"Shobe, you should fix your things. We have an early flight for tomorrow."
Mula sa pagkain ay nag-angat ako ng tingin kay Atsi na nakatingin sa akin. Tumango na lang ako sa kanya pagkatapos at binalingan naman niya sila Ahia AP at SP.
"Nia, how's your day?"
I glanced at my mom who's sitting beside Atsi. She's wearing her beautiful smile again. I smiled a little to her.
"Ayos lang po. I had practice for the competition po."
Mom nodded her head to me. "I'm gonna watch you again ah. Make sure na gagalingan mo."
"Yes po ma."
"Spring, kumusta ang business mo?" Dad asked.
Napatingin naman kaming lahat kay Ahia. He is busy with his new found business. He has a food business and currently ay may limang branches na siya ng resto niya.
"Doing great, dad. Mukhang malulugi lang dahil kay Atsi." anito sabay tingin may Atsi.
Inirapan lang naman siya ni Atsi bago sumubo ulit ng pagkain.
"Phillip, isipin mo na lang regalo mo iyon sa kasal ng Atsi mo." sabad naman ni mommy.
"That's what I'm actually thinking, mom." sagot ulit ni Ahia.
Lumingon naman si Dad kay Ahia AP. "Ikaw Autumn?"
Tumango lang si Ahia kay Daddy bago nagsalita. "Ako muna yung nagmamanage ng operation ng hospital since nakaleave nga po si Atsi. I think, ako na dapat ang magmana sa mga ospital natin, dad."
"You wish" sagot naman ni Atsi. "Babalik din ako after ng wedding and honeymoon namin ni Gino. Kaya for now, enjoy your position, my dear shoti."
I breathe out a sighed while watching them. I'm the youngest among all of them. Winter Selene or Atsi Win is turning 30 next month, while Spring Phillip, Ahia SP is 27 years old samantalang si Autumn Paxton, Ahia AP ay 25 years old. Ako ang pinakabata sa amin. I just turned 15 last month. Kaya masyado akong baby ng pamilya namin.
Atsi and Ahia AP are handling the medicine business of the family. Mayroon kaming 5 branches ng kilalang hospital sa Philippines. Atsi is a doctor for IM, while Ahia AP is just an ordinary business man.
My parents are both doctors, but dad has to step down from his position dahil na rin sa bigat ng trabaho and his age too. Mom usually goes to the hospital but she never stayed there anymore dahil na rin sa age niya.
They all support me naman sa gusto ko. They like it when I'm dancing and beating the other contenders of different competitions. I actually wanted to become a doctor. According to Atsi, after senior high ay sa America na ako mag-aaral ng university degree ko Iyon kasi ang gusto nila.
Bukas ay aalis na rin kami papuntang Quezon for the wedding of Atsi and Kuya Gino.
"Shobe..."
I paused from entering my room when I heard Atsi calling me. Ngumiti ako sa kanya tsaka siya hinarap.
"Po, Atsi?"
She showed my class card. Siya na ang halos dumadalo sa mga PTA sa schools dahil matanda na nga sina Mommy at Daddy para intindihin pa ako.
"You have a consistent high grades. Sorry at kanina ko lang pinakuha kay AP itong grades mo. What do you want as a reward?"
Kinuha ko naman ang card ko mula sa kanya. Hindi naman ako top 1 sa class namin pero nagagawa ko namang i-maintain na nasa Top 5 ako.
Umiling ako sa sinabi ni Atsi sa akin." Wala po."
Atsi furrowed her brows."You know that I will not be doing this anymore to you. Ikakasal na ako, Nia. Hindi na kita maasikaso pa masyado."
I nodded my head. They always remind me of that and I fully understand. Ang gusto ko lang naman ay mapansin nila ang abilidad ko sa pagsasayaw.
Atsi has never been my fan whenever I'm joining marching bands competitions. Sabi niya kasi ay hindrance lang yun sa studies ko. Pinayagan lang niya ako matapos siyang kausapin nila mommy at daddy.
"I know, Atsi. And that's okay po."
She just slowly nodded her head before leaning towards me to kissed my forehead.
"Good night, Shobe" anito sabay talikod sa akin.
Nagpakawala na lang ako ng buntong hininga bago pumasok sa loob ng kwarto ko.
Naglinis muna ako ng sarili bago ko hinarap ang mga assignments para wala na akong dadalhin bukas.
I quickly answered and finished all of it pagkatapos ay nahiga na ako. I fidget my phone and checked my i********:. As usual may story na naman na pinost si George.
It was her bridesmaid gown, ako kasi ang maid of honor ni Atsi. I reacted a heart sa post niya bago tinignan ang post ng iba.
Napansin ko kaagad ang IG story ni Bryan. My heart skipped a beat ng makita ko siyang nagpost ng PPT na nasa laptop.
"For our group" yun ang nakalagay.
Agad akong nagcomment sa IG story niya.
itssummertime: Sipag naman po natin. If you need help just send me a message.
Then I clicked the send arrow. Hindi naman ako nag-e-expect na sasagot siya dahil busy nga siya kaya halos mabato ko ang cellphone ko ng sumagot siya.
Napabangon ako mula sa pagkakahiga at tinignan ang reply niya.
brymarksamonte: thanks. Just study your report. :)
Kulang na lang ay tadtarin ko siya ng heart sa sagot niya. Hindi naman siya palasagot sa mga messages ko sa kanya. Ngayon lang!
Agad kong ini-screen shot ang sagot niya sa akin at nagpunta sa dm ni George.
itssummertime: Georgina! Napansin ako ni jowa!
Agad namang sumagot sa akin si George kaya napangisi ako.
gorgeousmg: Echosera! Nananaginip ka na naman tag-araw.
Sinend ko sa kanya ang screenshot ng sagot ni Bryan sa akin.
gorgeousmg: Manip yan? Mukha mo! Bakit ka naman papansinin nun?
Napasimangot ako sa sagot niya. Kung nasa harapan ko siya ay malamang na nasabunutan ko siya.
itssummertime: epal. Palibhasa hindi napapansin ni Leo. :p
gorgeousmg: leche flan ka ghurl. Edi ikaw na. Congrats at napansin ka niya. Mapapansin din ako ni Leo noh?
Hindi ko na siya sinagot basta masyadong masaya ako sa munting sagot ni Bryan. Nag-send na lang ako ng happy face kay Bryan kaya hindi na siya sumagot sa akin.
Nakatulog ako ng may ngiti sa labi ko that night. Kinabukasan ay kung hindi pa ako kinatok ni mommy ay hindi ako babangon.
"Nia, wake up." I heard mommy.
Agad kong dinilat ang isang mata ko bago ako nag-inat. Sinilip ko pa ang bintana na kaharap ng kwarto ko. Medyo madilim pa. Bakit ang aga naman?
"Mommy, 5 minutes please." I groaned bago ko takpan ang mukha ko ng kumot ulit.
Pero tinanggal lang ni mommy iyon. "Gusto mo na naman ata magalit ang Atsi mo sa iyo. Gising na silang lahat, ikaw na lang ang kulang."
"What time is it na po ba?"
"It's 3:30 am, Nia. We have to leave the house by four. Magagalit ang Atsi mo kapag hindi ka pa bumangon."
At kahit antok na antok pa ako ay bumangon na ako kaagad at dumiretso sa banyo para maligo. I packed my clothes beforehand naman na kaya ayos na lahat.
Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako kaagad dala ang bagpack ko na naglalaman ng ilan ko pang gamit at syempre ay dala ko rin ang mahiwagang baton.
Nagmamadali akong bumaba mula sa kwarto ko. My family is in the living room already at halos sabay-sabay silang tumayo pagkakita sa akin.
"Let's go" deklara ni Atsi matapos akong titigan.
"I didn't eat yet." bulong ko.
Nakatingin naman sa akin si mommy at mukhang alam niya ang dilemma ko kaya inangat niya ang isang bag.
"I have your foods here. Let's go, Nia." Mommy handed her hand to me kaya agad akong lumapit sa kanya.
Sa Clark ang diretso namin para sa flight. We have our private plane sa Clark kaya iyon ang gagamitin namin papuntang Quezon.
We are using two SUV. Kasama ako nina Mommy at Daddy sa sasakyan habang ang mga matatanda kong kapatid ay nasa kabilang sasakyan.
"What time did you sleep na ba, Nia?" tanong ni mommy habang inaabot sa akin ang tupperware na may sandwiches.
Saglit akong napahinto at inalala kung anong oras ako natulog. Hindi naman ako masyadong late natulog ah. Nakipagkwentuhan lang naman ako saglit kay George dahil nga kinikilig ako.
"Hindi naman po late." sagot ko habang nagsisimulang kumain.
"Galit na galit na naman ang Atsi mo. Ikaw pa naman daw ang sinabihan niya na maaga dapat." si Daddy naman.
Sa bahay namin ay si Atsi na ang halos nagpapatakbo. Dahil na rin siguro sa panganay siya at hinahayaan siya nila daddy at mommy kaya halos lahat kami nila Ahia SP at Ahia AP ay takot kay Atsi.
"Sorry po." sagot ko na lang. Wala na rin naman akong magagawa eh.
The whole ride papunta sa Clark ay tahimik hanggang makalagpas kami sa check-in counters, immigration at makasakay sa private plane namin.
"Summer, di ba sabi ko maaga tayo?" biglang sabi ni Atsi ng mag-steady na ang eroplano sa ere.
Napaangat ang tingin ko sa kanya mula sa pwesto ko. Napatigil din sila Ahia sa mga ginagawa nila.
Kapag tinawag kasi ni Atsi ang pangalan namin ay alam naming galit talaga siya.
"Sorry, Atsi." sagot ko sabay yuko at laro sa mga daliri ko. "N...napasarap po ang tulog ko."
"You have your excuses again, Serenity! Hindi nakakatuwa na ganyan ka!"
"Atsi..." si Kuya SP na nakatingin kay Atsi. "Nagsorry na si Shobe di ba? Tsaka andito na tayo oh. Hindi ka pa naman ikakasal ngayon, bukas pa kaya bakit pinapagalitan mo yan? Nag-absent na nga yung tao para lang pagbigyan ka eh."
Gusto kong maiyak sa pagtatanggol ni Ahia sa akin. My Ahias are my protector over Atsi.
"No! She has to learn her lessons." pagdidiin pa ni Atsi.
Kinurot ko ang sarili ko para pigilan ang pag-iyak ko. Kasi kapag umiyak naman ako sasabihin lang niya na nag-iinarte ako.
"Winter, stop that. Your sister apologized already." sabat naman ni daddy.
It warmed my heart kaya bumagsak yung luha sa mga mata ko na kaagad ko ring pinunasan dahil baka makita ni atsi.
"Yan! Pinagbibigyan niyo kasi siya kaya akala niya ayos lang lahat yung ginagawa niya..."
"But she didn't do anything wrong, Atsi." si Ahia AP naman ang sumagot.
"Ikaw lang ang nagpapalaki ng gulo. Hindi ba pwedeng pagod din galing sa training yang si Nia?" dagdag pa ni Ahia AP.
Tumawa nang pagak si Atsi habang nakatingin sa aming lahat. "So now, kasalanan ko na? Ang gusto ko lang i-point out ay kailangan matutong maging responsable yang si Summer. Hindi laging ganyan!"
"Tigilan mo na yan, Winter!" galit na tawag ni Daddy. "Hindi naman tayo nahuli di ba? Tama lang ang dating natin. Kung gusto mo pala ng maaga, sana nag-camping na lang tayo sa labas ng Clark!"
"I'm just teaching her, daddy!"
"But it's too much! Lagi ka na lang ganyan sa kapatid mo! She's way too young to understand every thing, Winter! Hindi yan katulad mo na halos trenta anyos na. Kinse anyos lang ang kapatid mo! Half of your age!"
"Enrico..." awat ni mommy kay daddy dahil halos namumula na ito sa galit para lang pagsabihan si atsi.
Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko at yumuko. "I'm sorry, Atsi. I should've listen to you. I'm sorry!"
"Nia..." tawag ni mommy.
Humarap ako sa kanilang lahat at umiling habang pinupunasan ang luha sa mga mata ko.
"I'm sorry kung pinaghintay ko po kayo ng sobra. Please don't fight, let's give this day to Atsi." iyon na lang ang sinabi ko bago ako bumalik sa pwesto ko para tabunan ang sarili ng kumot at doon ay tahimik na umiyak.
Atsi's words are like sharp knife stabbing me into pieces. Kagat ang labi ay tahimik akong umiyak doon.
"Why are you like that, Atsi? You're always hurting her." narinig ko pang dagdag ni Ahia SP pero hindi na sumagot si Atsi.
Bahala na sila. Gusto ko na lang naman matigil ito. Ayoko na ring kaawaan ang sarili ko kasi nakakapagod na. They will never understand me in the very first place.