That weekend ay magkasabay na umuwi sina Atsi at sina Mommy at Daddy. We had a dinner in our house. Busy ang lahat dahil paparating na sina Mommy.
"Dito na yan, Gina." ani Nanay Pilar habang sineset nila ang table for dinner.
Si Ahia AP ang nagpadala ng food para sa welcome dinner nila Atsi. They will go straight here from the airport. Napailing na lang ako habang pinagmamasdan silang busy sa ibaba. Uuwi rin naman daw sina Atsi at Kuya Gino sa bahay nila. They just want to drop by and eat dinner here.
Bumalik na lang ako sa kwarto para mag-aral muna. I have to study for the lessons that I missed during my training. I know na alam ng parents ko na nanalo ako pero hindi man lang sila tumawag to congratulate me.
I should be fine with it but I can't help it. I just want to be praise by my own family.
Around 7 in the evening when Nanay Pilar called me. Nasa ibaba na raw sina Mommy at Daddy pati sina Atsi at Kuya Gino. I was too focused on studying my lessons kaya nakalimutan ko na halos yung oras.
"I'm going down." sabi ko na lang.
Iniligpit ko na ang mga notebook ko at inayos ang suot na bestida. They want me to become presentable and I should oblige right? That's my filial duty as the youngest of this family.
Nasa hagdan pa lang ako ay naririnig ko na ang boses nila Mommy at Daddy, "Sana naman may laman na yang tiyan mo, Winter. Excited na kami ng Daddy mo sa apo." narinig kong sabi ni Mommy.
Did they missed me? Two weeks ko rin silang hindi kasama and bihira man lang tumawag sa akin.
"We'll never know po, Ma. Sana nga po matupad yung hiling natin." boses ni Kuya Gino.
Hindi rin nila siguro ako napansin dahil sobrang busy nila at tawanan nang tawanan. Nakababa na ako mula sa second floor at nakatayo na sa gilid nila ng nakita ako.
"Nia! Hello, anak. How are you? How's school?" tanong ni Mommy pagkayakap sa akin.
Atsi Win's eyeing me and I tried to gave her a smile pero tumango lang siya sa akin.
"Good." Iyon na lang ang nasabi ko.
Di ba alam naman nilang lumaban ako? Or kinalimutan na lang talaga nila? Hindi na dapat talaga ako nag-assume pa. Masasaktan lang din naman ako in the end. Katulad ngayon, nasasaktan lang ako.
Daddy hugged me as well, he just tapped my back bago sila bumaling kay Atsi.
"I'm sure na pagod kayong dalawa. Come, nagpahanda ako ng dinner para sa ating lahat." sabi ni Mommy bago ako nilingon. "Nia, call your brothers. We will eat together."
Marahang tumango na lang ako sa kanila habang masayang nagkukwentuhan pa rin. Nanay Pilar saw me at naaawang yumakap sa akin.
"Napakagaling mo, anak. Ipinagmamalaki kita sa lahat ng nararating mo." marahan na sabi ni Nanay.
Her words triggered the feelings that I'm supressing. Unti-unting nagbagsakan ang luha sa mga mata ko habang nakayakap sa kanya. I wished that my family can see me just like how Nanay Pilar see me.
"Ako na ang tatawag sa mga kuya mo. Punasan mo ang luha mo at pumunta ka na sa hapag."
I wiped my tears bago ko sinunod ang gusto niya. I plastered a smile habang papalapit sa kanila. Katulad kanina ay hindi na naman nila ako napansin kaya umupo na lang ako sa upuan ko.
Atsi Win's eyes turned to me. "Nia, how's school? Nakapaghanap nga pala ako ng University mo sa California. I have submitted some of your documents and they will mail mo kung kailan ang exam mo." simula ni Atsi.
Napalunok naman ako sa sinabi niya. I never wanted to go in States para lang mag-aral.
"You will take Neuro. Nakakuha na ako ng reviewers for that University." dagdag pa niya.
I played with my thumb, "Uh, Atsi. Can I study here in the Philippines instead?"
Lahat silang nasa lamesa ay napatingin sa akin. Gulat sa sinabi ko. Mabuti na lang at dumating na sina Ahia at agad na naupo sa tabi ko.
"Bakit tahimik? Nakita niyo lang ako tumahimik na kayo kaagad." biro ni Ahia AP.
"Come again, Serenity? I think I've misheard you." turan ni Atsi. Kalmado pa ang boses niya pero alam kong galit na galit na siya.
Unang beses ko kasing babaliin ang sinabi niya. Hindi siya sanay.
"Dito na lang po muna ako sa Pilipinas sana mag-aaral. I'll move in States kapag papasok na po ako sa medicine school." marahan kong sabi.
"But States will give you a higher chance na ma accept sa med school. Aren't you thinking again, Serenity? O baka epekto yan ng kakasayaw mo kaya wala na naman matinong nilalabas yang bibig mo--"
Napahinto sa pagsasalita si Atsi dahil sa paghawak ni Kuya Gino sa kamay niya. I saw him looking at me and giving me assurance na kakampi ko siya.
"Calm down, hon. Let Summer decide on her own. She's not a child anymore. And besides you have to support her wants. Kung iyon ang plano niya, let her be." agap ni Kuya Gino.
Inis na inalis naman ni Atsi ang kamay niya kay Kuya Gino. "Okay. So which school? Siguraduhin mo lang na maayos yang napili mong eskwelahan, Summer." may pagbabanta sa boses ni Atsi.
Natatakot talaga ako sa kanya pero nasaktan din naman ako sa sinabi niya tungkol sa ginagawa kong pagsayaw. Kaya nga hindi ko na ipinaaalam sa kanila yung mga extra curricular ko dahil ganito sila.
"UST po." sagot ko.
Atsi made a face bago umiling sa akin. "That's your best choice huh? Fine. Go and take an exam. Kapag pumasa ka papayagan kitang mag-aral diyan."
Napalingon naman ako kay Mommy na tumango lang sa akin. They believe in Atsi's words anyway. What's the use of asking help from them?
"Kaya mo yan, Shobe. Pakita mong kaya mo yung exam doon." bulong ni Ahia SP sa akin.
Marahang tumango na lang ako sa kanila. Masama pa rin ang loob ko sa sinabi ni Atsi pero I can't voice it out. Mamasamain lang nila iyon. Bahala na kung ano ang tumatakbo sa isipan nila ngayon tungkol sa akin.
"Let's eat first. Hindi dapat kayo ma stress agad. Nia knows her wants. Let her decide on her own." si Ahia SP.
We ate dinner pero I can still feel the tension. Hindi na lang ako umiimik kapag nagkukwentuhan sila. Hindi man nagsasalita si Atsi but I can still feel her anger towards me.
They went home na rin naman after dinner. Hindi na ako kinausap ni Atsi hanggang sa umalis sila which is fine lang sa akin. Ayoko lang talagang mapansin muna niya. Was my choice that bad? Hindi ba niya matanggap na ayoko munang umalis ng bansa.
"Summer, anak, can we talk?" Mom asked.
Nilingon ko siya at marahang tumango. Dad's behind her pati na rin ang mga kapatid ko.
"Mommy, hayaan niyo na si Shobe. Bakit ba kailangan na laging siyang makikinig kay Atsi? Nia's what? 18. Almost 19 already." Ahia AP defend me. Mukhang alam na rin kasi niya ang sasabihin nila Mommy sa akin.
"We just want the best for her. What's wrong with that?" tanong ni Mommy.
"Best? Why? Did we ever complimented her sa pagkapanalo niya sa regionals? Kapag matataas ba ang scores niya binabati natin siya? No. We never did and now we are going to act like a responsible adult for her?" tanong naman ni Ahia SP.
"Phillip." tawag ni Daddy sa kanya.
"I'm fine, Ahia." sabi ko na lang para matahimik sila. My brothers looked at me na para bang hindi sila makapaniwala sa sinabi ko. Talaga bang okay lang ako?
Lumapit si Mommy para hawakan ang kamay ko. "Bakit hindi mo subukan, anak? Your sister traveled so far just to look for the best university para sa iyo. Will you just waste her effort?"
