meal with a company." sabi ko pagkatapos ay ibinaba na rin ang tray sa table.  Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Inilapag din naman niya ang tray sa table. I'm sitting across to him. Nilagay din niya ang bag niya sa table pagkatapos ay kinuha ang isang makapal na libro. Tinanggal ko rin ang backpack at duffel bag ko pati ang bag ng baton ko. Inilagay ko sila sa isang gilid. Napatingin naman siya sa mga dala kong gamit.  "Naglayas ka ba?"  Nanlaki ang mata ko sa tanong niya pagkatapos ay sunod-sunod na umiling. "No! Why? Mukha ba akong lumayas?" Hindi niya ako sinagot pero nakatingin pa rin siya sa mga bag na dala ko. Nilingon ko tuloy yung gamit ko. "I need those for my practice. The bag pack is for my study, duffel for my training and this one." Kinuha ko ang lalagyan ng baton at binuksan iyon.  "My magical wand." nakangising sabi ko sa kanya.  May dalawang baton kasi na nakalagay doon. Yung pang mother majorette at iyong isa ay pang regular practice.  Hindi na lang siya kumibo ulit at hinarap na lang ang pagkain niya.  He started eating while reading something on his book. Ang sipag-sipag niya mag-aral. Siya kaya ang top 1 sa class nila? "Mahirap ba ang maging med student? Di ba always ka dapat nagmememorize ng mga terms especially yung mga diseases. Right?" But he didn't speak, nagpatuloy lang siya sa pagbabasa niya ng book niya. "Dream mo siguro maging doctor. Ako, I'm studying medicine for my family lang. Hindi ko siya want. I'm more into arts. You know what, I'm part of the school theater group. It's just hindi pa lang ako nakakapag land ng major role dahil busy ako sa marching band." I actually want to take film for my degree kaya lang alam ko na magagalit ang pamilya ko. We own 5 hospitals in the country and other businesses. My parents, Atsi, and my Ahias' will be disappointed kapag nag take ako ng Film.  I don't like spotlight but I really love performing arts. Kung hindi lang ako naging busy sa marching band and kung hindi lang tumaas ang position ko sa team. Baka mas nag focus ako sa teatro. I can sing as well pero nag-improve ako sa dancing. My parents will get mad kapag nalaman nilang member ako ng teatro. Si George lang ang nakakaalam and my Ahias. Atsi will be furious if she heard na may iba pa akong extra curricular activities.  I have no voice in our house. I can't disobey my family since ako ang youngest and they want me to follow their path as well. Sina Ahia lang naman ang kayang mag disobey sa kanila. I can't.  "They why don't you pursue your dream?" tanong niya habang ang mata ay nakatuon pa rin sa binabasa book.  I smiled bitterly before shaking my head. "It is not easy. I'm scared of my family. I maybe cheerful as you can see, but I just can't say no to them." Umiling siya sa akin. "Hindi naman sila ang mahihirapan sa huli kung hindi ikaw." Napangisi ako bago sumubo ng macaroni. "I hope it's easy." sagot ko na lang sa kanya.  Masyadong dark para sa akin yung topic naming dalawa. I have to divert our conversation para naman light yung mapag-uusapan namin. Ngayon ko lang din narealize na malayo ang College of Medicine sa building ng SHS. "Ang aga mo today. Pero yung name mo talaga is Lucho or Aiden?" He took his I.D from the pocket of his uniform then he slid it in front of me.  Lorenzo Aiden P. Arellano College of Medicine I held his I.D. Hindi rin siya nakangiti sa picture niya pero ang gwapo-gwapo pa rin naman niya. I think na normal lang naman na humanga sa mas older sa akin? "So they can call you Lucho or Aiden, right? What should I call you? Kuya Aiden?"  Pumangulumbaba pa ako sa harapan niya.  He frowned sa sinabi ko. "Why do you need to ask kung anong itatawag mo sa akin? Hindi naman tayo magkikita." "Wala malay mo magkita tayo ulit." pang-asar ko sa kanya.  He ignored me para ituloy ang pagkain niya. "How old are you na ba? I'm 18 na. Hmm. Let me guess. Around 22 or 23?"  