"Sinong umiyak?" salubong sa akin ni George pagdating nila ng tanghali sa Quezon.
Lumabi lang ako at pinagmasdan ang malawak na karagatan sa harapan namin.
"Ikaw, nagpapatalo ka na naman kay Ate Win. Kaya talaga kinakabahan ako na sister-in-law ko na siya." anito sabay inom sa buko juice na nasa harapan niya.
I breathe out a sigh bago ako humarap sa kanya. "Alam mo kung ano yung nagpapaexcite sa akin ngayon?"
"Ano?"
"Yung fact na aalis na si Atsi sa bahay kasi may bahay na sila ni Kuya Gino. That way wala na masyadong papansin sa akin sa bahay." sabi ko.
Kasi iyon naman ang totoo. Sobra akong naeexcite na aalis na siya sa bahay. Kahapon ay nilipat na raw nila yung ilang gamit niya sa bahay nila ni Kuya Gino.
Hindi na ako masyadong mapapansin kasi sila Ahia ay hinahayaan lang naman ako sa mga ginagawa ko.
"Gaga." sagot ni George sabay bato ng tissue sa akin.
"Buti ka nga may ate-"
"Naku George, sa iyo na lang si Atsi. Willing akong ipamigay siya."
Napailing na tumatawa si George sa akin. Sa dami ng iniisip ko ay wala na akong panahon pa para tanggapin ang mga patutsada ni Atsi sa akin.
"Anyway, so ano yung showdown dance niyo?"
Bumalik ang tingin ko kay George. She's referring sa regional marching band competition. At dahil nga mother majorette ako ng school namin at representative na rin ng buong bayan namin sa Bulacan ay ako ang sasabak doon.
"Tala raw."
"Tala?" sabay halakhak ni George.
Napakunot naman ang noo ko sa kanya. Ano ang nakakatawa sa Tala? Noong nakaraan ko nga lang natutunan yung sayaw na iyon eh.
"Bakit?"
"Gurl, gumawa ka na kasi ng t****k mo tapos magsearch ka roon ng mga sayaw. Ang common na kaya ng Tala, kahit sino kayang sayawin iyon noh?"
Napailing na lang ako sa kanya. IG, Twitter and Messenger lang ang ginagamit ko. Yung f*******: account ko nga ay sobrang bihira kong buksan eh tapos magdaragdag pa ako ng t****k.
"Ayoko nga. Sasabay pa ako sa mga kaklase natin na feeling influencers kasi may t****k at Vlogs-"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla akong binato ni George ng nilamukos niyang tissue.
"Aray ah! Busina naman gurl! Alam mo naman na t****k at Vlogging ang buhay ko."
I rolled my eyes to her. Oo nga pala, napakaraming sns ng kaibigan kong ito.
"Nasasaktan ang 15 thousand followers ko sa t****k at 200 thousand plus na subscriber ko sa vlogs ko!" pairap na sabi nito sa akin.
"Wow ha? Sorry naman sa mga followers mo." Natatawang iling ko sa kanya.
Kumpara naman kasi sa aming dalawa ni George ay talagang social person siya, extrovert kumbaga. Ako sinusubukan ko naman pero hindi talaga!
"Palibhasa sa dami ng followers mo gusto mo lang lagi nakikita yung si Bryan."
Isang malaking ngiti ang pumaskil sa mukha ko. Si Bryan na napakagwapo at bait. Kahit kailan talaga, siya ang nagbibigay ng kakaibang saya sa akin.
"Aba'y syempre, gurl. Jowa ko na kaya yun."
"Alam ba?"
Inirapan ko siya bago lumabi. "Bakit kailangan ba kapag jowa mo na yung tao, alam din niyang jowa ko siya? Edi nakipaghiwalay sa akin yun kapag nalaman niyang bebe ko na pala siya."
"May point ka nga naman diyan sa sinasabi mo." anito habang sineset-up ang cellphone niya.
Agad ko naman siyang nilingon at hindi nga ako nagkamali dahil nasa app na siya ng t****k niya. Akmang iuurong ko na yung upuan ko ng tignan niya ako.
"O saan ka?" Tanong nito sa akin habang nakatingin sa mga kamay kong pabuhat na sa upuan ko.
"Aalis. Ano ka ba gurl, alam mo naman na ayoko niyan eh." sabay nguso ko sa cellphone niya na nakaready na ang front cam.
Maligalig ako medyo madaldal pero hindi ko talaga kayang nakikita ang mukha ko sa mga videos or what. Hindi ako sanay!
Biglang itinaas ni George ang isang daliri niya habang magkasiklop ang dalawang palad niya na parang nagdarasal at nakaharap sa akin. "Summer naman! Sige na, isa lang please!"
Sunod-sunod ang naging pag-iling ko sa kanya. One time kasi nabiktima na rin niya ako sa ganyan kaya lang napakaraming take ang ginawa niya bago niya i-publish yung clip na nagustuhan niya. Iyon pala sinave lang niya yung ibang videos para mai-upload later on.
"A.yo.ko" mariin kong sabi sa kanya. "Hindi ka ba nahihiya? Andami kayang tao?" tsaka ako lumingon sa ibang guests ng lugar na kumakain din.
Pumadyak si George habang nakamasid pa rin sa akin. "IDC na bes! Dali na! Isa lang talaga promise! Yung mga videos ko kasi na kasama kita, yun yung mga may maraming likes."
Sunod-sunod ang naging pag-iling ko sa kanya. "Yung mga hindi mo na lang binura! Mamaya makita pa ni Bryan yan nakakahiya kaya!"
"Nakita na niya!"
"What?!" malakas na tanong ko sabay tayo sa upuan ko.
Napatingin tuloy ako sa paligid na nakatingin sa akin. Pasimple akong ngumiti at dahan-dahang umupo. Sa sobrang gigil ko ay hinila ko ang suot na salamin ni George pero agad din niyang nakuha sa akin at ibinalik sa mata niya.
"Did you showed it to him?" bintang ko sa kanya.
Umiling naman si George bago sumagot. "Nakita niya sa mga kaklase natin. Duh, Summer, hello, Maria Georgina ito, influencer." lumabi-labi pa ito habang tinuturo ang sarili.
Napapikit ako ng sobrang diin. Paano kung iba ang isipin ni Bryan sa videos na iyon. Birthday kasi ni George yun kaya pinagbigyan ko siya kaya hindi ko na inisip na baka makita ni Bryan.
"Nakakahiya!" mahina pero mariin kong sigaw. "What would he tell me kapag nagkataon?"
"Gurl! Last month pa niya nakita iyon pero wala siyang sinabi! Assuming ka na naman kasi."
Last month pa? Oh my gosh! Ibig sabihin naisip niya na pumatol na ako sa sorority ng mga mahilig sa t****k? No way in hell!
Tinuro ko si George dahil hindi ko alam ang tamang salita na dapat bitawan para sa kanya.
"O ano? Dali na! Para mapansin ka ulit ng bebe loves mo."
Kung hindi lang sa sinabi niya ay hindi ako tatayo para sundin ang utos niya. Padabog akong tumayo at lumapit sa kanya.
"Ano ba ang gagawin?" tanong ko sa kanya.
George grinned bago niya tinuro sa akin ang isang sayaw na gagawin daw naming dalawa.
"Ganito gagawin ah. Tignan mo ko." utos niya bago niya pinakita sa akin ang steps nung sayaw na gagawin namin.
I folded my arms over my chest habang pinapanood siyang sumayaw. She's snapping her fingers bago siya nag-lean forward at parang ginawang hugis box yung kamay niya tapos angat-angat ng kamay.
"Gets?"
I rolled my eyes bago ako tumango sa kanya. Madali lang naman pala yung gagawin. Inayos ko ang suot kong off shoulder na baby blue na top at dark blue na maong shorts, I tucked my hair at the back of my ear bago ako pumwesto.
With the vast blue ocean as our background, tinayo ni George ang phone niya sa dala niyang stand at pumuwesto sa harapan ko.
"Lambutan mo kembot, bakla ah." ngisi niya.
"Duh! Hindi ako magiging mother majorette for nothing." Mayabang na sabi ko sa kanya.
She rolled her eyes bago ako sinagot. "Edi ikaw na-"
May sasabihin pa sana siya kaya lang natapos na ang countdown ng app at sinimulan na namin ang sayaw. First try at nagawa namin kaagad kaya lang hindi satisified si George sa outcome.
"Try nga natin yung iba!" anito. Umiling ako sa kanya at tinulak siya.
"No way! Ayan ka na naman sa ganyan mo eh! Tapos nakasave lang pala lahat yun!"
"Hindi! Binura ko!" depensa niya pero nagdududa pa rin ako sa kanya. Hinila niya ako para maupo sa silya ulit.
"Eto try mo kunwari pangit ka tapos gaganda ka ng bongga gurl!"
She pressed some options tapos lumabas sa screen ang gusgusin na itsura ko pagkatapos ng dalawang parang snap ay gumanda bigla ang mukha ko.
Napangisi ako sa pinakita niya. "Uy ang galing nito gurl!"
"Told yah!" Kampanteng sabi niya sa akin before sipping her juice.
I maneuvered her phone tapos ay ginawa ang effect na iyon. Natuwa ako sa parteng iyon kaya pinakita ko kay George ang resulta.
"Ang cool niyan. Yan na lang upload mo."
She rolled her eyes again bago inabot ang phone niya at tignan iyon. "Hmm. Ganda nga ah. Pero maggawa ka na rin kasi ng t****k mo para doon mo ilalagay yung videos mo!" she said while typing on her phone.
"Eto naman! Alam naman na bawal nga sa akin yan tsaka ayoko niyan." iling na sagot ko sa kanya.
Pinakita niya ulit sa akin ang cellphone niya na nagpapakita ng nakaupload na video. Her caption is really cringey.
'Ang unang video ng diwata!'
"Kadiri naman yung caption mo!" reklamo ko.
Ngumisi lang siya sa akin bago ibinaba muli ang phone niya. We both breathe out matapos ang mga ginawa naming dalawa.
After talking we decided to go back to our villas. Magkahiwalay kasi ang villa ng panilya niya sa pamilya ko.
Wala sila Ahia at Atsi even si mommy at daddy kaya natuwa ako. Walang papansin sa akin dahil wala sila. I decided to go to my room and took an afternoon nap dahil na rin sa maagang biyahe at sa mga ginawa namin ni George.
I woke up dahil sa malakas na tunog mula sa cellphone ko. I immediately checked it at nakitang si Ahia AP ang tumatawag sa akin.
"Ahia." Halata sa boses ko na kakagising ko lang dahil paos pa ito.
"Where are you?"
I furrowed my brows, what does he mean na nasaan ako? Malamang nasa villa.
"In my room. Why?"
"Why are you still there? Nagagalit na naman si atsi."
I rolled my eyes bago inayos ang pagkakabalunbon ng kumot sa akin. "Nothings new, Ahia. Lagi naman galit si atsi."
I heard him sigh, a frustrated sigh. "Listen nakalimutan mo siguro na may welcome dinner sa lahat ng mga bisita nila atsi. Kanina pa kami dito at malapit ng magsimula."
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa sinabi ni ahia. Teka! Bakit wala naman nagsabi sa akin? Ano? Hindi sila bumalik sa villa?!
"Oh my God!" tsaka ako nagmamadaling lumapit sa bag ko para kumuha ng dress. "Ahia, sorry, I'll be there and I'll be quick, I swear!"
"Okay. Gagawan ko ng paraan na hindi ka mapansin ulit ni atsi. Be here in 15 mins. That's the max."
"What? Pero--"
Ahia ended the phone call kaya napamura pa ako dahil doon. Nagmamadali akong maligo at isinuot ang damit ko. Lip tint at pabango lang okay na.
Halos magmakaawa ako sa golf cart na dumaan para dalhin ako sa Pavillion kung saan magaganap ang welcome dinner.
"Nia!" Mommy found me kaya agad niya akong hinila papalapit sa table namin.
Nakita ko kaagad ang masamang tingin ni atsi sa akin kaya nagbaba ako ng tingin. Sasabog na naman yan mamaya parang bulkan.
"I'm sorry, I'm late." sabi ko sa kanila.
Kami lang ang naroon sa table dahil nasa kabila naman yung pamilya ni Kuya Gino.
"No anak, sorry. Hindi na kami nakabalik ng daddy mo sa villa dahil we went to the spa kaya doon na kami nagdecide na manggaling kasi we brought our clothes as well. Yung mga kuya mo naman ay hindi alam na nakabalik ka sa villa. Sorry." eksplenasyon ni mommy.
Tumango na lang ako sa sinabi niya bago dinampot ang dala kong panyo para punasan ang dulo ng buhok ko na tumutulo pa.
We had a simple welcome dinner sa pavillion. No cameras at all kasi atsi and kuya Gino wanted the dinner to be comfortable for everyone.
Bumalik si atsi sa table at agad tumabi sa akin. She is smiling to everyone pero galit sa akin.
"Why are you late again?" mariing tanong niya.
"Sorry, atsi. I overslept." rason ko. Hindi ko halos magalaw yung pagkain ko dahil sa presensya niya sa gilid ko.
"Same lame excuses, Nia. Find something new." sabi nito bago tumayo at lumapit kay Kuya Gino.
I eyed everyone in the table and they are all looking at me. Ngumiti ako kahit pilit.
"Okay lang ako."
Pero okay lang ba talaga ako?