Tinitigan ko si Mommy. Kahit minsan hindi niya natanong ang gusto ko. Laging kapag sinabi ni Atsi dapat gagawin nila at susundin ko. Mula pagkabata ko ay hindi na ako nagkaroon ng boses at tyansa na ipaglaban ang kung anong kaya ko. Yung pagsali sa marching band lang naman ang tanging alam nila sa akin. But they never know my passion in theater.
Gustuhin ko mang lumihis ng landas sa kanila ay hindi ko magawa. Alam kong magagalit at magagalit sila kapag sumuway ako. Sasabihin nila na hindi ako mabuting anak.
I bit my lower lip while trying and telling myself not to cry. Marahang tumango na lang ako kay Mommy sa sinabi niya. She smiled and pinched my cheek. "That's my girl. The exam would be online naman kaya hindi mo na kailangan umalis pa ng bansa. I'll tell that to your Atsi para hindi na siya magalit. " ani Mommy.
Tumalikod ako agad at umakyat papunta sa kwarto ko. I cried so hard in my bed. Gusto ko na lang umalis sa bahay na ito. Gusto ko na lang na makawala sa pamilya ko. Gusto ko na lang mag rebelde at maging masama para hindi nila ako diktahan sa dapat kong gawin sa buhay.
Ayoko na lang mag-ayos ng pag-aaral! Lagi na lang sila ang nasusunod tungkol sa buhay ko. Hindi ko magawa man lang na magsabi ng opinyon ko. They didn't even bother to ask me kung ayos pa ba ako. Kung kumusta pa ba ako. All they want is to please Atsi! Paano naman ako?
I slept with a heavy heart that night. Kinabukasan ay maaga akong pumasok at nagpahatid sa driver namin. At sahil maaga pa ay kakaunti pa lang ang mga estudyante sa campus.
Hindi na ako kumain ng breakfast sa bahay kaya dito na lang ako kakain. I walked towards the luncheonette pero dahil sa sobrang aga ko, mga nagreready palang sila ng ibebenta.
"Pag nakaluto na ako ng macaroni, dadalhin ko kaagad sa iyo, Summer. Hintayin mo na lang doon sa mga lamesa." ani Ate Gina.
"Here's the p*****t po. I'll be at the mushroom na lang po." inabot ko ang bayad sa kanya.
Tumango siya sa akin kaya tumalikod na ako para magpunta sa mushroom. May limang mushroom gazebo sa hilera ng luncheonette. Pumwesto ako sa pangatlo kung saan tanaw na tanaw ko ang malawak na main ground pati na rin ang main building.
Ilang buwan na lang at graduation ko na. Hindi ko lang nasabi sa kanila pero nakapag exam na ako sa UST, luckily I passed. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila ang bagay na iyon. Mas magagalit si Atsi kapag nalaman niyang nag-exam ako ng wala niyang pahintulot man lang.
The cold wind of December blew. The sudden breeze touched my skin. I breathe out a deep sighed. Hihilingin ko na pagdating ko ng college ay magrerent na lang ako ng dorm. Kahit humanap ako ng trabaho gagawin ko. Gusto ko lang talaga kumawala sa kanila. Nasasakal na ako.
Sa gitna ng malalim na pag-iisip ko ay isang tray ang lumapag sa lamesa ko. Nag-angat ako ng tingin dahil akala ko si Ate Gina pero isang taong hindi ko inaasahan ang narito ngayon. Si Aiden.
Seryoso ang mukha niya habang isa-isang nilalapag ang pagkain sa lamesa ko. May dala rin siyang tray ng pagkain niya at nilapag ang kanya doon.
"Do you mind?" tanong niya sa akin.
Umiling na lang ako. Narito naman na siya eh. "Thank you."
Umupo siya sa katapat na upuan ko. Nilapag din niya ang suot na bag pack at tumingin sa akin. "Why?"
Tipid na ngumiti ako bago umiling. Hindi ko alam kung bakit nandito siya. Alam ko naman na hindi naging maganda yung paghihiwalay namin noong Friday. He's too masungit on me. Wala naman akong ideya kung bakit ganun siya sa akin.
Walang namagitan na salita sa aming dalawa at tahimik na kumain lang. Kahit walang gana ay pinilit kong ubusin yung binili kong pagkain. Pero kahit sa gitna ng pagkain ay hindi pa rin mawala sa isip ko yung nangyayari sa pamilya ko.
"Tahimik ka ata."
Nag-angat ako ng tingin kay Aiden na matamang nakatingin sa akin. Para bang binabasa niya ako dahil hindi ako nagsasalita.
He leaned back on his seat before crossing his arm over his chest at matamang titigan ako. "May problema?"
Why is he asking me this now? Hindi naman kami close at baka isipin pa niya na masyado akong mayabang.
Umiling na lang ako at binalingan ulit ang macaroni na may iilang piraso pa sa plato ko. Ayoko naman sabihin sa kanya yung mga nangyayari. Mamaya isipin niya na feeling close ako sa kanya. Tama na yung ako na lang ang nakakaalam ng nangyayari sa akin.
"Whatever that is. Sana matapos na kaagad." Aniya.
Nag-angat ako ulit ng tingin sa kanya, this time kinukuha naman niya yung libro sa bag niya. Why does this person acts like this? Hindi naman niya ako ganun kakilala at ganun din siya sa akin. Bakit kailangan bigyan niya ako ng ganyang salita?
Tumingala ako dahil naramdaman ko na naman ang pangingilid ng luha ko. I'm being a cry baby na naman. Hindi maganda ang ganito. Ayokong masanay na may taong handang makinig sa akin.
"Eto."
Tinignan ko siya ulit. Hawak niya ang cellphone niya this time. Parang gusto ko namang maawa sa kanya dahil lumang modelo ng Samsung ang cellphone niya. Yung maliit na Samsung na walang keypad.
"I know na hindi nito kasingganda ang cellphone mo. Ilagay mo yung number mo diyan. I-text mo lang ako kapag gusto mong huminga." He took my hand at nilagay sa palad ko ang cellphone niya.
Naglipat-lipat ang tingin ko mula sa cellphone niya at sa mukha niya. "Why?" I asked.
Nalilito kasi ako. Ang hirap niyang basahin. Ngayon mabait siya pero baka mamaya masungit na naman siya sa akin.
Seryosong tinignan niya ako at umiling sa akin. "You look like a lost puppy."
Inirapan ko siya at nilagay ang number ko sa phone niya. "Mamaya hindi mo naman ako sagutin." sabi ko sa kanya pagkatapos kong ilapag ang cellphone sa mesa.
Agad naman niyang dinampot iyon at nagtext. Maya-maya lang ay naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko. I took out my phone and found his message.
Isang tuldok lang ang message niya kaya agad kong pinakita iyon. "Baka naman labag pa sa loob mo itong text na ito."
He smirked before reading his book. "Magtext ka lang sa akin kapag kailangan mong huminga at hindi para dumaldal."
I pouted my lips while saving his number. What should I write here? Aiden lang or Kuya Aiden. Pero baka magalit naman siya kapag nilagyan ko ng Kuya Aiden.
Lucho
There. That's quite better than what I'm thinking.
"Lucho!"
Sabay kaming napatingin ni Aiden sa tumawag sa kanya. Yung classmate niya iyon. Yung Oliver. He's walking fast toward us. Parang hindi rin niya ako nakita dahil nakatuon ang atensyon niya kay Aiden.
"Andito ka lang pala. Bakit hindi ka pumasok nung Biyernes? Alam mo namang may oral recitation at quizzes tayo di ba? Saan ka ba galing? Sabi ni Cielo nagpunta ka raw BSU." Dire-diretsong sabi nito.
Kumunot ang noo ko sa pagkakarinig sa sinabi nung Oliver. Hindi siya pumasok nung Friday? He was with me nung Friday. Sabi niya nandoon yung sibling niya kaya pumunta siya.
Tinapik naman ni Aiden si Oliver sa dibdib dahilan para matigilan ito at tignan ako. Mukha siyang nagulat pagkakita sa akin. "Ay! Andito ka pala. Pasensya na narinig mo pa yung sinabi ko. Anyway ang galing mo ah. Napanood namin."
Kiming ngumiti ako sa kanya at tumango. "Thank you."
Nanatiling nakatingin pa rin ako kay Aiden. He missed his school works because he went to his sibling? I want to understand him na maybe may reason bakit siya nagpunta sa kapatid niya. Pero quizzes and oral recitation are big deals!
