"So kumusta naman ang feeling na nililigawan ka ng crush mo?" Nilingon ko si George habang nasa pila kami sa luncheonette para bumili ng lunch namin. Malisyosong ngumisi ito at kilig na kilig pa rin sa revelations ni Bryan. Alam ko dapat akong kiligin din pero hindi ko talaga mahanap yung kilig sa akin ngayon. He's my crush since Grade 1 and now natutupad na yung gusto ko. Pero ang hirap-hirap talaga sa akin tanggapin na gusto rin niya ako. "12 years. Grabe! Imagine mo sis. Nagbunga yung 12 years of infatuation mo sa kanya. Kung ako yun nag move on na ako sa bagong tao. Pero ikaw? I salute you talaga." kuda ni George. Umorder lang ako ng rice at isang ulam na gulay. Wala akong ganang kumain ngayon. Siguro kung nasa normal na sitwasyon ako ng utak ko. Baka nilibre ko ang buong section