Dalawang araw na lang at regional competition na. Hindi pa rin makakauwi sina Mommy at Daddy from their travel kasi nag-enjoy sila. They just asked Nanay Pilar, my yaya, to attend and look after me.
Atsi's still on her honeymoon in America to visit Kuya Gino's relatives na rin. My Ahias' won't be attending my competition because they are busy. I know that I should be fine with it. But I can't help it. Nasasaktan pa rin ako kahit papaano.
"Good exhibition, Summer!" Miss Ong clapped her hand so hard pati na rin ang members ng marching band.
Pinanood kasi nila ang gagawin kong exhibition para sa Friday. They are nervous and excited all at the same time. Pati na rin ako nervous na kasi last performance ko na ito bilang member ng marching band since this will be the last competition as well. I will focus on my theater org.
Almost 11 p.m na kasi we are all practicing so hard. Hindi lang kami ang nasa school pa. May mga college students na nagtetrain for their cheer dance competition pati basketball players.
Binaba ko ang dalawang baton na ginamit ko for exhibition. Napaupo na lang ako sa floor after kong mag bow sa kanilang lahat.
"Ang galing mo talaga, Ate Summer." sabi ni Eliza, ang susunod na mother majorette ng band pag graduate ko.
Nilingon ko siya at pagod na ngumiti. I practiced so hard para sa gagawin ko. May mga sugat and bruises na rin ako because of it. Pero fine lang naman kasi I know na my juniors and fellow members are doing their best as well.
"Thank you, Eli. You too, you did well." sabi ko sa kanya.
"Okay everyone, listen. Bukas ang last day ng training natin. Meaning to say dress rehearsal tayong lahat. Wear your costume tomorrow except for you, Summer. Ayaw natin na may makakita ng isusuot mo. I assume na nasa inyo na iyon, right?" She asked me.
I nodded and gave her a thumbs up. I'm too tired to speak pa. My costume for the regionals is different from the rest of them. I have it customized kasi si Mommy na rin ang nag-ayos nun. Bukas and sa Friday ay excuse ako sa class dahil na rin sa training and mismong competition.
"Yes, ma'am!" sigaw ng lahat.
"Dismissed. Be safe on your way home. " ani Miss Ong.
I yawned and gather all my things habang ang ibang members ay ganun din ang ginagawa. They were talking to me but I'm too tired to response pa. The only thing that I can do is to nod, smile, and yawn.
Dala ang duffel bag at bag for my batons ay nag bid na ako ng goodbye sa kanila. Driver ang susundo sa akin today dahil wala pa sina Ahia sa house dahil may gathering ata na pinuntahan.
I'm walking with my fellow majorettes when I saw a familiar figure from the side. He's walking as well na rin. Iisa na lang kasi ang way out ng campus.
"Girls. see you tomorrow." I waved my hand to them and run after him.
He look so tired kasi he's massaging the bridge of his nose. Ngayon lang ba natapos ang class niya? Late naman na. "Hi!"
Gulat na napatingin pa siya sa akin pagkatapos ay kumunot ang noo niya. Binalik din niya ang glass niya to see me fully. "Why are you still here?" he asked.
I smiled and showed my bags to him. Hindi ko siya nakita noong mga nakaraang araw. Maybe he's too busy sa study niya kasi based sa info na I heard. He is the top dean's lister ng school and top 1 ng class.
He looked at his watch bago tumingin sa akin ulit. "At this time?"
I nodded, "Sa Friday na kasi yung regionals. We have to train so hard para manalo. Bukas, dress rehearsal namin. We will train at the main ground. Watch ka ah. Mga 10 am pa naman yun. "
"I have class." simpleng sagot niya.
I pouted my lips, sayang naman. I'm sure na maraming manonood bukas dahil hindi rin naman lahat makakaattend ng competition sa Friday.
"Friday? Kaya lang sa ibang school kami lalaban. Sa BSU gaganapin yung laban. 10 am din yun."
Hindi niya ako sinagot hanggang sa makarating kami sa main gate. Nakita ko na kaagad ang SUV namin at sa likod nun ay isang jeep.
"Why are you still here anyway?" I asked him.
He breathe out a deep sigh before turning to me, "Group research."
"Ah! Maybe mahirap yan kaya ngayon ka pa lang."
Hindi na ulit siya sumagot hanggang sa huminto ang jeep sa harap namin. Wala namang passenger doon or students na sasakay.
"Sabay ka na sa akin? Mahirap sumakay kasi late na tsaka dangerous na rin since alone ka." offer ko sa kanya.
Syempre kahit hindi niya ako kinakausap or what, ayoko namang umuwi siya mag-isa lang basta. Delikado pa naman ngayon.
"Salamat na lang." aniya. He pointed the jeep na nasa harap namin. Isang medyo matandang lalaki ang nasa loob nun.
"Anak, tara na! Gabi na. Baka nag-aalala na yung Mama mo." nakangiti itong nakatingin kay Aiden pagkatapos ay sa akin. So father niya iyong driver?
Aiden opened the door of the passenger seat, sasakay na sana siya pero nilingon niya ako.
"May sundo ka ba?" he suddenly asked.
I nodded and then pointed the SUV behind their jeep. Tumingin ako sa Papa niya at kumaway dito. "Hello po. I'm Summer po. Kuya Lucho's friend." pakilala ko.
Kumunot ulit ang noo niya sa sinabi ko. Ayaw ba niyang friend kami?
"Ay napakaganda mo naman pala. Bakit ginabi ka ata hija?" he asked.
I smiled to him. Mukha siyang friendly kahit parang pagod na siya sa work. "I have training po kasi. Sige po, TIto. Nice to meet you po!" I waved my hand to him before looking at Aiden.
"Go ahead na. Bye!" tumalikod na ako para lumakad papunta sa sasakyan namin when I heard his voice.
"Drop the 'kuya'. Hindi bagay." he said.
Napahinto ako sa paglalakad at nilingon siya pero nakasakay na siya sa loob ng jeep at umalis na rin kaagad. Why should I drop the 'kuya', mas old naman siya sa akin. And besides that's a sign of respect.
Ang gulo-gulo rin naman talaga niya. Ayaw niya siguro akong maging friend kaya ayaw niyang tawagin ko siyang 'Kuya'.
I didn't think anything else hanggang kinabukasan. Masakit ang buong body ko but I have to get up and prepare for our dress rehearsal today. Tomorrow na ang competition and I have to maintain my shape and performance. I can't slack up!
"Nia, eto sandwich mo. Alam kong hindi ka na naman kakain ng agahan mo." nagmamadali si Nanay Pilar na inabot ang lunch bag ko. "Naglagay na rin ako ng tanghalian mo diyan. Kumain ka para maganda ang kondisyon mo bukas." bilin pa niya sa akin.
Inabot ko naman iyon at inilagay sa loob ng duffel bag ko. "Thank you, Nanay. I have to go na po. Goodbye." I ran immediately para makasakay sa sasakyan.
Again, driver lang ang naghatid sa akin ngayon. My Ahias' were not yet up noong umalis ako.
It's 9:30 a.m na and late na ako. Though 20 minutes lang naman ang ride papunta sa school. Late na rin kasi akong nagising kasi pagod talaga ako. I deserve a full bosy massage after this competition. I want to relax before going back to theater.
Ininom ko lang ang energy drink na baon ko at kumagat ng isang sandwich na gawa ni Nanay Pilar. Kailangan ko kasi ng lakas para sa rehearsal na ito.
"Kuya Mike, I'll call the house na lang po kung what time ako uuwi. Thank you po, tulog ka po pag-uwi niyo po mamaya." I said.
I'm sure na sleepy pa siya kasi late na kami nakauwi kagabi. Wala namang lakad sa bahay dahil wala pa naman sina Daddy or Mommy. Sina Ahias' naman ay ayaw na may driver dahil they know how to drive naman.
I know how to drive na rin naman pero they don't allow me to use my car.
Nagmamadali akong tumakbo papunta sa main ground and as expected they're all there na. Nasa stage sila habang nagpapahinga. Yung mga majorettes ay nakadamit na. They're wearing a mini white pleated skirt and a dark blue and white long sleeves na see through ang sleeves. Sa chest area ay sweetheart style na may dark blue lining and dark blue buttons.