Hindi pa rin niya ako pinansin kaya tumigil ako. I pouted my lips habang inuubos ang food na nasa plate ko. "You know what. I'm nice naman. I want to be friend with you kasi you radiate this mysterious aura." He smirked pagkasabi ko nun. Ibig sabihin ay nakikinig siya sa akin. "I have few friends lang. I never had a male friend nor boyfriend at all. I have a female friend lang. Her name is Georgina but I call her George. Siya yung sister nung groom nung Saturday." Instead of answering me or throwing a glance man lang. He flipped a page from his book and read it. His eyes were moving fast while reading what's inside the book. Kumuha pa siya ng highlighter at nilagyan ng line iyon and a small blue tape on top of that page before proceeding. "What specialization will you take on Med School?" I asked. "Ako kasi I want to take General Surgery pero my Atsi wants me to take Neuro so I have to follow her."  Mabilisang tinignan lang niya ako bago nagpatuloy sa pagbabasa ng libro. Okay lang na hindi siya sumagot sa akin.  I smiled once again before finishing the meal on my plate. Hindi pa siya tapos sa binabasa niya pero done na siya kumain. May mga students na rin na dumarating sa luncheonette kaya medyo nagiging noisy na rin.  "I'll throw this." Kinuha ko ang tray niya na wala ng laman na food.  Hindi ko na siya binigyan ng chance na sumagot pa kaya itinapon ko na yun sa segregation area tapos nilagay ko sa tray area yung tray namin. Bumalik ako sa pwesto namin pero isang girl at boy na ang naroon.  The girl is holding his arm pero hindi naman siya pinapasin ni Aiden. May girlfriend pa ata siya. Hindi dapat ako manghimasok sa kanila. Agad akong lumapit sa table namin na kinagulat pa nung mga naroon. Aiden looked at me, "I need to go." he said.  Sinuot ko naman ang bagpack sa shoulder ko habang isinabit ko naman ang duffel bag at binitbit ang bag ng baton ko. "Yeah. I have to go as well--" "Ikaw ba si Summer? Yung leader ng marching band natin?" the woman asked.  Tinapik naman siya nung guy sa balikat kaya napalingon yung girl doon. "Siya yun Oliver di ba?" pag confirm pa nung babae. I nodded and smile, "Yeah. It's me po, Ate and Kuya." Aiden scoffed when he heard me. Parang nainsulto pa ata siya tawag ko sa kanya. Ano ba ang dapat itawag sa nakatatanda? Di ba Ate or Kuya? The woman squeeled bago nito nilabas ang phone at lumapit sa akin. "I'm a fan. I'm Cielo Marie Diaz from College of Medicine. Grabe! Ang ganda-ganda mo pala talaga sa personal. Pwede bang magpa selfie?" she asked me. "Sure, Ate." nakangiting sabi ko sa kanya. She stood beside me tapos ay inakbayan pa niya ako before we took a selfie. "I always watched your final training and talagang amaze ako sa'yo. Di ba part ka rin ng Teatro Filipino? Nanonood ako ng shows doon pero I don't see you there anymore. Noong napanood kita last year, ang galing-galing mo." I bit my lower lip before smiling so hard. Her praises are too much for me. I've heard compliments that made my heart beat so fast. I have also heard harsh comments that made me judge myself and lose all my self-confidence. "I have to focus po kasi sa regional ng marching band. Once na natapos ang regional baka bumalik po ulit ako sa Teatro. Naiintindihan naman po ng adviser namin." paliwanag ko.  "Sana makapagshow  ka ulit sa Teatro bago man lang kami makagraduate."  Ngumiti ako sa kanya. Wish ko rin yun kasi gagraduate na rin ako for senior high this school year. I have to give my best in everything. "Let's go, Cielo." Aiden called her.  "Oo nga pala kailangan na namin mag review pa. Thank you ulit, Summer. It's nice meeting you in person." ani Cielo.  "Nice to meet you rin po. Hope to see you around." sabi ko naman sa kanila. "Bye, idol!" sabi nung Oliver na tinawag kanina. Nag salute pa siya sa akin bago kumaway.  Si Aiden naman ay tinanguan lang ako bago sila umalis na tatlo. Nakagitna sa kanila si Ate Cielo habang nakahawak sa braso ni Aiden.  I waved my hand when they walk away from me. Alam ko naman na hindi na nila makikita iyon but for the sake of courtesy.  Hindi naman din ako rude na tao to ignore them. "Summer."  I turn to look kung sino ang tumatawag sa akin. Standing behind me is Bryan with  Oscar. Nakangiti si Bryan sa akin habang hikab naman nang hikab si Oscar. Gumanti rin ako ng ngiti sa kanila at lumapit naman.  "Ang aga mo." puna ni Bryan.  He looks so good sa uniform niya. Ang male senior high student kasi ay long sleeve polo na kulay white then coat na color dark blue. May suot ding checkered neck tie ang male students then gray slacks. Sa left chest part ng coat ay makikita ang name ng school and under ng name ng school ay ang strand na kinukuha ng may suot. Meanwhile, female students like me ay long sleeve polo rin ang suot. Ours is checkered ribbon  and we also have blazer na color dark blue. Ang plated skirt ay above the knee lang na color gray. We are wearing a white high knee sock and a wedge shoes na recommended ng school. "Early din kasing umalis yung mga brothers ko. Sinabay lang nila ako that's why I'm here na. Kayo ni Oscar. Why are you early?" I asked them. Inayos ni Bryan ang pagkakasuot ng bag pack sa dalawang balikat. Hindi ko naman maiwasan na hindi siya maikumpara kay Aiden. Si Aiden kasi sa isang shoulder lang nakalagay yung bag niya. While Bryan is on both of his shoulder. Bryan is tall but Aiden is taller than him. But why do I even compare them? They have their own charm naman tsaka Bryan has been my crush for such a long time.  "Mag rereview sana para sa report. Did you study your part ba?" he asked. I nodded, sa plane papuntang Quezon ay binasa ko na siya until pag-uwi namin from Quezon. "I did. Master ko na ata yung part ko." proud na sabi ko.  Bryan smiled bago inilagay ang kamay sa ulo ko at marahang guluhin ang buhok ko. Para naman akong hindi nakahinga kaagad sa ginawa niya. I didn't expect that at all.  "You did well, Summer." aniya. I smiled at him, "Thank you. Let's do our best sa report natin today." Tumango siya sa akin bago tinignan ang mga dala kong gamit. "Tulungan na kita. Ako na magdadala nung duffel bag mo." offer pa niya sa akin.  Sunod-sunod na umiling ako sa kanya. "Naku, wag na. Heavy ang laman nito since training ko today. Thank you for the offer though." "Are you sure? Mukhang nabibigatan ka kasi." dagdag pa niya. Sunod-sunod na umiling lang ako sa kanya. Baka isipin naman niya na weak ako masyado. I don't want to leave that kind of impression sa kanya. In the end ay tumango na lang siya sa akin bago kami naglakad papunta sa room namin.  Iilan pa lang ang mga classmates ko na naroon sa loob ng room. We decided to make a circle wile we are waiting for George. I texted her already naman na and she said na papunta na siya. I can't blame her kunga nag overslept siya. We are all tired from the family event that just happened! She arrived fifteen minutes later. Nagpractice kami kaagad kasi kami ang unang group presentor. Antok na antok pa si George kaya kailangan ko pa siyang kurut-kurutin para lang magising siya.  "Antok pa nga ako, sis." humikab pa ulit siya at nakapikit na dumantay sa balikat ko.  I pushed her using my shoulder dahil si Bryan na ang nagpapractice ng sasabihin niya later. Ang bastos naman kung tulog itong isa.  "Nakakaantok ba yung pag report ko?" Bryan suddenly asked. Napadilat naman ng mata si George at napaayos ng upo. Sunod-sunod akong umiling sa kanya. "Sorry. It just we arrived really late last night. We barely had a sleep. I'm sorry." hinging paumanhin ko.  "Sorry, Bryan. Pagod lang talaga kami ni Summer." ani George naman. Marahang tumango naman si Bryan sa amin na parang naintidihan kaagad niya ang dahilan. Mabait talaga siya. Kaya hindi nakakapagtaka kapag may ibang level na may gusto sa kanya. Ako, alam naman niya na matagal ko na siyang gusto.  Last year, I confessed na gusto ko siya. Wala naman siyang sinagot sa akin maliban sa sinabing dapat mag-aral muna kaming dalawa.  The presentation of topic started. Natapos kaagad ang mga part namin nina George at Oscar. Si Bryan na ang nag summarize ng topic namin. As usual, walang palya ang simple pero concise na paliwanag niya sa topic namin.  "Do you have questions?" tanong ko sa kanila after mag summarize ni Bryan.  Nobody raised their hand kaya natapos kami kaagad sa report namin. Our teach praised us dahil sa magandang presentation. Well, si Bryan naman ang may gawa ng lahat ng ito. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi kami makakapag present ni George.  "Thank you, Bryan." I shyly told him after we sat at our place.  Lumingon lang sa akin si Bryan pagkatapos ay marahang tumango sa akin. "You did a nice part din, Summer. Tinulungan niyo rin naman ako." aniya.  Ngumiti ako sa kanya bago tumango. Right, alam kong hindi mababago na si Bryan ang crush ko hanggang ngayon. Aiden is just a part of my curiousity. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD