CHAPTER-1
Pangako, kapag lumaki na tayo ikaw lang ang mamahalin ko at papakasalan kaya tahan na. Don't cry, please. Promise kapag bumalik kami dito ni Lola hihintayin kita dito sa lugar na'to. Okay?”
Para siyang mahihimatay dahil sa walang katapusan niyang pagtakbo para lamang matakasan niya ang lalaking gusto siyang patayin. Wala siyang sapat na ideya kung bakit siya gustong iwala sa mundo kahit naging mabuti naman siyang kaibigan! Kilala niya ang pamango nitong panglalaki na karaniwan nitong ginagamit at hindi siya nagkakamali dahil kahit ang mga mata nitong singkit at ang bagsak nitong bubok ay halatado niya kahit balot na balot pa ang mukha nito ng bonet. Hindi niya alam kung bakit gano'n nalang ang galit nito sa kanya samantalang naging mabait naman siya at kulang nalang ay ituring niya itong Kuya dahil simula't sapol ay magkaibigan na sila! She don't even know what his intention and reason para patayin siya!
Ang sama niya!
Mahingal-hingal siyang tumigil sa isang bakanteng lote kung saan mayroong isang kubo! Halos nag aagaw na ang liwanag at dilim at malaki ang pasasalamat niya dahil may natigilan siya na pwedi niyang pagsilungan kahit ngayong gabi lamang. Malayo-layo na rin ang itinakbo niya niya at baka hindi na siya maabutan niyon dahil bukod sa lasing iyon ay napukpok niya rin iyon sa ulo kung saan iniinda niyon kanina. Totoo nga na may awa sa kanya ang diyos dahil wala man lang ka tao-tao ang kubo na pinasukan niya. Kumpleto pa sa gamit at may ilang stocks rin ng mga noodles at de lata na pweding niyang kainin.
Sana hindi na niya ako matuklasan! Sigurado ako na mapapatay niya talaga ako kapag nagkataon na nahanap niya ako dito! Walang hiya siya! Palibhasa alam niyang kahinaan ko siya kaya niya ginawa 'yon! Pero bakit gano'n? Hindi gano'n ang pagkakilala ko sa kanya, mabait siya at matulungin at higit sa lahat mahal niya rin ako.
Hindi alam ng Papa niya kung ano ang nangyayari sa kanya dahil langong-lango din sa alak kaya nang umalis siya para tumakas tulog iyon! Hindi niya maaasahan ang kanyang ama na minsan ay hindi naman siya itinuring na totoong anak! Kung buhay lang sana ang totoong niyang mga magulang sana hindi niya nararanasan ang mga nangyayari sa kanya! Hirap na hirap siyang lumaban sa araw-araw ngunit dahil pursigido siya sa kanyang pangarap kaya nagsisikap siyang tumayo sa sarili niyang mga paa. Kung ano-anong raket ang pinapasukan niya para lamang may pang tustus siya sa araw-araw niyang hinaharap. Mabait siya at matiyaga sa lahat ng bagay at lalo na sa ibat-ibang trabaho na ini-ekstrahan niya.
Hindi siya totoong kaibigan! Hindi siya mapapagkatiwalaan! Simula ngayon, itaga niya sa bato dahil kinamumuhian ko siya! At wala akong balak na harapin siya kapag mag krus ulit ang landas namin!
Marahil bata pa sila kaya gano'n ang pagkainteres sa kanya ng kanyang kinikilalang kaibigan ngunit dahil hindi iyon sapat na dahilan para pag tangkaan siya! She didn't think he could do that to her and she was still his friend!
Ilang araw din siyang namalagi sa kubo na nakita njya at nanatili siya doon. Inabot siya ng ilang linggo at.talagang pinagbibigyan siya ng diyos dahil wala man lang kung sino ang pumunta doon kahit yoong may-ari ng kubo. Matapang din siyang babae dahil nakakaya niyang mag-isa doon! Wala naman siyang magagawa dahil kailangan niyang tapangan ang sarili para lamang makalayo sa mga taong hindi siya tanggap at sa mga taong may balak na masama sa kanya.
Lumipas ang isang buwan at naroon parin siya sa isnag kubo na pinagtataguan ngunit sa kasamaang palad habang natutulog siya may isang manloloob ang pilit na pumapasok sa loob ng kanyang kuwarto na tinutulugan. Wala siyang ideya kung sino o' baka ang may-ari ng kubo iyon ngunit dala ng takot nag dahan-dahan siyang bumaba sa katre at inabot ang isang tubo na isang dipa ang haba. Kabado man siya niligpit niya parin ng walang ingay ang mga gamit niyang dala-dala noon at mabilis na nilagay sa kanyang back-pack. May lihim na pintuan sa kuwarto na tinutulugan niya at doon siya walang ingay na lumabas. Halos lumabas na sa ribcage niya ang kanyang puso dahil sa matinding dagundong dulot ng kaba!
Aabot pa kaya ako sa byahe papunta sa Isla? May mga bangka pa kaya na bumabyahe sa pantalan kapag ganitong oras?
Para siyang baliw na kinakausap ang sarili habang papalayo sa kubo na tinigilan niya ng halos isang buwan. Habang papalayo sa kubo gano'n na lamang ang sunod-sunod niyang pag dadasal sa itaas na sana gabayan siya kung saan man siya dalhin ng kanyang mga paa. Sana hindi siya pabayaan sa magiging kahihinatnan niya. At sana may mabuting tao na kumupkop sa kanya kung saan man siya mapadpad at tatanawin niya iyon na isang utang na loob at gagawin niya ang lahat para lamang maibalik ang mga naitulong sa kanya kapag nagkataon.
Sa ilang oras niyang paglalakad nakarating din siya sa pantalan kung saan naroroon mga nakahilera ang mga bangkang bumabyahe papunta sa Isla. Mabuti na lamang at may mabuting tao na nagpasakay sa kanya kanina hanggang sa labasan ng pantalan kung kaya't nakaligtas agad siya dahil kung hindi soguro naabutan siya habang naglalakad lamang ng tao na pilit na pumapasok sa kubo. Nakahinga siya maluwag nang makita niyang madami-dami paring mga bangka na posibleng masakyan patawid sa Isla Verde. Inayos niya muna ang kanyang sarili, pinunasan niya ng panyo ang kanyang mukha bago tinali ng buo ang kanyang buhok. Akmang hahakbang na siya papunta sa isang kamalig kung saan doon kumukuha ng ticket nang may biglang nagsalita sa kanyang likuran kaya agad siyang napatingin kahit hindi naman siya ang tinatawagan.
“Riki! Riki! May isang dilag pa dito, baka pasahero din 'to, isabay mo na para makaalis kana boy!”
Mabilis niyang sinundan ang tingin ng matanda na nagsalita sa kanyang likuran. Nagtama ang paningin niya sa isang lalaki na nakasakay na sa bangka habang nililikom ang mahabang tali ng bangka. Mukhang paalisin narin iyon at tanging nasa tali lamang ang nakapukos ang atensyon no'ng Riki na tinatawag ng matanda pero bago niya alisin ang paningin sa lalaki ay tumingin na ito sa kanya. Tumawa ito sa kanya na halos mawala na ang mga mata nito dahil sa sobrang singkit. May kapayatan din ang lalaki at bagsak ang buhok nito na may kulay ang ilang parte. Pakiramdam niya dayuhan lamang ito dahil ibang-iba ang hitsura nito kumpara sa mga pinoy.
“Sasakay ka ba o' hindi? Last trip na'to at bukas na ulit ng tanghali ang sunod na byahe.”