CHAPTER-8

1065 Words
Pagkababa niya ng bangka na kakadaong lamang sa pantalan dahil tumawid siya ngayon sa bayan ng San Andres upang i-deliver ang mga ginawa niyang bracelets sa mga kaklase niyang nasa boardinghouse nila ngayon nanatili at kabilang na do'n ang malapit niyang kaibigan na si Kate. Inayos niya muna ang suot niyang puting cap bago sinuot na ang hoodie niyang kulay itim para panlaban sa init. Makikita sa awra niya ang kaputian niya dahil sa kombinasyon ng mga kulay batay sa mga suot niya. Naka hoodie siya ng black at pinaresan niya din ng black na shorts kung saan litaw na litaw ang kaputian niya at kitang-kita din ang balingkinitan niyang mga hita. Naka-white sneakers din siya at kakulay naman niyon ng suot niya na baseball cap. May suot din siyang ilang piraso na mga bracelets na yari sa mga shells na siya mismo ang gumawa at kwentas din na yari sa mga maliliit naman na mga shells. Meron din nakalagay sa paa niya kung saan halatadong nakatira talaga siya sa Isla. “Naka-hoodie ka nga pero useless din dahil sa pag suot mo ng mautdong short. Wala ka bang pantalon?” Pamumuna ni Riki sa kanya dahilan para isalpak niya sa tainga niya ang earphone niya kahit hindi naman naka-on iyon. Sanay na siya sa pagiging pakialamero ng kaibigan niya. Mukhang noong isang linggo lang ipinanganak ang kaibigan niya dahil sa pangingialam sa mga suot niya. Bahala kang dumaldal d'yan. Minsan na nga lang ako magsuot ng ganito tapos tutol ka pa. Tsss! Pagkahatid sa kanya ni Riki sa kanyang boardinghouse nag bigay lamang siya ng oras para sunduin siya mamaya nito bago pumasok na sa loob. Papasok pa lamang siya sa sala ng kanilang boardinghouse nang bumungad sa kanya ang kanilang landlady. Makikita sa mukha nito na tila may pagtataka at pagkamangha. Hindi siya naki-usyoso kung kaya't nginitian niya lamang ito bilang pagbati ngunit hindi paman siya nakakahakbang papasok sa sala ay nagsalita ito dahilan para tanggalin niya ang ang isang earphone na nakalagay sa tainga niya. “Boyfriend ba 'yon ni Kate?” Kuryusong tanong sa kanya ng kanilang landlady. Dala ng kuryusidad ay sinundan niya ang tingin ng kanilang landlady hanggang sa dumapo ang mga mata niya sa bulto ng isang lalaki na naka-upo pero nakatilod sa kanila. Wala naman siyang rason na kilalanin iyon pero bakit may kuryusidad niyang tiningnan iyon na hindi naman niya ugali na gawin. Lihim niyang iwinaksi ang pagiging kuryuso kung kaya't magalang siyang namaalam sa kanyang landlady para tumungo na sa kanyang kuwarto at hindi pinansin si Kate at ang lalaki na kausap nito. Ikinawit niya sa kanyang tainga ang mga tapon niyang buhok para kitang-kita ang earphone na nakalagay sa tainga niya kahit wala naman tugtug para kung sakali tawagin siya ni Kate ay hindi niya maririnig. Habang mabilis ang mga hakbang niya patungo sa kanyang silid hindi niya pinapansin ang tawag sa kanya ni Kate at pinagpatuloy ang paghakbang ngunit sadyang makulit ang kaibigan niya kung kaya't naharang agad siya nito. She had no choice but to look straight at her friend infront of her. Patay malisya niyang tinanggal ang isang earphone niyang nakasalpak sa tainga niya bago pilit na ngumiti kay Kate bilang paghingi ng pasensya dahil sa ginawa niyang pag akto. “Nakailang tawag na ako sa'yo but you didn't hear me,” nakangusong bungad sa kanya ni Kate. Napakamot siya bigla sa kanyang ulo dahil sa kalokohang ginawa niya para lamang maka-iwas without any reasons to avoid. “Sorry hindi kita narinig....—” Natigil ang kanyang pagsasalita nang makita niya ang lalaking naka-upo sa sofa nang hinila siya ni Kate para sana umupo. Parehas sila ng naging reaksyon nang magtama ang mga mata nila. Shít! A-anong ginagawa niya dito? Parang parehas silang nakakita ng multo ni Quinn habang magkahinang ang mga mata nila. “Oh, by the way let me to introduce to you my boyfriend. Oli, he is Engineer Salem.” Pakilala ni Kate kay Quinn sa kanya. Boyfriend... Out of nowhere nakaramdam siya ng kakaiba! Sa hindi malamang dahilan tumahip ng malakas ang kanyang dib-dib! Weird feelings attacking her system again! Pero dahil ayaw niyang ma-disappoint si Kate nagawa niya paring ilahad ang kanyang kamay to make a casual greetings to Quinn. Nag aalangan man pero tumayo na rin si Quinn to hold up her outstretched hand. Nag maglapat ang mga balat nila tila nakaramdam siya ng panlalamig nang bahagyang pisilin iyon ni Quinn and it makes her system to be wild. Tumikhim siya to ease the unwell feeling but Quinn is still playing silently her fingers kaya lalo lamang nagkaribok ang kaloob-looban niya! “Jane—” “She's Oli, babe.. My one and only bff here.” Mabilis na pakilala ni Kate sa kanya. Babe.. Sweet endearment! Without any hesitation hinila niya ng mabilis ang kanyang kamay na hawak-hawak ni Quinn at agad na inayos ang kanyang pagkakatayo. Mabilis niyang dinukot sa kanyang sling bag ang isang zip lock plastic pouch kung saan nakalagay ang order ni Kate. Binigay niya iyon kay Kate at mabilis na nag paalam sa kaibigan niya para pumasok muna sa kanyang kuwarto. Para siyang matatae na masusuka dahil sa patong-patong na nararamdaman. Bakit ba kasi nag papaapekto siya sa presenya ng lalaking 'yon! Nakakainis! Parang temang siya dahil mabilis niyang kinuha ang kanyang cellphone na nasa kanyang bag para tawagan si Riki. Kailangan niya ng pampakalma kaya kailangan niyang makita ang presensya ng kaibigan niyang makulit para maibsan ang werdo niyang pakiramdam. “Kate, pakibigay nalang ang mga ito kina Abbi at Shane. Salamat. Ma-mauna na ako,” pakiusap niya. “Wait, where are you going?” Tanong ni Kate sa kanya habang inaabot ang mga orders. Binalingan niya ito para sagutin ang tanong sa kanya pero naiiwas niya agad ang kanyang paningin kay Quinn ng magtama ang paningin nila. Nakakainis lang dahil parating nagtatama ang mga paningin nila kahit hindi naman niya sinasadya na mapatingin! Agad siyang napatingin ng mabilis sa labas nang marinig ang sunod-sunod na pag bubusina ni Riki. “Ah, may pupuntahan lang. Si-sige, ando'n na ang sundo ko.” “Oh, your boyfriend...” Sambit ni Kate habang papalayo siya sa kina-uupuan ng dalawa pero bago paman siya makalabas ng pintuan ay hindi nakalampas sa pandinig niya ang mabigat na pag tikhim ni Quinn. She didn't care so she continued walking until she reached the gate.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD