05

3135 Words
"Nia, wag ka naman malate bukas. Kasal ko na bukas." Hindi pa rin maawat ang bunganga ni Atsi habang nakasakay na kami sa car pabalik sa villa namin. Tahimik na lang ako sa isang gilid. Sanay naman na ako sa sermon niya. Wala namang bago na. "Stop your sermons, Winter. Ikakasal ka na lahat bukas at naiinis ka pa sa kapatid mo." sita ni Mommy sa kanya. "Kasi you spoil her. Look, she didn't even knew na mali yung ginawa niyang pagkalate sa dinner kanina." tuloy pa nito. Ano bang mali sa pagka late? Ako ba ang host ng dinner kanina? Hindi naman di ba? Napailing na lang ako habang patuloy pa rin siya sa pagsesermon. Naramdaman ko na lang ang pag akbay ni Ahia SP sa akin. Lumingon ako sa kanya at ngumiti. "Don't mind her." he mouthed. Ngumiti na lang ako at tumango kay Ahia. Wala rin namang mangyayari kapag sumagot ako. Sasabihin niya lang na napakasama ko kasi sinasagot ko siya. 18 years of my life and I feel na hindi pa rin ako parte ng pamilya na ito. "I'm sorry, Atsi." iyon na lang sinabi ko pagkababa namin ng sasakyan. She stopped in front of me and eyed me. "Nia, you are old enough and I know na you know that what you did is wrong. Please be mature naman. " Tumango na lang ako sa kanya bago sila tinalikuran at dire-diretsong pumasok sa kwarto. Kasalanan ko bang hindi nasabi nila Mommy at Daddy na may welcome dinner ngayon? Wala naman silang sinasabi sa akin. Ang gusto lang nila ay mag focus ako sa ginagawa ko kaya lahat ng nangyayari sa bahay at paligid ay hindi ko na alam. "Sermon na naman? Ano ba yang future sister-in-law ko plano ba niya maging priest?" reklamo ni George habang kausap ko. She called me thru video call dahil nakita niya yung nangyari kanina. We are both late pero hindi naman siya sinermunan ng Kuya niya. Samantalang yung ate ko sobra makapag sermon. Akala mo naman na napakalaki ng kasalanan ko. "I think I'm adopted talaga." "Abnormal. Ikaw ampon..." huminto ito sa pagsasalita at tinitigan ako mabuti. "...Uy sis, may point. Baka nga ampon ka? Look at your face, iba ang mukha mo from them. You are better than them." malakas na tumawa ito habang nagsasalita. I breathe out a deep sigh, "I really wish na adopted na lang ako para I can accept the reasons kung bakit siya ganun kagalit sa akin." George pouted her lips. "I really pity you sis. Paampon ka na lang sa amin." "Pwede ba?" tanong ko sa kanya. "Oh surely! Para ikaw pa rin ang sesermunan ng Ate kasi kapatid ka na namin." Tumawa pa ito. I rolled my eyes before I bid my good bye to her. Wala naman mangyayari kapag pinilit ko ang gusto ko. In the end, ako lang din naman ang magiging masama sa tingin nila. All I can do is to do well para wala silang masabing masama. I slept with a heavy heart that night. Maaga rin naman akong gumising dahil 4am pa lang nag-alarm na ako. Naligo na ako kaagad at lumabas sa kwarto. Madilim pa ang buong villa, tiyak na tulog pa sila.  "At least nauna ako, " bulong ko sa sarili.  10 am pa naman ang start ng pag-aayos dahil 2 p.m pa ang mismong ceremony. Dala ang baton at cellphone ay lumabas muna ako sa villa at nagpunta sa balcony. Ang malamig na pang-umagang hangin ang unang yumakap sa akin.  Isang pink na sweatshirt ang suot ko at maong short shorts. Magpapractice na muna ako para hindi sayang ang bakasyon ko. Malapit pa naman na ang laban kaya kailangan kong mag practice maigi.  Wala naman sigurong makapapanood sa akin. Aba napakaaga ko kaya! Nag stretching muna ako bago ko itinali ang buhok at pinatugtog ang kantang isasayaw ng mga mother majorettes. I did the dance while doing the tricks at the same time. May ilang beses na tumama sa ulo ko ang baton na hawak ko.  "Aray."  napakamot na lang ako sa ulo pagkatapos tumama nito sa akin.  Pawis na pawis na ako sa kasasayaw at pag gawa ng tricks nang may nakita akong flash ng camera. Agad akong napalingon sa pinagmulan nun para sitahin ang kung sinumang kumukuha ng picture! "What the?!" pero nabitin ang mga salita ko dahil sa lalaking nakatutok ang camera sa akin. Nasa ibaba siya ng terrace at nakatingala sa akin.  A tall guy greeted me. The sharp feature of his face, those pitch black eyes, pointed nose, and reddish lips. Pati na yung buhok na hindi na kailangan ayusin pa! That's the exact face of the guy whom I met in the school library. "Y-you!" I pointed him at tumakbo sa railing ng balcony.  Ibinaba niya ang camera na nakatutok sa akin. I didn't know na maliwanag na pala. Gaano katagal na ba ako sumasayaw? He smiled at me, at aaminin ko na unang beses kong nalusaw sa ganung ngiti. Hindi katulad ng mga ngiti ni Bryan! Ibang-iba yung ngiti niya. "I'm sorry. Nagalingan lang ako sa iyo." aniya. Kahit ang malalim na boses niya ay lalaking-lalaki at nakakakilig sa pandinig ko! Parang umurong ata ang mga salita sa lalamunan ko.  Dahan-dahan akong tumango sa kanya. Binaba niya ang camera at mukhang sinipat ang itsura ko. Bakit nandito siya? Nag-angat ulit siya ng tingin sa akin at parang gusto kong umatras dahil sa kanya.  Ngumiti lang siya ulit sa akin bago tumalikod at lumakad palayo. Teka! Hindi ko pa nalalaman ang pangalan niya. Alam ko na siya rin yung taong nakita ko sa school Siya yun talaga! "S-sandali!" Pero mukhang hindi na niya ako narinig at nakalayo na siya. "Hindi ko pa alam ang pangalan mo." bulong ko na lang. Well, kung nandito siya sa Quezon ibig sabihin makikita ko rin siya? Pero paano? Ang laki naman ng Quezon! Pero kung nandito lang din siya sa Balesin, ibig sabihin mas malaki ang posibilidad na makita ko siya. Pero hindi ko talaga alam ang pangalan niya. Nanlulumong tumigil na ako sa pagsayaw. Ayos naman na siguro yung ginugol kong oras para sa practice. Pumasok na ako sa loob ng villa. Mga tulog pa rin sila. Hindi naman ako pwedeng manguna para sa breakfast. Mamaya sabihin makasarili na naman ako. Tiisin ko na lang muna yung gutom ko. Naligo muna ulit ako at nagpalit na ng mas komportableng damit para hindi ako mahirapan mamaya.  Paglabas ko ng banyo ay wala pa rin sila. Tinignan ko ang orasan at nasa 6:30 na ng umaga. I waited for them sa living area. Almost 7am ay lumabas na sila ng mga kwarto nila. Lahat ay pupungas-pungas pa.  "Nia, ang aga mo atang nagising anak." bati ni Mommy sa akin.  "Good morning po." bati ko sa kanila. I was reading a book para sa report ko naman kasi nung lumabas sila.  "Good morning, shobe." bati nila Ahia SP at Ahia AP sa akin.  Nginitian ko lang sila bago bumaling kay Atsi. Nakatingin lang siya sa akin at tumango pagkakita sa akin.  Bridesmaid lang ako ni Atsi, dahil yung best friend niya na naging tulay nila ni Kuya Gino ang maid of honor.  "I ordered our breakfast na. Darating na yun in any minute." anunsyon ni Atsi.  Inaantok na umakbay naman sa akin si Ahia AP. "Aga mong gumising. Takot kang mapagalitan na naman ah." biro ni Ahia sa akin bago pinisil ang pisngi ko. "Para wala na masabi." sagot ko sa kanya.  Tsaka baka sabihin kasi ni Atsi na sinira ko na naman ang special day niya. Magiging uliran at napakabuting kapatid ko na muna sa kanya ngayon.   The breakfast arrived and as usual ay tungkol sa takbo ng ceremony ang pinag-usapan. Atsi wants me to stay focus. Para namang ako ang ikakasal.  "Stop that, Win. Hindi si Nia ang ikakasal kay don't remind her that." natatawang sabi ni Mommy.  Matalim ang mga mata ni Atsi na tumingin sa akin. "Sinasabi ko lang, Mommy. Mamaya kung anu-ano na naman gawin niyang si Nia." ani Atsi. Yumuko na lang ako at inabala ang sarili sa pagkain. Hindi ko na hinayaan na maapektuhan sa mga sinasabi niya sa akin. Isa pa, huling beses naman na ito dahil magkakaroon na siya ng sarili niyang pamilya. May bahay na rin naman sila ni Kuya Gino.  "Atsi, para mo naman sinabing tatanga-tanga itong si Shobe." pagtanggol ni Ahia AP sa akin. "I'm just stating a fact here, AP. Hindi niyo kailangan ipagtanggol yang si Nia. Malaki na yan."  sagot naman ni Atsi.  Marahan ko na lang na sinipa sa paa si Ahia AP para hindi na sumagot pa. Ang init talaga ng dugo sa akin  ni Atsi at hindi ko talaga alam kung bakit! Mukha namang na sense ni Ahia ang ginawa ko kaya tumigil na rin siya. After breakfast, naghanda na kami dahil pupunta sa villa na ito ang mga babaeng abay pati na rin yung babaeng abay sa side ni Kuya Gino. Nagpaalam naman sila Ahia na didiretso na sa villa ni Kuya Gino.  "Bakit ang laki ng room mo? Sana pala dito na ako natulog." sabi ni George pagdating niya sa villa namin. Dumiretso kasi kaagad siya sa kwarto ko. "Sis! May sasabihin ako." excited na sabi ko sa kanya.  Nilingon naman niya ako at kuryosong nakatingin. "Ano yan? First time atang hindi ka magkukwento dahil sa sermon ni Ate Win." pang-aasar niya pa sa akin. Hinampas ko siya sa braso, "Ganito kasi. Nag practice ako ng routine ko kanina. Tapos..." bigla akong napahinto dahil naalala ko na naman yung mukha niya. Napangiti na lang ako. Alam kong dapat akong mainis sa ginawa niya pero hindi ko magawa! "Ay ngumingiti ka mag isa! Ano ba yan? Chika mo na dali!" excited na sabi ni George. " Ganito kasi. May na meet akong lalaki sa school library natin. Nung nag meeting tayo nila Bryan." Tumango-tango naman si George sa sinabi ko. "Yung natulaley ka?" "Oo! Yun nga. Tapos eto na. Nakita ko siya dito sa Balesin! Kanina!" napabanuntong hininga pa ako pagkatapos kong masabi iyon.  "Weh? Talaga ba? RK siya?" tanong niya sa akin.  Nagkibit balikat ako sa tanong niya. "Hindi ko alam. Basta nakita ko siya dito kanina."  "Baka naman inaantok ka sis?"  "Maaga akong nagising pero hindi ako inaantok noh. Nakita ko siya dito." depensa ko pa. "Gwapo ba? Mas gwapo pa kay Bebe Bryan mo?" tanong niya sa akin. Sinalubong ko ang tingin ni George. Sa totoo lang, magkaiba ang features ni Bryan at nung mysterious na lalaki na iyon. Pero, mas gwapo yung misteryosong lalaki na iyon. Unang beses kong makakilala ng ganung klaseng tao.  "Oo." mahina kong sabi.  "Sa true?!" hindi makapaniwalang sabi ni George.  Tumango ulit ako sa kanya. "Totoo nga."  Pinong kurot ang natanggap ko mula kay George dahil sa sinabi ko. "Molondi kang bata ka. Akala ko ba kay Bryan ka lang? Bakit mayroon ng iba ah?" "Hindi naman. Talagang ano lang..." Paano ko nga ba ipapaliwanag yung nararamdaman ko?  Kahit kasi ako ngayon ko lang naranasan yung kiligin  ng ganito sa isang lalaki na hindi ko kilala. Yung tipong hindi siya naalis sa isip ko at gusto ko ulit siya makita! Nang makita ko naman, halos malusaw ako sa ngiti. Yung tipong ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa kanya. Lahat iyon ay hindi ko naramdaman kay Bryan! "Ano yan? Love at first sight?" natatawang tanong ni George sa akin. Nilingon ko naman siya at alanganing tumango. Iyon ba ang tawag doon? Hindi lang hampas sa balikat ang natanggap ko mula kay George kundi buong katawan ko ata nakaramdam ng hampas niya. "Aray naman, Georgina!" reklamo ko sa kanya habang sinasalag ang sunod-sunod na hampas.  "Dito ka lang pala sa Balesin maiinlove talaga! Sana noon pa tayo nagbakasyon dalawa." aniya. Umilag ako sa sumunod niya hampas. "Sa school library ko siya nakita, sis!" Huminto rin sa pagpalo si George sa akin, hinihingal na ito sa ginawa sa akin. "Edi sana tumambay tayo ng bongga sa library."  Sasagot na sana ako kaya lang isang katok ang nagpatigil sa usapan namin. Sumilip si Mommy sa pintuan habang nakangiti. Nakaset na rin ang buhok niya pero wala pang make up. She's wearing her robe. "Nia, Georgina, the stylist wants the two of you na. Para maayos na ang buhok ninyong dalawa." abiso niya sa amin. Isang ngiti ang pinakawalan ni George bago tumayo, "Yes po, Tita. Labas na rin po kami ni Nia." anito. Tumango lang si Mommy bago kami iniwan ulit. "Tara na. Baka si Ate Win naman ang pumunta dito at sermunan tayo."  Nagsimula na rin kaming ayusan ni George para hindi rin kami magahol. Long gown ang suot namin, blush ang kulay ng dress at elegante ang dating. I'm wearing an off-shoulder gown pero hindi basta off shoulder dahil ang sleeves niya ay hanggang wrist at puffed style pa. May mga rhinestones din sa chest at tulle lang ibaba. HInayaan ko rin na nakalugay ang buhok ko. "Pak! Bridesmaid lang yan pero mukhang tatalunin mo ata ang bride." biro ni George.  Spaghetti naman ang strap ng suot niyang damit. Bawat abay kasi ay iba-iba ang estilo ng damit. Ayaw ni Atsi na magkakaparehas. Ngumisi lang ako sa kanya, akmang tatalikod na sana ako kaya lang hinila niya naman ako. "What?" tanong ko sa kanya.  "t****k muna tayo." yaya niya sa akin.  "Hindi nga ako marunong niya tsaka nakakahiya." bulong ko sa kanya.  May iba rin kasing mga abay ang nakatingin sa amin. Inaayusan pa kasi yung iba samantalang kami ni George ay tapos na.  "Isa lang dali. Ano lang ito, glow up eme-eme." aniya. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ko talaga siya maintindihan. Siguro hindi ko papangarapin na umapak man lang sa limelight na gustong-gusto ni George. "Isa lang yan ah? Mamaya, sinesave mo lang pala yung mga ayaw mo tapos ilalabas mo rin." sabi ko sa kanya.  "Hindi nga! Promise. Isa lang talaga." pagkumbinsi pa niya sa akin.  Marahan na lang ako tumango sa kanya. Tuwang-tuwa naman siya na hinatak ako papasok sa kwarto ko naman. Sinet niya yung cellphone tapos may gagayahin daw kaming sayaw.  "Ano ba yan Georgina? Sasayaw tayo ng naka gown? Abnormal ka ba sis?" tanong ko sa kanya.  "Hoy! Uso ito. Mamaya ganito ipasayaw sa atin sa reception. At least prepared tayo." sagot naman niya sa akin.  "Basta ganito gagawin natin. Throw it back tawag dito." tapos kumembot ito ng patalikod.  Bigla naman akong naasiwa sa ginawa niya. "Ano ba yang steps na yan, sis! Ang laswa!"  "Ang manang mo, Summer. Uso ito noh? Tsaka anong malaswa sa moves na ito?" ginawa pa niya ulit ng isang beses yung kembot.  Talaga nga naman! "Wala bang ibang moves yang sayaw na iyan? Ganyan lang?"  reklamo ko pa ulit. "Sa dulo lang naman ito. I'm sure na kaya mo ito. Para pag napanood ng mga kalaban mo sa competition, kakabahan na sila. Aba, ang panlaban ng Bulacan may nalalamang throw it back. Genern!" litanya nia sa akin.  Napailing naman ako sa kanya pero sinubukan ko pa rin. Naaasiwa talaga ako sa ganung klaseng kilos. Hindi ko alam kung bakit. Tuwang-tuwa naman si Gaga pagkagawa ko. Nirecord niya yung sayaw at panghuli nga yung throw it back na sinasabi niya.  "Tigilan na nga yan. Kadiri!" reklamo ko.   Inayos ko muna ang gown at buhok ko. Hahabol pa sana ng isang sayaw si Georgina pero umayaw na ako. Iyon talaga ang alam kong habol niya sa akin.  "Bahala kang sumayaw nang sumayaw diyan, sis." sabi ko sa kanya bago siya tuluyan iniwan sa kwarto.  Saktong pagbukas ko ng pintuan ay nagsidatingan ang photographers ni Atsi. At sa grupo na naroon ay nanatili ang mata ko sa isang pamilyar na mukha. May kausap siya isang lalaki na may tinuturo naman sa kanyang isang bridesmaid. Umiling ito bago tumingin sa harapan kung saan naroon ako.  Nagtama ang mga mata naming dalawa. At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay bigla na naman akong kinabahan. Para bang may kung anong lumulutang sa sikmura ko habang nakatitig siya. Sinubukan kong ngumiti pero iniwas niya ang tingin niya and this time ay seryoso na ang mukha niya.  "Good morning po. Si Ma'am Winter Montealegre po?" tanong ng head ata nila.  Ang wedding organizer ni Atsi ang humarap sa kanya, "She's in her room na. Pwede na siyang simulan kunan ng picture. Sino ang naka-assign sa bride?"  tanong nito.  "Si Skye po tsaka ako, tapos yung dalawang videographer, si Anton at Yulo. Yung ibang photographer ay sa bridesmaid at nasa groom naman na po." paliwanag pa niya.  Tumango ang organizer bago nito isinama yung mga lalaking binanggit nito. Naiwan siya. Nakatingin pa rin ako sa kanya habang nag-se-setup siya ng mga equipments niya. Mag-isa lang siya dahil yung isa niyang kasama ay nagsimula ng kumuha ng pictures.  I scanned the villa, busy naman ang lahat. Kaya, I decided to walked towards him. Mukhang hindi naman niya ako naramdaman. I need to know his name! Nagkita kami sa school kaya I'm sure na alam niyang ako yung kanina at ako yung tinulungan niya.  "H-hi." maliit na boses na sabi ko.  Now that I'm closer to him ay mas dumoble ata ang kaba ko. Kung matangkad na ako ay mas matangkad pa pala siya. Umabot lang ata ako sa balikat niya nang pagtayo niya ng tuwid. He looked at me with a serious face. Hindi yung katulad kanina na may ngiti.  Bakit? May nagawa ba akong mali sa kanya? I tried to smile once again, mas kinakabahan na naman ako. "H...hi! I'm Summer, you can call me Nia." Kahit nanginginig ay inabot ko ang kamay ko pero tinignan lang niya iyon bago nag-angat ulit ng tingin sa akin.  I slowly closed my hand bago ko binawi iyon. Pinilit kong ngumiti kahit pakiramdam ko ay napahiya ako. I can see eyes looking at us pero parang wala akong pakialam. "P...photographer ka pala?" tanong ko sa kanya.  Marahan lang siyang tumango sa akin bago ako iniwan at lumapit sa kasamahan niya. Para akong naiwang tanga pagkaalis niya. Did I do something wrong? Bakit parang galit siya sa akin ngayon? Ang paglapit ni George ang nagpabalik sa akin, "Hoy! Sis. Ano yun ah? Bakit lumapit ka doon sa pogi. In fairness ah, ang gwapo niya." anito.  Marahan kong nilingon si George, "S...siya yung sinasabi ko sa iyo kanina." mahina na boses na sabi ko.  Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko. "Siya yun? Yung lalaking na love at first sight ka?!" gulat na tanong niya sa akin.  Tumango ako sa kanya.  "Sis, hindi ka kinausap. Ibig sabihin, binasted ka?! OMG! Summer Serenity Montealegre, the mother majorette, the school title holder sa pageant, binasted!" mahina pero mariin niyang sabi.  Nakaramdam ako ng hiya pero mas nangibabaw yung sakit. Maaga pa pero bakit nasaktan na agad ako? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD