The parade started at lahat ay tuwang-tuwa sa bawat musika na naririnig nila. We have our own music para sa bawat entrance and that music should represent our provice.
May mga nakikita akong schoolmates ko na naroon sa BSU pero dahil home based ang labanan ay mas maraming BSU students ang naroon. They're cheering us and that made us hype.
Nasa malawak na covered court kami ng BSU. Hindi naman mainit dahil Miss Ong, gave us a handheld fan para hindi daw kami mainitan. She bought that and gave each of us.
The ceremony started by singing the National Anthem and prayer. The Bulacan governor gave a speech na mas nagpa boost ng lakas naming lahat. I'm really hoping na sana kami pa rin ang manalo. Ito na lang din kasi ang last gift na pwede kong ibigay sa lahat dahil aalis na ako sa marching band. I miss acting na rin kasi.
"Our first contestant, the pride of Nueva Ecija, the Araullo University Marching Band!" pakilala ng host.
Dumoble ata ang kaba ko habang pinapanood silang sumayaw. Mas naging malinis ang movement nila at naging maganda ang tugtog. The mother majorette is leading the team very well.
The set of contenders continue hanggang sa kami na ang magpresent.
"And now, the fifth participant. The last year's title holder, the sond and daughter of Bulacan. The CSL Marching Band!"
HUmiyaw ang lahat ng nanonood pati na rin ang mga school mates namin na naroon. I know na they are expecting that we will do well kaya mas nakaka nervous. But I shouldn't give them any hint na kinakabahan ako. I smiled widely habang nag eentrance kaming lahat.
Memorize ko naman na ang routine and I'm sure na ganun din ang mga kasamahan ko. Kakayanin namin lahat ito.
Horizontal toss, cartwheel twirl, thumb toss, and many more. Lahat iyon ay ginawa ko para sa unang presentation namin. The 80's to 20's medley hits different dahil halos makabago ang kantang ginamit ng ibang probinsya.
I'm confident na makukuha namin ang first performance na ito. I did the hardest and difficult routine para sa part na ito. Using two batons sa simula hanggang sa naging tatlo. I had to bend my body and jumping for a split. Everyone was amazed para sa part na iyon.
Sumunod ay ang performance ng baton twirlers at flag bearers lang. Kailangan kong mag-exit dahil solo performance nila iyon. After that ay ang drum and lyre corps naman ang magpapakitang gilas para sa kantang napili nila. I had to comeback para naman sa solo exhibition ko.
I used the star baton para sa part na ito. The routine is quite difficult. Jumping, tossing the baton, bending my body, split and grooving as if every movement that I did was simple and easy!
Malakas na palakpakan ang nakuha ko pati na rin ang mga judges ay napatayo sa kinauupuan nila.
After ng solo exhibition ko ay ang last performance ng grupo na t****k hits. Pati ang ibang audience ay napapasayaw lalo na kapag nag-iiba kami ng position para makuha ang audience impact.
When our performance ended, hiyawan at palakpakan ang lahat. Pero hindi pa tapos iyon doon. May showdown pa ang bawat probinsya at kailangan ko namang paghandaan iyon.
Hingal na hingal at pagod na pagod kaming lahat pagbalik sa area namin. Inabutan naman kami ng tubig ng mga kasama naming students.
Pumapalakpak si Miss Ong paglapit niya sa amin, "Grabe! Ang galing-galing ninyo talaga. You saw those judges? They were all amazed sa ginawa ninyong lahat. I think makukuha natin ulit ang championship." kampanteng sabi ni Miss Ong.
She turned to me after, "Ready yourself na rin para sa showdown, Summer."
I nodded after drinking the bottled water, "Yes, Miss. Freshen up lang po ako."
"Okay. Okay." aniya.
Tumayo naman ako para magpunta sa restroom. May ilang students pa akong nakakasalubong na nagbubulungan at nakatingin sa akin. SIguro galing sila sa ibang schools din. Instead of minding them ay hinanap ko na lang ang restroom.
But the school is so big! Mahirap hanapin ang restroom nila. There are students who were looking at me as if isa akong nawawalang pusa. I was about to ask any of these students when someone grabbed my arm.
Sisigaw na sana ako pero bigla akong natigilan dahil ang nakahawak sa kamay ko ay si Aiden! He's still wearing his white uniform and white pants habang matamang nakatingin sa akin.
"You are here!" Para akong nakahinga ng maluwag pagkakita sa kanya. I didn't expect him here.
Kumunot ang noo niya matapos akong titigan mabuti mula ulo hanggang paa. "Saan ka pupunta?" he asked.
"Restroom. But I don't know the way. I have to hurry pa naman. Pero why are you here? Pinanood mo ko? Magaling ba ako?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya.
Para kasing nakalimutan ko yung dahilan kung bakit ako pupuntang restroom. His presence can make me forget anything.
"May boyfriend pala yung taga-Bulacan, pare."
Napalingon naman ako sa nagsalita na iyon. Dalawang estudyanteng lalaki ang nakatingin sa amin ni Aiden. Boyfriend? Wala akong boyfriend!
"Hi, Miss! Galing mo nga pala kanina." sabi nung isa.
Tinapik naman siya nung isang lalaki na kasama niya at may binulong dito. Sabay naman nilang tinignan si Aiden na nakatingin din sa kanila.
"A...ah! Sige, una na kami. Good luck ah. Sana manalo kayo ulit." tumakbo ang mga ito palayo sa amin ni Aiden.
May mga students din na nakatingin pa sa amin pero mukhang wala lang iyon sa kasama ko. Tinignan ko naman ang kamay niyang nakahawak sa palapulsuhan ko. Napatingin din siya doon at bumitaw sa pagkakahawak.
"Sorry. Pero hindi diyan ang daan papuntang restroom." sabi na lang niya sa akin.
I pouted my lips. Puro matataas na building at puno lang ang nakikita ko kasi. "Saan ba? And why are you here nga ulit?" Nasagot na ba niya yung tanong ko kanina? Parang hindi ko naman narinig.
"Nagtuturo ang ate ko dito." sagot niya bago ako tinalikuran at nagsimulang maglakad.
My eyes widen sa sinabi niya. "Really? I thought you're the eldest."
Hindi siya sumagot sa akin pero nakita ko ang pagbuntong hininga niya. Ayaw niya talaga ng magulo. "Where are we going anyway?" I asked him.
"Restroom." tipid na sagot niya sa akin.
Tumango ako sa kanya. At least hindi ko na need na maghanap nang maghanap pa. Siya ang saviour ko. Pero ang funny ng coincidence na he's here as well. Ang swerte ko naman at nandito siya kahit hindi naman ako ang priority ng pagpunta niya dito.
Tinuro niya sa akin ang restroom. Malapit lang pala sa ground kung saan kami lumalaban, "Intayin kita dito." aniya.
Ngumiti ako sa kanya at tumango. "I'll be quick. Thank you!"
Still, hindi ko pa rin alam ang dapat kong itawag sa kanya. Dapat bang tawagin ko siyang 'Kuya'? Kaya lang ayaw niya kasi ng ganun ang tawag ko. Para naman din kasing bastos kung first name basis kami. We still don't know each other that much.
Yeah, nagkikita kami pero hanggang doon pa lang naman iyon. I quickly finished everything I need to do. Mainit pa naman kaya tsaka naghihintay siya sa akin sa labas. Ayoko naman na may masabi siya sa akin.
"I'm done!" masayang bati ko.
Nilingon lang niya ako at inabot ang alcohol sa kamay ko bago tumingin ulit sa crowd. Naghugas naman na ako ng kamay pero para hindi siya magalit sa akin, tinanggap ko na lang.
"Thank you." sabi ko sa kanya.
He breathe out a deep sigh at hindi agad naglakad. Nagtatakang tinignan ko naman siya. "Bakit?"
Umiling lang siya at nagsimula na maglakad. We have to part ways na rin kasi malapit na magsimula ang showdown. Nakapag-ayos naman na ako.
I bit my lower lip before looking at him, "I have to go now. Thank you for accompanying me."
Tumango siya pero hindi pa rin nakatingin. Pangit ba ako kaya ayaw niya akong tignan? I played with my thumb while waiting for his reaction. May mga students na napapatingin sa amin pero kaagad ding umaalis pagkakita kay Aiden.
"I...I'll go now." tumalikod na ako dahil mukhang wala na rin naman siyang sasabihin pa sa akin.
"Good luck." aniya.
Bigla akong napalingon sa kanya. Nakatingin siya sa akin kaya napangiti ako bigla. Patakbong lumapit ako sa kanya at tumingala.
"I'm waiting for that. Thank you, Aiden!"
Nakita ko ang paggalaw ng adam's apple niya. Kinakabahan ba siya? Bakit naman? Nakangiting nakatingala ako sa kanya pero nilagay niya lang ang hintuturo niya sa noo ko at marahan iyong tinulak.
"Wag ka masyadong magpaganda. Andaming nakatingin sa iyo." ani Aiden. Nilayo naman niya kaagad yung tingin niya sa akin.
Parang biglang tumahimik ang nasa paligid ko. All I can hear is my heart beat. Malakas masyado ang t***k niya. Kakaiba. Hindi ako sanay. Agad kong ibinaba ang tingin ko sa kanya at lumelevel iyon sa dibdib niya.
Nagkamali rin yung ginawa ko dahil malapad na dibdib niya ang sumalubong sa akin. I can feel heat all over my face! I step back pero parang may pwersa na naging dahilan kung bakit muntikan akong matumba. Kung hindi lang naging maagap si Aiden ay baka tumumba na talaga ako!
He pulled me from my waist kaya tumama ako sa katawan niya. Agad akong umatras mula sa kanya dahil sa sobrang kahihiyan!
"Be careful." mahina pero seryoso niyang sabi.
Sunod-sunod na tumango na lang ako sa kanya at hindi na nagsalita na umalis.
Nakakahiya ka, Nia! Why do I have to do that? Pasimple kong kinurot ang braso ko hanggang sa makarating sa area namin. Hindi naman sila nagtanong kung bakit ako natagalan. Malakas pa rin kasi ang kabog ng dibdib ko. Parang hindi naman dapat yung ginawa ko. Maling-mali iyon!
"Summer, showdown na." anunsyo ni Miss Ong.
Tumango ako at tumayo mula sa kinauupuan ko. Tinali ko rin ang buhok ko para walang sagabal sa pagsayaw ko mamaya.
"Good luck, Ate Summer!" sigaw ng junior member ng drum and lyre corps sa akin.
Hinarap ko sila at kampanteng ngumiti. Wala si Nanay Pilar sa area namin pero alam kong nandyan lang siya at nakasuporta sa akin. Inabot ko ang baton ko at humarap naman kay Miss Ong.
She smiled at me bago niya pinagpag ang damit na suot ko. "Show them what you've got, Summer."
Tumango ako sa kanya bago naglakad ulit sa ground. Nakatayo na rin doon ang mga mother majorette ng bawat lugar. Nagsilabasan din mula sa area nila ang mga members ng bawat marching band.
I smiled confidently habang nakatingin sa panel of judges. Halatang kinakabahan din ang mga kasama kong magpapakitang gilas. Ako rin naman ay kinakabahan pero iniwasan ko na lang na pagtuunan ng pansin iyon. I have to perform well, hindi lang para sa probinsya namin at sa school. Kung hindi para rin sa sarili ko. Kailangan kong ipakita ang galing ko.
The music started, TALA kaagad kaya lahat ng mga nanonood ay nagsigawan. Dahil may choreo naman na sinundan ang bawat province ay hindi naman kami nagkamali. Mas naging mas malakas ang sigawan ng lahat pagdating sa chorus.
Sa takbo ng isip
Hindi ko maipilit
Tila ako'y nakalutang na sa langit
Ngunit nalulunod sa yong mga ngiti
At kung hanggang dito lang talaga tayo
Hindi pababayaan ang daang tinahak na kapiling ka
At kung umabot tayo hanggang dulo
Kapit lang nang mahigpit
Aabutin natin ang mga tala
Tala, tala, tala...
Ang ningning ng mga tala'y nakikita ko sa'yong mga mata
Tala, tala, tala...
Ang ningning ng yong mga mata'y nahanap ko sa mga tala
After nang chorus ay biglang nag shift ang music para sa showdown ng bawat probinsya. Nagpakitang gilas ang ibang kalahok. May ibang nag split, bending, at kung ano-ano pa. Binase ko naman ang sayaw ko sa isang gymanst movement na napanood at inaral ko.
They were all screaming habang gumagalaw ako kasama ang baton ko. Si Miss Ong lang ang tanging nakakita ng isasayaw ko sa part na ito during training.
Hindi katulad sa ibang kalahok na parang may maisayaw lang at mailaban lang sa part na ito. Nakiisa ako sa musika na ginamit namin. Ayoko naman na parang wala lang ang magiging kilos ko.
The music ended and every students were cheering for their own bet. Malakas na sigawan din ang narinig ko mula sa team namin.
Hinihingal pero nakangiting yumuko ako sa mga hurado. Bumalik ako sa mga kasamahan ko pagkatapos ng showdown na iyon. Palakpakan ang unang sumalubong sa akin habang papasok ako sa kanila.
"Montealegre! Montealegre! Montealegre!" sabay-sabay na sigaw nila.
Pinunasan ko naman ang pawis ko at ngumiti sa kanila, "Thank you so much, everyone."
"Sure win na tayo nito. Kapag hindi tayo nanalo, luto yung laban na yan." sabi ng isang member ng drum corps.
Sumang-ayon naman ang iba. I went straight to my seat at naupo doon. Tapos na. Hindi ko na ulit magagawa ito. Graduate na ako sa pagiging member ng marching band ng school. I have been in this band since I was in Grade 7. Parang sobrang bilis lang ng panahon at kailangan ko na siyang i-let go ngayon.
They were all talking with each other habang hinihintay ang announcement of winners. Lumabas lang kami ng area namin noong sinabing annoucenment na.
Kinakabahan ako sa resulta ng competition. I know that I did my best but everyone did their best as well.
I scanned the crowd to look for the familiar face of Nanay Pilar. I just want to see her, pero ibang mukha ang nakita ko. Standing with the crowd was Aiden. He's eyeing at me pero iniwas niya ang tingin pagkakita sa akin.
Iniwan ko rin ang tingin ko sa kanya kasi bigla na naman akong kinabahan. I really don't like this feeling. Hindi ako dapat maglagay ng malice sa kanya. He's older than me!
"We will announce the winners of this year's regional competition of Marching Band."
Nagsigawan na ulit ang lahat samantalang dumoble ata ang kaba ko. Napahawak ako sa kamay ni Eliza na halatang kinakabahan din.
Unang binanggit ang winners para sa drum and lyre corps, kami ang nakakuha ng second at ang Bataan ang nakakuha naman ng first.
"Okay lang yan! Okay lang yan! Panalo pa rin tayo!" sigaw ni Marcial, ang leader ng drum and lyre corps namin.
Sumunod na binanggit ang winners para sa baton twirlers at flag bearers, kami naman ang nakakuha this time ng first place kaya tuwang-tuwa ang mga juniors ko.
"Good job, guys! You are all great!" sigaw ko sa kanila.
They were hugging and some of them were crying na rin.
Ang best in solo performance ang sumunod, nakapikit na ang mga mata ko habang mahigpit na magkasiklop ang palad. "Summer Serenity Montealegre of CSL Marching Band, Bulacan!"
Napadilat na lang ang mata ko sa paghila sa akin nila Eliza at mahigpit na pagyakap. Talaga ba? Totoo ba?
"Congrats, Ate! Ang galing-galing mo kasi." mahigpit ang yakap nila sa akin habang binabati ako.
Gusto kong maiyak pero inaabsorb ko pa yung mga nangyayari. Susunod na kasing i-annouce ang winner para sa showdown.
"Third place is Victoria Dayana Sanchez of SMC Marching Band, Zambales!" I turned to Zambales troop. Nagpapalakpakan silang lahat sa inannounce ng emcee.
"Second place goes to Kristine Mae Rivera of GSU Marching band, Pampanga!" mas malakas ang naging palakpakan.
Nabuhayan ako ng pag-asa kahit hindi pa ako natatawag. Sana ako yung matawag para sa first prize.
"And the first place goes to...Summer Serenity Montealegre of CSL Marching Band, Bulacan!" mas malakas ang naging sigawan ng mga kasamahan ko. Mahihigpit na yakap din ang binigay nila sa akin.
Dalawa na. Dalawang award na ang hawak ko. Isa na lang ang kailangan ko para masigurado ko na ginawa ko ang best ko para sa competition na ito.
Hindi halos ako makahinga habang inaannouce ang third and second place winners ng marching band. "And the champion for this year's marching band competition goes to...CSL Marching band of Bulacan!"
Malakas na hiyawan ang ginawa naming lahat at sabay-sabay kaming tumakbo papunta sa stage para tanggapin ang award. Maiyak-iyak ako habang inaabot ang malaking trophy sa amin.
"Congratulations to all the winners. See you again for the next year regional competition of marching band."
I cried while holding the trophy, we are also wearing our medals. Dalawang trophy ang hawak ko. Isa ay sa showdown at isa ay sa exhibition.
We had to take photos and some of us took a selfie sa akin. Last naman na kaya okay lang.
Lumapit sa amin si Miss Ong at lahat kami ay binati siya. Kung hindi rin sa pasensya niya sa amin ay baka hindi naman kami nanalo.
"Thank you, Ma'am." Inabot ko sa kanya ang malaking trophy namin at tuwang-tuwa naman siya na tinanggap iyon.
"Thank you, team. Kung hindi rin sa galing ninyo ay hindi tayo mananalo." Aniya.
Masayang-masaya ang lahat. Nagsilapitan na rin ang mga magulang ng ibang kasama ko. I feel sad pagkakita sa mga parents nila. I wished na nandito rin sina Mommy at Daddy to support me.
My eyes drifted to Nanay Pilar na naiiyak na lumapit sa akin. She hugged me immediately and I felt the warmth that I was looking for. The sense of having a special person beside you.
"Ang galing-galing mo, Nia! Napakahusay mo anak." Bumitaw siya sa akin at hinawakan ang medalya at trophy ko.
"Andami mo ng ganito. Saan pa ba natin sila itatago?" She sounds so excited dahil sa nakikita niyang gamit ko.
Ngumiti ako sa kanya, "Anywhere, Nanay."
Nanay Pilar has been on my side since Day 1. From Nursery hanggang ngayon ay siya na ang nag-aalaga sa akin at proud sa lahat ng achievement ko. My parents and siblings would just look at me kapag may mistake na akong nagawa. But, Nanay Pilar is different. Kahit may nagagawa akong mali, tinatama niy ako sa paraan na hinahanap ko mula sa pamilya ko.
"Kinunan kita ng bidyo. Ipapanood ko sa Mommy at Daddy mo pag-uwi nila." Dagdag pa niya.
Ngumiti lang ako kay Nanay. I know naman na hindi pinapanood iyon ng parents ko. They would just shove the video onto the side and will forget it na.
"Tara na at kumain tayo. May dala akong pera at ililibre kita sa kahit saang kainan mo gusto." Ani Nanay.
"Talaga po?" Excited na tanong ko sa kanya.
Tumango-tango siya sa akin, "Oo naman. O siya magbihis ka na muna." Inabot niya sa akin ang duffel bag ko at kinuha naman niya ang mga medals and trophies ko pati ang baton.
"Iintayin kita sa sasakyan ah."
Tumango ako kay Nanay bago nagpaalam sa mga kasamahan ko. They were leaving na rin naman with their family. Iniwas ko na lang ang tingin sa kanila para hindi ako masaktan.
"Bye, Miss. I'll see you on Monday po." Paalam ko.
"Bye, Summer! Good job. May graduation ceremony ka sa team natin ah." Bilin ni Miss Ong sa akin.
Nakangiting tumango ako at naglakad papalayo. I was looking at the people around to see kung nandoon pa si Aiden. He watched me and I just want to thank him for being here.
I saw him sa waiting area with some female students looking up at him. Ang tangkad kasi niya kaya napapatingala na lang sa kanya lahat.
Naglakad ako palapit sa kanya at nakita ko namang nakita niya ako. Hindi naman siya umalis doon at patuloy lang na nakatayo.
The female students saw me kaya agad silang nagpulasan sa lugar. I cleared my throat naman paglapit sa kanya. Ngayon mas malinaw na sa akin na kinakabahan ako pag palapit sa kanya. Mas lumalakas ang t***k ng puso ko. And I don't even know why!
"I won." Simula ko.
He nodded, "Congrats." Tipid na sabi niya.
I pouted my lips before blinking my eyes. Mas seryoso kasi ang mukha niya ngayon na para bang may nagawa akong mali.
"Ah. Are you going home na ba? Do you need a lift? Sabay ka na sa amin." Yaya ko sa kanya.
Umiling lang siya sa akin.
I slowly nodded before stepping back. Wala nang rason para mag-usap kami. He's too cold and I don't know why.
"Thanks for watching me anyway. See you around, Aiden." Sabi ko na lang.
Hindi pa rin siya sumagot at matamang nakatingin sa mga nagdaraanang tao. Dahan-dahan na lang ako na naglakad papalayo sa kanya.
A familiar emotion wrapped my system. Sadness. I felt so sad. Wala naman akong ginagawa para magalit siya sa akin. Or kung mayroon man ay willing naman akong humingi ng tawad.
It's just, I don't want to feel neglected again. Wala na nga akong pamilya na sumusuporta sa akin. Wala pang katulad niya na ayaw man lang ako tapunan ng tingin.
Hindi ko naman alam kung bakit siya ganun sa akin. Wala talaga akong ideya.
In this crowd, I felt so alone.