The female flag bearers ay same style ng top and skirt ng mga majorettes. The only difference is that, they have white leggings.
The lyre members are wearing a dark blue long sleeve with a white sequence sash. Their pants is pure white pants naman.
The rest of the crew ay pure white long sleeves na may dark blue sequence sash and dark blue buttons. Same with their pure white pants. May feather hat silang lahat na suot.
Ang majorettes and flag bearers ay feather clip naman. Hindi nakasuot yung ilan ng clip while yung mga bagong members ay nakasuot.
Napatingin naman ako sa suot kong damit. I'm only wearing a black long sleeve na crop top and gray training trouser at rubber shoes. Samantalang sila ay nakasot na pati yung sapatos na gagamitin bukas.
"Good morning, Ma'am. Sorry po, I'm late." sabi ko kay Miss Ong pagkalapit sa kanya.
She just nodded at me, "Ayos lang. May 5 minutes pa naman."
"I'll put my things there." paalam ko sa kanya at nilagay ang gamit ko sa bag ng mga kasamahan.
May mga students na rin na nanonood. Dahil nasa main ground kami ay kitang-kita kami ng lahat pati na rin yung mga dumadaan sa pasilyo at yung mga nakasungaw sa main building.
Miss Ong, whistled and everybody went to their position na. Kinuha ko naman ang mga baton ko. Tatlo iyon, isang pang mother majorette na mahaba at malaki at dalawang for exhibition ko. Sinuot ko na rin ang whistle ko bago tumakbo papunta naman sa position ko.
I'm standing in front of the team dahil ako ang magbibigay ng signal sa kanilang lahat. I did the basic baton twirl using my mother majorette baton bago ko hinipan ang whistle.
I heard a three loud drum beat before marching. I'm smiling habang hawak ang baton sa kamay ko na parang isang bulaklak.
When I reached the center, dahan-dahan akong umikot paharap para makita silang lahat na pumupunta sa posisyon nila. Still marching on the beat of the drum, dahan-dahan kong tinaas ang baton. At hinipan ang whistle para huminto ang drum beat.
I faced front pagkatapos ay muling hinipan ang whistle para sa performance na gagawin naming lahat. Nagsimulang tumunog ang lyre, ang kanta pa naman ay mga 80's to 20's OPM. Kaya ang ginawa namin ay transition ng old OPM to new OPM.
I did the fist routine para sa kantang Mr. Kupido . The next song was a solo performance of the baton twirlers, wala ako doon. All throughout the music na naririnig ko lang noong bata ako ay sinasayaw ko na ngayon. Everyone cheered when they saw us moving. I have a solo part kung saan mahirap at mabilis na routine ang ginawa ko.
The baton twirlers move onto the side nang part ko na para sa special exhibition. I had to move on the center, in front of the drum corps and lyre team. Using two batons ay ginawa ko ang mahirap na routine para sa part na ito. I did the thumb toss, horizontal toss and flourish habang sumasayaw ako sa kantang napili ng banda.
When the loud drum beat drop. I stopped as well para sa showdown music na gagawin naman. Akala siguro ng lahat ay tapos na dahil malakas ang palakpakan at sigawan ang narinig ko. Ayokong mag-angat ng tingin kasi madidistract lang ako sa mga audience. I have to focus para mas maging maganda ang kalalabasan ng sayaw ko.
I bow my head habang hinihintay patugtugin ang Tala. Master ko naman na yung gagawin kong sayaw pero hindi ko ipakikita lahat ngayon dahil baka may spy.
Sa takbo ng isip
Hindi ko maipilit
Tila ako'y nakalutang na sa langit
Ngunit nalulunod sa yong mga ngiti
At kung hanggang dito lang talaga tayo
Hindi pababayaan ang daang tinahak na kapiling ka
At kung umabot tayo hanggang dulo
Kapit lang nang mahigpit
Aabutin natin ang mga tala
Tala, tala, tala...
Ang ningning ng mga tala'y nakikita ko sa'yong mga mata
Tala, tala, tala...
Ang ningning ng yong mga mata'y nahanap ko sa mga tala
Mas naging malakas ang palakpakan ng lahat pero hindi ko pa rin magawang mag-angat ng tingin. Dalawang beses ko kasi kailangan sayawin ang part na ito. Nang matapos ko ang routine ko para sa Tala ay nag step aside naman ako. Special dance naman kasi ng baton twirlers at flaglets.
"Ang galing-galing mo, Summer!" sigaw ng mga kaklase ko na nasa isang window ng main building.
Tinignan ko sila at kumaway sa kanila. Pinunasan ko naman ang pawis ko habang hinihintay ang susunod kong part. Kailangan ko pa kasing gawin ang susunod na exhibition ko.
Tumakbo ako papunta sa harapan ng mga baton twirlers ng part na para sayawin ang sa susunod na exhibition. Mga t****k hits naman ang sasayawin namin sa part na iyon. At dahil wala naman ako sa t****k ay kinailangan ko pang mag download ng app na iyon just to watch those dances.
Everyone cheered us after ng ginawa naming exhibition. Alam kong pagod din ang lahat ng kasamahan ko. Pero we still have to do the outro para sa exit naman. I blew my whistle once more after the basic twirl . Three loud rum beat ulit bago lumakad pa exit ang drum corps, sumunod ang lyre members, flag bearers, baton twirlers at panghuli ako. I had to face front again para sa courteous exit. After twirling my baton, nag bow ako bago tumalikod ulit at umexit.
Napasalampak na lang ako sa damuhan after ng exit na iyon. Pagod na pagod ang katawan ko. Hindi kasi ako nagkaroon ng chance na mag stretching man lang. Nag whistle naman si Miss Ong kaya lumapit kami sa kanya. May ilang students na siyang kasama na may hawak na boxes at nagpapamigay ng flat bread at bottle juice.
"Good job, guys. We will have another practice after 30 minutes sa gym na para magawa niyo yung routines na hindi niyo ipinakita. And then, pwede na kayong umuwi para makapagpahinga." announce niya.
Nagbunyi naman ang lahat sa announcement ni Miss Ong. Akala ko late pa ako makakauwi ulit. Gusto ko na lang kasi talaga na matulog muna para may lakas ako.
"I'll just go to the restroom." paalam ko kay Eliza na katabi ko.
Nilingon niya ako at ngumiti. "Sige, ate. Ako na bahala muna sa gamit mo." aniya.
"Thank you." iniwan ko ang bag ng baton at tanging pouch lang ang dala ko.
Malapit lang naman ang restroom mula sa main ground papunta sa main building. Pero mas gusto kong restroom sa BPS kasi kaunti lang ang nagpupunta doon.
"Uy, Summer. Ang galing-galing mo." bati sa akin ng mga nanood kanina.
"Thank you." Iyon lang naman ang lagi kong nasasabi ko sa kanila.
Mabuti na lang at wala masyadong students sa BPS that time. Baka nasa classrooms pa para sa class nila. I went immediately inside pa para maka pee na. After doing that ay nag wash na ako ng hand at nag-ayos ng sarili.
"Haggard!"
Pawis na pawis kasi ako at nakakalat ang buhok ko. Hindi ko na kasi nagawang mag tie man lang ng hair. I wiped my sweat and tied my hair, naglagay na rin ako ng tint para hindi ako mukhang zombie.
I sprayed some perfume para hindi ako amoy-pawis naman. After making sure na presentable na ulit ako ay lumabas na ako. Nagulat na lang ako ng makita si Bryan sa labas ng CR ng girls.
"You're here!"
Why is he here? Nakangiti lang siya sa akin habang nakatingin. Kumabog naman ang dibdib ko sa kanya. This is the first time na nakita ko siyang ganito. He's holding a notebook and a juice on his hand.
"Ah... eto pala. Kinopya kita ng mga notes na namiss mo." inabot niya sa akin ang notebook pagkatapos ay napakamot sa ulo.
"Oh. Thank you. You don't have to do this but I appreciate it a lot. Thank you, Bry."
"Eto juice para sa iyo. Napanood kita kanina. Ang galing-galing mo, Summer."
I blush sa sinabi niya. Napanood niya ako? Ibig sabihin okay lang yung sayaw ko sa kanya. "Maganda ba?"
He nodded, "Ikaw na naman ang champion niyan. "
"Hopefully." Nahihiya ako sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Mabuti sana kung nandito si George.
First time niya kasing lumapit sa akin and sobrang saya pala kapag ganito. Should I assume or what?
"Hindi kasi ako makakanood bukas. May klase pa naman. Pero sana katulad last year, i-live para mapanood naman ng lahat." He said.
Last year kasi nag live yung regional staff ng laban. Kaya hindi daw nagklase nung time ng performance namin. We did won last year and sana hanggang ngayon kami pa rin ang title holder.
"Sa akin na ito? Himala naman yan, Aiden!"
Aiden?
Naglipat ako ng tingin mula kay Bryan papunta kay Aiden na nasa exit door na ng BPS. Kasama niya yung Oliver habang may hawak ding juice.
"Akala ko ba may dadaanan tayo dito?" dagdag pa na habol tanong ni Oliver.
Why is here as well?
Pinilig ko na lang ang ulo ko pagkatapos ay hinatid na ako ni Bryan sa main ground. Pumunta naman na kaming gym para makapag practice pa ulit. Mas ginanahan akong sumayaw ngayon dahil kay Bryan. Nakita ko siya ngayon at personal pa niya akong kinausap.
Dala ko ata yung saya na iyon hanggang kinabukasan.
Maaga kaming umalis sa bahay. Tumawag naman sila Mommy at Daddy sa akin na galingan ko na lang daw at hindi pa sila makauuwi. They're still enjoying their trip abroad.
My phone beeped habang sinisimulan akong ayusan ng make up artist na hinire ni Mommy para sa akin. Nanay Pilar's on my side, attending every thing that I need.
gorgeousmg: Good luck, sis! May live naman daw kaya manonood kami ulit. Wag mo masyadong galingan baka umiyak na naman yung mga kalaban mo.
I sent her a thank you message after that. I need to focus kasi today. "Nanay, here's my phone. Please keep it." inabot ko kay Nanay Pilar ang cellphone ko.
"Akong bahala. Basta wag kang kakabahan mamaya ah. Galingan mo, Summer."
Kanina pa niya sinasabi sa akin yan. Mukhang siya pa ang mas kinakabahan kaysa sa akin. Laging siya naman ang kasama ko tuwing may competition ako. I smiled to her and held her hand.
Nagsidatingan na rin ang mga members ng marching band namin. Nakaayos na sila habang ang iba ay dala ang ilang magulang. I feel envy kasi I really want to bring my parents here pero they are neglecting me naman.
Ang buhok ng mga baton twirlers at flag bearers ay naka bun lahat tapos ang feather clip nila ay nasa right side ng hair nila. They're still wearing their uniform for today. Malinis naman na iyon dahil they have two sets of that uniform.
At dahil ako ang mother majorette ay iba ang suot kong damit kaysa sa iba kong kasamahan.
The black and red uniform makes an Ombre style, ang high waist short ay kulay itim na tinadtad lang mg mga puting rhinestones, samantalang ang suot kong long sleeves na blazer ay nagmula sa kulay itim paakyat sa kulay pula na may mga rhinestones din, ang disenyo naman sa balikat ay kulay itim ulit na may mga puting rhinestones, ang suot ko namang itim na v-cut na tube ay pinapalibutan din ng rhinestones.
Samantala hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko na pinalagyan ko ng extensions upang kumulot, sa isang gilid ay nilagyan niya ng clip na disenyong itim at puting bulaklak. Hanggang ibabaw naman ng tuhod ang suot kong itim na gladiator boots na tanging gitna lang ang may mga tali.
Kami ang fifth participant dahil seven lang naman ang kailangan. One representative per province. We are representing Bulacan and we have to make sure na kami pa rin ang mananalo. They venue was held here in BSU dahil sa kami ang title holder.
"Don't get nervous, okay? Kaya natin ito. Tayo ulit ang mananalo!" proud na sabi ni Miss Ong.
"Yes!" sigaw ng lahat.
And hopefully ay manalo nga kami ulit para sa competition this year.