CHAPTER-6

1130 Words
Hindi naman niya aakalain na gagabihin siya sa pag-uwi sa Isla pero bakit gano'n na lamang ang pagkayamot nito sa kanya. Hindi naman siya nag pasundo dahil kaya pa naman niyang makapag-isa na umuwi kung sakali papunta sa Mansion. Nagkataon lang talaga na iisang bangka ang nasakyan nila patawid ng Isla. Kung naroon lang naman kasi sana si Riki kanina sa pilahan ng bangka edi sana maaga din siyang nakauwi. Hindi sila nagkikibuan habang naglalakad pauwi sa Mansion. Parang hindi sila magkakilala dahil base sa lakad nila at distansya parang hindi mo aakalain na magkasama sila sa iisang Mansion. Panay-panay ang buntong hininga niya dahil hindi niya kayang sabayan si Quinn. Palinga-linga ang kanyang ulo dahil nagbakasakali siya na mayroong kakilala siya na pweding makasabay sa paglalakad para naman mawala na ang awkwardness sa pagitan nila. Hindi siya naghahangad na bigyan ng oras ni Quinn para kausapin habang naglalakad na parang close sila sa isat-isa! Kaya sa halip na bigyan ng atensyon ang presensya nito, sinalpak niya ang kanyang earphone bago nagsimula na mag patugtug ng malakas para kung sakali na kausapin man siya nito ay hindi niya marinig! Music on while walking is better than talking to Quinn! Kaso, kung minamalas nga naman siya! Biglang pumatak ang malalaking patak ng ulan at ni payong ay wala naman siyang dala samantalang ang isa ay kuntodo sa pamamayong habang papalit sa puwesto niya. Parang gusto nalang niya hilingin na sana mag ka-stunami at magpatangay sa alon dahil sa nararamdaman. Nilampasan siya ni Quinn na para bang hindi man lang siya nakikita at talagang hindi man lang siya inalok na sumukob sa payong nito. Fúcking rúde! Walang manners! Siguro palaging palakol ang grado niyon sa GMRC noong kasagsagan ng pagpasok nito! “Bakit ba naman kasi sa lahat ng pweding kalimutan eh, yoong payong pa Janessa!?” Mariing asik niya sa kanyang sarili habang naghahanap ng makakanlungan. Mabilis niyang winagwag ang kanyang suot na cardigan para mabawasan ang basa bago isinuot muli. Hindi niya pinag-abalahan na tapunan ng tingin si Quinn dahil wala rin siyang pakialam! Alas siete palang naman gabi at maliwanag naman ang kanyang dinadaanan kaya nanatili muna siya. Mag papatila muna siya bago umalis. Dalawang minuto hanggang sa sumapit ang limang minuto ay hindi humina ang patak ng ulan. Ni isang traysikel naman ay wala ring dumadaan kaya medyo kabado na siya. Mag a-alas otso na at siguradong nag aalala na sa kanya si Nanay Clarita niya. “Bahala na!” Untag niya bago tinanggal ang kanyang cardigan na medyo basa-basa pa. Ipinandong niya ito sa kanyang ulo bago sinimulang lumusob sa ulan ngunit hindi niya namalayan na may isang tao pala na nakatayo sa harapan niya at nakapayong ito. Palibhasa nakayuko siya kaya hindi man lang niya namalayan na nasa harapan na niya pala si Riki. Napatigil siya bigla at inangat ang paningin sa bulto ni Riki na ngayon ay salubong ang dalawang kilay. “Wala ka bang cellphone at load para man lang tawagan ako para sabihing magpapasundo ka.?” Untag nito sa kanya habang kinukuha ang kanyang back-pack. Inabot sa kanya ni Riki ang kapote na dala nito kaya sinuot niya muna bago nag umpisang maglakad. Hindi muna siya nag salita o' nangatwiran man lang dahil tansyado niyang mainit ang bungad sa kanya ng kanyang kaibigan. May cellphone naman nga siya pero hindi naman niya naisip na magpasundo kay Riki sa kadahilanan na titila naman agad ang ulan. Nang tansya niyang medyo nawala na ang init ng bait nito dahil umakbay na ito sa kanya habang lumulusob sila sa ulanan. Tumikhim muna siya bago magsalita. “Na-lowbat kasi ang cellphone ko kaya hindi ako nakatawag sa'yo. Sorry na, kasalanan mo rin naman kasi.” Dahilan niya kahit hindi naman totoong dedbol ang cellphone niya. Awtomatiko siyang tiningnan ni Riki at kahit ilaw lamang ng mga poste ang nagsisilbing liwanag sa kanila, kitang-kita niya parin kung paano naningkit ang singkit nitong mga mata. Agad niyang naiikom ang kanyang mga labi. She knows! “At bakit naging kasalanan ko pa, aber?” Anito na parang nayamot bigla. “Matagal kaya kitang hinintay sa pantalan—” “Hindi ko kaya schedule ng pag byahe ngayon. Hindi ko rin alam na may amnesia kana pala ngayon,” paliwang nito sabay pamimilosopo sa kanya. Agad naman niyang nakagat ang kanyang ibabang labi dahil sa katangahan niyang paghihintay kanina sa pantalan na kahit ang isipin kung anong araw ngayon ay hindi niya man lang nagawa! Naginhawahan siya ng makarating na sila sa Mansion at hindi nga siya nagkamali sa naisip kanina tungkol sa Nanay Clarita niya. Nakadungaw ito sa main door ng Mansion at tila nag aalala na ngunit nabuhayan din naman nang makita sila ni Riki. “Salamat, paks.” Aniya habang tinutulungan siya nitong kalasin ang kapote na suot niya. “Walang ano man aking prinsesa,” pilyong saad nito na may pag yuko pa. Napatawa siya ng mahina dahil sa inasta ni Riki. “Gagó!” Mahinang usal niya habang papasok sa pintuan ngunit napatigil siya nang magtama ang mga mata nila ni Quinn. Prenting naka-upo ito habang masungit na nakatingin sa kanya habang naka-akbay sa kanya si Riki. Mabilis naman niyang iniwas ang kanyang paningin at itinuon iyon sa matanda na naka-upo sa wheelchair. Kahit medyo basa-basa pa siya ay nag mano parin siya bilang pagbati. “Maligo ka kaagad at uminom ng gamot. Okay?” Utos sa kanya ng matanda nang makapag mano siya. “Mabuti na lang nasabi agad ni Quinn kay Riki na nasa pantalan ka pa daw kaya mabilis na umalis si Riki para abangan ka sa daan. Jusko! Sa susunod huwag kang mag papaabot ng dilim dahil sobrang dilikado sa daan.” Muling wika ng matanda na nag papanting ng kanyang pandinig. Nasa pantalan? Eh, kung lampasan nga siya nito kanina parang hangin lang siya! Mabilis siyang umu-o sa utos ng matanda sa kanya. Nilampasan niya ang bulto ni Quinn na naka-upo sa sofa at mabilis siyang nagtungo sa kusina para kumuha ng gamot ngunit hindi paman siya nakakapasok ay naramdaman niyang may tao sa likuran niya. Alam niya kung sino iyon kaya hindi niya pinagtuonan ng pansin. Kumuha siya ng gamot para kapag nakatapos na siyang maligo ay iinumin na niya lang ito. Akmang babaling na siya para sana lumabas ng kusina nang makita niya kung paano nakatayo si Quinn sa hamba ng pintuan ng kusina. Nakahalukipkip ito at diretso ang tingin sa kanya na kala mo'y may ginawa siyang mali at kailangan niyang humingi ng tawad. Hindi niya kailangan salubungin ang paninitig nito sa kanya kaya marapat lang na lampasan niya ito ngunit nagulat na lamang siya ng higitin nito ang palapusuhan niya. “Sino ka ba talaga?” Tanong ni Quinn sa kanya dahilan para umawang ang kanyang bibig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD