Hindi mawala ang ngiti ko hanggang kinabukasan. Para akong nakatuntong sa ulap. Ganito ba yung pakiramdam kapag nagustuhan ka rin ng taong gusto mo? Ang saya pala. Tuesday at civilian lang ang suot namin ngayon. Dahil may practice kami ulit mamaya para sa play. Yung black na org shirt lang ang sinuot ko at maong pants and white rubber shoes. I tied my hair at nilagyan ko pa ng puting malaking ribbon. Maaga ulit ako sa pag-asa na makita ko si Aiden. He didn't text me last night at wala na ring namagitan na salita sa aming dalawa hanggang sa maihatid niya ako sa sasakyan namin. Pulang-pula yung mukha ko hanggang sa makauwi kami sa bahay. Dumiretso agad ako sa mushroom pagkakita ko sa kanya. We didn't plan this. Wala sa plano naming magkita. Nagkataon lang na nandito na rin siya. Busy siy