SIMULA
"Group 2 will be..." Bumunot muli sa fish bowl ang teacher namin sa Science. Halos malaglag ang puso ko habang patuloy niyang iniikot ang kamay niya sa loob.
And then she took four rolled papers. I crossed my fingers and uttered a silent prayer na sana makasama ko siya.
"Bryan Markus Samonte."
Nanlaki ang mga mata ko dahil unang tinawag si Bryan. Tinignan ko ang pwesto niya at seryoso naman siyang nakatingin sa professor namin habang may sinusulat sa papel niya.
"Maria Georgina Tan."
"Yes!" mahinang bulong ng nasa tabi ko naman. Nilingon ko siya nang masama pero ngumisi lang siya sa akin bago nagbigay ng peace sign.
"Oscar Victor Allegro."
I rolled my eyes at halos gusto ko na tumayo sa upuan ko nang huling pangalan na lang ang babanggitin ni Ma'am Clara.
Dapat matawag na ako! Dapat kasama nila ako! Dapat kasama ako ni Bryan!
"And... Summer Serenity Montealegre."
Tuluyan na akong napatayo sa upuan ko at pumalakpak. "Yes!" malakas na pagkakasabi ko kaya napalingon sila sa aking lahat.
"Yes, Summer?" tanong ni Ma'am.
Umiling lang ako sabay ngiti nang malaki at umupo ulit. Kasama ko si Bryan!
Hinarap ko ang kaibigan ko na nakangisi sa akin. Hinampas ko siya sa braso niya bago kinikilig na humarap sa pwesto ni Bryan.
My heart grew when I realized na nakatingin din siya sa akin. "Bebe..." mahina kong bulong.
"Sus! Kinikilig na naman si tag-init, palibhasa kagrupo na naman niya ang future jowa niya."
I rolled my eyes at hinayaan ko ang best friend ko na kumuda sa tabi ko. I sighed as I watched my Bryan concentrating again. His eyes were focused on our teacher again.
"Malusaw naman ‘yan." Tinabig ako ni George kaya napatingin ako sa kanya.
Isang masama at matalim na titig ang iginawad ko sa kanya. "Bakit ba?" nayayamot kong tanong sa kanya.
"Grabe ka makatingin diyan," anito habang inaayos ang salamin nito sa mata.
Ngumuso ako bago itinuon ang atensyon kay Miss Clara na nagpapaliwanag ng gagawin namin. "Palibhasa hindi ka kasi pinapansin ng crush mo."
Nanlaki ang mga mata niya at halos takpan ang bibig ko at lumingon pa bahagya sa paligid.
Tinampal ko ang kamay niya bago bumulong sa kanya. "Wala naman. Absent, ‘di ba?" I rolled my eyes bago ako humarap ulit sa teacher namin.
"Kindly go to your groupmates and please tell me kung sino ang leader ninyo."
Nagsitayuan ang lahat at nagkagulo sa room para lang makapunta sa mga kagrupo ng bawat isa. Pasimple akong lumingon sa lugar ni Bryan.
May hawak siyang papel at libro kasunod si Oscar na palapit na sa amin ni George. I harshly tucked my hair and smoothen my blouse na may pulang necktie mula sa school namin.
Binangga ko si George na abala sa pag-aayos ng upuan naming apat.
"Ano?" naiiritang tanong niya.
I smiled at her then simply pointed the boys who were coming towards us.
Napailing na lang siya bago umupo sa tabi ko. Ang t***k ng puso ko na hindi ata normal ay mas nagwala ng makalapit na sila sa amin.
I inhaled his scent ng dumaan siya sa tabi ko. A woody musk scent filled my nose. At halos mahimatay ako sa nangyari.
Pabilog ang pwesto namin kaya nasa kanan ko siya samantalang nasa kaliwa ko naman si George. Ngiting-ngiti ako habang nakatingin kay George. Ayokong tumingin kay Bryan dahil baka bigla na lang akong mahimatay dito.
"Bry, ikaw na leader natin ah." Si Oscar habang ngumunguya ng kung anong kendi sa bibig niya.
I nodded my head at pasimpleng tumingin sa gawi ni Bryan. Nakayuko ito habang may sinusulat sa dalang papel.
"Sige," sagot nito sabay angat ng tingin sa amin.
His perfect face, ‘yung makapal at perpektong arko ng kanyang kilay, ang matangos na ilong, maliit at mapulang labi, ang bilugan nitong mata na kulay itim at ang makinis nitong mukha ay tumingin sa akin.
I gasped an air nang magtagpo ang aming mga mata. No wonder at gusto siya ng lahat. Mayaman, mabait, gwapo at matalino si Bryan. In short siya na ata ang nakakuha ng lahat.
Running for Valedictorian sa batch namin si Bryan. Siya na ata kasi ang pinakamatalinong Grade 10 na kakilala ko.
I eye smiled at him pagkatapos ay ibinaling na niya ulit ang atensyon niya sa gagawin naming presentation.
"Three laws of Motion ang topic natin. Since next week pa naman tayo magp-present. Pwede tayong mag-group study sa bahay sa weekends. Ayos lang ba?" tanong ni Bryan.
Napalingon kami ni George sa isa't isa. Halos hindi namin alam sino ang dapat maunang magsalita.
" Ano kasi, Bryan... "pasimula ni George.
Tinigan siya nito bago lumingon sa akin. Naramdaman ko naman ang paghigpit ng kamay ni George sa akin.
" Kasal kasi ni Ate Win at Kuya ni George sa Saturday. Nasa Quezon kami kaya hindi kami makakasama, aabay kasi kami."
"Alright. What about this afternoon?" tanong ulit ni Bryan sa amin.
Lihim akong napangiti habang nakatingin siya sa akin. The mere fact na katabi ko lang siya ay masayang-masaya na ako talaga.
I cleared my throat para sumagot pero naunahan ako ni Oscar."Hahabol ako. Excused ako mamaya eh, may training ang mga CAT members."
Tumango ulit si Bryan. "Sige. 4pm sa Library na lang tayo magkita-kita. Tapos doon na lang natin i-distribute yung mga gagawin natin." isa-isa niya kaming tinignan at nginitian.
My heart melted and almost disappeared dahil sa kanya. How can this man make me like this?
Tumayo na si Bryan at Oscar pagkaraan at halos nakahabol pa ako ng tingin sa kanya. Kahit ang likod niya ay sobrang bakat na bakat sa suot naming uniform. Ibang klase talaga.
"Malusaw naman yan." Naramdaman ko ang pagtapik ni George sa akin kaya lumingon ako sa kanya.
"Gurl, I'm in love na talaga." I clasped my hand and watched him on his seat.
"Tuktukan kaya kita? Alam ng halos lahat dito sa CSL ang pagkahumaling mo kay Bryan. Ano bang ikinagwapo niya?"
Nilingon ko nang masama si George. Palibhasa iba ang crush nito kaya hindi niya ako mage-gets!
Para sa taong humahanga at nagmamahal na katulad ko ay si Bryan ang pinakagwapong lalaki para sa akin. Siya ang taong papakasalan ko someday kaya bakit ba!
"Epal ka, gurl," ingos ko sa kanya bago muling tinanaw si Bryan.
Alam kong kami ang magkakatuluyang dalawa dahil nagpahula na ako noon at ang sabi nga sa hula ay isang lalaki na matagal na akong kilala at nakikita ang magiging asawa ko.
Isa lang iyon! Si Bryan! Siya lang!
"Hoy gurl, excuse ka na, ‘di ba? May practice ka sa marching band n’yo?"
At para akong nakabalik sa diwa ko. Agad akong tumayo at inayos ang bag ko.
"Shucks! Nakaligtaan ko! Papagalitan na naman ako ni Miss Ong nito," bulong ko sa sarili habang inaayos ang gamit ko.
Tumawa naman si George na pinapanood akong ipasok ang mga gamit sa bag ko. "Iyan, tulala pa more. Akala mo, ah."
Inirapan ko lang siya bago nagpunta sa table ni Sir Jomar upang magpaalam sa kanya.
"Yes, Summer?" tanong nito sa akin ng nasa harapan na niya ako.
Ngumiti ako sa kanya bago magsalita. "Ah, sir, excuse lang po sana ako kasi may practice po ako sa drum and lyre--"
Iniangat ni sir ang kamay niya bago pa matapos ang sasabihin ko. "Yeah, I heard na may competition ka next week kaya kailangan mong mag-practice."
Tumango ako sa kanya "Opo. Pwede na po ba akong pumunta sa practice ko?"
Tumango si Sir Jomar kaya nagpasalamat ako agad bago nagmamadaling lumabas ng room pero bigla akong napahinto kasi nakita ko si Bryan na nakasunod ng tingin sa akin.
Mula sa mabilis na pagtakbo ah binagalan ko at ngumiti sa kanya at pasimpleng kumaway. Bry just nodded his head to me pero halos mahulog ulit ang puso ko!
"Baliw ka na gurl!" narinig ko pang pahabol na sigaw ni George sa akin pero hinayaan ko na. Basher ko kasi talaga siya palibhasa hindi siya pinapansin ng crush niya na college rin naman.
I ran para lang makapunta sa gymnasium ng school. From afar ay naririnig ko na ang pag-practice ng mga drum and lyre members para sa kantang ilalaban namin sa event.
Humihingal akong huminto sa may pintuan ng gym at napatigil din sila pati na si Miss Ong. May ilang mga grade 11 at 12 na students din ang nasa gym dahil may ilang nakatambay at mga nanonood lang.
"Sorry po!" sigaw ko hanggang makarating ako sa mismong lugar namin sa malaking gym. Umupo rin ako sa lapag katulad ng ibang majorettes na nakaupo sa lapag.
Huminga nang malalim si Miss Ong at tinigna ang orasan niya bago ipakita ito sa akin. "Next time, Summer."
Tumango na lang ako sa kanya bago ko inabot ang hawak niyang baton ko.
Ako ang mother majorette ng CSL at panlaban ng buong distrito ng aming lugar sa Bulacan sa mga events. Mostly ay napapanalunan ko naman talaga kaya masaya ang school at ang bayan namin na ito sa Bulacan sa nangyayari.
"Okay, let's begin our practice again dahil nandito na si Summer!" announce ni Miss Ong.
I stood up immediately bago ako humarap sa kanila na hinahanap ang position nila. Nang makita kong ayos na ay humarap muli ako kay Miss Ong bago ko hipan ang whistle na gamit ko at ikumpas ang baton na hawak ko upang tanda na magsisimula na kami.