Unless you are bulakbol, those things doesn't matter to you. Pero siya? Gusto ko siyang tanungin pero I know na wala naman akong right to ask him that. We barely know each other. Yes, we talk but that's it. Yun lang yun!
"Puntahan mo si Dr. Marquez, baka mapagbigyan ka. Major pa naman iyon. Ano ba kasing ginawa mo sa BSU. Nagpunta pa naman ako sa bahay niyo after ng quiz nandoon naman si Ate Jea—"
Hindi na natapos ni Oliver yung sinasabi niya kasi biglang tinakpan ni Aiden yung bunganga nito. Gamit ang isang kamay ay inilagay niya ang book sa bag at sinukbit ito sa balikat.
Oliver's still saying something but muffled sounds were coming from him. Pumipiglas piglas pa ito habang hinahatak papalayo ni Aiden.
I just raised my hand to bid them a goodbye. Oliver saw that and he waved his hand as well. Hanggang sa lumiko na sila papunta sa CS building, shortcut papunta sa College of Medicine.
I gather the utensils that we used para itapon iyon. Naiwan na lang din iyon kasi nagmamadali silang umalis.
After nun ay dumiretso na ako sa classroom namin para sa first class. It's still 6:30 in the morning at ang first class today ay 8:30 pa.
I turned on the aircon and review the lessons that I missed hanggang sa nakatulog na ako. Nagising na lang ako dahil sa malakas na sigawan ng mga classmates ko.
"Congratulations, Summer! Pride ka ng STEM!"
I blinked my eyes medyo naguguluhan pa sa nangyayari. They were all cheering me. Lumapit pa si Bryan na may dalawang bouquet of roses at inabot sa akin.
My classmates including George were screaming so loud na pati yung ibang students na dumadaan ay napapatingin sa aming classroom.
"Congrats, Summer. Napanood ka namin. Ang galing-galing mo." He said.
Para bang nakalimutan ko panandalian yung dinadala kong problema dahil sa kanila, dahil sa kanya.
I took the flowers from him, "Thank you, Bryan."
"Bry! Sabihin mo na yung sasabihin mo kay Summer!" Sigaw ng isa sa barkada ni Bryan.
Kumunot ang noo ko sa sinabi nila. May sasabihin siya sa akin?
"Ano yun?" I asked.
Napalingon pa si Bryan sa barkada na nakataas na ang cellphone at kinukunan kami ng video. Si George naman ay nasa likod ni Tanya dahil kilig na kilig naman.
Bumalik ulit ang tingin ni Bryan sa akin at inayos ang suot na damit. "Summer, you have been one of my greatest competitor when it comes to academic. Pero pinapahanga mo ko sa galing mo sa extracurricular."
Kumakabog naman ng sobrang lakas ang dibdib ko sa sinasabi niya. Ayokong mag assume pero doon ba pupunta ang sasabihin niya na ito?
Tahimik lahat sa classroom habang nakatingin sa amin, "Summer...I like you. And I'd like to ask you kung pwede ba kitang ligawan?"
Isang malakas na tilian ang narinig ko sa kanilang lahat. Pero sa lakas ng tunog na naririnig ko sa loob ng silid na ito ay nagtataka ako sa pagiging kalamado ng dibdib ko. I should be happy and excited right?
A few weeks ago alam kong siya lang ang gusto ko. Sigurado ako sa nararamdaman ko. How come na hindi ako kinikilig ngayon sa sinasabi niya?
Bakit parang wala akong lakas ng loob na tanggapin ang alok niya sa akin?
"No rush, Summer. Kahit kailan mo ko gustuhin na tanggapin sa buhay mo. Gusto ko lang iparamdam sa iyo na gusto kita. Gustong-gusto kita." Dagdag pa niya.
Napanganga na lang ako habang kinokolekta ang tamang salita para sa kanya. I bite my lower lip and played with my thumb.
Sasagot na sana ako na huwag na niyang ituloy yung plano niya pero dala siguro ng peer pressure ay isang salita ang nasabi ko.
"Oo."
Napatingin naman sa akin si Bryan. Halatang nagulat sa sinabi ko.
"Pinapayagan kita, Bryan."
And that's when I knew I hit the bottom of Mariana trench. Ang tanga-tanga ko talaga!