-Janessa-
Maaga akong nagising ngayon kahit ka gabi ay hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog dahil pinagpuyatan kong tapusin ang mga ginawa kong mga bracelets at necklace dahil ngayong araw ay ide-deliver ko sa mga nag order sa akin. Hindi ko naman iniinda ang puyat at pagod kapag alam kong pera na ang usapan! Hindi dahil mukhang pera ako, kundi dahil pangdagdag ko din sa allowance ko kahit oneweek kami na walang pasok. Mabuti nalang din at matagal-tagal ang bakasyon kahit sobrang bitin. At least malalaan ko ang oras ko sa pangongolekta ng mga gagawin kong mga bracelets. Pagkarating ko sa kusina medyo natigilan pa ako ng ilang segundo nang makita ko ang oras. Mag a-alas kwatro pa lamang ng umaga!
“Napa-aga naman yata ang gising ko.” Mahina kong imik habang tinatali ang buhok ko. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa loob ng kusina para simulan ang mga lulutuin pero mukhang nahuli na yata ako dahil gising na si Aling Meding. Napasinghap ako sabay nang pag-nguso. Ang akala ko nasa bayan siya ngayon para mamalengke.
“Magandang umaga po,” magalang na pagbati ko. Nakita kong napangiti siya kaya tinapunan ko rin siya ng ngiti na matamis.
Si Aling Meding ay ang nag iisang katiwala dito na babae sa Mansion. Hindi ko alam kung taga saan siya mismo dahil simula nang tumapak ako dito sa Isla ay andito na siya. Mabait siya kaya hindi rin ako magtataka kung bakit magaan din ang loob ko sa kanya.
“Mag kape kana, Ineng. Bulak na ang tubig na mainit,” aniya. Tumango naman ako habang patungo sa pantry para kumuha ng kape at ng aking tasa ngunit bigla ko nabitawan ang hawak kong kape na sachet dahil may umagaw niyon! Agad akong napabaling sa kamay ng lalaking humablot nang kape na hawak ko! Nangunot basta ang noo ko dahil sa presensya ni Riki! Agang-aga ah!
“Hindi ka pwedi uminom ng kape dahil baka atakehin kana naman ng acid mo,” paalala niya. Naiikom ko ng lihim ang aking bibig dahil sa kanyang sinabi. Heto na naman siya! Nagiging tatay na naman sa akin. Hindi ako naka-angal bagkus pinaubaya ko sa kanya ang sachet ng kape na inagaw niya at inabot nalang ang isang garapon na may laman na gatas. Binuksan ko iyon bago nag takal ako para ilagay sa aking tasa na may lamang tubig na mainit dahil nilagyan na ni Riki.
“Salamat,” tipid kong sambit. Ngumiti lang siya na kulang nalang ay mawala na naman ang kanyang mga mata. Kahit sa simpleng pag ngiti niya lang tila mawawalan na siya ng mga mata. Anong nilalang ba ang lalaking ito!
“Ba't ang aga mo gumising? Masama ba ang pakiramdam mo?” Umpisa niya habang umuupo sa katabi kong upuan. Sumimsim muna ako ng gatas bago siya sinagot.
“Hindi naman sumama pakiramdam ko, OA mo naman. Balak ko kasi sana na ako ang magluluto ngayon ng almusal kaso mas ma-aga pa pala na nagising si Aling Meding kaysa sa akin.” Nakanguso kong saad kay Riki habang sumisimsim siya ng kape.
“Why don't you take a rest while you're in a one week vacation, 'di kaya mag review ka,” suhestiyon niya sa akin. Tumaas bigla ang isa kong kilay dahil sa kanyang huling sinabi. Ayos na sana yo'ng suhestiyon niyang mag pahinga kaso isiningit pa talaga niya ang pag rereview! Duda yata siya sa kakayahan ko? Kailan ko na ba siya inilaglag sa defense! Jusko!
“Wala ka bang tiwala sa akin, ha? Grabe ka paks, nakakasakit ka nang damdamin.” Hinampo kong sabi habang pinipigilan kong mapatawa. Nag iba bigla ang reaksyon ng mukha niya dahil sa aking sinabi kaya itinakip ko sa bibig ko ang tasa na hawak ko para hindi niya mahalata ang pag-umis ko. Inakbayan niya ako na para bang pinapagaan ang aking loob ngunit napatingin ako bigla kay Aling Meding na nakatingin sa amin ni Riki habang nakangiti na para bang aliw na aliw sa nakikita kaya hindi paman nagtatagal ang kamay ni Riki na nakapatong sa balikat ko ay tinanggal ko din.
“Nako, Aling Meding mali ang inaakala niyo, hu.” Malakas ang boses ko na pag depensa.
“Maling-mali nga talaga kayo ng naiisip Aling Meding dahil kahit kami nalang ni Janessa sa mundo ang natitira ay hinding-hindi ko siya magugustuhan,” mahabang pag tanggi din ni Riki na siyang dahilan ng pag hampas ko sa braso niya. Napangiwi siya nang may kasamang kurot pa ang ginawa ko.
“As if naman na magugustuhan kita! Ang feeling mo naman sa part na kapag tayong dalawa nalang ang matitira sa mundo ay never mo akong magugustuhan. Mas ipipilit ko na makasama ang crush ko kaysa sa sayo.....—” Mahabang pamimilosopo ko kay Riki ngunit natigilan ako nang makita na papasok si Nanay Clarita sa loob ng kusina habang tinutulak ni Quinn ang inuupuan niyang wheelchair. Naiikom ko basta ang nakaawang kong bibig bago yumuko ng bahagya para iwasan ang masakit na paninitig sa akin ni Quinn.
“Goodmorning everyone.” Ganadong bungad ni Nanay Clarita sa amin kaya nag dahan-dahan akong tumayo para mag mano sa kanya ngunit napigilan ako ni Riki dahilan para mapatingin muna ako sa kanya.
“Sa'n ka pupunta?”
“Mag mamano ako kay Nanay, bakit ba?”
“Sabay na tayo,” sagot niya sabay tayo at inakbayan ako ulit. May pag tataka ko siyang tiningnan dahil ang weird niya ngayon. Sabay kaming nag mano kay Nanay Clarita kaya nakita ko na naman ang napakagandang ngiti ng aming Nanay.
“Just like before, you and Riki are so sweet. Masaya ako dahil hanggang ngayon ay ginagawa niyo parin ito mga apo ko.” Sabi ni Nanay habang hawak-hawak ang mga kamay namin ni Riki. Nakaramdam ako ng kasiyahan dahil sa tagal kong nakatira sa Mansion niya ay never niya akong hinusgahan dahil lamang sa kung ano ang nakasanayan namin ni Riki. Biglang tumikhim si Quinn na nasa likuran ni Nanay kaya hindi ko narin hinayaan na mag tagal pa sa harapan ni Nanay Clarita. Tumabi ako para bigyan sila ng daan ngunit pinatabi pa ulit ako ni Quinn kaya nag paalam nalang ako na lumabas na muna ng kusina total tapos narin naman akong uminom ng gatas. Nag diretso akong umakyat para pumunta sa kuwarto ni Nanay para linisin ang kuwarto niya na palagi ko namang ginagawa kapag andito ako sa Mansion.
“Can we talk?”
Napatingin ako bigla sa puwesto kung saan nanggaling ang boses ng isang lalaki. Si Quinn! Nakasandal siya sa hamba ng pintuan habang nakapamulsa at nanliliit ang mga mata habang nakatingin sa akin. Naikuyom ko ng mahigpit ang kamay ko habang hawak-hawak ko ang comforter na tinutupi ko kasabay no'n ang unti-unting pag dagundong ng malakas ng aking dib-dib. Parang sinasalakay ako ng mga kabayong mabibilis ang pagtakbo kung kaya't gano'n na lamang ang pag dagundong ng mabilis ng aking dib-dib. King hindi ko 'to pipigilan pakiwari ko'y aalpas sa kinalalagyan nito dahil sa kaba na wala namang kasaysayan! Kasabay ng aking matinding kaba naramdaman ko nalang ang munting luha ko na dumaloy sa aking pisngi kaya agad akong napayuko para agapan na hindi ito bumuhos.
.
“Wala akong oras na makipag-usap sa'yo. Madami pa akong gagawin,” pagdadahilan ko habang tinutupi ang comforter. Agad ko siyang tinalikuran oara pasimpleng punasan ang basa kong pisngi dahil sa luha kong dumaloy kanina.
“Pero kay Riki meron?” Diretso niyang saad. Napabuntong hininga ako ng wala sa oras dahil sa kanyang sinabi. Anong ibig niyang sabihin? Sino ba siya para paglaanan ko ng oras?
“Magkaiba kayo ni Riki. Hindi tayo close kaya wala akong dahilan na paglaanan ka ng oras. Ni hindi nga kita kilala, eh!” Sunod-sunod kong depensa at pagtanggi bago mabilis siyang nilampasan.
“Fúck!” Malutong na mura niya kaya binalingan ko siya upang tingnan ng masakit!
“Minumura mo ba ako?” Galit kong tanong sa kanya. Iritado ang mukha niya habang sinasalubong ang mga titig ko ngunit agad naman akong napa-iwas dahil hindi ko kayang tagalan na salubungin ang mga titig niya. Mas lalo ko lang naaalala ang isang tao dahil sa klase ng mga tinginan niya!