06

3213 Words
Dapat masaya ako kasi kinasal na ang ate ko. Pero hindi ko maiwasang malungkot. Sinulyapan ko yung photographer na iyon. Sabi ng ibang kasama niya, 'Aiden' daw ang pangalan niya. Naka-assist lang naman siya doon sa isang lalaki hanggang sa venue ng wedding ni Atsi. Pagdating namin sa reception ay hindi agad kami nakapasok dahil nagpipictorial daw sa loob yung bagong kasal. Kaya nasa lobby kami ngayon at pati si Aiden ay naroon din. Gusto ko sana siyang lapitan kaya lang kapag nakikita niyang nakatingin ako ay sumisimangot na siya kaagad. "Ano na? Bakit malungkot ka diyan? Miss mo na agad si Ate Win?" usisa ni George sa akin. Tinignan ko lang siya bago ilingan. Kanina pa nga niya ako inaasar doon kay Aiden kasi napahiya ako. Sinundan naman niya ng tingin yung tinitignan ko matapos niyang mapansin na hindi ko ata siya balak kausapin. "Ano ba yan, sis. Siya pa rin? Sabagay, gwapo naman. Kaya lang inisnab ka." dumampot si George ng picka-picka at kinain iyon. "Am I ugly, George?" biglang tanong ko sa kanya. Kasi sa ibang babaeng ngumingiti siya pero pagdating sa akin nakasimangot na siya. Pangit ba ako? Hindi ba siya nagandahan sa sayaw ko kanina? Tumawa naman nang malakas si George, "Jusko ka, sis. Kung ikaw pangit. Ano pa ako? Nasa laylayan ng lipunan sa sobrang pangit? Tignan mo nga ang paligid mo, Summer. Ikaw ang nangingibabaw bukod sa akin." sermon niya. I pouted my lips habang pasimpleng hinihiwalay ang green peas sa mixed nuts na naroon. "Kasi hindi niya ako tinignan man lang. I think na ugly talaga ako." reklamo ko. Hinampas naman ako ni George sa balikat. "Ako, Summer, tigilan mo. Ugly-ugly ka diyan." aniya at nakitulong na sa akin sa paghihiwalay ng green peas. "Hindi naman ako magagalit kung sasabihin niyang ugly ako. Kaya lang, you know, he doesn't even give me a better look. Nakasimangot siya pag nakikita niya ako." patuloy na sabi ko. Narinig ko ang malalim na buntong hininga ni George sabay kuha ng green peas at bato sa akin. "Tumigil ka nga. Yung partner mo nga tingin nang tingin sa iyo. Doon ka na lang sa kanya." sabi nito sa akin. Sinulyapan ko naman yung sinasabi niyang partner ko kanina. Si Timothy, pinsan nila ni Kuya Gino. Nakatitig yun sa akin at bahagyang kumaway habang nakangiti. Sinubukan ko naman ngumiti kaya lang napawi ulit dahil doon sa naglakad sa harapan ni Timothy si Aiden. "I'm positive na ugly nga ako." sabi ko na lang bago binaba ang tingin at nagsimulang kainin yung mixed nuts na walang green peas. "Shobe!" ang akbay ni Ahia SP ang naramdaman ko matapos marinig ang boses niya. "Ayan. Kuya SP, sabi niya pangit daw siya." sumbong ni George kay Ahia. Pinandilatan ko naman siya ng mata at nilingon si Ahia. Nakakunot na ang noo nito dahil sa sinabi ni George. "Sinong nagsasabing pangit ka? Iharap mo sa akin yan ngayon, Nia." seryosong sabi nito. I bit my lower lip pagkatapos ay umiling sa kanya. "No, Ahia. We were just joking lang naman. Don't take it seriously. Kasi I know naman na I'm not ugly." sabi ko sa kanya. Seryoso pa rin na nakatingin si Ahia sa akin. Pinilit kong ngumiti sa kanya. Syempre ayoko namang gumawa ng gulo sa kasal ni Atsi. Mamaya masisi na naman ako nung isa na iyon. "I'm fine, really." pag-ulit ko. Marahang tumango si Ahia sa akin bago tinignan si George at iwan kami. Nang makalayo si Ahia ay hinila ko ang buhok ni George. "Aray naman, Summer." reklamo nito. "Ang daldal mo kasi, Georgina. Alam mo naman yung temper ni Ahia." sabi ko sa kanya. Sumimangot siya sa akin. "Kasi naman. Yung mga tanungan mo pang bobo. Sa true lang, sis." Hindi ko na siya pinansin pa dahil binuksan na ang pintuan ng reception para makapasok ang lahat. Naiwan pa kaming entourage dahil may pa special entrance pa raw. "Ano raw? Sasayaw?" tanong ni George sa akin. Pasayaw daw kasi ang entrance ng lahat. Napakamot naman ako sa ulo pagkatapos ay nagkatinginan kami ni George. Hindi naman ako nahihiyang sumayaw dahil ginagawa ko na iyon kaya lang iba pa rin pag kilala mo yung mga nanonood. "Wala kang baton?" she asked me. Kumunot ang noo ko sa tanong niya, "Hindi na. Ayoko. Mamaya sabihin nila masyado akong Jollibee." sagot ko sa kanya. "Okay, so bawat entrance ay mayroong song na naka assign ah. Eto po ang list ng kanta sa bawat entrance ninyo. Five minutes para makapag practice kayo ng sayaw." the organizer announced. "Lahat, t****k. Yes naman." narinig kong sabi ng isa sa bridesmaid. "Sis, Tala ang iyo." imporma ni George sa akin. Nakisilip ako sa listahan ng kanta na sasayawin. Tala nga ang napunta sa akin. Napapikit na lang ako bago humarap kay Timothy. "Tala yung atin. You know how to dance it, right?" I asked him. Nilingon ko yung ibang mga abay nagsisimula na rin silang mag-usap ng mga partners nila. Although madadali lang naman lahat ng sayaw. Tumango si Timothy sa akin, "Yes. Ikaw alam mo?" he asked me. "Oo alam ko rin." sagot ko sa kanya. Inilabas niya ang cellphone niya at hinanap ang kantang 'Tala', "Let's start practicing. Para sabay tayo mamaya." aniya. Lumakad kami ng medyo malayo sa ibang nagsasanay ding sumayaw. Kung yung iba ay natatawa o nakikipagharutan, naiilang naman ako. Hindi naman sa hindi ako confident sumayaw kaya lang naiilang ako sa paraan ng pagtitig ni Timothy sa akin. "Ganito di ba?" he started dancing the chorus. PInanood ko muna siya. I know the steps already since sasayawin din naman yun sa regional. Ang kaibahan lang ay walang baton na hawak ang gagawin kong pagsayaw. Magaling naman sumayaw si Timothy. Pero yung sayaw niya ay halatang natuto lang siya from t****k. "Come on. Let's dance this together." Hinawakan pa niya ang kamay ko para magkatabi kaming dalawa. Umusog naman ako ng medyo malayo sa kanya. Tinignan niya ako pero tinapunan ko lang siya ng ngiti. He pressed his phone again para tumugtog yung kanta. I'm moving my hand ng hindi masyadong halata. Sinasanay ko lang yung kamay ko para sa magiging movement nito sa regional. And when the chorus hit, sabay kaming kumilos ni Timothy. Hindi ko naman gustong magpakitang gilas pero dala rin siguro ng practice ko kanina ay masyadong umangat ang kilos ko. Timothy clapped his hand in awe dahil sa akin. "Wow! Ang galing-galing mo pala talaga, Summer. " anito. "Salamat. Ikaw din magaling ka rin." I should complement him as well right? Hindi naman pwedeng hindi. "Tayo na ang magaling na mag partner." nakangisi siyang lumapit sa akin at bigla akong inakbayan. Napapitlag naman ako sa ginawa niya. Dahil una sa lahat ay ngayon lang naman kami nagkakilalang dalawa at hindi naman kami close. Napatingin naman ako sa ibang kasamahan kong abay. Busy ang lahat kahit sina Ahia! Nobody can save me from him. I know na hindi naman siya nang haharass or what. But I just don't like this feeling. Until I saw someone walking towards our area. Halos hindi ko na nga rin maintindihan ang sinasabi ni Timothy sa akin. All I ever want is to be free from him. "Puntahan kaya kita sa school mo, Summer? Wala ka namang boyfriend di ba? Tsaka you're what? 18 na di ba?" he said. Sinusubukan ko namang kumilos para mahalata niyang naiilang ako sa kanya pero mukhang numb siya. Hindi niya magets na ayaw ko sa physical contact naming dalawa. Aiden's eyes met mine. I made sure na I have this pleading look in my face para ma save niya ako from Timothy. Seryoso naman siyang nakatingin habang papalapit. He stopped in front of us. "Miss, tawag ka ata doon." he said. Pointing the direction of my brother na nakatalikod. Parang nagliwanag ang mundo ko dahil sa kanya. How great his timing is! Nilingon ko si Timothy, "Sorry. I think my brothers need me." bago ako pumiglas sa kanya at tumingin kay Aiden. He's looking at me as well, "Thank you." I said bago lumakad palayo sa kanila. Thank, God na nakalayo ako from him. Naiilang kasi talaga ako sa kanya. Hindi ako sanay. I'm not really used to it. I tried to stop myself from looking back para i-check kung nandoon pa si Aiden but I doubt that he would still be there. He's so serious and lucky na lang ako na nagets niya yung gusto kong iparating kanina. Bago pa man ako makalapit kina Ahia ay tinawag na ulit kami ng organizer. Luckily ay hindi magkakatabi ang mag partner. Sa pagpasok lang namin sa venue kami magkakasama. George is behind me. Hinawakan niya ang shoulder ko kaya napalingon ako sa kanya. "How's your practice? Wag mo masyadong galingan, sis. Entrance lang gagawin hindi competition ah." she told me. "I won't do that." sagot ko na lang sa kanya. Gusto ko na lang kasi matapos itong entrance na ito para I won't see Timothy anymore. I watched everyone as they went inside when their names were being called na. Timothy's standing across me and smiling from ear-to-ear. "Now let us welcome, Miss Summer Serenity Montealegre and Timothy Julio San Diego!" "Good luck, sis!" cheer ni George. Hindi ko na siya nalingon pa dahil Timothy held my hand as we walked towards the mini platform where we are going to present our dance. Everyone's clapping their hands. My parents are watching us while holding up their phone to take a video siguro. I saw Aiden standing at the corner with a camera on his hand taking a picture as well. Later, I will thank him from saving me. The music played and katulad ng practice namin, we both danced as well. Hindi naman ako nahihiya kaya lang I'm really not used to it na pati parents ko and brothers ay nanonood sa sayaw ko. They never watched any of my marching bands performance. Hindi ako nagsasayaw sa harap nila kaya sa room lang lagi ako nagpapractice ng mga exhibitions ko. But now, here they are. Watching me with their own eyes. I hope I can make them proud someday. Tila ako'y nakalutang na sa langit Ngunit nalulunod sa 'yong mga ngiti At kung hanggang dito lang talaga tayo Hindi pababayaan ang daang tinahak na kapiling ka At kung umabot tayo hanggang dulo Kapit lang ng mahigpit Aabutin natin ang mga tala Tala, tala, tala Ang ningning ng mga tala'y nakikita ko sa 'yong mga mata Tala, tala, tala Ang ningning ng 'yong mga mata'y nahanap ko sa mga tala And when the music stopped. They all cheer us. Tinignan ko kaagad sina Mommy at Daddy. They were clapping so hard just like my brothers. Gusto ko sana maiyak kaya lang umakbay ulit sa akin si Timothy. Parang umurong yung luha ko dahil sa kanya. "Napakagaling naman po ng ating couple sa kanilang Tala dance! Thank you, Summer and Timothy. And now..." Bumaba kami sa platform at agad akong humiwalay kay Timothy para makalapit sa table na naka assign sa family namin. Mommy hugged me immediately. "You are so great, Nia. I'm so proud of you!" ani Mommy. Nag-angat ako ng tingin sa kanya, "Thanks, Mommy." My brothers were also smiling at me kaya hindi na ako nagkaroon ng chance na panoorin pa maigi yung mga sumunod. I'm so overwhelmed by them.  Tumayo lang ako maigi nang i-announce ang pagpasok nina Atsi at Kuya Gino.  "Let us all welcome, Mr. Gregory Matteo Tan and Mrs. Winter Selene Montealegre-Tan!"  Everybody clapped their hands and so we did as well. Halos matawa kami nila Ahia when we saw Atsi dancing papasok sa reception. My brothers even took a video para souvenir daw. Despite of how she danced, Atsi was so pretty. Sana matagalan siya ni Kuya Gino sa ugali niya. The program started sa isang intimate na prayer. Nagserve naman ng snack per table kasi later pa raw ang foods. I'm too hungry na kaya kinain ko na yung muffins na nasa table ng pamilya namin.  I scanned my gaze and huminto iyon kay Aiden. He's walking out of the venue, I need to follow him to thank him. I cleared my throat and turn at my mom.  "Mommy, C.R lang po." paalam ko. Tinignan lang ako ni Mommy bago ngumiti at tumango. She looked back at the program kung saan nagsasalita yung ilang friends nila Atsi at Kuya Gino. Palihim din akong kumuha ng brownies para mabigay kay Aiden.  Nobody notice me rin naman kasi they are too absorbe sa pinanonood na ganap sa loob. Lumabas din ako ng venue  and there, I found him sitting at one of the wooden bench with a guy beside him. The evening breeze of the wind is caressing my skin, sending shivers all throughout my body.  Hindi agad ako lumapit kasi mukhang nag-uusap sila. Ayoko naman marinig yung pinag-uusapan sana pero narinig ko pa rin. "Sabi ko kasi sa'yo na wag ka nang sumama sa gig na ito. Tignan mo hindi ka pa tapos mag-aral sa exam mo sa Lunes." sabi nung guy kay Aiden.  "Mamaya na lang. Doon na lang ako sa kwarto mag-aaral. Madali lang naman iyon."  he replied.  Tinapik siya nung guy sa shoulder bago ito tumayo at umalis. Nagtago naman ako sa isang column when he passed by. When Aiden was left, I gather all the courage that I have and walked towards him. Mukhang malalim din naman ang iniisip niya kasi nakayuko siya habang nakaupo. Ang arms niya ay nasa knees niya while his palms are covering his face. What should I say nga ulit sa kanya? Parang nakalimutan ko na rin kasi sa itsura niya. Dahan-dahan ko na lang na inilapag ang brownies sa tabi niya. Pero mukhang natunugan niya kasi he raised his gaze to me. I bit my lower lip before smiling. "Hi, brownies?" I asked.  Tinitigan lang niya ako bago siya umayos ng upo at sumandal sa wooden bench. Tinignan lang niya ang hawak kong brownies bago nag-angat ng tingin sa akin. Hindi siya sumagot at binaling na lang ang mga mata sa maliwanag na garden.  I pouted my lips bago umupo sa bench. Hindi ako nakadikit sa kanya kaya malayo ang gap naming dalawa. Nakitingin lang din ako sa tinitignan niya.  "What are you doing here?" he asked.  May ngiti sa mga labi na tumingin agad ako sa kanya. He's looking at me as well. And this time na mas malapit ako sa kanya, I realize na talagang gwapo nga siya.  He's wearing a black long sleeves na parang uniform ata nila.The side part hair made him look so good. His pitch black eyes were looking at me seriously.  "Tititigan mo lang ba ako?"  tanong niya sa akin.  Bigla naman akong parang natauhan sa sinabi niya. I blinked my eyes before turning back to him.  Iniumang ko ulit ang brownies na dala ko sa kanya.  "Thank you gift?" patanong kong sabi. Kumunot naman ang noo niya bago ibinaba ang tingin sa hawak kong brownies. Malinis naman ang hand ko tsaka may cover yung brownies! "My hands are clean." agap kong sabi. "Thank you gift? For what?" tanong niya sa akin. This time ako naman ang kumunot ang noo. Hindi niya maremember?  "Kasi you saved me from Timothy kanina. I'm really naiilang to him kasi." Umusog ako para makalapit sa kanya.  Nakatigin naman siya sa bawat ginagawa ko. Nagtataka talaga ako sa kanya kasi hindi naman siya ganito kaninang morning. Mabait siya sa akin noong nakita niya akong nagsasayaw. Why he is so different now? As far as I know, I didn't  do anything against him.  He breathe out a deep sigh, "Pumasok ka na sa loob. Baka hinahanap ka--" "No!"  Mas lalong lumalim ang kunot ng noo niya sa sinabi ko. Baka nga kahit umalis ako ng ilang taon, hindi nila ako hahanapin. I'm invisible sa family ko. Pasimple ko namang hinaplos ang buhok ko bago siya sinagot. "They're too busy watching the program. Tsaka hindi ako need sa loob. Why are you here nga pala?" I asked.  "Nandito ka para mag-Thank you di ba? You don't need to ask why I'am here." supladong sagot niya.  Inilayo niya ang tingin sa akin. "Sungit." bulong ko. "Narinig ko yun." aniya. Narinig niya pa iyon? Ibang klase rin pala pandinig niya. Gusto ko pa sana siyang kausapin kaya lang ang sungit-sungit niya sa akin.  "I know your name na pala. Aiden, right?" I asked. Hindi siya sumagot sa akin kaya I think confirmation iyon na yun nga ang name niya. Pasimpleng ngumiti ako bago inilapag sa tabi niya ang brownies at tumingin ulit sa view.  "Sa CSL ako nag-aaral sa Bulacan. Grade 12 na ako. And you are?" He scoffed before looking at me, "Why are you curious?"  Nagkibit balikat ako. "Wala lang. Kasi I saw you in CSL noong Thursday. You helped me in reaching the book that I need doon sa library.  Remember?" Umiling siya sa akin bago ulit tinanaw ang liwanag ng garden. Sabi na nga ba at hindi niya ako maaalala. Bakit ba umasa pa ako doon? Ilang araw ko pa naman siyang inisip tapos ganun lang.  "Ganun ba?" binawi ko na lang ang tingin sa kanya at tinanaw ulit  ang tinitignan niya. I caressed my left thumb kasi ang awkward nung nangyari, Tahimik ang namagitan sa aming dalawa ni Aiden. For the first time in my life parang naubusan ako ng sasabihin sa kanya. Hindi ko ata kaya ang isang ito. Ang tanging naririnig lang namin ay ang masayang tugtog mula sa loob ng venue. "I'm a 4th year college student of CSL, medicine." ani Aiden. Bigla akong lumingon sa kanya dahil sa sinabi niya. Nabuhayan ako! Pero 4th year college na siya? Sabagay, mukha na rin naman siyang college.  "Wow! Med student ka pala. Ako rin, I'm planning to take medicine sa college.  May hospital kasi ang family namin kaya dapat in line ako sa kanila."  Nilingon niya ako at sarcastic na nag smile sa akin, "Baka ikaw pa ang maging pasyente imbes na gumamot." aniya.  "Uy grabe ka naman! Mataas naman ang grades ko ngayon. Ako ang  second honor sa batch namin." proud kong sabi sa kanya.  "Really, huh? Good for you then." aniya. "And you're from CSL din pala. Hindi kita nakikita doon. Pero ako? Nakikita mo ba ako? Ako mother majorette ng marching band natin!"  Binawi niya ang tingin sa akin at hindi sumagot sa sinabi ko. Baka nga hindi niya ako nakikita. Pero imposible naman ata kasi lahat ng students sa CSL kilala ako. Bakit siya, hindi?  Magsasalita pa sana ako ng tumunog ang cellphone ko. I opened it at nakita ako ang message agad ni Ahia sa akin.  Ahia SP: Where are you? Mom's looking at you. Bumalik ka na agad. Dahan-dahan kong nilingon si Aiden na hindi naman nakatingin sa akin. "I need to go back na. See you sa school ha? I'm Nia anyway. Yun na lang call mo sa akin. Summer Serenity is too long and too mouthful."  iniurong ko pa ulit ang brownies sa tabi. "You should eat that."  sabi ko.  Hindi ko na siya binigyan ng chance na magsalita at nagmamadali na lang na pumasok sa loob ng venue ulit. Sana magkita kami sa school at sana pag nagkita kami, hindi na siya aloof or what sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD